Thursday, June 24, 2010

i love you ipis ipis very much

kung sakaling hindi mo pa nababasa ang part 3 eto po ang link

kabanata III: HAPDI, KIROT SAKIT

kabanata IV
LAMAY

Parang isang malungkot na eksena sa pelikula. Kasabay ng pagtulo ng aking luha ay ang pagpatak ng BULTOKACHI sa aking katawan na nagsisilbing parang ulan habang karga ko ang katawan niya at isinisigaw ang kanyang pangalan...(kung hindi mo alam ang meaning ng bultokachi pkigoogle)


DAAALIIIISAAAAAAAAYYY!!!!!

Isa...dalawa...tatlo..Apat na gabi akong walang tulog. Hindi ako pinapatulog ng mga alaalang masasaya. Lalo na at alam kong hindi na yun mauulit pa.Kahit kailan.

Naalala ko pa. Masaya kmi ni dalisay kapag nilalaro namin ang alaga kong si Manuy. Gustong gusto talaga laruin ni dalisay ang alaga ko. Ewan ko ba.Hinahawak hawak, pinipitik pitik, tinatapik tapik. Kaya galit na galit naman si MANuy. Minsan nga nakipaglaro ng peek a boo si Dalisay sa alaga ko. Gulat na gulat si dalisay. Natawa naman ako

Pero ngayon. Wala na si Dalisay. Kahit anong hawak ko, Pitik ko, Tapik ko kay Manuy ayaw nang magalit. Waaaaaaaahhhhhhh... oh no!!!

Balik tayo kay Dalisay bebe mylabs ko. Wala siyang kamag anak dito sa bahay ni Kuya. Kaya ako na ang umangkin sa kanyang walang buhay na katawan. Kahon ng tobleron ang nagsilbing kanyang kabaong para ihatid siya sa kanyang huling hantungan.

Dahil kaunti na lang ang lahing ipis na nakaligtas sa delubyong nangyari. Konti lang din ang nakapunta sa burol ni Dalisay.

PANOT: mga repipis magkape muna kayo

PEKLAT: wow ang sarap nito

SINGHOT: heavy nakakaadik ang sarap,

KULOT: oo ang sarap nga. San mo ba to nakuha panot?

PANOT: Galing sa KAFFE RAZZO yan..pinadeliver ko pa.

AKO: kaya pala ang sarap

KULOT: mga repipis. Samahan niyo ako. Maghanap tayo ng chix dalhin natin dito

PEKLAT: Baliw ka ba? Nakita mo na ngang nagdadalamhati ang repipis nating si lufet . Puro chix pa rin nasa isip mo

KULOT: C-h-I-C-K-s!! As in Sisiw ! tanga! Ilalagay natin sa kabaong maghahanap tayo ng katarungan.

PANOT: ayan kasi . natanga ka tuloy. Hehe

PEKLAT: hehe. Pero masiyado malaki yung sisiw. Tutukain lang tayo nun at kakaining parang bulatete

PANOT: SISIW lang yun.. (nakita niyang lahat nakatingin sa kanya at walang tumatawa.) Lagi na lng ba ganito ang eksena walang tumatawa sa joke ko!!! Grrrrrrrrrrrr..

LUFET: Ano bang ginawa natin para ganituhin tayo ng mga taong iyon....

Porke ba hindi nila gusto ang itsura natin?

Dahil ba sa naiirita sila sa atin?

Whats wrong with those people?

Papatayin nila tayo kasi ayaw nila sa atin? Kasi sa tingin nila nakakatakot tayo? Kasi sa pagkakaalam nila madumi tayo?

Sila lang ba may karapatan mabuhay sa mundo ?

MGA TAONG INA NILA!! MGA TAONG INA NILA LAHAT!!

PEKLAT: lufet, kalamayin mo ang iyong loob at magpakatatag ka.. darating talaga sa buhay natin ang mga ganitong pagsubok na magpapaluha sa atin. Luhang magsisilbing ulan para madiligan ang binhi na na nakatanim sa ating puso. Na balang araw magiging matatag na puno. Puno na nagbubunga ng tagumpay at kaligayahan.

