Saturday, January 1, 2011

I love you ipis ipis very much

happy new year ! Im back.. Muli rin pong nagbabalik ang kwento ng isang ipis na umiibig. Para po sa mga hindi alm ang kwentong ito. Ito po ang mga link


kabanata 1 AKO ANG SIMULA
kabanta II INUMAN
kabanata iii HAPDI, KIROT at SAKIT
kabanata 4 LAMAY
kabanata 5 Pagbabago
kabanata 6

KABANATA VII

PANLILIGAW



Laking tuwa ko ng maging magclose kami ni intsikticide. Kaya kada araw na dumaan, Wala akong pinalagpas. Araw araw binibisita ko siya. Sinisuguradong ang bawat araw na lilipas ay makikita ko siyang ngumingiti. Hanggang sa mapagpasiyahan kong ligawan siya.

Sa kadahilanang matinik sa chikas ang repipis ko na si kulot. Pinuntahan ko siya at sa kanya nagpatulong

Ako : repipis, may problema ako. May gusto akong ligawan?

Kulot: ligaw? Kelan pa naging problema yan?

Ako: meron ka bang alam na mga banat diyan? Para mabilis ko siya mapasagot?

Kulot: hahaha yun lang ba? Okay sabihin mo to sa kanya

Maglaro tayo ng Plant vs Zombies. Ikaw yung zombiez at ako naman yung plant. Para habang kinakain mo ako. Titirahin kita.

Ako: Sablay yan repipis!!

Kulot: haha. Nagbibiro lang ako. Ano ka ba? Mas effective sa mga babae kung sasabihin mo sa kanila yung totoong nararamdaman mo.

Ako: tama k nga repipis!

Kaya pinasya ko na sa sariling diskarte ko na lang liligawan si intsikticide.

Day 1

Ako: Alam mo intsikticide? Dito sa loob ng aparador, ikaw ang pangalawa sa pinakamaganda.

Intsikticide : pangalawa? Naaning ka ba? Ako lang kaya mag isa dito? Sino yung pang una? Ikaw?

Ako: hahaha. Baliw! Hinde! Yung pang una? Ikaw pa rin kapag nakangiti ka..

Day 2

Ako: oh kunin mo to!

Intsikticide : ano to? Kutsara? Aanuhin ko to?

Ako: haha. Ipagpalagay na lang natin na pala yan. Panghukay mo

Intsikticide : Panghukay saan?

Ako: i just want to show you how deep my love is.



Day 3

Ako : pwede magtanong?

Intsikticide: nagtatanong ka na!

Ako: sungit mo ah? Hehe. Meron ka?haha

Intsikticide: tao ako? Tao ako? Paano ako magkakaroon. Lintik ka! Oh anu ba itatanong mo?

Ako: Kung sakaling mahanap mo na yung lalaking magmamahal sayo. Anong petsa mo gusto ikasal?

Intsikticide: Ang hirap naman ng tanong mo? Haha.

Ako: just give a date magkakatatoo daw kasi yun kapag ganun.

Intsikticide: sige sige, uhmmm February 14 2013. Eh ikaw kelan mo gusto magpakasal?

AKo : edi February 14 2013 din. Sayo.

Day 4

Ako: alam mo para kang nanay at tatay ko

Intsikticide: hanoooh????

Ako: oo kasi isa ka sa dahilan bakit nabubuhay ako sa mundo ..



Day 5

Ako: pssssssstttt. Pakibasa naman to oh..

Intsikticide: ano ba naman yan!? Ang tanda tanda na hindi pa rin marunong magbasa.

Ako: dali na basahin mo na

Intsikticide: uhmmm teka......M_ND_K_. Eh ano naman to?


Ako. Uhmm ang mundo ko. Pero kulang pa. Its U at ang OO mo



DAY 6

Ako: kunyari sasali ka daw sa beauty contest tapos ako yung judge.

Intsikticide: tapos?

Ako: edi magtatanong na ko sa question answer portion

Intsikticide : sige sige mukhang Masaya yan. Game

Ako: Kung ako ay isang tanong? Kelan mo ako sasagutin?

DAY 7

..................

DAY 8

Intsikticide: Bakit wala ka kahapon?

Ako: namatay kasi ako

Intsikticide : namatay?

Ako: oo alam mo naman diba? Matagal na akong patay na patay sayo?

Intsikticide: hehe ikaw talaga! Namiss tuloy kita. Namiss mo ba ako?

Ako: Hinde?

Intsikticide: ay ganun?

Ako: oo kasi kahit kailan hindi ka naman nawala sa pusot isip ko eh.



DAY 9



Ako: oh kunin mo to!

Intsikticide : Kutsara? Nanaman? Paulit ulit?

Ako: hehe oo kasi paulit ulit kong ipaparamdam sayo how deep my love for you is



Sa ika sampung araw. Dinalhan ko siya ng isang dosenang ibat ibang bulaklak. Hehe. Joke lang. Ibat ibang kulay na santan lang. 11 dun ay tunay at yung isa gawa sa plastic. Inaabot ko k okay intsikticide tapos sabing

“intsikticide ang pagmamahal ko sayo ay magpapatuloy at magpapatuloy hanggang sa malanta ang lahat ng bulaklak na ito. Pwede ba kitang maging gelfren”

Kinilig si intsikticide. Sa sobrang kilig ramdam ko muntik pa nga siyang maihi. Napigilan lang niya. Tapos sabi niya.

“OO lufet, OO Tayo na”

Tuwang tuwa ako. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Pero meron isang katanungan pa rin ang naglalaro sa aking isipan . Kaya muli ko siyang tinanong.

