Wednesday, June 2, 2010

saan nawala?

May lahi ka bang detective? tulungan mo naman ako oh. nawawala kasi ang pera ko..

at ganito ang pangyayari.

Madaling araw kahapon, Bumangon ako mula sa pagkakahiga, naligo, nagbihis, kumain at nagsipilyo.. Kumuha ng umaatikabong 200 pesos sa alakantya.. tapos na isipan kong magdala ng extra money money money.  (2000 php)ayun. Isinuksok ko sa mahiwagang secret pocket ng aking mahiwagang pantalon.

tapos sumibat na ako ng bahay. Naalala ko na hindi pa pala ako nakakapagwisik wisik ng magic pabango. kaya dumura na lang ako sa kamay ko at ipinahid sa buong katawan ko. tutal ganun din naman

Sinundo ko ang aking bestfren sa aming tagpuan, galit na galit. isang oras na daw akong late.. sabi ko naman isang oras at isang minuto ka lang maagang dumating.kasalanan ko ba? sipain ko pa siya eh..Tapos lumapit ako ng konti sabi niya bestfren ang bango natin ngayon ah?sabi ko naman salamat. Tinanong ko siya kung gusto niya rin magpabango. sabi naman niya  "sure why not" kaya dumura ulit ako sa kamay ko at ipinahid sa mukha niya..sweet ko noh?

sumakay kami ng taxi. ako ang nagbayad wala daw kasi siyang barya.. ayun. Pagbaba namin ng taxi , naglakad ng konti tapos nakarating na kmi sa pupuntahan namin. nagpicture picture tapos

 its shoowwtime na..

Ayun.. napagpasiyahan na namin umuwi..sumakay ulit kmi ng taxi. sSabi niya ako ulit ang magbayad wala daw siyang barya..pambihira..Iisahan yata ako. Kaya dun ko pinara sa tapat ng jolibee. Tapos dukot ulit ako ng pera sa pambayad sa taxi.

bestfren gutom na ko kain muna tayo. wala akong buo kaya ikaw muna ang magbayad ha?sabay pinakitaan ko siya ng pamatay kong smile. ayun! napapayag ko naman at nilibre niya ako.

pagkatapos namin kumain, hinatid ko na siya sa sakayan ..tapos naglakad na ako pauwi sa bahay.
hinubad  ko yung pantalon ko  tapos natulog sandali, sinuot ko ulit yung pantalon ko para pumunta ng SM at bumili ng  bagong bagong no scratch na sapatos. pagtingin ko sa mahiwagang secret pocket ng aking mahiwagang pantalon..pugelshit!! wala na yung 2k ko. wala na akong pambili ng bagong bagong no scratch na sapatos.hinanap ko kung saan saan pero hindi ko talga makita.

Dahil mabait at kyut na kyut akong bata. hindi ko ipagdadasal na sana tubuan ng tatlong betlog sa mukha yung nakapulot ng dalawang libo ko. hinding hinde ko ipagdadasal. hinding hinde!!!!

Sa karanasan kong ito.

Napatunayan kong hindi pala totoo ang kasabihang

kapag may isinuksok  na dalawang libo may madurukot na dalawang libo..
dahil wala akong nadukot...ay meron pala..bente

51 comments:

ghienoxs™ said...

may pagka pusa ka pala, pahid ka kasi ng pahid sa dura mo...

doon mo sanan isinuksok sa mahiwagang secret pocket ng brief mo. old skul!.hahaha

Chingoy said...

pasalamat sa bente..

ingat na lang sa sususnod... :)

kuhracha said...

seryoso, nawalan ka? aaaww.. wawa naman ang kapatid kong ito. ikaw ba ay may lawit o may butas? baka kinain ng butas mo ang 2kiyaw mo. di kaya?

yaan na, ibote mo na lang ang laway mo. tapos ibenta mo para kumita ka ng pera. oha oha...

namiss kita, kilabotz. kung di ka pa mawalan ng pera, di ka magpopost.

Lord CM said...

May dilang anghel ka parekoy, nung sinabi mong wala kang buo, ayun!nawala nga! lolzz

BatangGala said...