PANOT: psssttt..peklat san mo nakuha yan? (pabulong na itinanong)

PEKLAT: wag kang maingay imbento ko lang yan!!ahihihi. tanga naman yan si lufet maniniwala yan. Hihi

Lumapit ako kay dalisay  habang lumuluha
Ang ganda ganda mo talaga. Bagay na bagay talgaga sayo ang pangalan mo. Alam mo?Kapag tumitingin ako sayo, Naiinlove ako.Paulit ulit. Walang katapusan. Pero ganun talaga eh. May pagkakataong kelangan na natin magpaalam sa mahal natin sa buhay.Adik ka! Nasanay ka na atang iniiwan ako. Tapos hahabulin kita. Pero ngayon iba na. Lalayo ka na at babalik sa langit bilang anghel. Huwag ka mag alala ang pagmamahal ko naman sayo abot hanggang langit

 Salamat at natupad mo ang pangako mo na mamahalin mo ako habang buhay. Ngayong patay ka na sana mahal mo pa rin ako.

Tatlong bagay ang itinuro mo sa akin

Una, tinuro mo sa akin kung gaano kaganda ang mundo at kung gaano kasarap mabuhay dito

Pangalawa, nalaman ko na kapag wala ka, Mali ang unang itinuro mo sa akin

Pangatlo, Mali ako, tama ka.



itutuloy...

kabanata V
kabanata VI
kabanta VII
kabanata VIII 
kabanata IX
kabanata X : ang pagtatapos


 




Friday, June 18, 2010

misteryosong fan page

" Gumawa ka ng isang fan page sa facebook"

Out of nowhere, Bigla na lang pumasok sa isip ko ang katagan yan. Isang simpleng pangungusap, Na hindi ako tinantanan sa loob ng umaatikabong dalawang  linggo.

The problem is, I have no idea kung anong klaseng fan page ang gagawin ko. Para saan at para kanino. Papaano ko ito sisimulan kung hindi ko alam ang gagawin ko.tinanong ko sarili ko.

"kikilabotz ano ba talagang gusto mo?"

Bukod sa mapaligiran ng magaganda at seksing mga babae, Gusto ko din maging  bahagi o dahilan ng kasiyahan ng iba. kahit kailan hinding hindi ko ipagpapalit ang kasiyahang dulot nito sa akin.

Again, coming out of nowhere. Nakaisip na ako ng tema sa gagawin kong fan page. The theme is to help people to overcome  their sadness. Kaya nga  dapat nakakatawa, dapat nakakatuwa at higit sa lahat dapat nakakainspire.

Para kasi sa akin. Ang kalungkutan ay isang sakit na nakakahawa at minsan nakamamatay.  May ibat ibang rason kung bkit nalulungkot ang isang tao.At minsan hindi nating kayang pigilan ito. But i know one thing na kaya nating gawin. At eto ang ginamit kong inspirasyon para makagawa ng isang fanpage

I know hindi ko kaya mag isa ito. Kaya nga gusto ko sana iinvite kayo na suportahan ang fan page na  nagawa ko. With out you it could be nothing. And i know malaki ang maitutulong mo.

Be the reason for someone's happiness. At Ipagkalat mo ang salitang kasiyahan



You know what?. Isang pangyayari ang nagpangiti sa akin ng lagpas lagpas tenga.

Sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan, Bigla na lang naramdaman ko ang kalungkutan. I felt so lonelyand so empty. And then. Suddenly, I saw a book, written by Mr Bo sanchez.

Pakiramdam  ko tuloy sinabi sa akin ni God..

"anak natatandaan mo pa ba ang fan page na pinagawa ko sayo? Basahin mo ang title. At magiging ok na ang lahat" 

ETO PO ANG LINK NG FAN PAGE --  pakiclick   


 

Tuesday, June 15, 2010

coffee break

kamakailan lang isang paanyaya ang aking natanggap mula sa isang gwapong gwapong gwapong gwapong blogger na si Kuya chinggoy. Na kung akin daw mamarapatin, Ay maari daw ba akong maging isa sa mga panauhing pang(jolina mag)dangal sa kanyang humble na coffee shop

At dahil for the past few days ay naging busy ako sa aking taping ng pelikula ko (youtube). Naisip ko na rin na tanggapin ang kanyang alok. I think i need a coffee break para mawala naman ang stress sa aking buhay. Stress kakaisip at kakapanood sa pelikulang ako ang bida, ako rin ang kontrabida at ako pa rin ang extra. In short ako lang ang cast..