“ uhmm intsikticide my honeybunch..may tatanong ako..ok lang? Paano tayo magsesex? sabay ngiti...



Itutuloy

kabanata VIII 
kabanata IX
kabanata X : ang pagtatapos

28 comments:

chikletz said...

winner ung "kung tanong ako kelan mo ko sasagutin" shet! napamura ako ng di oras! hahaha! malufet na linya un friend!

happy new year!

panu nga ba nagsesex mga ipis? pucha nageevolve lang yata sila eh. haha!

chikletz said...

akalain mo un... naka-base ako sa page mo. takte! ganda ng simula ng taon na to!

Michael said...

Kaya ka pala naging kikilabotz, ma-try nga mga one-liner mo.. Ikaw iyong zombie, ako iyong plant, kainin mo ako, tapos titirahin kita.. Ahihihihi.. :D

Xprosaic said...

Yun oh! hanep sa banat! ayaw paawat! hehehehe o diba pagkasampung taon epektib! hehehehehehe

khantotantra said...

nagbabalik ang istoryang nakakakilig... :D

Grabe na ang mga banat. love is in the air.

Nice at eto ang nabasa ko for 2011. :D

astig yung day 5. :D

-=K=- said...

Naaliw naman ako sa MUNDO KO na pick up line mo! Weeeenur!

Ikaw na! Ikaw na si Don Romantiko! Heheheheh!

Ipublish mo na yung next episode! Excited nako!

Ms. OkrayPinay said...

Happy new year kk. :) Ang coolet. Ayos to na start ng taon. Love is in da air? Malapit na valentines.. Ayeeee..

- Ms. OP

Diamond R said...

ang lulutong ng tawa ko sa kwentong ito.ang lufet mo. uhmmm honeybunch kaagad sabay tinanong kung papaano magsesex.

Leemi said...

ahahah sa dami ng punch mo, sa sextime ako natawa talaga, pano nga ba? sa next chapter ba yun ang topic? ahahhaha sulat ka na ulet dali!!

workaholicgirl said...

padaan marvs.. at last nakabisita ako sa bahay mo d2..
nkktuwa ang iyo kwento at may potential ka marvs.. bkit di ka sumali sa sba..? my talent ka..
infairness ang swete ni ipis sa iyo..malamng maraming cyang kaaway na girls..kawawang ipis.. at sakit tyan ko about sa sex.. wahahahah
abangan ko ang sususnod na kabanata

Meg said...

happy new year!

KikomaxXx said...

hahaha di parin nawalan ng kumekesong effect.. hahaha natatawa lang ako sa epis parang napaka pursigido.. hahhaa

KUMAGCOW said...

Sino ba gusto mong ligawan Marvz... kunwari ka pa eh hehehehe

Bino said...

oo nga! paano magsesex ang ipis at insecticide! nampotah nagbackread ako ha!hehehehe.

hArTLeSsChiq said...

Panalo yung banat sa mundo mo...hahaha astig ah..mukhang inspired ang bata....abangan ko next chapter para malaman ko din kung pano ang good times ng mga ipis!lol

BatangGala said...

yess!nagbalik na ang kwentong ipis! :) hanep sa mga banat si lufet!haha:))

kikilabotz said...

@ chikletz- bulaga..base ka nga. hahaha. happy new yr. oo magndng simula yan. have an awesome new yr ^_^

@ michael- hahaha. mali..yahahahaha, happy new year

@xprosaic- anung sampong taon..araw lang araw. hahahaha.happy new year

kikilabotz said...

khantotantra- xempre, walang katapusan yang story na yan. hahaha. happy new year

@ khai- wahahahaha. ed gagamitin mo n yan sa mga boyletz mo. happy new year

@ ms OP- hahahaha. sayo im sure maraming naiinlove. happy new year

kikilabotz said...

@ diamond r- bwahahahaha. maski ako hnd ko rin alam kung papaano. hahaha. happy new year

@leemi- nyahahaha. ako din dun lng natawa eh. hehe. happy new yr ate ^_^

@mhel uhmm sayang hindi mo nabasa yung part 1. mgnda pa nmn yun. astig. hehehe

kikilabotz said...

meg- happy new year sayo..

kikomaxx- pards happy new year. oo try mo basahin ang part 1 matutuwa ka. promise..

kumagcow- wahahahahaha secret. nyahahaha. happy new year

kikilabotz said...

@ bino- nakanang putcha ayun ang matinding katanungngan. hahaha.

@pinsan- wahahaha. pinsan alam mo na. alam mo na ano gusto ko. bilisan mo

@ batanggala- ahahahaha. hanep. alam mo p rin ang pangalan. oh yesss!!

Ako si Yow said...

Hindi ko kinaya ang Mundo ko na kulang ng U at Oo mo. Haha. Nasuya na ako ng tuluyan. Haha. Paano nga naman magjejer yan? Booo...

Axl Powerhouse Production Inc, said...

wwhahahah ang kulit naman... new series... hehehe imba :D

new layout din heheh :D

kikilabotz said...

@ yow- wahahahaha. di ko rin alam eh. bahala na. ahahaha

@ axl- nyahahahang layout seson 2 daw ito eh. hahahaha.

Ronster said...

ang tagal nasundan ng series na to ah...

glentot said...

Ay hanep, tuloy pa rin ang saga ng mga cockroaches, papantay na ito sa Harry Potter series!

Andy said...

andyan nanaman ang mga ipis! asan na ang baygon? LOL!

kikilabotz said...

@ ronster- hahaha ganun talga

@ glentot- wala tong katapusan. nyahahaha

@ andy- first time mo dito ah? hahaha