kabanata II:INUMAN
kabanata III
HAPDI, KIROT at SAKIT
Nagmamadali akong lumipad para hanapin ang nag-iisang babae sa puso’t isip ko.At sa aking paghahanap, Nakita ko ang isang matandang ermitanyong ipis .Pakiramdam ko meron siyang gusto sabihin sa akin kaya dumapo muna ako sa tabi niya.Dali dali kong itinanong kung may nakita ba siyang isang magandang ipis na lima lang ang paa. Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sa aking mga mata at lumapit sa akin ng dahan dahan at ibinulong ang ilang mga pangaral.
Sabi niya....
Ang pagibig ay parang pagbunot ng burnek o buhok sa puwet , Napakasakit pero nakakaadik
Pakaiingatan mo yung mga nagmamahal sayo kasi yung mga nagmamahal sayo papakaingatan ka
Ang hindi nakikita ng mga mata ay siya pang mas mahalaga
Nagpasalamat ako sa mga pangaral niya.Pero sa ngayon hindi pangaral ang hinahanap ko.Ang hinahanap ko ay ang ipis na nagsisilbing dahilan kung bakit patuloy na tumitibok ang aking puso. Nagpaalam na ako sa matandang ermitanyo. At lumipad palayo. Maya maya narinig kong tinawag niya aking pangalan. Kaya lumingon ako, Isang bato ang tumama sa mukha ko. Bigla siyang nagwika
“Tandaan mo lufet...Kapag binato ka ng bato”
“Ano?”
“umilag ka! Tanga!”
Tumuloy na ako para hanapin si dalisay . Nagulat na lang ako sa nakita ko. .
Nagkakagulo na ang lahat
Maraming mga ipis ang lumilipad sa paligid..hilong hilo
Nagkakabanggan
Nanghihina
Umiiyak
Nagmamakaawa
nagdadasal
Humihingi ng tulong
Naghihintay ng himala
Umaasa na manatili ang kanilang mga buhay
Nakita ko ang dalawang repipis ko.. si Panot at si Peklat. Hinang hina rin at hilong-hilo. Tinanong ko sila kung anong nangyayari.. sabi nila may nagspray daw . Ginawa daw nila ang lahat ng makakaya nila para iligtas ang ibang mga ipis. Pero kahit na sila daw si PETER PANOT at KAPITAN PEKLAT hindi daw kaya ng powers nila ang amoy na yun. Mas matindi pa daw sa putok ni singhot.
Dahil may sipon ako nung mga oras na iyon. Hindi ko maamoy ang sinasabi nilang nakakalasong aroma .
“nasan si DALISAAAYY!!!?” tanong ko
“andun sa basurahan”
Dali dali kong lumipad papuntang basurahan . Nang malapit na ako. Kitang kita ko ang katawan ni dalisay. Nakatihaya at medyo nangingisay ngisay na. Mabilis kong pinuntahan ang mahal ko. . Nung nakita niya ako, Ngumiti siya..hinaplos niya ang mukha ko..sabay sabi
“alam mo ba kung bakit mahal na mahal kita?”
“ alam ko dahil kyut ako?”
“gago, dahil naniniwala ako sa kasabihang kapag gusto mo lumigaya ang iyong buhay humanap ka ng panget at ibigin mong tunay”
“ganun? Dalisay huwag ka na muna magsalita. Kayanin mo dadalhin kita sa doktor”
“joke lang...kaw naman..mahal na mhal na mhal na mahal kita kasi lagi kang andiyan.”
“kahit kelan dalisay hindi kita iiwan”
“salamat at sinamahan mo ako hanggang sa huling sandali ng aking buhay. Masayang masaya ako at nakilala kita”
“huwag kang magsaita ng ganyan dalisay. Magsasama pa tayo ng matagal. Matagal na matagal db?”
At ayun na nga ang huling mga salitang narinig ko mula kay dalisay. Umagos ang luha mula sa mga mata ko hanggang sa katawan ng aking pinakamamhal . Syempre kasama na rin yung sipon ko. Remember may sipon ako nung mga oras na yon...Buti nga patay na siya kaya hindi nakaangal eh.
Kaya kong tiisin yung hapdi ng dulot ng mga sugat, kaya ko rin tiisin yung kirot ng hindi pagkain ng ilang taon, kaya ko rin tiisin ang sakit ng magpa sagasa sa ten wheeler truck..Pero ang hindi ko kinaya..ang makitang unti unting nahihirapan ang pinakamamahal ko. Ang sakit sakit pala..ang sakit sakit..nakakamatay
Bumalik sa aking isipan ang ala ala ng aming masayang nakaraan..
itutuloy
kabanata IV
kabanata V
kabanata VI
kabanta VII
kabanata VIII
kabanata IX
kabanata X : ang pagtatapos
61 comments:
ay, bago toh?!!! base ako! yey!
“Tandaan mo lufet...Kapag binato ka ng bato”
“Ano?”
,
“umilag ka! Tanga!”
hahaha, natawa ako ditu..
