Monday, December 19, 2011

Paano magdonate at magvolunteer sa mga nasalanta ng bagyong Sendong

Ito po yung mga List kung papaano tayo makakatulong sa mga nasalanta ng bagyong Sendong sa Pilipinas. Maraming salamat po sa inyo in advance .


VOLUNTEER


Metro Manila — National Resource Operations Centers (NROC) Chapel Rd. Pasay City (Back of Air Transportation Office) Contact: Francia Fabian 0918-9302356


Cagayan de Oro — DSWD. Volunteers needed at DSWD Cagayan de Oro (Masterson rd, Upper Carmen) to repack and deliver relief goods. Call +63906-615-0095 or tweet @DSWDserve.


Iligan — Iligan Bloggers Society. Meet at Rizal Park at 8AM everyday, until the need subsides. Contact: Erika Cruz 0905-280-2002


Red Cross — Contact Ramil at 0926-902-3726 or 0917-722-1874


DONATE



DSWD


National Resource Operations Center (NROC) Chapel Rd. Pasay City (Back of Air Transportation Office) Contact: Francia Fabian 0918 9302356

Manila - DSWD Field Office NCR: San Rafael St., Legarda, Manila


Alabang - DSWD Field Office IV-A: Alabang-Zapote Road, Alabang, Muntinlupa City 1770 Tel. No.: (02) 807-4140 Fax No.: (02) 807-1518 Contact: Gina Laranan 09108860826

Malate, Manila - DSWD Field Office IV-B: 1680 F. T. Benitez St., Malate Manila Contact: Shiela Tapia (02) 5252445

Rock Ed Iligan — Running a soup kitchen in Iligan now. Donate any amount so they can continue to serve hot meals for homeless families in the neighborhood to BPI Loyola 3080.0073.44. Tweet @rockedradio or @RockEdIligan for help

Red Cross

Via credit card & bank deposit. Visit http://www.redcross.org.ph/donatenow

Via Globe. Text RED < amount > to 2899. You may transfer P5, 25, 50, 100, 300, 500


Via Smart. Text RED < amount > to 4143. Valid donation amounts 10, 25, 50, 100

Xavier University, Cagayan de Oro — Needs donations in CASH, FOOD (noodles, canned goods, etc.), BOTTLED WATER, and CLEAN CLOTHES. Details here: http://www.xu.edu.ph/index.php/other-news/642-bagyong-sendong-relief-operations-in-xavier-university/

Fr. Eric Garcia Velandria S.J.

Coordinator of Sendong Operation,

KKP Office, Xavier University-Ateneo de Cagayan, Corrales Ave.

9000 Cagayan de Oro City, Philippines.

Cash donations can be deposited at this account:
Account Name: Xavier University
Account Number: 9331-0133-63
BPI MAIN BRANCH


Iligan Bloggers Society — asking for cash donations, canned goods, noodles, bath and laundry soaps, toothpaste, rice, used clothings, slippers. Details here: http://iliganbloggers.com/food/one-for-iligan-help-the-typhoon-sendong-victims/

Donation Paypal ID: singcol.inquisitor@gmail.com

UNION BANK Account: Revilla N. Carbonell-Noel – 109451077611

ILIGAN – BASED DONORS:

St. Michaels’ Cathedral, DXIC Radio Staion, City Hall, Rizal Park, and Calda Pizza Iligan City Branch


LUZON DONORS DROP OFF POINTS:
Makati City: 3553 Durango St., Palanan, Makati City 1235. Contact Migz @ 09065777812 or 09227130006 OR 6-D Cypress Gardens Condo 112 VA Rufino St. Makati City c/o Meikah Delid
Quezon City: Berkeley Residences, Katipunan Avenue, Quezon City. Contact Jamie Steffani Mijares @ 09157744244
Manila/Taft Avenue: Madison Square Condominium, Taft Avenue, Manila, Right infront of De La Salle University, Right beside Kenny Rogers . Contact Roden Lim @ 09228446777


ABS-CBN Sagip Kapamilya — Donations accepted in cash and in kind. Details: http://www.facebook.com/notes/anc-247/heres-how-you-can-help-victims-of-sendong-via-sagip-kapamilya/10150529342939122


GMA Kapuso Foundation — Accepting donations for Sendong victims.
www.kapusofoundation.com.
9284299, 9289351.

