Meron akong goodnews, Kahapon, nadagdagan nanaman ako ng isa pang reason para lalo pang mahalin ang sarili ko. Isang nakaka nginig laman na experience na muntik nang kumitil ng aking buhay.Ang pakikipagsapalaran ko sa mga hulog barya gang
Lunes. After lunch, siguro mag aalas dos ng tanghali,nakiusap sa akin si Erpat na magdeposit ng pera sa bangko. Kahit na tinatamad ako, dahil pakiusap nga ni erpat, wala na akong nagawa kundi sumunod. Ewan ko ba kung bakit kahit na inaaya na ko ng kuya ko na sumabay sa kotse niya, mas pinili ko na lang magcommute. 2nd year High school pa lang ako madalas na ako mautusan magdeposit sa bangko , kaya medyo kampante na ako sa mga ganitong sitwasyon.
Inilagay ko yung pera sa kaliwang bulsa ng shorts ko at naglakad ng mga lima hanggang pitong minuto papunta sa sakayan ng jeep. Sakto, medyo maluwag pa yung loob ng jeep. pero dahil may tao na sa harap ng jeep,dun na lang ako pumuwesto sa likod ng driver para siguradong walang pwedeng makaupo sa left side ko na maaring mandukot sa perang dala ko. Maya maya, may sumukay na isang manong, dun niya gusto umupo sa inuupuan ko, sa likod ng driver. So nagpaubaya naman ako, kaya medyo umusog ako ng kaunti papuntang kanan. Tapos, after nun, isa pang manong ulit ang sumukay , dun din gusto umupo sa likod ng driver. Ang pagkakarinig ko nga baka daw kasi maligaw siya. Kaya napausog nanaman ako sa kanan. At ayun na nga, Napunta na ako sa harap ng isang lalaking may hawak na cellphone.
Naobserbahan ko, magalaw yung lalaking may cellphne, salita ng salita, angal ng angal na maiinit daw. Tapos may tinawagan siya sa cellphone niya. Hindi ko naman maintindihan yung sinasabi niya kasi hindi ko rin alam yung lenggwahe na ginamit niya. Pero kahit hindi ko maintindihan ramdam ko na galit na galit siya sa kausap niya sa cellphone. Hindi ko alam, siguro kinukuha niya lang yung atensiyon ko. Tapos nun, dumukot siya sa bulsa niya at may nalaglag ng tatlong pisong barya. Kitang kita ko kung ilang barya yung nahulog. Tatlo lang talaga.
Naging magulo yung loob ng jeep, turo sila ng turo sa barya. Wrong move sila, as if naman na may pakialam ako sa barya nila,kung bold na mga pictures pa yung nilaglag nila, dumambol pa ako. ihampas ko pa sa mukha nila yung isang libong barya sa alakantiya ko. Super over acting ang mga kumag. May sumisigaw na “ayun ayun sa alalim”, may nagaabot ng abarya sa kin, tapos yung manong naman sa harap ko inaabot yung barya sa ilalim gamit yung paa niya. Kaya medyo inusog ko yung paa ko. Tapos naramdaman ko yung katabi ko sa kaliwa may pilit dinudukot sa bulsa ko. Kaya agad kong siniko ko yung kamay niya.
“Anu ba!!?” malakas na sigaw nung manong sa kaliwa ko. Tapos nagsalita rin yung manong sa harap ko, sabi sa akin “ Ano bang problema mo?” Pero hindi ko siya pinansin. Dun lang ako tumingin sa manong na katabi ko sa kaliwa. Naririnig ko yung maraming sidecomments sa loob ng jeep. Dun ka lang napansn na magkakasabwat pala sila
Nakikipagtitigan lang ako dun sa manong na dumudukot sa bulsa ko. Putek parang eksena lang sa pelikula, yung parang dalwang magsyota na malapit nang maghalikan, kulang na lang pumikit kami eh. Takte. Super duper close na nga ng mga mukha namin. Buwis buhay, buga ng hininga niya, langhap ko. Ang sakit sa bangs. Kitang kita ko pa nga habang inaabahan niya ako at gustong suntukin. Wala akong ibang reaction kundi nakatingin lang ako sa mukha niya, Kung sakaling may gawin siyang hindi maganda ay nakahanda na ako.
Huminga ako ng malalim,
Tapos medyo nilakihan ko yung boses ko, Sabi ko,” tulungan niyo po ako mandurkot tong mga to”.
Huminto yung jeep,pagtapos nun, pinagduduro ako at pinagmumura na ako ng limang manong, pipalabas nila na ako yung may ginawang kasalanan.Wala na akong narinig na nagsasalita kundi yung mga mandurukot.
Narinig ko nga yung isa ,sabi, huwag kang bintang ng bintang baka may sumaksak na lang sa iyo mamaya maya.
.Tapos sabi ko “ kung gusto niyo ayusin natin to sa pulis station”. Tapos isa isa na silang bumaba.
