Friday, February 26, 2010

therefore i blog!

Alas 6 ng umaga,Papasok pa lang ako sa trabaho. (OO late na! kaya nga nagmamadali na eh.) Habang pababa ako ng hagdan ng MRT  ay may nasalubong akong paakyat na  isang babaeng maganda na nakaputing T shirt. Nabasa ko ang quotes sa kanyang damit na nagsasabing " I THINK THEREFORE, I BLOG " . Lumaki ang mga mata ko at natuwa sa aking nakita. Parang gusto kong hubaran yung babae at iuwi ang kanyang suot na damit.Pero mas gusto ko kung pati sya ay maiuuwi ko.haha.joke.

Naalala ko tuloy kung papaano nagsimula ang lahat. Kung papaano ako natutong gumawa ng blog. Kung papaano ako naging ganap na isang blogger. Dahil sa nakita ko nagkaroon ako ng magandang idea kung anung magandang ipost sa blog ko. Kaya habang nasa trabaho ako eh medyo naeexcited na akong makauwi para masimulan ko na ang pagbblog.

Matapos ang dose oras na trabaho. Nagmadali akong makauwi ng bahay.At ng makarating na ako sa aking munting maruming tahanan. Agad agad kong inihagis  ang dala dala kong bag sa kama. Nagmamadaling nagpalit ng kasuotan. Kumain.Nagtutbrashsss. At yun na!!. Sinimulan ko nang matulog.
 (bkit ba? pagod ako eh)

Makalipas ang ilang araw na pag-eemo. Naisipan ko ng simulan ang pinaghirapan kong isipin na entry.At ngayon andidito ako at tinatype ang mga salitang naiisip ko para ikwento sa inyo kung papaano nagsimula ang lahat. Mahaba toh kaya be patience.

Nagsimula ang lahat nung kakapasa ko lang ng board exam. I was too depressed. Bukod sa walang trabahong mahanap. Kakabreak lang namin ng ex ko. so Humanap ako ng paraan para matawa. Para kalimutan ang mga problema ko sa buhay. Tapos nakita ko madaming mga messages sa inbox sa yahoo mail . puro friendster blog updates. Sinubukan kong basahin. waaaaaaaaaahh!! Badtrip!! english!! english at english! Muntik ko na isumpa ang pagbblog! Asar! Wala na ngang trabaho tagdugo pa ang ilong ko. haaayy

Ewan ko. Pero sinubukan ko na lang bigla. Para siguro makalimutan ko ang mga problema ko. Para siguro may mapagtawanan ako. At ayun nga. Natapos ko ng first ever blog entry ko.

http://kikilabotz.blog.friendster.com/2008/09/hello-world/

at ayun na nga. Nagulat ako sa  magandang feedback na natanggap ko. may mga nagcomment. wow! ganito pala dito sa mundo nang blogging. Parang I accomplished something na maganda. Ang sarap ng pakiramdam ko. Nawala sandali ang mga lungkot at hinagpis na naramdaman ko nung mga panahon na yun. Kaya simula nun. edi simula nun. haha. joke. Hndi ko na maiwan ang pakiramdam na yun na minsang tumatanggal sa mga lungkot ko.

SA PAGBBLOG NALAMAN KO KUNG BKIT BILOG ANG BOLA NG BASKETBALL. MALAMANG SA ALAMANG  DAHIL  KUNG SAKALING HUGIS STAR YAN HINDI YUN MAGKAKASYA SA RING!! wahahaha. corny eh noh! bumabanat pa ng ganun! haha

Tuesday, February 23, 2010

Pag namimiss mo sya

Iba talaga ang pakiramdam kapag  sobrang namimiss mo ang isang bagay. Kahit sino pa  o kahit ano pa ito. Magulang, kaibigan, Kaklase,Anak, Minamahal o kahit yung mga kuto mo nunb bata ka pa. kapag namiss mo na. Wala na. Wala ka ng kawala.