Metrobank Peso Savings account: GMA Kapuso Foundation, Inc. / Account Number: 3-098-51034-7


La Salle Greenhills — Donations will be accepted starting December 19, 2011 (Monday) -- Donations in cash and kind can be received at Gate 2 of La Salle Green Hills at 343 Ortigas Avenue, Mandaluyong City 1550. You may also call any of the following telephone numbers for further inquiries:
Aluimni Office — 721-2729, 722-7750, 725-4720
GS Principal — 721-2482
HS Principal — 721-8914
Buildings and Grounds Office — 721-8904 (Telefax)
La Sallian Mission Office — 726-5851 (Telefax)
La Salle Academy in Iligan City is accepting donations in kind and in cash. Money may be deposited to:


Development Bank of the Philippines (DBP) Account No. 0820-016221-030.


Kindly inform Lourdes Melegrito of COSCA the details of your donation at email lourdes.melegrito@dlsu.edu.ph, Tel. No. 524-4611 local 147 or telefax 523-4143

US-based individuals may help Sendong victims through PhilDev: https://secure3.convio.net/phdev/site/Donation2?df_id=1401&1401.donation=form1&set.SingleDesignee=1881&JServSessionIdr004=z7xs4t1dr3.app332b

Thursday, December 8, 2011

Do it the kikilabotz Way

Dahil medyo tinatamad ako magpost ng mahahabang post. Naisip ko ay bigyan muna kayo ng  simpleng tip kung ano bang gagawin kapag nakaranas kayo ng mga kakaibang sitwasyon.

Ang eksena, Picture taking kasama ang isang kaibigan.


Tapos may biglang may dumaan na isang super duper mega over to the max na gandang chikababe,   at gusto mong magpasikat,

Ano Ang Gagawin mo?

I suggest na do it in kikilabotz way, mag concentrate ng mabuti, ipunin ang buong lakas sa inyong mga paa  sabay wasiwas bag to the highest level. 



Ayun talsik ang kaibigan ko hanggang Moon. At ang final move, mag panggap na parang wala lang nangyari. Yebahhh!!


Meron pa pong 21 days para bumoto .

Wednesday, November 30, 2011

Pinay Hottest Blogger of the Year Voting

Note: Just for fun

Sa loob ng isang buwan na nomination, umabot sa isang daan ang nagcomments para magnomina ng kaninanilang mga manok, ay este sisiw pala kasi chiks nga. (korny nanaman).

Gladly to announce sa inyo ang mga Nominado na nakuha ng top 20 spot, meron mga nagtie kaya  umabot tayo sa 26 participants.