Waaah!!Sayang naman ang 2k pero ayos lang yan,mapapalitan din yan, baka mas malaki pa:D tsaka wag ka mag alala, di ka nag iisa,nawalan din ako ng pera kanina full package pa with my monthly transit pass.:D

karen anne said...

kung ikaw nawalan ako laging nakakapulot, haha. ok lang yan, isipin mo na lang mas nangangailangan ng pera kaysa sayo yung nakakuha nun. abuloy mo na sa kanya. lol

bulakbolero.sg said...

at doon nagtatapos ang istoryahan ng mahiwagang 2k... nyakaka.

sayang.. pero isipin mo nalang yung nakapulot ng 2k mo mas nangangailangan. wala makain. araw araw nabubuhay sa pagdidildil ng asin. walang maayos na tulugan. di makapagpaduktor. at higit sa lahat naka celfon.

darklady said...

tsk tsk sayang yun.P50 lang mawala sakin hindi na ako makatulog ano pa kaya ang 2k. pero di bale malay mo mas nangangailangan yung nakapulot nun e di nagsilbi ka pang angel.^_^


wala akong lahing detective conan e kaya hindi kita matutulungan. isang hug na lang para hindi ka na maiyak.hehe

언니-Unni said...

hmm di kaya nahulog pera mo nung hinubad mo pantalon mo bago ka matulog saglit????hehehee...

nga pala anong scent ng pabango mo at naintriga ako hahaa,,,,

pero wag kang mag-alala kung sino man nakapulot nun tiyak di cya gutom ngaun malay mo naka kape pa cya sa starbucks oh ha hehehe

Jam said...

Hmmm..d kaya nagkamali ka lang akala na nilagay mo sa secret pocket mo e 2k instead na 200 at naubos na yun kakapasahe nyo no bespren mo...Asus saka yaan mo na yun malay mo isang pulubi pala nakapulot o db ala manny Villar ang magiging dating mo hahaha! kc nmn di sa secret pocket ng Brip nilgay dun pa sa pantalon...hehehe! sa susunod ingat sa pagtatago sa mga secret na yan ha! ingat bespren....haymishu!

Lee said...

gayahin mo yung matatanda sa bra nilalagay yung pera... ay di ka yata pala nagba bra, lagyan mo nalang ng secret pocket na my zipper yung brief mo ng
sa susunod magdadaan muna sila sa ibabaw ng betlog mo bago nila manakaw ang pera mo.

ladyinadvance said...

sa susunod wag na kaw dala malaking pera para inde mawala o d kaya lagay mo sa brip mo...hahahaha

Kosa said...

as in wala?
baka naman nakalimutan mo kung saan mo sinuksuk parekoy?
sa kabilang mahiwagang bulsa?
wala din...?

eh how 'bout dun sa isang mahiwagang pantalon na suot mo nuong first time nyo ni...? wala din?

awwww... nasa mabuting kamay na yun tsong! isipin mo nalang nakatulong ka sa iba.. hehe. parang charity lang:D

NoBenta said...

pera lang yan. papel. napapalitan. nauubos. 'di nadadala sa kabilang buhay.

bakit mo winala?!!! sayang!

isipin mo nalang na may mga taong nangangailangan. gumagamit talaga si Bro ng kasangkapan para makatulong sa iba. at hindi ikaw ang isa doon - malas ka lang talaga! hehehe, peace tayo!

\m/

kayedee said...

ang tanung?! bkit mo kc dinala yun?! ikaw kya ang hampasin q ng keyboard q, konyatan at dukutin ang mata?! lolz (at oo! hnd q mkkalimutang gnwa mo sakin yan!) lolz

naks date b yan marvz? ehehe. at nag tututbrush pla u hnd q lam! ehehe.. naks ang bango nya! ahaha(filing q lang mhlig ka magpabango ng uber dami, na tipong kht wlang ilong eh maamoy ang pabango mo? kaya no wonder npagkamalan kang nagbiblang ng babae) ahahaha.

hamishu hoizt!=)

an_indecent_mind said...

hindi sa kung san sya nawala parekoy, alam ko kung san sya napunta.. sa MASWERTENG mga kamay! hek hek hek!

di mo kasi inabangan, baka ipinambili na nya yun ng no scratch na sapatos!

tsk! double fail!

kikilabotz said...

@ghienox- wala akong suot n brief..ahhaha. joke

@chinggoy- buti nga may bente pa eh.hehe

@kuhracha- kung hindi ako nwalan ng pera hnd ako magpopost at hindi ko malalaman n miss m na ko. hehe.

kikilabotz said...

@lord cm- oo nga eh. hnd lang dilang anghel kyut pa.ahaha

@batangala-awts sad to hear that.. nwei mapapalitan din yung mga nawala sa atin..db?

