Thursday, December 31, 2009

naalala ko tuloy

naalala ninyo pa ba si gbfhuioytsr hjre?? yung kaibgan kong langgam na mahirap ispellingin? huhuhuhu. too bad !! too bad!! kaninang umaga! Nakita ko siyang palutang lutang sa timba nang aming banyo. huhuhu. pinulikat siguro yun habang lumalangoy. tapos nakainom ng maraming maraming chlorine.huhu.

gbfhuioytsr hjre bkit mo ko iniwan.
gbfhuioytsr hjre bkit hindi ka nagpaalam.
gbfhuioytsr hjre mamimiss kita.

gbfhuioytsr hjre huhuhu.  walang pumapayag na ispulturero na mag-ukit ng pangalan mo. akalain ba namang pagmumurahin ako. pahirapan ko ba daw sila! grrrrrrrr.. kaya napag-isipan ko. Na ilagay ka na lang kahon ng posporo at ihagis   sa creek malapit dito. pasenxa na hindi maayos ang libing mo.

naalala ko tuloy

ang isang video na napanood ko sa facebook at sa youtube.




woooohhh. naiyak ako ng pinanood ko toh.

happy two thousand and ten sa ating lahat... wooooooott wooooooww

Wednesday, December 30, 2009

kung araw araw ay pasko

Ang saya tuwing pasko.
may pagkain,
may regalo,
may ngiti,
may katuwaan,
may kantahan,
may pagdiriwang at higit sa lahat
ramdam mo na may nagmamahal sayo.

Alam ko hindi lahat masaya tuwing sasapit ang  pasko. Nariyan yung naabutan ng trahedya sa buhay, o kaya naman yung kapos at walang pang noche buena or khit pagkain man lang pang tawid ng gutom.  Andiyan din yung mga taong malalamig ang pasko.iniwan ng special someone. At ang hinding hinding mawawala ay yung mga ninong at ninang na bigla na lang nawawala. Nasan na kaya ssila noh?haha. Isa yata ako dun..ewan. Pero ang mas pinaka kawawa ay yung mga inaanak na na pinagtataguan. Hindi lahat ng pagkakataon masaya maglaro ng hide and seek ! Lalo na pag ikaw lagi ang taya!! hahaha. namiss ko na nung bata pa ako.  Lagi na lang utang muna inaanak ha? next yr na lang. (anaknangputchaoh!) alam ko naman na walang katapusan ang next yr na yan eh.At ngayong matnda na ako. hahahaha. gagayahin ko ba sila? good idea!! hehe

I wonder if everyday will be XMAS. Will Santa continues gift giving? Will the number of obese person increase? Will there be xmas hollidays? if there is then everyday will be  hollliday? oh yeahh!!


 (gulat ka noh? english ..haha. tagal kong pinagisipan yan mga 53 hours..ilang araw un? pagbigyan na pasko naman eh.)

ang sarap siguro noh? kung araw araw pasko. malamang araw araw may bonus.hehe. At sana huwag natin kalimutan na ang pasko ay ang bday ng ating pinakamamahal. eto ay pagdiriwang ng kanyang kaarawan. though not exactly the date it should be. Dapat magpasalamat tayo kasi Siya ang the best gift na pwede matanggap.

Araw araw po pasko. Kasi araw araw naman sinisilang si Jesus sa ating mga puso at isipan.

kaya hindi pa huli ang lahat pwede nyu pa akong bigyan ng regalo. hehe. go go go

Sunday, December 13, 2009

masama ba maging mabait?

                     Mabait? Meron pa bang mga taong ganun? Kung meron man nasan na kaya sila? Hindi kaya extinct na rin sila kasabay ng mga dinosour sa jurassic park?  O kaya naman nagtatago lang sila kung saan saan? Kaw mabait ka ba? Bakit sa panahon ngayon parang kasalanan na ang pagiging mabait? Ganun na ba kabaligtad ang mundo?