Simulan natin sa

mga dating mga kalahok

candidate no1  RORO ng  www.iheartroanne.com




candidate no2  Steph ng http://traveliztera.blogspot.com/


candidate no3  mads ng http://itsmadzday2day.blogspot.com



candidate no4  salbe ng salbehe.com


candidate no5  len ng http://pinkdiaries.wordpress.com/



candidate no6 sff ng  echoserangssf.wordpress.com



candidate no7 chikletz ng  http://myorangevest.blogspot.com/



candidate no8 trina ng http://ilovetinnie.blogspot.com/



candidate no9 karen ng http://karenandstuff.blogspot.com/




MGA BAGONG KALAHOK

candidate no10  leah ng www.iamsuperleah.com


candidate no11  sey  ng http://roselledavid.blogspot.com/

candidate no12 mayen ng http://janemayen.blogspot.com/


candidate no13  iya ng http://susulatako.blogspot.com



candidate no14 macherie ng http://www.missmacherie.com/


candidate no15 mai ng http://maiyang1902.blogspot.com




candidate no 16  Aia http://kapirasongparadiso.wordpress.com






candidate no 17 myrted  www.loveskinbest.blogspot.com



candidate no18 malditang kuhracha  http://kurapengpeng.blogspot.com/


candidate no19  mitch ng  http://mitchlists.blogspot.com/


candidate no20 chyng ng http://www.chyngreyes.com/



candidate no21 kaye  http://kayepooot.tumblr.com




candidate no22 janine ng . http://monsterprettyinthecity.blogspot.com/


candidate no23 kayedee ng http://kayedee15.com


candidate no24 MSN ng  http://lifeassuoicerp.blogspot.com




candidate no25 paloma ng  http://jmmadali.blogspot.com/


candidate no26 ella http://definella.blogspot.com/







Madali lang po ang pagboto ,

3 paraan  ng pagboto

1. bumoto through poll , na makikita sa kanang sidebar ng blog ko (1 point each)
2. bumoto sa pamamagitan ng pagcomment, this time isa lang po ang pwede  iboto. hindi pwede bumoto ang mga anonymous accnt ( 2points each)
3. bumoto sa pamamagitan ng blog post, gumawa lang ng blogpost kung bakit siya ang napili mong hottest blogger of the year (3 ponits). Syempre dapat ay icomment mo dito yung link na ginawa mong post para malaman ko. No need to link my blog

pwede po bumoto sa tatlong paraan. Tatakbo po ang botohang ito sa hanggang sa Dec 30. Maraming salamat po.


ANg PRemyo? haha. HIndi naman kamahalan, Isang simpleng munting regalo lang mula kay Kikilabotz.Maraming salamat po.

Friday, November 18, 2011

Hanapin ang Pusa ( Find the Cat in the Picture)

Panahon na para maghanap ng mga pussy in town. hehehe. katuwaan lang. pampalipas oras niyo lang. hehehe. game?

EASY ROUND

Find the cat in this picture

AVERAGE ROUND




madali pa lang ba? ito naman,

DIFFICULT ROUND




Nakita niyo na ba si felix bakat? este felix the cat? 

EXTRA ROUND




want more?  Visit here and Find the Man in the Picture




gusto mo ba ng mga JOKE? suportahan at bisitahin bago kong blog na JOKES KO PO! please like and share to support

visit here for  more cute pictures, video ,story and information about cats
 

Wednesday, November 2, 2011

Pinay Hottest Blogger of the Year 2011 NOMINATIONS

Greetingss to all,
Syettt na malagkit na may mani at popcorn, intro pa lang english na. Oha! Gusto ko lang sana ianunsiyo sa inyo, sa araw na ito ay official nang binubuksan ang nomination para sa Pinay Hottest Blogger of of the Year.

Hindi kagaya nung nakaraang taon na ako lamang mag-isa  ang humusga, mas papasayahin natin ngayong taon.  Inaaanyayahan ko lahat ng blogger na makilahok sa pagpili ng hottest pinay blogger of the year. Tama, mga blogger po ang magnonominate ngayong taon.


Qualifications
1. Merong blog, Kahit anong platform. Blogspot, Wordpress,tumblr,Multiply o kahit ano pa except (FBnotes)
2. Merong more than 10 post (tagalog man o english)
3. More than 3 months na siyang nagbblog
4.  May dugong pinay
5.Must have a post within June 2011 up to present (Nov 3 2011)
6. kahit anong age pwede inominate (single o married)
7. Hindi na pwede inominate ang mga celebrity
8. Pinakamahalaga sa lahat dapat babae (lol)



Maraming salamat sa pagsuporta. Enjoy





Magnominate na

How to nominate:

1. Kailangan blogger ka rin kahit anong platform
2. magcomment ka dito sa post na ito,
3. Pwedeng magnominate ng 4 na blogger na pasok sa ating qualiications
4. Post mo yung URL ng blogger na inonominate mo
5. Top 20 na pinakamaraming nomination sa darating na December 1 ay pipiliin
6. Sa darating na December 1 , Magsisimula ang botohan para sa  nag-iisa at natatanging hottest blogger of the year 2011.
7. pwede rin inominate ang sarili mo kung tingin mong qualified ka.