@karen- baka ikaw ang nakapulot ha? balik m n..ahaha

kikilabotz said...

@bulakbolero- wahahaha. oo nga eh..mukhang pantxtx nya lang yun ..saka pangstarbucks ampupu

@dark- cg ok na sa akin ang isang napakahigpit na hugg..hmmmmm

@unni- uhmm hindi ko na nga alam kung saan ko nawala eh. pabango ko? hmmm basta mabango..kapag naamoy mo ayaw mo ng lumayo sa akin. hehe

kikilabotz said...

@ jam- wahahaha. miss you din..wala akong brief eh. wahaha. joke..tama hayaan ko na yun sana nga lang nakatulong ako

@lee- tama tama . simula ngayon magsusuot na ako ng bra araw araw. hehe

@ladyinadvance- waaahhh. cg na nga magbbrief na ako kahit mainit sa betog. hehe

kikilabotz said...

@kosa- wala, sa lahat, wala wala wala..hehe.. tama nakatulong ako.hehe

@no benta- tama minsan nagagawa tayong kasangkapan para sa ikakasaya ng iba..hehe.cno kaya gagawing punching bag ko..khit trip trip lang .hehe

@kayedde-- hindi ngayon lang ako nagtoothbrush..may lakad kasi eh...hd naman uber dami. haha. uber uber dami lng. miissyuu

kikilabotz said...

@kosa- wala, sa lahat, wala wala wala..hehe.. tama nakatulong ako.hehe

@no benta- tama minsan nagagawa tayong kasangkapan para sa ikakasaya ng iba..hehe.cno kaya gagawing punching bag ko..khit trip trip lang .hehe

@kayedde-- hindi ngayon lang ako nagtoothbrush..may lakad kasi eh...hd naman uber dami. haha. uber uber dami lng. miissyuu

kikilabotz said...

@indecent mind- wag ka na magpanggap.hahaha. ang link ni kuhracha ay mkikita sa blogroll ko ..hanapin mo na lng. hehe

gillboard said...

mukhang mayaman ka naman... madali mo na lang mababawi mo din yan...

paubaya mo na lang sa karma yung di nagsauli ng pera mo...

glentot said...

Dalawa lang yan, butas yung secret pocket mo, o nakadalawang libo kayo ng kinain sa jollibee.

KUMAGCOW said...

Hmmm malamang par baka napunta na yun sa ibang bulsa...

o kaya yung sa taxi kaka kuha mo ng pamasahe baka nalaglag..

baka nalaglag sa jollibee kaya may bumile ng 30 kilong french fries...

Mahirap mawalan ng pera tapos dimo na alam kung san napunta, pero ayus lang yan, digital na ang karma ngayon...

Babalik din yan sayo limpak limpak siksik liglig umaaapaw na pera! hehehe =)

pulambuli said...

taragis naman!!

sayang yung dalawang libo.. mahirap kupitin yun sa putsaka ng Lola ko.. ilang pagpaplano at pagtyempo pa ang kailangan gawin..

magbenta ka na lang kaya ng dura?.. hmmm..ang bango.. =)

kuhracha said...

nanggaling na sa bhay ko si indecent mind. siguro nga sa blogroll mo nya ako natagpuan.

sa susunod na mamiss kita sana wag ka na mawalan ng pera. ok? ingat kapatid.

chikletz said...

sayang un ah.. baka nahulog somewhere along your trip.. ay english ampf!

ambango pala ng dura mo kung ganun. haha! yakk!! LOL!

definella said...

andito sakin ung 2k oh..
astig kc ang mahiwagang secret pocket mu eh,
nagteteleport ang laman :D


eto sakin oh, kunin m0.. yuhu habulin m0 ko LOL

missGuided said...

pag minalas ka nga naman o!hhaha. naloka ako sa pabango mo:D

missbroken said...

comment ako sa video.. ahahaha.. ganda.. ang ganda ganda...
hindi ko alam kung san anag maganda basta ganun na...

Jepoy said...

baka pag dukot mo ng pera nung nag taxi kayo nahulog. Kasi nung nasa taxi ako meron akong napulut na 2K naka tupi in a beri beri small folds hihihi

Swerte me malas you.

Ingats!

kikilabotz said...

@gillboard - hnd ko na papaubaya sa karma yun. hnd namn nya sinadyang mapulot yun. wala siyang kasalanan. hehe

@glentot- hnd ka nagbasa.halta..haha. joke

@kumagcow-alam ko babalik nga yun limpak limpak na salapi..hehe

kikilabotz said...

