Mga minamahal kong mga kaibigan, Sa darating na April 23, kasabay ng Black Saturday ay eksakto ring araw kung kailan ako ipinanganak. Opo tumatanda na ako, at promise magpapatuli na po ako kumukunat na eh. hehe. At dahil Black saturday, Hindi ko alam kung papaano ko icecelebrate ang aking ikaw-19 kaarawan. (Ang umangal matatanggalan ng bagang mamayang gabi. )Malamang kasi, sarado ang mga mall, (ipapasarado ko)Malamang kasi, walang magbebeta ng karne. Malamang kasi,karamihan sa mga friends ko uuwi ng province at iiwan na nila akong nagiisa. At malamang kasi, lahat magluluksa ng araw na iyon.
Pero ganun pa man, Hindi ako mawawalan ng pag asa. Andiyan pa kayo. Mga mababait na readers, Mga vute na followers, mga mapagmahal na mga bloggers at mga masuwerteng napadaan lang at napabasa. Nasa kamay ninyo ang ikakasaya ng birthday ko. Mangyari po ay manghihingi sana ng pabor ang inyong abang lingkod na si kikilabotz.
Kung ako po ay mapagbibigyan ninyo. Hihingi po sana ako ng isang birthday greetings mula sa inyo. Pero sa halip na picture ay ipinapakiusap ko po nasa VIDEO na lang. Aba!! modern na tayo ngayon . Magpapahuli ba kayo?
Tandaan po natin na
"ang taong mapagbigay , Ay pinagpapala sa napakaraming mga bagay"
kaya po ay ipadala niyo na ang inyong videosa iamkikilabotz@gmail.com o kaya naman ay ipost niyo na lang sa facebook wall ko bago dumating ang aking kaarawan.
maraming maraming salamat po. Ang hindi magbigay magkaka pigsa sa pwet. Sinusumpa ko. bwahahahaha