Friday, October 28, 2011

Tagalog Inspirational Quotes ni Kikilabotz

Natutuwa naman akong balikan yung mga quotes na nagawa ko simula ng nagblog ako, so ito na yng mga compilation nag mga tagalog na inspiring quotes na naimbento ko. o yeahh. Enjoy


Ang taong tanga kung matinik malalim.

ang unang paraan ng pagiging masaya ay ang pag-alam sa mga bagay na makakapagpasaya sayo

Sa buhay ng tao. kung ang papansinin mo lang ay puro kalungkutan, Hindi mo mararamdaman ang sarap ng pagiging masaya, Pero kapag papansinin mo lang ay puro kasiyahan, Hindi mo mararamdaman ang sakit ng pagiging malungkot. I know it was both vital na maramdaman pareho. Pero db?Ano ang mas gusto mo? maging masaya o maging malungkot. Nakadepende yan sa bagay na bnibigyan mo ng attensiyon.

sa kada lungkot na dumating may sayang naghihintay mapansin.

Lahat tayo ay may kanya kanyang laban. Nasa sa atin na kung panu natin haharapin eto. pwede mong ipagpaliban, pwede mong paghandaan,pwede kang umiwas,pwede mong ayusin,pwede mong dahan dahanin pero ang hnd mo pwede gawin eh takasan. dahil hahabulin ka nito khit san ka pa magtago.

kung may problema ka! wag ka malungkot! dapat nga matuwa ka kasi alam mo! mahal ka ng Diyos. gusto lang Nya lumapit ka sa kanya.

(oo na mas magaling na sila mas cute namn tayo,,bleh)

Syempre hnd mo malalaman kung tama ang isang bagay hanggat hinde mo nasubukan at naramdamang nagkamali ka

naramdaman ko rin yang nararamdaman mo. mahirap talagang mapagkamalang artista. malas natin

Ingatan mo ang finger mo, Kasi hindi mo alam kung sino sino pwede mapasaya niyan

And it even answers the question kung totoo bang true love really hurts . Ang sagot, It was the absence of love that hurts. Ironically, It was love that can take all the pain away

manilip araw araw

palayuin mo ang tukso sayo, para habulin mo.hehe

Love. according nga sa kyut na blogger na si kikilabotz. Hindi kayang sirain ng libong libong milyang distansiyang naghihiwalay sa inyo. Ang pagmamahalang nagbubuklod sa isang Pamilya.

Above evrything else, Kung gusto mo nang pagbabago, Simulan mo ito sa sarili mo

Ang regalo ni God ang pinakaperfect sa lahat.Kaya Be proud kung gawin ka niyang regalo para sa ibang tao.

Kung nagkakaroon ka ng mga problema ngayon. Huwag kang mag alala. Cguro yang problemang yan ang makakapagpahinog sayo. Para sa tamang panahon. Hinog ka nang ireregalo ng Diyos para sa ibang tao.

KAHIT NA WALA KAYONG REGALO!!grrrrr basta ang mahalaga importante


tandaan mo ano man ang nakikita mo sa isip mo darating ang araw makikita mo itong hawak hawak mo.. ayun dededededesososososo


tatanungin nyo kung nasan na yung kulangot ko! Andun na sa gulaman na iniinom ng klasmeyt ko. Ang bad kasi eh hindi ako binigyan! buti nga sa kanya!

Una sa lahat dapat huwag kang matakot bumagsak. Kasi ang exam ay parang pag-akyat sa puno. Kung takot kang bumagsak malamang sa alamang hinding hindi mo susubukang umakyat hanggang sa pinakatuktok.