Pagkababa nila, tinanong ako ng mga pasahero, kung ano daw nangyari, Sabi nga ng isa na nakita niya daw yung isang mandurukot na may nakasubwit na kutsilyo.
Nanginginig nga akong nagdeposit sa bangko. Pagkatapos ko mag deposit ay dumaan muna ako ng simbahan at nagpasalamat sa aking panibagong buhay.
And guys, readers, pwede ba akong humingi ng pabor? Pwede pang ipagpray natin yung mga mandurukot na tubuan ng betlog sa mukha, para kapag may nakita ka ng taong may betlog sa mukha, alam mo ng mandurukot sila at makakiwas ka na. Hehehe. Joke
Samahan niyo naman ako na ipagdasal yung mga mandurukot na yun, na bigyan sila ng maraming mga blessings para hindi na sila matukso na makagawa ngmga kasalanan. Tao pa rin sila na medyo naliligaw ng landas and our prayers will guide them . Maasahan ko ba kayo? ^_^
31 comments:
nabiktima din ako dati ng gang na ito sa may katipunan. Mamatay na sana sila.
Buti nalang safe ka bro. hanga ako sa tapang mo.
Salamat sa diyos.
Naku buti na lang at ligtas ka at di ka nagripuhan ng mga yun. sige ipagpepray ko na magkaroong ng betlog sa mukha ung mga un.
God bless Kikilabotz :)
Hala.. kakatakot yung nangyari sayo marvin.. :( Ako, never pakong nadukutan. Di ko alam kung anong magiging reaksyon ko kung sakin mangyari to...
Thank God you're safe, marvin..
homayghad katakot naman ito..eeee!!
buti nalang at hindi ka nila sinaktan...
ingat ingat nalang talaga sa susunod kiki..:)
That's why I never ride jeeps unless I'm in the front and I'd pay for the two seats. Lalo na kung may dala akong gadgets, it's good that you are okay. Marami ka pang chicks na paluluhain... nyahahah tama!
PRAISE GOD! Buti na lang at safe ka. Katakot 'yang mga ganyang sitwasyon.
buti nalang walan nangyaring masama sayo parekoy. ingat ka palagi sa mga lakad mo dahil baka balikan ka nila.
Buti naman at may magandang chicks na nakaupo sa kabilang dulo. lolz! joke lang.
Buti naman at walang nangyari sa yo at buti rin at di nila ginamit yung kutsilyo, so ibig lang sabihin nun, may takot pa rin sila sa Diyos.
may experience din akong ganito, sa may Paranaque, hiniwa nila ang bulsa ng pantalon ko, kaso wala silang nakuha kasi walang laman, dahil nasa kabilang bulsa ang milliones ko. :)
ingat bro palagi.
Salamat sa pag share! Naku! Kelan lang na holdap ako jan sa may Recto. Ingat na lang tayo sa mga bwisit na yan. Malapit na kasi ang pasko kaya ganyan.
syete, katakots...
dapat talaga mag-ingat sa panahong ganto... feeling ko kasabwat si driver.
mas maigi kung malapit sa labasan ng jeep ang kinauupuan mo.
yaan mo, tutubuan ng bayag sa muka at makakarma din sila.
uso Yang laglag barya sa jeep sana naman alam yan ng lahat. Hayaan mo marvin ipag pray natin ang mga yan na mauntog ng magising.
natawa ko na may distinction yung babaeng maganda. bias ka. lol.
-----
nalaslasan na din ako ng pantalong uniforme pagpasok, kaya pumasok ako nun ng kita ang aking boxer shorts.
dalawang celfon ang dala ko nun at isa ay naiwang celfon lagn ng pinsan ko na pinapadala sa skul.
hinawakan ko ng mahigpit yung pantalon ko para di maagaw ang celfon. nakipagtitigan din ako sa madurukot at sakto nasa quiapo ako nun, sa may simbahan may pulis na nadaanan yung jeep. parang nangusap ako sa pulis sa pagtitig. natakot ata holdaper at tumalon sila sa jeep. 3 sila. ayon. tapos nakita pala ng mga katabi ko habang nilalaslas pants ko kaya parang artista kong ininteview after ng insidente.
-----
yon, salamat at ayos ka naman ngayon at di ka nasaksak. kainaman.
katakot naman yung ganitong scene...
pero natawa ako sa diagram mo ah... bukod sa nakaspecial mention ang magandang chik.. eh iba-iba ang size ng bilog.. lol....
bakit wala yung dumaan k muna sa internet cafe bago umuwi?.. hehe joke lng. ingat k plgi. God bless.
Madukot sana buhay nila...ameenn!!
