Nung bata pa ako, tuwing sasapit ang summer, kapag bumibili ako ng halo halo, dun madalas ako sa tindahan ni aling Liza, kapag nakikita kong nagkakayod siya ng yelo, may dalawang bagay akong naiimagine.
Una, nagtataka ako kung papaano nakakahinga sa aling Liza(hindi tunay na pangalan), ang laki laki kasi ng nunal niya sa kaliwang butas ng ilong. Papaano kaya kung barado na rin yung kanang parte ng ilong niya, san na siya hihinga? Kaya siguro madalas siyang nakanganga kapag nagkakayod.
Pangalawa, naiimagine ko na paglaki ko, masusubukan ko at matutunan ko ang mag....
Una, nagtataka ako kung papaano nakakahinga sa aling Liza(hindi tunay na pangalan), ang laki laki kasi ng nunal niya sa kaliwang butas ng ilong. Papaano kaya kung barado na rin yung kanang parte ng ilong niya, san na siya hihinga? Kaya siguro madalas siyang nakanganga kapag nagkakayod.
Pangalawa, naiimagine ko na paglaki ko, masusubukan ko at matutunan ko ang mag....
ice skating.
10 years later, kapag naiinitan ako at summer, dun pa rin ako sa tindahan ni aling Liza (hindi tunay na pangalan) bumibili ng halo halo, Hindi na si aling Liza ang nagkakayod ng yelo, yung anak na niyang dalaga. At habang pinagmamasdan kong nagkakayod ng yelo, Meron na pa rin akong iniimagine, bahala na kayo mag-isip kung ano yun.
kaya nga last last week, matapos magsimba, kasama ng aking mga kaibigan, dalawa lang sila, Napagpasyahan kong tuparin ang matagal ko ng pangarap. Ang mag ice skating. whooooooooooo.
Kagaya ng ibang pangarap natin sa buhay, hindi lahat madali lang nating matutupad. Minsan kailangan pagsikapan at patunayan sa mundo na para sa atin talaga ito.
(hahaha, magiice skating lang ang dami ng sinabi eh noh?)
So nagpunta na kami ng MOA at dun nag ice skate, hahaha, akala ko talaga masaya, ang dami kasing chikz na sumasayaw sayaw , tinataas taas pa yung paa, o diba ang ganda ng view? san ka pa? Pero akala ko lang pala yon, dahil unang step pa lang, muntik muntik na ko madulas, Kaya kagaya ng mga hindi marunong lumangoy sa swimingpool, andun lang ako sa gilid gilig nakakapit, nagdarasal at sinisisi ang sarili. hahaha.
Pero naisip ko rin, kung patuloy lang akong kakapit dun sa gilid, maduduwag at matatakot masaktan, kahit kailan, hindi ako matuto. Kaya tinapangan ko ang sarili ko, Dahan dahan akong bumitiw sa mahigpit na pagkakahawak sa gilid gilid (sorry hindi ko talaga alam ang tawag ).At humakbang ng isang beses palayo at nagsimula ng maglakad lakad.
Nung una, aaminin ko, ilang beses ako nadapa. May patagilid, may patalikod at meron pasubsob. Ilang beses rin akong napagtawan. Pero kahit ilang beses ako nadapa, nakasmile pa rin akong bumabangon para sumubok sa hamon ng buhay. Hindi naman kasi mukhang tanga ang madapa, ang mukhang tanga ay yung nadapa ka pero hindi ka na ulit bumangon. (palusot.com bwahahahha)
To end this story, after 3- 4 hours na nakakamatay na practice, ayun, thank goodness, hindi pa rin ako natuto. ako na, ako na, .Akoooooooooo Naaaaaaaaaaa ang TAnnnnnnngaaaaaAA!! Anak ng pugel, Masakit kaya.
lesson: Matutong madala kapag masakit na
plastic na ng ngiti ko dito, masakit na balakang ko. |
14 comments:
adik ka pre, masakit na nga balakang mo, nakuha mo pang magpapicture na naka 2 peace sign, iba ka tol!
akala ko naman anong klaseng pagbangon ito. Ayun naman pala pagbangon sa pagkakadapa.
Tama ka, ang pangit yung nadapa ka na hindi ka pa bumangon, naulan, naarawan, natapakan, nasubsob, nakadapa pa din! hehehehe!May point ka dun!
Naisip ko si Aling Liza, pang intro lang, hehehe! pero at least kasama siya.
Buti na lang naglagay ka ng picture mo! Pero hindi naman mukhang masakit balakang mo eh! Yan ang taong natutong tumayo pagkatapos madapa!
sabi nila try and try until you succeed. malay mo next time matuto ka na hahaha
boy gilid,boy tumba hehehe
buti nga ikaw naranasan na iyan...
hehehe
praktis ka pa hanggang matututo ka nang magpaikot sa gitna..lels
nakarelate ako sa post mo.
akala ko after 3-4 hours natuto ka na, hahaha! constant practice kailangan jan.. aba nagsalita ang marunong.. hehe
ibang klase ang imagination mo kilabotz para doon sa unang bahagi talagang nasali ang halo- halo sa kanto. At ang aral na gusto mong iparating i like it. Yong nga lang pag malaking tao kang gugulong at madadapa sa gitna ng icekating rink. Ikaw ang center of attraction. Kitang- kita pero sabi nga why not?
hahaha! sa gilid pa talaga nagpapicture para safe hehe.. baka nga naman matumba hahaha!
ang mahalaga sumubok, nadapa at bumangon! ako, hindi ko nasubukan takot na ako malulutong na ang buto ko baka hindi na ako makabangon! hehehe!
akala ko after ng ilang oras ay kaya mo na mag-figure skate with matching choreo sa music. hahahaha.
bwahahahahaha...
may iba nga jan eeh, kumuha na ng coach di pa din natuto..
bwahahahahaha...un ang jeng jeng tlga..hahahaha
check it out..^_^
haha naalala ko nung una ko mang ganyan nabagok pa ko!
pero okay lang iyan sir matututo ka rin konting sakripisyo at pagpupursigi lang!
ok lang yun.. at least bumabangon after madapa.
para sa akin mas mukhang tanga yung nadapa na nga.. natakot tumayo at ayun gumulung-gulong na lang.. di ba mas mukhang tanga yun?! LOL
Post a Comment