WAG GANUN!! HUWAG MO HANAPIN ANG TAONG MAKAKAINTINDI SAYO ! HANAPIN MO YUNG TAONG IINTINDIHIN MO.

love is blind ur face!!!brrrrrrrrrr! tusukin kaya kita ng ballpen sa mata!? mamahalin mo kaya ako?

Kung sa tingin mo naman walang nagbibigay ng love sayo. huwag na huwag mong kakalimutan si God! love na love ka nun

How badly i want u back. kung pwede lang ibalik ang panahon. Gaya ng dati. hindi pa rin kita malilimutan. khit isang daang milyong beses pa akong pukpukin sa ulo ng malalaking bato. walang bagay makakapagalis sayo dito. sa pusot isip ko.

kung kasalanan ang magmahal edi panghabang buhay pala akong makukulong sa bigat ng kasalanan ko sayo

To create a better world? Kalokohan.. Malaking kalokohan. Ang totoo ,Our world is in its best form na. Ang kelangan lng natin gawin is to appreciate eto and life will get better and better. Ganun kahenyo si God. His word is more powerfull than a nuclear bomb. Alam nya kung anu ang mas best paras atin. Kung nomomroblema k? relax k lng jan! Just do what you need to do and the rest c God n ang bahala . Papabayaan ka ba Niya? Never

huwag mong hintayin ang taong hindi dadating

Nangyayari ang mga ganyang pangyayari dahil may dapat mangyari.Anyare?

ang pinakamaasahan mo eh ang sarili mo. ang pinakamalaks mong backer ay ang Diyos at ang mga qualifications mo.

binigay sau yang problemang yan dahil ikaw lang ang may kayang magsolve nyan.

sa milyong milyong tao sa mundo, Ikaw lang ang napili Ni LORD na mging ikaw. alam kasi NIYA na ikaw lang ang may kakayahan na maging ikaw .

Iisama natin ang Diyos sa lahat ng LAKAD natin. tiyak TATAKBO ang iyong kasiyahan

Ang malaman kung alin ang tama at mali ay hindi sapat, Ang  pagpili na gawin ang tama ay mas nararapat. -kaTAMAran (pampakorni)




Kung sakaling nawawala ka o kayay naliligaw sa daan ng iyong buhay. Dont worry Tumingin ka sa tabi mo. May Nakahawak sau .anjan lagi si Lord sinasamahan ka sa bawat paglakad na ginagawa mo.

tama sila. Sa mga pagkakataong nabigo ka, pumalpak ka, nadapa ka, nadurog ka, wag kang mawalan ng pagasa. Atleast sa susunod na mangyari ulit ang mga pangyayaring maari mong ikabigo, ikapalpak, ikadapa at ikadurog maari mo ng maitama ang una mong naging pagkakamali.

be a better person kasi kelangan nya ng better you

langit lupa impyerno. in in impyerno. saksak puso tulo ang dugo. patay buhay umalis ka n jan sa pwesto mo. viva.



Sana nag enyoy kayo sa mga nakakainspire kong gawang mga kowts. bwaahahahaa. inspiring nga ba talaga?


gusto mo b ng mga JOKE? suportahan at bisitahin bago kong blog na JOKES KO PO! please like and share to support

More tagalog news and quotes at

 James Bang News Site

Wednesday, October 26, 2011

One Hit Combo, Positibo palage

gusto ko lang sana ishare tong isang bagong kanta nina chito miranda at gloc 9. heehe. Wala lang...wala lang talga akong mapost. nyahahahaha. joke. Avid fan lang talaga ako ng pagiging positive.

Ito na ang One Hit Combo ng Parokya ni Edgar ft Gloc 9. Enjoy ^_^




haahaha, sadyang wala lang maipost. nagpapalusot lang

Monday, October 17, 2011

KiKing gala

Hindi  natin pwedeng ipagkaila na tayong mga Pilipino ay mahilig kumuha at magpakuha ng mga letrato. Madalas nga isang angulo lang. Kundi nakatingin sa taas eh nakasideview naman.