Kakatakot nangyari sayo, baka kung ako ung mag collapse me. Praise the LORD KIKI!~
ikaw talaga natipuhan..praise God di ka napa'no..
kahit ano nalang kasi ginagawa ng mga tao ngayon para magka pera..:/
salamat naman at buhay ka pa... ang tapang mo... buti nalang at di nanakaw yung pera mo... God bless them
mabuhay ka marvs! mabuti at safe ka... tama lang ang attitiude mo na ganyan, lalo kang ibe-bless ni Big Bro.
Thank you Lord you're safe. Thank you Lord din at nakalayas ako ng Pilipinas ng hindi nakakaexperience na ganyan. Grabe, solid! Yeah, they really need prayers. Nawa'y magbagong buhay na sila. God bless Kiki.
Omg.un pala ung nabanggit mo sa fb..
Good to know ur safe..
paxenxa na po kakabasa q lang vinshy.
Thank God ur ok.
Love ka talaga ni Papa God and bute wla na clang gnwang bad pa sau.
Tama un, let's pray for them nalan.
That's the least we could do to help them.
takecare always.
May Papa God guide u always.^_^
waaahhhh buti nalang ok ka kundi wala na kong babasahing blog..hahahaha alam mo ba blog mo lang nakaopen sa PC ko dito sa office araw-araw inaabangan ko kung may bago kang post..tsk tsk tsk buti nalang....
pwede ba mainis?? ggrrr. :/
nakita ko to sa twitter nung isang araw palang and I tweeted you--I said, next time, ikaw na bumaba Marvz,mahirap na. kung di kasing-itim ng budhi nila budhi mo---wag kanang makipagsabayan--scary.glad you are okay.:D
hay! kakatakot talaga! Nabiktima na din ako sa jeep noon, tinutukan ako ng revolver. Syempre nakuha nya pera ko kasi bagong sweldo ako nun. Walang patawad kahit 7am pa lang at puyatpuyat pa akong galing night shift!!! grrrr.
Kaya nga ako umalis ng Pinas sa takot ko!
Im so glad that you are safe, buti na lang alert ka pero natakot naman ako sayo at ang tapang mo!
Pero sige, ipagpepray ko sila tulad ng hiling mo =)
OMG! katakot ng experience mo, Marvs! sana wala nang mabiktima ng mga ganyan. parang natunugan na me pera ka ano? ako kasi pag ganyan alam ko na rin ang mga MO, so d na ako makikigulo. di ko rin kasi ugaling makipagpulutan ng nahulog na barya. di ko rin ugaling magabot ng pamasahe unless malapit ako sa driver. takot na kasi ako sa mga kung anu anong MO at sa dami ng mga salbahe sa mundo lalo dito sa pinas.
hope you will no longer encounter things like this. at tama, ipagdasal natin na magkaron lahat ng maraming blessings para lahat tayo mamuhay nang tahimik at tapat :-)
Grabe naman, kung ako yun baka nahimatay ako sa takot. Buti alert pa rin ang isip mo. Ako dati dinukot wallet ko sa jip hindi ko alam paano nangyari pero ang bilis ng kamay nila tapos, nung pababa na kao ng jip kunwari nalaglag yung wallet pero pagtingin ko wala na yung pera, pero sorry sila kasi ang nilalagay ko lang sa wallet ay saktong panggastos for the day.
Ang tapang mo. Dapat ng magpasalamat ka kasi hindi ka nila tinuluyan, kung iba yun baka kung ano na ginawa sayo.
Sige- ipag-pray na lang natin sila. Sana guminhawa ang buhay nila para magpakabait na sila.
Alam ko unfortunate ang event na ito at muntik ka na talaga doon, pero tawa talaga ako ng tawa! Ambilis bilis ng pagbasa ko ng kwento mo kahit kehaba-haba.
hayaan mo 'toy, ipagpepray natin na tumubo ang betlog sa gitna ng mga kilay nila, parang bangs lang, para laging natatakpan ang talukap ng mata, ansagwa nun diba? hawi sila ng hawi sa 'betbangs' nila. hihihihi!
Ingat na lang lagi. Mukha ka kasing mapera e. Mahirap talaga yung masyadong gwapo.
Hahahahahaha may experience din ako ng mandurukot at ganun din sa jeep din... lumaban din ako... kaya wala naman siyang nakuha... pero saka ka lang kikilabutan kapag nakababa ka na at saka naisip ang nangyari...
May isa sa Cebu, meron sa Davao at meron din sa Manila... malas nila di ako nagdadala ng pera... wahahahaha
Kaya siguro sanay na rin ako kung paano ang da moves sa mga bagay gaya nito... LOL
Di ko alam anong gagawin ko if ganun mangyari sa'kin. Mabuti at safe ka Nurse :)
di ko alam to ..
mabuti naman at hindi ka nila sinaktan.
maraming salamat din sa pag-share mo ng experience mong ito. ang mga taong (like me.haha!) na unaware of this kind of modus eh malamang, aware na ngayon. hehehe..
keep safe po! =)
Post a Comment