Sa Sta mesa, Manila. Malapit sa SM center point, Sa tapat ng UERM matatagpuan ang coffee shop na nag-ngangalang kaffe Razzo


Mga 10-15 people ang kasya sa loob, At kapag gusto mo sa labas accessible din yung mga chairs and tables.Simple at mgnda ang ambiance. konting designs na magndang tignan, Kaya kung gusto mo ng tamang relax relax, tamang bonding with friends, tamang date, at tamang pag iinternetan (wi-fi zone)..I think kaffe razzo is one of the best place to be..

kung Menu naman ang paguusapan. Siguro mga tatlong beses lang ako nagpabalik balik. Gusto ko na nga sana dun tumira at bumuo ng sariling pamilya eh. kaya lang hindi pwede. sayang

here are some pics

napamahal na ako sa kaffe razzo..pakiss nga!









BUMISITA NA SA KAFFE RAZZO NI KUYA CHINGGOY TIYAK MAPAPAMURA KA SA SARAP..OH YEAH ^_^


special thanks to jay, anton and allen for the pics..nkikigrab lang.hehe.walang pambli ng camera eh





Monday, June 7, 2010

i love you ipis ipis very much

kung sakaling hindi pa ninyo nabasa ang kabanata 2 eto po yung link
kabanata II:INUMAN


kabanata III
HAPDI, KIROT at SAKIT




Nagmamadali akong lumipad para hanapin ang nag-iisang babae sa puso’t isip ko.At sa aking paghahanap, Nakita ko ang isang matandang ermitanyong ipis .Pakiramdam ko meron siyang gusto sabihin sa akin kaya dumapo muna ako sa tabi niya.Dali dali kong itinanong kung may nakita ba siyang isang magandang ipis na lima lang ang paa. Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sa aking mga mata at lumapit sa akin ng dahan dahan at ibinulong ang ilang mga pangaral.


Sabi niya....

 Ang pagibig ay parang pagbunot ng burnek o buhok sa puwet , Napakasakit pero nakakaadik



 Pakaiingatan mo yung mga nagmamahal sayo kasi yung mga nagmamahal sayo papakaingatan ka



 Ang hindi nakikita ng mga mata ay siya pang mas mahalaga



Nagpasalamat ako sa mga pangaral niya.Pero sa ngayon hindi pangaral ang hinahanap ko.Ang hinahanap ko ay ang ipis na nagsisilbing dahilan kung bakit patuloy na tumitibok ang aking puso. Nagpaalam na ako sa matandang ermitanyo. At lumipad palayo. Maya maya narinig kong tinawag niya aking pangalan. Kaya lumingon ako, Isang bato ang tumama sa mukha ko. Bigla siyang nagwika



“Tandaan mo lufet...Kapag binato ka ng bato

“Ano?”

“umilag ka! Tanga!”



Tumuloy na ako para hanapin si dalisay . Nagulat na lang ako sa nakita ko. .

Nagkakagulo na ang lahat

Maraming mga ipis ang lumilipad sa paligid..hilong hilo

Nagkakabanggan

Nanghihina

Umiiyak

Nagmamakaawa

nagdadasal

Humihingi ng tulong

Naghihintay ng himala

Umaasa na manatili ang kanilang mga buhay

Nakita ko ang dalawang repipis ko.. si Panot at si Peklat. Hinang hina rin at hilong-hilo. Tinanong ko sila kung anong nangyayari.. sabi nila may nagspray daw . Ginawa daw nila ang lahat ng makakaya nila para iligtas ang ibang mga ipis. Pero kahit na sila daw si PETER PANOT at KAPITAN PEKLAT hindi daw kaya ng powers nila ang amoy na yun. Mas matindi pa daw sa putok ni singhot.

Dahil may sipon ako nung mga oras na iyon. Hindi ko maamoy ang sinasabi nilang nakakalasong aroma .

“nasan si DALISAAAYY!!!?” tanong ko

“andun sa basurahan”

Dali dali kong lumipad papuntang basurahan . Nang malapit na ako. Kitang kita ko ang katawan ni dalisay. Nakatihaya at medyo nangingisay ngisay na. Mabilis kong pinuntahan ang mahal ko. . Nung nakita niya ako, Ngumiti siya..hinaplos niya ang mukha ko..sabay sabi

“alam mo ba kung bakit mahal na mahal kita?”

“ alam ko dahil kyut ako?”

“gago, dahil naniniwala ako sa kasabihang kapag gusto mo lumigaya ang iyong buhay humanap ka ng panget at ibigin mong tunay”

“ganun? Dalisay huwag ka na muna magsalita. Kayanin mo dadalhin kita sa doktor”

“joke lang...kaw naman..mahal na mhal na mhal na mahal kita kasi lagi kang andiyan.”