Share ko lang bakit madalas yung mga kaibigan ko , ayaw akong pahawakin ng camera para kuhanan sila sa tuwing nagbubulakbol kami.

Dinosaur Fight Scene

ang astig diba?

my turn naman

bwhahaha, friendly punch


Wall Climbing


my turn again


malinaw naman diba? kita pa rin naman yung kulay

Strike A Pose



my turn again, this time aayusin ko na promise

hahaha, mukhang engot lang

Perfect Shot


This time, aayusin ko na talaga,  Just want to present my entry sa pacontest ni bulakbolero ,  basahin dito. Ang pinakapaborito ko sa lahat.  starring my friend. again. hahaha. 

Ang buhay ay parang pagkuha ng litrato, minsan ang kailangan mo lang ay perfect timing



Monday, October 10, 2011

Ang Pangalawang Buhay ni Kikilabotz, Pakikipagsapalaran sa Hulog Barya Gang

Meron akong goodnews, Kahapon, nadagdagan  nanaman ako ng isa pang reason para lalo pang mahalin ang sarili ko. Isang nakaka nginig laman na experience na muntik nang kumitil ng aking buhay.Ang pakikipagsapalaran ko sa mga hulog barya gang

Lunes. After lunch, siguro mag aalas dos ng tanghali,nakiusap sa akin si Erpat na magdeposit ng pera sa bangko. Kahit na tinatamad ako, dahil pakiusap nga ni erpat, wala na akong nagawa kundi sumunod. Ewan ko ba kung bakit kahit na inaaya na ko ng kuya ko na sumabay sa kotse niya, mas pinili ko na lang magcommute. 2nd year High school pa lang ako madalas na ako mautusan magdeposit sa bangko , kaya medyo kampante na ako sa mga ganitong sitwasyon.

Inilagay ko yung pera sa kaliwang bulsa ng shorts ko at naglakad ng mga lima hanggang pitong minuto papunta sa sakayan ng jeep. Sakto, medyo maluwag pa yung loob ng jeep. pero dahil may tao na sa harap ng jeep,dun na lang  ako pumuwesto sa likod ng driver para siguradong walang pwedeng makaupo sa left side ko na maaring mandukot sa perang dala ko. Maya maya, may sumukay na isang manong, dun niya gusto umupo sa inuupuan ko, sa likod ng driver. So nagpaubaya naman ako,  kaya medyo umusog ako ng kaunti papuntang kanan. Tapos, after nun, isa pang manong ulit ang sumukay , dun din gusto umupo sa likod ng driver. Ang pagkakarinig ko nga baka daw kasi maligaw siya. Kaya napausog nanaman ako sa kanan. At ayun na nga, Napunta na ako sa harap ng isang lalaking may hawak na cellphone.



Naobserbahan ko, magalaw yung lalaking may cellphne, salita ng salita, angal ng angal na maiinit daw. Tapos may tinawagan siya sa cellphone niya. Hindi ko naman maintindihan yung sinasabi niya kasi hindi ko rin alam yung lenggwahe na ginamit niya. Pero kahit hindi ko maintindihan  ramdam ko na galit na galit siya sa kausap niya sa cellphone. Hindi ko alam, siguro kinukuha niya lang yung atensiyon ko. Tapos nun, dumukot siya sa bulsa niya at may nalaglag ng tatlong pisong barya. Kitang kita ko kung ilang barya yung nahulog. Tatlo lang talaga.

Naging magulo yung loob ng jeep, turo sila ng turo sa barya. Wrong move sila, as if naman na may pakialam ako sa barya nila,kung bold na mga pictures pa yung nilaglag nila, dumambol pa ako. ihampas ko pa sa mukha nila yung isang libong barya sa alakantiya ko. Super over acting ang mga kumag. May sumisigaw  na “ayun ayun sa alalim”, may nagaabot ng abarya sa kin, tapos yung manong naman sa harap ko inaabot yung barya sa ilalim gamit yung paa niya. Kaya medyo inusog ko yung paa ko. Tapos naramdaman ko yung katabi ko sa kaliwa may pilit dinudukot sa bulsa ko. Kaya  agad kong siniko ko yung kamay niya.