Kanina lang habang nakahiga ako sa kwaro naririnig ko ang mga eksena sa TV n pinapanood ng aking mga kapatid sa sala.

ang eksena isang cancer patient ang malapit ng mamatay kausap ang kanyang anak.

cancer patient: bkit ganun? Kung sino pa ang tumutulong sa kapwa bakit siya pa ang nabigyan ng ganitong sakit. madami naman dyan. mga halang ang bituka. Pero sila pa ang nagiging masaya.

anak: Diyos lang po nakakaalam nyan.

oo nga naman. Bakit parang mas bida na ngayun ang masasamang damo? Tila nga sa mga pelikula ay mas matagal mamatay ang masasamang damo.

Bakit nga ba ganun? Kung sino mabait sila pa ang niloloko, kung snimabait sila pa ang pinagsasamantalahan, kung sino mabait sila pa ang inaabuso. Kung sino mabait siya pa ang pinako sa cruz. Kung sino mabait siya pa ang umako ng mga kasalang hindi naman kanya.

Sunday, December 6, 2009

Sa gitna ng EDSA

Minsan may napansin akong isang paru-paro sa aming base somewhere sa EDSA. Nag-iisa at nakadapo sa sahig ng aming station.Nakasteady lang sya at sa unang tingin parang deads na. Napaisip ako. Anu kaya ang gingawa ng isang musmos na paru-paro dito sa gitna ng EDSA. Pipiktyuran ko nga sana ng maisip ko baka camera shy sya.wag na lang.

Maya-maya. Bigla na lang pumasok sa aking walang laman na isipan. May pagkakatulad pala kami ng batang paru-paro na iyon! Anu nga rin ba ang ginagawa ko dito sa gitna ng EDSA?  Hndi naman ako traffic enforcer! Bakit ako andito? Alam ko may diploma ako ng isang apat na taon na kurso. may lisenya ng PRC bilang isang Nurse.Eh anu ginagawa ko dito? Nakatambay? Nagbibilang ng mga sasakyang dumaan? Magmasid ng mga mgagandang chix na nagmamaneho ng mamahaling sasakyan? Hindi ko alam!!

Ibat iba na rin ang aking nakita duon. ibat ibang sasakyan. mercedez, jaguar, mini cooper, jeep,ambulansya, bus o khit anu-anu pang uri ng sasakyan. Ibat ibang mukha na rin nkita ko dun. May pulitiko, May artista, may mukhang artista, pangkaraniwang tao at syempre hindi din nawawala yung mga mukhang clown na isang tingin mo lang matatawa ka na. Dito ko nalaman ang pagkakaiba ng mga tao. Ang estado ko sa buhay kumpara sa kanila. OO. inaamin ko .Sa liit ng sweldo ko  Minsan Naiinggit  ako sa kanila. Sa yaman nila. Pero hindi toh magsisilbing sagabal sa akin. Sa halip ginawa ko itong motivation para lalo pang magsumikap at magtiyaga.

Nahihirapan ako. Pano ko napagtitiyagaan  ang ganitong klaseng buhay. Ang manatiling nakahinto habang ang paligid ko ay tuloy tuloy sa pagalaw. Nakakahilo, nakakabaliw.

Ewan ko pero kinilabutan ako sa dalawang quotes na nabasa ko habang nakatambay ako duon sa station namin na yun sa EDSA

Great people are just ordinary people but have extra ordinary determination

A hammer can breaks glasses but forges iron.

Siguro si God ay naglalaro din ng chess. At syempre isa ako sa mga pieces nya. At siguro nilagay nya ako dun sa gitna ng EDSA dahil alam nya may Gagawin ako dun.




Gaya din ako nang isang paru-paro.
 May mga pangarap na gusto abutin.
 Ang makalipad gamit ang sariling pakpak.
At tumulong magparami ng mababangong bulaklak.