@pulambuli- cg magbabenta ako pwede k bang suki ko? hehe. may discount

@kuhracha- oo nga sana nga kapag namiss mo ko hnd na ako mawawalan ng pera..at daapt ilibre mo ko ng icecream ng maraming maraming beses

@chikletz- gusto mo ba ng dura ko? libre lang para sayo..ayiiii..cute cute m talaga

kikilabotz said...

@definella- ahh ganun? gusto m hinahabol kita ahh? cg 1 2 3 takbo ..hahabulin kita ..amin na 2k kohhhhhhhh...hehe. mwah

@missguided- gusto m rin ng pabango ko? :D

@missbrocken-ikaw din ang gnda gnda.

kikilabotz said...

@jepoy-at dahil jan ililibre mo ko...hehehe.

kuhracha said...

uu, di ko nakakalimutan ang ice cream mo. teka, inadd mo ba ko sa fb? baket wala akong narereciv na request? baka iba un inadd mo? hahaha

PABLONG PABLING said...

pwede ka ba sumampol ng laway diyan lagay mo sa garapon tapos benta mo.

ganto yan tol

nung nagbayad ka sa taxi ang pinambayad no ay 2000 pesos. :) 1000 papunta 1000 pabalik. :)

kikilabotz said...

@kuhracha- cg na nga iaadd n kita. nhiya kasi ako eh..cg ayann n w88 m lng. hehe

@pabs- uu yun n nga gagawin kong bussiess. hehe

otep said...

ikaw talaga ang tigas tigas ng betlog mo! (teka tumitigas din ba ang betlog?)

iba na lang.

ikaw talaga ang tigas ng ulo mo lagi ka na lang nawawalan!

naalala mo pa ba yung kinuwento mo dati sa nawawalang pepe ng kapatid mo?

yung PSP?

nakita mo pa ba yun?

baka yung bespren mo lang yung nakakuha. ayos lang yun nailibre ka naman sa jollibee..

kaso pag tinubuan yun ng tatlong betlog sa mukha alam na hahahah..

Vajarl said...

Alakantya. Shet hindi ako makaget over. Parang pang 5 years old. Hahaha. :D

Anyways, pede ka pala gawing negosyo. Tagapahid. Ampunin kita tapos lagay kita sa stand ng mall, magbebenta ko ng pabango. Pampayaman. Oye.

Kelan lang naisnatchan den ako, pero 200 lang naman ang nawala saken. Kaso lahat ng IDs ko damay. Pinakulam ko na lahi ng mga magnanakaw. Lahat sila tatlo nipples na ngayon.

roanne said...

Sayang :( sana binigay mo na lang sakin hehe

alingbaby said...

maluwag ata mashado ang lonta mo kaya kakadukut mo ng pambayad sa pamasahe..ayuun, nahulog. answerte ng taksi drayber o malamang ung kasunod nyong sumakay. haayys. kaya nga nauso ang wallet. di bale, baka kaya nawala ang 2 libo kase me dadating na 2500 diba, nice?

nakikibasa :)

Ayie said...

Akala ko ba sa secret pocket mo inilagay? Paanong nalaman yun ng magnanakaw eh sikret nga?

Hayaan mo na. Babalik sayo yun, pag inanod ng baha...

kikilabotz said...

@otep-wahaha. aba aba naalala mo p ayun ah? oo nkita ko..hehe

@vajarl- kaya pala pati nipples ko tatlo na..kasalanan mo. hehe

@roanne- kiss muna. haha

kikilabotz said...

@alingbaby - salamat sa pagbabasa..apir

@ate ayie- halatang hindi nagbabasa..wahaha

pusang kalye said...

yan kasi ---kung sumama ka sana samin sa inuman last time di napakinabangan u pa yung 2k u---,e pambili kapa ng biogesic the next day---

ayan---sa June 12---Sat. ma lakad tayo ha. opening ng cofee shop ni Edsel ( ching-chinining sa Sta. Mesa near Sm centerpoint. kasama ka don ha.

kikilabotz said...

@pusangkalye-opo sasama na ko..kaw talaga ha? hehe. libre mo ko ha? hahahaha

timangkey said...

totoo ung kasabihan pre... naunahan ka lang sa pagdukot.hehe

-=K=- said...

Hahahahaha! Ang cute! Ngayon lang ako nakatungtong sa blog mo pero aliw na aliw ako! Cute story. Ill be coming back :)