Saturday, February 13, 2010

bato bato sa langit tamaan sapul

ang larawan na ito ay hiniram ko lang sa facebok na hiniram naman nila sa tumbler.salamat  sa kanila at ngayon ay nagugutom ako.grrrrrr

Since valentines ngayon malamang sa alamang love at love pa rin ang pag-uusapan natin. haha. Ang hindi makisali KJ.hahaha.

Meron akong isang kaibgan. Itago na lang natin siya sa pangalang babz. Medyo mataba at medyo maliit ang kanyang pangangatawan.madalas ko siya makalaro sa DOTA at inaamin ko mahina siya dun.wahahaha.Minsan napag-usapan namin ang kanyang lovelife. At ang sabi nya na hindi ko malilimutan ay....

SANA MAKAKITA RIN AKO NG MAKAKAINTINDI SA AKIN

Matapos ko marinig ang sinabi nya na yun. libo libong ideya ang pumasok sa isip ko. At kelangan ko mamili na magandang ireply sa sinabi nya..Pero isa lang ang nasabi ko

PARE WAG GANUN!! HUWAG MO HANAPIN ANG TAONG MAKAKAINTINDI SAYO ! HANAPIN MO YUNG TAONG IINTINDIHIN MO.

Isa pa ulit kaibigan ang binigyan ko ng payo. Itago na lang natin siya sa pangalang Emo. Madalas ko rin siya makalaro sa DOTA. At kung si babz ay mahina. pano pa ito? no comment na nga lang. Minsan pinayuhan ko siya

WAG MO MUNA ITXT NG ISANG ARAW MAGPAMISS KA MUNA!!

At ginawa naman ng loko. Ang problema imbes na isang araw eh isang buwan siyang hindi ngtxt. kawawang bata.Matapos ang pangyayaring iyon! araw araw gusto nang  mag-inuman. Minsan nga sabi nya naisip na daw niyang magpakamatay . Xempre dahil sa mabait akong kaibigan pinayuhan ko ulit siya. at ang sabi ko

ah ok!ingat sa pagpapakamatay.

Ibat iba talga ang mukha ng pagmamahal. Minsan hindi mo na alam ang ginagawa mo. At minsan alam mo na ngang mali, ginagawa mo pa rin.

Para sa akin ang pagpapakita ng pagmamahal ay parang paghagis ng bato sa kalangitan diretso paitaas. Mas todo pwersa mong ihagis mas mataas ang mararating.Pero mas mabilis ang pagbulusok pababa. at mas masakit kung tatamaan ka. But the essence of truelove ay kahit ilang beses kang masaktan ang mahalga hnd ka magsasawang bumato ulit.

Ngayong valentines day, May kadate ka man o wala. single or married huwag natin kalimutan si Lord sa itaas .Dahil kung icocompare natin ang pagmamahal niya sa atin. Malamang sa alamang Araw araw Valentines

















22 comments:

Choi said...

parang kilala ko ung babz at emo.. hehehe. nice entry vin. nakakatawa..

wala ba tayong dota session ngayon?..

chikletz said...

happy vday kaibigan! pag may problema ako sayo pala ako makakakuha ng mga malulupit na advice. haha!

darklady said...

Astig magbigay ng advice ah! Masyadong nakakatulong..hehehehe..ayos!!

Skippyheart said...

ang ganda naman ng ending message ng post na ito! :)

anyway, thanks for the greeting and happy hearts day din sa'yo! ♥♥♥♥♥♥

Jam said...

HAPPY VALENTINES KIKILABOTZ past muna ako sa comment kc gusto kong samantalain ang pagkakataong eto na mabati ka(naks drama!) O san ba ang date ha? sama mo naman ako kahit sabit lang hahaha!

kikilabotz said...

@ choi- kilala m b? bato bato sa langit tamaan sapul

@chikletz- wahahahah ganun? walang sisihian sa huli ah?

@darklady- wahahahah. hehemakaktulong talga ako

@skippyheart- tnx. happy hearts day skippy

@jam-whahaha. sama k po? d2 lang sa bahay ang date ko eh. hehe

kayedee said...

una sa lhat... ano ang dot??heheh

pangalawa,s susunod n kelngn q ng advice sau aq lalapit pra... wala lng trip q lng hehhe..

pangatlo,kung s hnd u nttnung super lab q c lord,bro,papa jesus etc..

at pang huli.. hapi balentys :)

karen anne said...

happy vday!

den said...

at my nag txt eto ang sabi...

"ang gulo nya, hindi ko na xa maintindihan, wag dw muna ko makigulo kc dw lalong gumugulo... kya nga ang hirap nyang intindihun, basta ang hirap nyang intindihin"-babz to babz

lol.. ...

kikilabotz said...

@ den-hnd yan ang sinabi ko. haha

DRAKE said...

HAPPY BALENTAYMS SA IYO ka kilabots! Mukhang pinag-isipan mo talaga ng matagal ang mga quotable quotes mo!

Ingat

den said...

wag mo kong linlangin.....






quotz yan cnend lng sakin.. bkit ka affected...lol....piz..@kilabot ng kiki...(nyak bastos ata, senxa na)

Dhianz said...

naks.. ahlab 'ur main message here... yeah why not celebrate it w/ Him... pero hmm... i think kc... kadalasan ang tao masyadong hinahayaan kontrolin sila nang emosyon nilah... tapos madalas pinapaikot nilah ang mundo nilah sa isang tao... kaya kapag nawala.. u know nah... ahehe.. eniweiz... ms. advice lang akoh minsan pero tanga ren akoh minsan pagdating dyan.. haha.. namiss koh d2 sa lungga moh... and in fairness nde essay ang komentz koh ngaun.. lolz.. belated happy valentines... ingatz lagi.. Godbless! -di

glentot said...

True Amen... Ang galing mo mag-advice ah!!!

kikilabotz said...

@ kayedee- happy valetines day

@ karen anne- happy valentines po

@ den- sapul ba? sapul? ahaa

@dhianz- huhuhuhu. same tayo. miss you too dhianz

@glentot- ahaha. magaling daw ?

kikilabotz said...

@ kayedee- happy valetines day

@ karen anne- happy valentines po

@ den- sapul ba? sapul? ahaa

@dhianz- huhuhuhu. same tayo. miss you too dhianz

@glentot- ahaha. magaling daw ?

KESO said...

na-late ata ko ng bati, hapi balentayms wahahaha.

Jepoy said...

Gusto ko ang advise mo sana may youtube video din ito. LOL

choknat said...

ang sexy ni jollibee..

tama, matutong magmahal ulet. magastos kasi pag laging emo, panay din ang inuman.

kikilabotz said...

@keso - happy valentines din po

@ jepoy- wahahaha. bkit m pinanuod?haha. ge gagawa ako

@ chokant- welcome po dito

Random Student said...

natumba ako sa upuan ko when i saw your post image. ang sexy ni jollibee.

Lhalina (n_n) said...

ayos ahh..
bket ngaun q lng toh nabasa...

hahaha,,,