Wednesday, August 31, 2011

Tuko 4 Sale

Balitang balita na sa TV, Laganap naman daw sa Pilipinas ang bentahan ng tuko. Ang presyo depende sa bigat, kapag medyo maliit pa, mga nasa isa o dalawang daang libo ang presyo. Pero kapag more than sa isang kilo mga nasa mahigit kumulang isang  milyon ang bentahan.

Naaala ko, Isang sobrang init na panahon, habang nasa trabaho ako. Binilad nanaman kami sa araw, Siomai gulay! Sobrang init, hindi ko naman masabing pawis na pawis ako kasi sa sobrang init mabilis nageevaporate yung pawis ko, kaya wag magtaka kung minsan isang araw biglang maging maasim ang ulan. Hindi lang pawis ko ang natutuyo, ang lalamunan ko, ang katawang lupa ko at baka nga pati na rin yung isip ko tuyong tuyo na. Haay ang natitira na lang yatang basa ay yung babae na kanina pa nakatingin sa akin. (bahala na kayong mag isip kung anong wet sa kanya)

teka teka teka, ano ba mas gusto niyo pag-usapan natin, yung babaeg wet o yung  tuko?Ok fine!  Balik tayo sa tuko. Yun na nga, naisip ko para saan nga ba yung tuko? Bakit nga ba  ganun na lang kamahal yung tuko? Sabi sa akin pananaliksik, 1000  years ang nakalipas, ginagamit daw ang tuko ng ating mga ninuno bilang alarm clock nila. Tukkk oooo tukkkk oooohh. Nakanamputcha.... hi tech.

Pero ngayon, may bago daw gamit ang tuko para sa mga chinese. Nakakagamot daw ito ng cancer o kaya HIV. Di ko alam. Malalaman natin yan in the near future.

Anyways, Gusto ko ishare sa inyo ang picture kong ito.

ayan, kasama ko si Tito jan! Pagkatapos namin kumain ng marami, hindi ko kayang pigilin ang 
uTUtKO

caught in the act, amputcha nga naman


25 comments:

_isheloveblog_ said...

ikaw na umutot..
hahahaha..
ganda ng konek mo dre.. :D

Arvin U. de la Peña said...

talamak nga ang tungkol sa tuko..pati dito sa amin may mga buyer ng tuko........mahirap makahanap ng 300 grams kasi parang bangus na iyon kalaki..pero kung 150 grams hanggang 200 ay madami dito..may mga kilala ako na may tuko binili ng mura sa may bukid..tapos balak ibenta ng mahal na presyo..

gillboard said...

iniisip ko kung paano nakakagaling ng AIDS ang tuko.

Anonymous said...

ang mahal pala hehehe

dami pa namAN tuko sa kisame nung katapat naming bahay na walang tao...lels

so ung tuko nakarelate don sa utot ganun?hehehe hanep ahaha

Makina ni Monik said...

samin sa probinsya daming tuko. So konektado ang Uto sa tuko. ah yun naman pala. pambihira. hahaha

AJ Banda said...

ang haba-haba ng introduction tungkol sa tuko.. sa utot lang pala mapupunta... hahaha

sa totoo lang may tuko kami last time sa bahay.. bebenta sana kaya lang kalokohan naman yung bentahan kasi wala namang buyer.. LOL.. ayun namatay na lang sya sa gutom.. sosy kasi eh... butiki hanap, eh binibigyan na nga namin ng BBQ... hahahaha

Unknown said...

haha.. ikaw na talaga ang magaling. akalain mong na connect mo pa yun. haha.. ang baho kaya, naamoy ko hanggang dito. hehe..

Diamond R said...

Marami niyan sa amin noong unang panahon.akalain mo yon dahil sa picture mong ito naibahagi mo ang halaga nito sa ating seyensiya.

khantotantra said...

lols ka kikilabotz..... andaming pasakalye, sa utot lang ang bagsak. :p

bulakbolero.sg said...

korni ampootah. lol. piz

Anonymous said...

bwahahaha, pasensya naman guys wala akong maipost. nyhahahaha

Anonymous said...

utotino ka na boss kiki... hehehe...

http://christiangareth.blogspot.com/

Hoobert the Awesome said...

HAHAHAHAHAHA.

Grabe ang konek. Ikaw na talaga. Kaya pala nagtakip ng ilong si Manong. LMAO.

PABLONG PABLING said...

nag hahanap talaga ako ng tuko. . kala ko may binibenta ka talaga

Anonymous said...

mas ok na ung ilabas kesa itago pa kasi mas mabaho un hehehehe

EngrMoks said...

uTUtKO!!!! takteng joke yan maipilit lang! LOL

Sey said...

dapat pala nanghuli ako ng tuko nung camping namin. Ang mahal pala nun. Kaso mahirap daw makahuli ng tuko at madalas daw bago makarating sa buyer, patay na.

Ang unang basa ko sa title ng post mo "Tukso 4 Sale" susmaryosep.

Akalain mo may connect kung picture mo sa laman ng post. Hahahah! Kawawa naman si Tito.

THiNK+ said...

pinilit talaga sa tuko?? LOL

panalo ang reaction ng tito mo, halatang ano... nabahuan este nahiya sa ginawa mo :))

The Gasoline Dude™ said...

Anong meron sa tuko at makakagamot ng HIV? LOL! Bigla kong naalala 'yung mga pelikula dati na merong albularyo tapos gagawa ng concoction na lalagyan ng butiki, ipis, atbp tapos ipapainom sa may sakit o sa na-engkanto.

Anonymous said...

hahaha bang... sapul si tito ng time bomb mo chong.. hahhaa

kae said...

hahaha nakakainis na nakakatawa..(x yeah, kala ko joke lang dati na may mga bumibili ng tuko. okey din sanang sideline yun. kaso, di ko alam manghuli. nakakatakot, baka dumikit saken tas sipsipin dugo ko! ganun daw ginagawa ng tuko pag nadikit sayo e. lels

SMILE said...

milyon ang bentahan nyan ah, ilang beses nabalita sa tv patrol yan :D

Anonymous said...

hahah ito yung tinatawag na maipilit lang na post. nyahahaha

-kikilabotz

Jag said...

LOLZ! Sana may vid hahaha! Pro grabe kaya siguro laganap ang dengue kasi nauubos n ang mga tuko at mga lizards na kumakain ng lamok hehehe KONEK din b ? LOLZ

Kristeta  (kalokang Pinay) said...

napanood ko nga yan a few months ago, wawa naman sila, nabebenta ng ganun, lalo ang mga tuko sa pinas na maliit lang. I hope they put a stop to this,

pero sige na nga, bilin naman talaga ako sa pag-connect mo eh =)