Tuesday, January 31, 2012

Mabisang Pampapayat at pampalake ng katawan

Gusto ko lang sana ishare sa inyo yung natuklasan kong mabisang pampapayat. Astig. Sinubukan ko siya, at sa loob lamang ng isang linggo. grabe ang improvement na makikita sa ktawan ko.

Sabi kasi ng isang henyong si Jonathan Hayter  isa daw sa pinaka epektibong pampapayat ay ang pagamit ng iyong mata.

basahin ang kanyang isinulat na artikulo dito


iclick ang larawan para palakihin


sigurado hindi lang lalake ang katawan at ulo mo, titigas din ito. 

gusto mo b ng mga JOKE? suportahan at bisitahin bago kong blog na JOKES KO PO! please like and share to support

Sunday, January 29, 2012

Real Life Budoy Story

Itago na lang natin ang katauhan ng ating bida sa pangalang Budoy. Hindi kagaya ng karamihan sa mga teen agers, si Budoy ay may karamdaman sa kanyang pag-iisip. At dahil nga mahirap iespel at ikabisa ang tawag sa kanyang sakit, minarapat ko na lang na tawagin itong " Hawak ilong sabay ngiwe syndrome"



Sa kabila ng kanyang karamdaman, Naging mabait si Budoy, Buong buhay niya, naging masunurin siya sa mga utos ng Diyos. Hanggang sa, isang malamig na gabi, Isang kakaibang magaan na tinig ang kanyang narinig.

"Budoooooyyy... Budooyyy..."

Budoy:  Mommy ko? kayo po ba yan mommy ko?
(humawak sa ilong sabay ngiwe)


" Budoooyyyy... Budooyyyy..."



Budoy: lolo ko? wag mo ko niloloko ha? takot na Budoy...

(humawak nanaman sa ilong sabay ngiwe)

Biglang sumulpot ang isang anghel

Budoy, isa akong anghel, Ipinadala ako dito para iiwan sayo ang isang mensahe mula sa Ama natin sa langit. Meron siyang mahalagang bagay na papagawa sayo.

Budoy: may paapgawa ka budoy? angel ko... Pwede sabihin ko muna kay mommy ko ha?

"Budoooyy... ikaw lang dapat ang makaalam"

Budoy : Si budoy lang? promise angel ko, di ko pagsasabi , kahit kay Jackie at kay BJ. Ano ba dapat gawin Budoy?
(hawak ulit sa ilong sabay ngiwe ng two times)

"Budoooy una sa lahat, punasan mo muna yang kamay mo, may sumabit na kulangot eh"

Budoy:  Hihhihhih,Gusto mo bigay na lang budoy sayo angel ko? Masarap to, natikman ko na to dati eh.
Nope sayo na lang yan, Budoooy . Alam mo ba yung malaking bato sa ilalim ng bundok Tralala? Itulak mo sabi ng ating Ama sa langit.

(sabay naglaho ang anghel)

Dahil nga masunurin si Budoy, Walang pag-aalinlangan siyang pumunta sa Bundok Tralala. Hinanap niya yung sinabing malaking bato tapos itinulak niya ng buong lakas. Sa loob ng limang nakakapagod na oras na pgtutulak, Ni hindi man lang nagalaw o nausog yung bato.

Araw araw bumabalik si budoy sa bato at itinutulak ng buong lakas. In 6 months na walang mintis na pagtutulak. Hindi pa rin nagalaw o nausog ang bato...Hanggang sa napagod na si Budoy
Pag galit pala si Budoy  diretso magsalita, sabi niya..

Ama sa langit, naging mabait naman at masunurin ako sa inyo.  Hindi ko po maintindihan, kung bakit niyo ako pinapahirapan sa pagtutulak ng bato. Ginawa ko naman po ang lahat, Pero ni minsan hindi ko nagalaw o nausog ang bato kahit konti. Ano po bang gusto Niyo?

tapos isang kakaibang Boses ang narinig ni Budoy.

Anak, Hindi ko naman sinabing pagalawin mo ang bato. Sabi ko lang itulak mo. Walang nangyayari sa bato, Pero sayo meron. Tignan mo ang mga muscles mo. 


3 days after, nagkaroon ng sunog sa baryo nila Budoy.  Sa kabutihang palad, Yung mga muscles ni Budoy ay fully develop na, nagawa niyang maibuhat ang mga natrap at makapagrescue ng maraming mga tao.


Life is so uncertain. Minsan darating tayo sa mga sitwasyon na hindi natin alam kung bakit at para saan ang  mga bagay bagay at mga ganung  pangyayari. If that happens, Dont worry. One thing  is certain. God is in control. 

Sunday, January 15, 2012

Takbo Kontra Diabetis( RunRio Go Natural Run 2012 ) My Result and Experience


Alam mo yung  pakiramdam na, paglabas na paglabas  mo ng bakuran ng bahay niyo ay biglang may siraulong naghagis sayo ng Goodbye Philippines na paputok? Yung tipong wala ka ng choice kundi pumikit  na lang at magdasal. Habang humihingi ng kapatawaran sa mga nagawang kasalanan. O kaya naman ay humingi pa ng isa pang chance para mabuhay at mangangako na hindi mo na ulit sisilipan  pa si inday ever, mabuhay ka lang.
Ganun talaga ang buhay, Minsan malakas ang trip. Hindi sa lahat ng  pagkakataon ay bibigyan ka ng  time para makapagprepare . May mga times na bibigyan ka niya  ng mga challenges na biglaan.