Bigla na lang titigil ung mundo mong napakabusy. Parang sobrang tagal  umandar ng oras mong kay bilis. Gusto mo itulog pero hindi ka naman makatulog kakaisip.Mararamdaman mo ang  malakas na tibok ng iyong puso. .Medyo mahihirapan kang huminga. Babalik sa alala mo yung  mga nakaraan na nageenjoy ka kasama siya.Makakarelate ka sa bawat kantang maririnig mo. Lahat ng bagay na may connection sa kanya maalala mo siya.

Sobrang hirap. Sa lahat ng pwedeng maramdaman eto ang pinaka ayaw ko. Kapag namimiss ko siya. mas namimiss ko pa siya sa softdrinks na kinaadikan ko. Uhaw ako sa mga tawa niyang nakakatanggal ng uhaw. Gutom ako sa mga ngiti niyang nakakabusog. DAMN! i miss her so much. Parang gusto ko umiyak pero wala na atang mga luhang mailalabas pa

haaaaaaayyy

PARANG GUSTO KO TULOY ULIT GUMAWA NG VIDEO NA KUMAKANTA AKO. ANU KAYANG MaGaNDAng KANTAHIN? SUGGEST SUGGEST!!



@ dhiannZZsss- waahahahaha. kasalanan mo eto eh. hahaha. dumaan ako s blogspot mo napaka senti ng mga kanta mo. ahahaha. ayun naalala ko nanaman siya. joke lang po. peace

Tuesday, February 16, 2010

am i diabetic?

Adik ako sa softdrinks. Yan ang isang bagay na hindi ko maitatanggi. Paano ba naman pagkatapos ko kumain eh pupunta na ko sa tindahan at bibili ng sakto, Pag nabitin bibili ulit ng pop na maliit. Pag medyo uhaw pa, sparkle naman. wow! partida gabi pa yan! pano pa kaya kung tanghaling tapat ako kumain? malamang sa alamang mas marami pa.

Madalas na ang panginginig ng aking kamay. In other words medyo pasmado na ako.Hirap na ako gumuhit ng straight line kapag sinusumpong ako ng tremors. Kuro kuro ng iba nasobrahan daw ako sa pagsasarili. Haha. Wag ka maingay hindi naman masyado kunte lang.hehe. Pero sabi ng isa kong kaibigan meron daw siyang kakilala na same ng experience sa akin at may diabetis daw yun. Medyo naniniwala ako kasi nasa lahi namin ang pagiging diabetic. Sa father side ko , yung tita ko meron. Sa mother side ko. uhmmm... si mama lang naman mismo. In short Maganda ang lahi namin.tsktsk

Kaya nga ngayun. Pinapangako ko sa sarili ko na magiging healthy na ang lifestyle ko. Tigil softdrinks muna at sisimulan ko na ang pag eexercise. Habang maaga pa. Mahirap na baka mahuli pa ang lahat.

Mahirap masanay sa tamis ng buhay,
Kaya siguro gumawa si Lord ng bitterness sa mundo

Saturday, February 13, 2010

bato bato sa langit tamaan sapul

ang larawan na ito ay hiniram ko lang sa facebok na hiniram naman nila sa tumbler.salamat  sa kanila at ngayon ay nagugutom ako.grrrrrr

Since valentines ngayon malamang sa alamang love at love pa rin ang pag-uusapan natin. haha. Ang hindi makisali KJ.hahaha.

Meron akong isang kaibgan. Itago na lang natin siya sa pangalang babz. Medyo mataba at medyo maliit ang kanyang pangangatawan.madalas ko siya makalaro sa DOTA at inaamin ko mahina siya dun.wahahaha.Minsan napag-usapan namin ang kanyang lovelife. At ang sabi nya na hindi ko malilimutan ay....