Hindi ko alam na nakaka adik ang pagbubunot ng buhok sa pwet. Langya sinong nakatuklas nyan? Walang magawa.
waaah!!baket? baket namatay si dalisay? wahaha...emote lang po. ok, hintay mode na ulit sa neks adbetyur ni lufet. :)
bakit mo pinatay ang character ni dalisay?!!! ang lungkot naman.. tsk tsk..
ang lufet ni lufet :]
pero ang sad namatay si dalisay.aba hindi na isya jejemon? sabagay nagsasalita pala haha
more :]
"Ang pagibig ay parang pagbunot ng burnek o buhok sa puwet , Napakasakit pero nakakaadik"
best line from this chapter. panalo rin ang linya from andrew e.
ang galing mo parekoy! naaaliw talaga ako sa ipis series mo!
\m/
@len- uu base ka nga..ang premyo isang masarap n kiss..ahehe..ayaw m? di wag..hmmpp. haha
@salbehe- ako lang nakadiscover nun..try mo din..wahaha
@batanggala- uhmm kelangan eh para pumasok yung bagong character..hehe..mahal kasi ng talent fee nya eh
@chikletz- mahal kasi ng talent fee niya eh. wahahaha. wala na akong pambayad..hehe
@renz- jejemon pa rin siya. buti nga hindi jejebuster ang pumatay sa kanya eh..
@no benta- salamat parekoy..naaliw din daw ang mga ipis sayo. hehe. joke..
kaka-aliw ang ipis... hehehe!!!
baket naman naging tragic keso someting na! Pinatay mo si Dalisay, pano nyan?! Sad naman me...
Itutuloy? ibig sabihin may kapalit si dalisay sa puso ni lufet? :D
Pansin ko lang ha...di kya kwento mo to at codename mo e ipis...puro kn lang ipisss ha! Mwhah! cge kahit nadidiri ako sa ipis...d nmn sayo kse labs kita ayyiee cge na nga ok ng lagi akong last...haymishu!!!
base! tomo na basa! slip na me! ;)
ingzt marvz! mwaahugz
ang drama ng mga ipis. di ko kinaya... hehehe
tsaka nakakaadik nga ba ang pagbunot ng burnek?
ang tragic. affected ako, kapatid. =(
@mervin- nakadalaw na ako sa blog mo..hehe
@jepoy- hahaha. ganun talga ang story laging may tragic momment
@lord cm- hnd ko pa alam eh. hahaha..
@
@jam-hehe. talga gusto mo ikaw lagi ang last? hehehe.. uhmmm hnd ko codename yan..natutuwa lang ako
@kayedee- cg slip ka na muna. basahin mo to tomorow ha? hehe
@gillboard- try mo kaya..bunutin mo burnek mo dali.hahahaha
@kuhracha- uhmm ganun talga ang buhay hnd natin maiiwasa mgkaroon ng trahedya..
langya e panong nakaka adik pagbunot e sabi mo nga masakit, diko pa kasi na try e, ang alam ko lang na masakit na nakakaaddik at uulit ulitin mo e yung magpatattoo.
lungkot naman ng buhay ipis nyan, anu daw ba ginamit pang spray? baygon daw ba? matindi pala pang spray yung ginamit ah, pwede kaya silang mainterbyu kung anung spray ang ginamit para yun ang gamitin ko nek tayms?
galeng. \m/
pero bakit si insecticide pa ata yung pumatay ke dalisay. bad! di na bagay si lufet at insecticide pag nagkataon.
“salamat at sinamahan mo ako hanggang sa huling sandali ng aking buhay. Masayang masaya ako at nakilala kita”
“huwag kang magsalita ng ganyan (dalisay).... Magsasama pa tayo ng matagal. Matagal na matagal db?”
sigh... affected mode.... :(
@bulakbolero- uhmmm siya nga ba? ahahaha...abangan ang susunod na kabanata
@indecent- wag maxado affected..madami k nmng chix eh
kikilabotz--oi. wag mong ibahin ang usapan.....yung lakad natin sa Sat....
@pusang kalye- wahahaha. oo naman.pupunta ako promised n yun..hekhek.sabay sabay tayo punta kay kuya chinggoy. hnd ko alam yun eh. ha?
ayus ah...
may drama na...
comedy at samahan na din ng konting aksyon..hehe meron pa pala...
ang pinakamatinding love story nila...
so sad naman namatay na si dalisay... so san ang coffee party ng mga repipis...hehe
@ akhet- ahahaha. oo nga nakakasad at namatay si dalisay. hehe. kaw kasi eh..hekhek
ay baket mo pinatay agad??? wala pa ngang sexy times patay na agad si dalisay... sino kaya ang sunod na labteam?
ikaw talaga ang kilabotz ng mga kwentong pag ibig.kaso bakit namatay na si dalisay? o baka joke joke lang nya yun?hehehe.
tanong lang marvz, sinapian ka ba ng ipis? nag start tong kwento mo nung may dumapong ipis sayo diba?hehehe (peace) ^_^
bitib xa vinshy..wahehehhe..
mejo mdrama ha,,harhar
naiyak ako. :((
Ang pagibig ay parang pagbunot ng burnek o buhok sa puwet , Napakasakit pero nakakaadik. (susubukan ko to. pramis. hahahaha!)
yikees! tama hula ko, may kapalit si dalisay..