Sa pangalawang pagkakataon, Syempre  nga artistahin ako, alam niyo naman. (hahaha). Muli akong naanyayahan sumali sa isang  Funrun. Kung hindi ako nagkakamali, ang purpose ng Run for a cause na ito ay ipromote yung pag gamit ng mga natural products para sa ating health. Kung nung nakaraan ay nabigyan ako ng isang buwan para makapagprepare,iba ang sitwasyon ngayon , kasi  this time, wala. As in biglaan talaga.  Parang yung pakiramdam na kala mo utot lang, pag ire mo , tae pala. Masaklap basa pa. Ganun. haha
“Sa linggo samahan mo ko, tatakbo tayo sa FunRun, nairehistro na kita.” Yan ang sinabi ng mahal na mahal kong kuya. Gago siya. Hinayupak siya.  Huhuhu

Badtrip! Kasi pano ba naman , hindi pa nga nag-uumpisa, palpak na kami. Winala ni kuya yung Running Number ko. Masaklap ako pa yung sinisisi. Binigay niya na daw sa akin . Pero I know deep inside my heart , wala siyang binigay. Anu daw?

Parang naging eksena sa pelikula ang pagtatalo namin.
Ako: kuya wala ka namang binigay eh.
Kuya: akala mo lang wala! Pero meron meron meron

Ako: pakyu!

Hahaha joke lang, mabait kaya akong kapatid at hindi sumasagot sa mga nakakatanda. Dito ko lang tinitira sa blog ko. Dito ako gumaganti. Bwahahahaha.

Kung gusto  niyo ikwento ko sa inyo ang iba pang mga pangyayari, sabihin niyo muna na ang kyut ko. Hahaha. Pero ayun nga, 10K yung tinakbo namin. Hindi man lang ako pinagpawisan. Ehehe. Pano ba naman 2km pa lang sinakay na ko ng ambulansya. Hahaha. Kidding.

Yun na nga, Unlike sa ibang mga runners, wala akong running number. Kaya mukhang epal lang ako dun. Pero tumakbo pa rin ako. Nung una, Ramdam ko yung saya ng FunRun . Ang dami daming chiks Parang tukso lang  na nagsasabi na kikilabotz habulin mo ko. Pakiramdam ko umislow motion yung momment habang dahan dahan tumutulo yung mga pawis ng mga chiks. Grrrr. Kakagigil. Ang saya. Hehe.

Wala namang  naging problema sa first three kilometers, pero pagdating na ng  pang apat.  Unti unti ng bumigat yung mga paa ko. Sumakit yung tagiliran ko tapos hinihingingal na  rin ako. Ayan na , nararamdaman ko na yung mga hirap.

Dun ko napatunayan na sa bawat pagsubok sa ating mga buhay, Laging may mga  rason para tayo sumuko. But it’s up to you kung susuko ka ba o lalaban pa sa hamon ng life

At that point parang gusto ko na  talaga sumuko. Promise.... Pero pagdating ko sa fifth kilometer, When im about to give up, Nakakita ako ng signboard na ang sabi
Remember the reason why you are running.

Oo nga naman, Matapos ko mabasa yun, Natauhan ako, Parang  gusto ko  tuloy pumulot ng sobrang laking bato na isasawsaw ko sa tae, tapos ibabato ko sa mukha ng kuya ko. Siya ang dahilan. Siya ang dahilan ng mga paghihirap ko. Hahaha. Di na ka maka move on eh noh?


Naalala ko yung isa sa mga Favorite  kong quotes from Bo Sanchez.  Yung life is not a sprint, it’s a marathon. Na yung mga taong nagtatagumpay ay yung mga taong hindi sumuko.Yung desperate enough to reach the finish line. Kaya pinagpatuloy ko. Jogging, Takbo sabay lakad pagnapagod na. Slowly but surely, umuusad ako at lumalapit sa finish line.
Sa ikapitong kilometrto, inip ka na noh? Tatlong kilometro na lang ipagpatuloy ang pagbabasa. Hahaha. Nakasabay ko yung isang bata. Siguro mga 10-12 yrs old yun. Sabi “Kuya kaya pa?” Hahaha takte Nakakahiya. Alam mo yung pakiramdam na gusto mo sipain yung bata , para  siya yung kulelat hindi ikaw. Patol? Hahahaha.   After that, tumakbo na ulit ako  hanggang finish line na.

Nung nakarating na ko sa finish line , sinalubong ako ng palakpak ng kuya ko. Parang ang inspiring ng kwento ng pagtakbo ko eh noh? Hahaha.  Tapos sabay asar , siya daw 53 minutes. Samantalang ako 1 hour and 22 minutes. Ukinam. Hehehe.
Sa huli, medyo mas bagal lang  sa first 10 km run ko, despite all odds. Taas noo kong ipinagmamalaki  na I am a finisher . At nag enjoy chiks hunting namin ni kuya after. Oh yeah...Thats the reward. Hahaha







Saturday, January 7, 2012

Pinay Hottest Blogger of the Year 2011 sa mata ni Kikilabotz

Gawin nating maganda ang simula ng ating taon, sa pagpapakilala sa isang maganda at hot na hot na nagwagi ng pakulo saaking blog. Lets welcome the winner of this year Pinay Hottest Blogger of the Year 2011 sa mata ni Kikilabotz

with
5 nominations
8 comment votes
and
161 out of 338 poll votes ( 47%)

2011 Pinay Hottest Blogger  is

Candidate number 21

Kaye  of   http://kayepooot.tumblr.com  


congratulation