SANA MAKAKITA RIN AKO NG MAKAKAINTINDI SA AKIN

Matapos ko marinig ang sinabi nya na yun. libo libong ideya ang pumasok sa isip ko. At kelangan ko mamili na magandang ireply sa sinabi nya..Pero isa lang ang nasabi ko

PARE WAG GANUN!! HUWAG MO HANAPIN ANG TAONG MAKAKAINTINDI SAYO ! HANAPIN MO YUNG TAONG IINTINDIHIN MO.

Isa pa ulit kaibigan ang binigyan ko ng payo. Itago na lang natin siya sa pangalang Emo. Madalas ko rin siya makalaro sa DOTA. At kung si babz ay mahina. pano pa ito? no comment na nga lang. Minsan pinayuhan ko siya

WAG MO MUNA ITXT NG ISANG ARAW MAGPAMISS KA MUNA!!

At ginawa naman ng loko. Ang problema imbes na isang araw eh isang buwan siyang hindi ngtxt. kawawang bata.Matapos ang pangyayaring iyon! araw araw gusto nang  mag-inuman. Minsan nga sabi nya naisip na daw niyang magpakamatay . Xempre dahil sa mabait akong kaibigan pinayuhan ko ulit siya. at ang sabi ko

ah ok!ingat sa pagpapakamatay.

Ibat iba talga ang mukha ng pagmamahal. Minsan hindi mo na alam ang ginagawa mo. At minsan alam mo na ngang mali, ginagawa mo pa rin.

Para sa akin ang pagpapakita ng pagmamahal ay parang paghagis ng bato sa kalangitan diretso paitaas. Mas todo pwersa mong ihagis mas mataas ang mararating.Pero mas mabilis ang pagbulusok pababa. at mas masakit kung tatamaan ka. But the essence of truelove ay kahit ilang beses kang masaktan ang mahalga hnd ka magsasawang bumato ulit.

Ngayong valentines day, May kadate ka man o wala. single or married huwag natin kalimutan si Lord sa itaas .Dahil kung icocompare natin ang pagmamahal niya sa atin. Malamang sa alamang Araw araw Valentines

















Wednesday, February 10, 2010

ang walis ni inay

Problems make my world go round sa mga panahon ngayon. Na sa bawat oras na nagdadaan may panibago nanamang dumagagdag sa listahan ng aking mga problema. Sobrang hirap. Parang  pieces ng Lego na nagkapatong patong hanggang maging kasing taas na ng mga building sa makati.

LOVELIFE -Akala ko nga dati na limot ko na siya. Oo nga at minsan naalis ko na siya sa isip ko, Pero ilang saglit lang bumabalik na siya. Kasi, Hindi ko siya maalis alis sa puso ko. waaahh!! naku naku! help me lola! I still love her

CAREER - Hanggang dito na nga lang ba ako? kailan ba  dadapo ang swerte ko? kulang pa ba ang mga pagsusumikap ko? Sana makahanap na ako ng trabaho na may magandang sweldo na mapagmamalaki ko sa mga magulang ko na nagpakahirap para matapos ko ang pagaaral ko. Gusto kong suklian ang hirap nila.Nahihiya na ako sa kanila.

MONEY- walang money kaya  walang masulat

Naalala ko yung walis ni inay. Na  kahit gaano pa kakalat sa amin, Na kahit gaano pa kadumi. Kapag nagwalis na si inay gamit ang kanyang ordinaryong walis lahat lumilinis parang bang my magic.Thats why i realized something. Na ang buhay ng tao parang tahanan, At ang problema ay parang alikabok. Araw araw may madadagdag at dudumihan ang tahanan nyo. Kaya naimbento ang walis para tulungan kang alisin ang mga kalat na nabuo.

tahanan= buhay
alikabok = problema
walis = ??????

Naisip ko lang kapag inipon ko ba ang alikabok sa isang paso tapos naglagay ako ng munggo. Magiging toge kaya eto?




nagtataka ako, bkit kapag naririnig ako ni mama kumanta hinahabol ako ng walis nya