“Anu ba!!?” malakas na sigaw nung manong sa kaliwa ko. Tapos nagsalita rin yung manong sa harap ko, sabi  sa akin “ Ano bang problema mo?” Pero hindi ko siya pinansin. Dun lang ako tumingin sa manong na katabi ko sa kaliwa. Naririnig ko yung maraming sidecomments sa loob ng jeep. Dun ka lang napansn na magkakasabwat pala sila

 Nakikipagtitigan lang ako dun sa manong na dumudukot sa bulsa ko. Putek parang eksena lang sa pelikula, yung parang dalwang magsyota na malapit nang maghalikan, kulang na lang pumikit kami  eh. Takte. Super duper close na nga ng mga mukha namin. Buwis buhay, buga ng hininga niya, langhap ko. Ang sakit sa bangs. Kitang kita ko pa nga habang inaabahan niya ako at gustong suntukin. Wala akong ibang reaction kundi nakatingin lang ako sa mukha niya, Kung sakaling may gawin siyang hindi maganda ay nakahanda  na ako.

Huminga ako ng malalim,

Tapos medyo nilakihan ko yung boses ko,  Sabi ko,” tulungan niyo po ako mandurkot tong mga to”.
Huminto yung jeep,pagtapos nun, pinagduduro ako  at pinagmumura na ako ng limang manong, pipalabas nila na ako yung may ginawang kasalanan.Wala na akong narinig na nagsasalita kundi yung mga mandurukot.

Narinig ko nga yung isa ,sabi, huwag kang bintang ng bintang baka may sumaksak na lang sa iyo mamaya maya.

.Tapos sabi ko “ kung gusto niyo ayusin natin  to sa pulis station”.  Tapos isa isa na silang bumaba.

Pagkababa nila, tinanong ako ng mga pasahero, kung ano daw nangyari, Sabi nga ng isa na nakita niya daw  yung isang mandurukot na  may nakasubwit na kutsilyo.

Nanginginig nga akong nagdeposit sa bangko. Pagkatapos ko mag deposit ay dumaan muna ako ng simbahan at nagpasalamat sa aking panibagong buhay.

And guys, readers, pwede ba akong humingi ng pabor? Pwede pang ipagpray natin yung mga mandurukot na tubuan ng betlog sa mukha, para kapag may nakita ka ng taong may betlog sa mukha, alam mo ng mandurukot sila at makakiwas ka na. Hehehe. Joke

Samahan niyo naman ako na ipagdasal yung mga mandurukot na yun, na bigyan sila ng maraming mga blessings para hindi na sila matukso na makagawa ngmga kasalanan. Tao pa rin sila na medyo naliligaw ng landas and our prayers will guide them . Maasahan ko ba kayo? ^_^




Friday, October 7, 2011

Happy bday TWO you

At ayun na nga, Naging super busy na talga si kikilabotz. Pero syempre pwede ko bang makalimutan ang bday na isang special na kaibigan. At siyempre, lahat ng mga special binibigyan ng time. Kaya nga, hindi ko pwedeng palagpasin ang pagkakataong ito para mag greet sa iyong kaarawan


Happy Happy Happy  2nd Birthday 
sa 
Kwentong Nakaka ni kikilabotz


4533 comments
more  than 100,000 page views
100 followers sa network blogs
310 blog followers
at hundreds of blogger fiends and readers

more blessings to come ^_^

Happy 2nd anniversary sa blog ko na sinmahan ako sa hirap at ginhawa, lungkot at saya. Muli  maraming maraming salamat sayo..