“kahit kelan dalisay hindi kita iiwan”

“salamat at sinamahan mo ako hanggang sa huling sandali ng aking buhay. Masayang masaya ako at nakilala kita”

“huwag kang magsaita ng ganyan dalisay. Magsasama pa tayo ng matagal. Matagal na matagal db?”

At ayun na nga ang huling mga salitang narinig ko mula kay dalisay. Umagos ang luha mula sa mga mata ko hanggang sa katawan ng aking pinakamamhal . Syempre kasama na rin yung sipon ko. Remember may sipon ako nung mga oras na yon...Buti nga patay na siya kaya hindi nakaangal eh.

Kaya kong tiisin yung hapdi ng dulot ng mga sugat, kaya ko rin tiisin yung kirot ng hindi pagkain  ng ilang taon, kaya ko rin tiisin ang sakit ng magpa sagasa sa ten wheeler truck..Pero ang hindi ko kinaya..ang makitang unti unting nahihirapan ang pinakamamahal ko. Ang sakit sakit pala..ang sakit sakit..nakakamatay

Bumalik sa aking isipan ang ala ala ng aming masayang nakaraan..

itutuloy

kabanata IV
kabanata V
kabanata VI
kabanta VII
kabanata VIII 
kabanata IX
kabanata X : ang pagtatapos

Wednesday, June 2, 2010

saan nawala?

May lahi ka bang detective? tulungan mo naman ako oh. nawawala kasi ang pera ko..

at ganito ang pangyayari.

Madaling araw kahapon, Bumangon ako mula sa pagkakahiga, naligo, nagbihis, kumain at nagsipilyo.. Kumuha ng umaatikabong 200 pesos sa alakantya.. tapos na isipan kong magdala ng extra money money money.  (2000 php)ayun. Isinuksok ko sa mahiwagang secret pocket ng aking mahiwagang pantalon.

tapos sumibat na ako ng bahay. Naalala ko na hindi pa pala ako nakakapagwisik wisik ng magic pabango. kaya dumura na lang ako sa kamay ko at ipinahid sa buong katawan ko. tutal ganun din naman

Sinundo ko ang aking bestfren sa aming tagpuan, galit na galit. isang oras na daw akong late.. sabi ko naman isang oras at isang minuto ka lang maagang dumating.kasalanan ko ba? sipain ko pa siya eh..Tapos lumapit ako ng konti sabi niya bestfren ang bango natin ngayon ah?sabi ko naman salamat. Tinanong ko siya kung gusto niya rin magpabango. sabi naman niya  "sure why not" kaya dumura ulit ako sa kamay ko at ipinahid sa mukha niya..sweet ko noh?

sumakay kami ng taxi. ako ang nagbayad wala daw kasi siyang barya.. ayun. Pagbaba namin ng taxi , naglakad ng konti tapos nakarating na kmi sa pupuntahan namin. nagpicture picture tapos

 its shoowwtime na..

Ayun.. napagpasiyahan na namin umuwi..sumakay ulit kmi ng taxi. sSabi niya ako ulit ang magbayad wala daw siyang barya..pambihira..Iisahan yata ako. Kaya dun ko pinara sa tapat ng jolibee. Tapos dukot ulit ako ng pera sa pambayad sa taxi.

bestfren gutom na ko kain muna tayo. wala akong buo kaya ikaw muna ang magbayad ha?sabay pinakitaan ko siya ng pamatay kong smile. ayun! napapayag ko naman at nilibre niya ako.

pagkatapos namin kumain, hinatid ko na siya sa sakayan ..tapos naglakad na ako pauwi sa bahay.
hinubad  ko yung pantalon ko  tapos natulog sandali, sinuot ko ulit yung pantalon ko para pumunta ng SM at bumili ng  bagong bagong no scratch na sapatos. pagtingin ko sa mahiwagang secret pocket ng aking mahiwagang pantalon..pugelshit!! wala na yung 2k ko. wala na akong pambili ng bagong bagong no scratch na sapatos.hinanap ko kung saan saan pero hindi ko talga makita.

Dahil mabait at kyut na kyut akong bata. hindi ko ipagdadasal na sana tubuan ng tatlong betlog sa mukha yung nakapulot ng dalawang libo ko. hinding hinde ko ipagdadasal. hinding hinde!!!!

Sa karanasan kong ito.

Napatunayan kong hindi pala totoo ang kasabihang

kapag may isinuksok  na dalawang libo may madurukot na dalawang libo..
dahil wala akong nadukot...ay meron pala..bente