Tuesday, February 22, 2011

munting hiling ng isang nagbibinata

Mga minamahal kong mga kaibigan, Sa darating na April 23, kasabay ng Black Saturday ay eksakto ring araw kung kailan ako ipinanganak. Opo tumatanda na ako, at promise magpapatuli na po ako kumukunat na eh. hehe. At dahil Black saturday, Hindi ko alam kung papaano ko icecelebrate ang aking ikaw-19 kaarawan. (Ang umangal matatanggalan ng bagang mamayang gabi. )Malamang kasi, sarado ang mga mall, (ipapasarado ko)Malamang kasi, walang magbebeta ng karne. Malamang kasi,karamihan sa mga friends ko uuwi ng province at iiwan na nila akong nagiisa. At malamang kasi, lahat magluluksa ng araw na iyon.

Pero ganun pa man, Hindi ako mawawalan ng pag asa. Andiyan pa kayo. Mga mababait na readers, Mga vute na followers, mga mapagmahal na mga bloggers at mga masuwerteng napadaan lang at napabasa. Nasa kamay ninyo ang ikakasaya ng birthday ko. Mangyari po ay manghihingi sana ng pabor ang inyong abang lingkod na si kikilabotz.

Kung ako po ay mapagbibigyan ninyo. Hihingi po sana ako ng isang birthday greetings mula sa inyo. Pero sa halip na picture ay ipinapakiusap ko po nasa VIDEO na lang. Aba!! modern na tayo ngayon . Magpapahuli ba kayo?

Tandaan po natin na 

"ang taong mapagbigay , Ay pinagpapala sa napakaraming mga bagay"   

kaya po ay ipadala niyo na ang inyong videosa  iamkikilabotz@gmail.com o kaya naman ay ipost niyo na lang sa facebook wall ko bago dumating ang aking kaarawan. 

maraming maraming salamat po. Ang hindi magbigay magkaka pigsa sa pwet. Sinusumpa ko. bwahahahaha

25 comments:

khantotantra said...

wow. nag-step-up ang greeting, video na.

wag ka mag-alala sir, usually, bukas na din ang ilang malls sa metro manila ng black saturdays kasi alam nila na may mga taong bagot pag holy week like call center agents and people working bente kwatro oras.

alam ko rob. galleria open last year e

kikilabotz said...

palusot ko lang yun khanto tantra wag mo ibuking. hahahaha

Bino said...

ang hirap ng hiling mo pero kaya naman. dahil matagal pa naman ang deadline eh magagawan ko ng paraan yan. sige sesendan kita ng cute na cute kong video greeting wahahahaa

glentot said...

Sosyal! Demanding! Video! Pano yan hindi ako Inglisero like Jepoy ahahaha

The Gasoline Dude said...

Bidyo talaga? Ampf.

~ JaY RuLEZ ~ said...

nagkakausohanm na ang mga hiling..hehehe

ito na ata ang pinakamahirap na hiling..LOl

morning kiki...:)

gillboard said...

bukas na ang mall pag black saturday. nagbubukas nga lang sa tanghali.

empi said...

kung ang request ko noong bday ko ay sulat kamay na birthday message...Mas malupit ang request mo kikilabotz... VIDEO talaga!

ISTAMBAY said...

ang iisip ako sa susunod na may birthday.. ano naman kaya ang irequest nila hehehe.. nag uupgrade eh.. hihih...

teka, batiin na din kita ng advance happy birthday sir.. :)

Axl Powerhouse Production Inc, said...

what? 19 ka lang wheee di nga hehehe... moderm kung moderm ha , talagang kailang video greeting sosyal parang artista lang may VTR greeting hehhe. pag iisipan ko yang bagay na yan :D

Ronster said...

hahaha, hitech na parekoy...pero ayus ang naisip mo!

mommy-razz said...

advance happy b-day!! makaka asa ka, sana hnd ako ma amnesia sa oras na yan.. hehe!

LordCM said...

ikaw na ang magbirthday sa panahon ng teknolohiya! :D

Diamond R said...

Hiling ng nagbibinata. ibang klase na ang panahon ngayon.

tintin_23 said...

So kelagan ganon? ahahahah.. ngpabata ka pa tlga.. cge ba! kaw pa super lakas mu sakin eh.. dapat ako din ah. remembr bday ko din un.. hehehe.. tnx..

KikomaxXx said...

hahha bongga ka tol.. ok lang yan kasi palaging sa kaarawan ko din naman yang mahal na araw... at sinicelebrate ko din naman with flying colr red in my body.. wahehehe joke... waheheh wala bang deadline.. wahehhe ok na...

Xprosaic said...

Ang hirap namang kahilingan na yan! video mode na! ahahahhahaha.... ilang takes ba kelangan!? lol

Jhiegzh said...

MOdern na modern ba!

Ako si Yow said...

Ang effort. Hindi ko ata kaya yung ganto katinding exposure? Haha.

Kamila said...

awko din baka di ko kayanin exposure.. nyahahahaha... kahit makapal mukha ko... naisip ko lang..paano ka kaya pinanganak ng nanay mo nung mga panahon na may pabasa? ay..di ko alam kung may pabasa sa black saturday

BatangGala said...

video greeting talaga? hindi po ba pwedeng piktyur na lang? ;) haha:))

salbehe said...

Pwede bang mag recycle ng bday greeting? Pic lang hindi video. =)

KristiaMaldita said...

Pa follow lang ;)

DEMIGOD WINZTON said...

BIDYO!?! DEMANDING NGA ;)
MAKULIT LANG.

kalokang Pinay said...

wow, highest level na itong request na ito sa lahat ng nabasa ko. itry namin ng baby poj ko na gumawa, sana maki-cooperate sya.

=)