Penge naman testimonial o kaya  inspiring messages  para sa blog ko, comment it here. hehe. Maraming salamat  ng bigtime 

Thursday, September 29, 2011

Papaano magiging masaya ang iyong linggo





Kapag binilang mo  raw ang mga blessings mo sa buhay, it will take you forever, hindi ka pa tapos. 

Just want to share how I spent my awesome Sunday last September 18 2011. Ukininay!! umienglish nanaman!! hahaha.



in my MORNING
hahahaha, langya!! wag kayo tumingin sa buhok ko sa kili kili, bagong blower lang yan



Yun na nga, Naimbitahan ako sumali sa isang FunRun o mas maganda kung tawagin na lang natin na   Run for a Cause ng AXN bilang guess star nila. alam niyo na kapag gwapo. hehe. Yung makakalap  daw na pondo ay para sa mga pamilya na hindi kayang matustusan ang pagaaral ng kanilang mga anak. Kaya as a help, bibigyan daw  sila ng libreng cable channel. hahaha. joke. korny ko, pakitusok nga ako ng icepick sa mata please.

Nung una kala ko hindi ko talaga kaya, Paano ba naman kasi, First time kong tatakbo ng 35 kilometers, hahaha. joke lang, 10 kilometers lang. Pero kahit na, malayo pa rin yun at wala akong practice. Still, I took the challenge. And guess what? After more than na nakakahingal na isang oras, natapos ko siya. hehe


Xempre, kasama ko ang mga body guard ko,iba na talga kapag sikat,mahirap na

Naisip ko, ang problema pala ay parang pagtakbo,  nakakapagod, nakakahingal, nakakasawa  at minsan darating ka sa point na gusto na nating sumuko, But the good part is, running is a very good exercise. In the End, nasa atin din pala ang  mga benefits.  Just keep on going, wag na wag kang susuko.

in my AFTERNOON


After kong tumakbo sa fun run, dali dali akong pumunta sa PICC para magsimba, and then after ng misa, sumama ako sa isang outreach program, binisita namin yung mga lolo at lola natin sa may Montalban.Pagdating na pagdating ko duon ay bigla nagkwento sa akin yung isang lola dun habang umiiyak. 
Gusto ko sana ikwento lahat , pero baka hindi na magkasya sa sobrang dami at sa sobrang saya. So ikwewento ko na lang yung ilan sa napagusapan namin ni lola.

lola: pasensiya ka na sa akin ha? kasi hindi ako maganda
Kikilabotz: haha, sino nagsabi nun lola?  kayo talaga oh, smile naman jan.
lola:  (nagsmile) 
Kikilabotz : lola, gwapo po ba ako?
lola  :  oo naman, pipili ba naman ako ng hindi gwapo (sabay tawa)
Kikilabotz: bolera ka pa rin pala lola, sayo siguro ako nagmana. Gusto mo sumayaw lola?
lola: alam mo yung pababa ng pababa ?
Kikilabotz: ???? (paktay mode)

THE PABABA DANCE STEP






in my EVENING
God never fails to reward those who have a kind heart. ahem ahem.Minsan talaga hindi ko mapigilan magningning ang ginintuan kong puso. haha. Kaya nga matapos ang masayang pagbisita sa mga lolo at lola pinadiretso ako ni erpat sa ACE Water Spa sa QC.whooo a date with the whole family. hehe

hahaha gabing gabi nakashades eh noh? haha papansin lang.

Ang bait talaga ni Lord, Alam na alam kung ano kailangan natin ska gusto natin sa buhay. Magtiwala lang tayo at ibibigay niya. hehe. Bukod sa narelax ang pagod kong katawan at nagkaroon ng bonding sa aking family, hahahaha. Ang Dami pang naka swimsuit na chikas ..hehe. ang kikinis. waaaaaaahh. ang saya saya saya saya talaga




Syempre hindi matatapos ang lahat kung hindi mo kasama ang iyong mahal, hehehe . After sa Ace Water Spa nakipagdate ako sa aking pinakamamahal na girlfriend. ayiiiiiiiii........

in my DREAMS
...toinkz