XD
anu name ng sunod na character? busilak? pogoinks =))
sige, next chap, next chap *excited*
ang galing. . . . kamag anak mo ba si bob ong. .
nice post tol
Ang galing! Ang lufet nung bato..
At ikinabuti mo pang namatay siya. hehehe. Ayos!Madami pa akong dapat na matuklasan! Matutunan! Maraming salamat sa poste! ;)
@dalisay- susunod n loveteam? edi ro anne and drake.hehe
@dark- wahahaha. ewan ko natuwa ako bigla sa ipis eh. hahaha.
@caloy- wahahaha. cg subukan mo siya..tapos sabihin m sa akin kapag nakakaadik nga ha?
@mishy- bitin nnmn b? wahahahaha
@definella- hmmm nagiisip p ako..wahaha
@pabs- hnd ko kaanu anu si idol bob ong..hehe. tnx pre
@chevy- wahahahaha..eh ganun talga eh. hahaha
WAIT LANG! HINDI AKO MAKAGET OVER SA BURNEK! HAHAHAHA. Ngayon ko lang narinig yan pero tawa ako ng tawa ampppp. Hahahaha.
hello there... thanks for visiting my blog site... i am already your follower, hope you follow mine too...
bkit nman mamamatay c dalisay??! tsk! wag nman sad ending!!
naku naku! mukhang nagseselos na aq sa dalisay na yan ha! ahaaa adik!
cont. na nman! pasabik pa ayt! ehehe
asan na ang assignment mo?? dinudugasan mo b aq ha?! grrr
@vajarl- makakaget over k din pag nakabunot ka na ng burnek sa pwet
@ailee- hindi ka ba marunong magtagalog? hehehe.yeahh i followed you already
@kayedee- assignments? ano yun? wahahaha
Adik amfufu bakit naging ako si dalisay???
@roanne- nagkamali lng ikaw naman..hnd ko na maedit ang comment ko eh. wahahahaha. xensa namn. pwede b magsorry?
kawawa naman c dalisay...
im sure and susunod na kabanata ay punong-puno ng happy memories nyo ni dalisay...
haha. nahanap ko rin blog mo! :D
cant w8 to read the next part... nc...
ay nalungkot naman ako kac namatay si dalisay, wala ka na makekesohan at inde kau happy ending.... hihihihi
hanap ka nlang ulet.. :D
I think normal pa ko dahil hindi pa ako naadik sa kabubunot ng burnek.
@jp- hahahaha. nakikipagtaguan pa nga blog ko eh.haha
@den- ngak ano b bago sayo?
@ladyin A-hahahaha.. hnd p nmn tapos eh
@glentot- wahahahahaha. hnd mo p kasi nttry ...wahahah
ay pota fre, bakit mo alam na nakakaadik magbunot ng buhok sa burnek?
-ako sa bols naadik magbunot ng buhok.swear! Haha.
-wawa naman si dalisay.jujujuju.
wwahahahaa! ang kulit nung naririnig ko? ikaw bayun?!? lol! ahahaha..
kiss? hhmmpp, sige na nga! aayyiiee!!!
Andaming pangaral. Lufeet!
prang alam ko ang ending nito. si insecticide (na pumatay kay dalisay) ang makakatuluyan ni lufet. ano?
hahaha
tragic pala lovestori nyo ni dalisay.. nalungkot ako ..
di bale.. may continuation pa.. baka panaginip lang ang lahat.. =)
**galeng pa rin ng mga hirit sa seryosong time..=)
hanggang ngyon ipis parin? pagpahingahin mo na yan!!!panu ba i-off tong background music aka noise mo dito...sakit sa ilong, diko tuloy naenjoy yung story ng ipis kasi yung tagu-taguan at buwan ang naiimagine ko.lol
kamusta sipon ni luffeeeeet??
nabitin naman ako sa story,,,,
baka naman dream mode lng ito ha or baka sa next story eh may makikilala ng gurlalooo c lufffeeetttt hehehehe..aabangan ko ang susunod na kabanata haha
@goyo- try m kaya para malaman mo. hehe
@len- waaaaaaaaaaaaaaahh. sa waakas nakiss ko na si bestfren ko. hehe
@donato-hnd hnd..abangan mo n lng kuya
leemi- wahahaha. salamat sa papuri..hehheehe
anton-tinago ko ang switch hnd mo maooff yan.haha
@unnie-tama abangna ang susunod na kabanata
astig ng kwento mo!
ang cheesy ang wala.... hahahahahaha! bkit nmn panget ang ending?!
Post a Comment