Wednesday, August 17, 2011

DOTA 2, Downloading Kwentong adik

Newest version, latest map, latest items, latest dota hero, new skills,  latest bug, perfect strategy, Tips and tricks,sentinel,level 1,level 2,level 3,scourge, towers,cheats,secrets, and crypts. Naalala ko, kabisado ko ang  lahat ng  mga ito  nung mga panahon na sobrang adik pa ako sa larong dota. Kamakailan lang eh, inilabas na ang bagong version ng dota. Syempre as a dota fanatic, sobrang natutuwa ako.  Ito pala yung video


Matagal tagal din akong naadik sa Dota, Simula nung natuto ako maglaro  (2nd year college) hanggang last year, kung bibilangin, humigit kumulang 7 taon na akong naglalaro nito. Aminin ko man o hindi, maraming bad na naranasan sa pagkakaadik ko dito.

Unang una ay yung natuto ako magsugal  ng malakihan, dati dati pitik itlog lang pusta ko, tapos nung medyo naadik na ko eh  tumaya ako ng malaking malaking halgang salapi, Hehe, Kwarenta.

Pangalawa ay yung  iniwan ako ng aking labidabs. hehe. Ayun pinagpapalit ko daw siya sa Dota.  Waaaahh. Ewan ko ba, Tama naman ang rason ko diba?  Ang dota kayang kaya ko paglaruan,  pero siya hindi. dahil seryoso ako sa kanya. Pero hindi umubra ang palusot ko.  Ohhh hindeeeeeee!! kaya ngayon. Angry birds ko na lang nilalaro ko. Pitik pitik pitik.

Pangatlo ay yung lagi ako napapagalitan, Minsan nga naalala ko Sinigiwan ako ni Erpat, " San ka ba kumukuha na pinangdodota mong bata ka?" syempre sumagot ako ng tapat at galing sa malinas na kalooban ng aking puso. "San pa  poba? edi sa trabaho po" totoo naman diba? san ba galing ang pera ko, edi sa baon na binigay nila, eh san ba galing ang baon ko na binigay nila, edi sa tarabaho nila.

Pang-apat, ay yung muntik na kaming mapaaway, tama. kahit gaaano kaamo ang mukha ko, muntik pa rin akong mapaaway . kasalanan ko ba? kasalanan ko ba maging napaka magaling? kasalanan ko ba maging napaka magaling mangasar? hehehehe. ako naa!!!hahaha

More DOTA 2 Updates and Downloads 



ang haba na pala nito. next time na nga lang yung iba. lalaruin ko muna itong  angry birds ko. hehe

PLEASE LIKE DOTA2 FAN PAGE

12 comments:

Anonymous said...

medyo hindi ako nakakapaglaro lately pero dahil may dota 2 na eh susubukan ko ulit maglaro hehehe

EngrMoks said...

naadik din ako dyan dati, kaso tinigilan ko na, nauubos opras ko kakabloghop. LOL

gillboard said...

never pa akong nakapaglaro ng dota. di ko talaga kaya gumamit ng keyboard at mouse pag video games.

Sey said...

totoo pala ang Dota Vs. GF hahaha! Never ko tinry yan pero alam ko may mga girls na adik din maglaro ng dota. Angry birds pa and plant vs. zombies, okay na ko dun. Yung dota kasi nahihilo ako!

Oh, wag ka na makipagpustahan ah, kasi baka mapa-away, sayang ang maamong mukha! hehe :)

Anonymous said...

Hindi mey natuto maglaro ng DOTA, pero iyong trailer nila, parang epic movie lang! LOL. :D

Diamond R said...

Panalo ang angry birds dito kung sarili mo lang ang lalaruin mo. Aha sumasagot sa magulang dahil sa dota. Pero oks lang kasi maayos naman ang sagot.

Unknown said...

akalain mo sa amo ng muka mong yan nakuha ka pa nilang awayin tsk.tsk.

Hindi ko nasubukan ang dota, pero alam ko ang mga kwentong gandyan lalo na ang dota vs. gf. haha..

Good luck sa paglalaro ng Angry Birds mo.. maging successful ka sana.. :)

Ka-Swak said...

hndi ako naadict sa dota pero sa plants vs zombies naadict ako sa kakalaro ng paulit ulit.

ngaun angry birds naman pero sawa na ako! angry egg ang bird na lang pinagsasabay! hehe

iya_khin said...

mga boys ko mahilig magdota! di ako makasabay! si Lina lang kilala ko..tama ba? hahaha

Anonymous said...

grabe ito pala yung trending na dota... kailan pa ito malalaro..

Jag said...

Buti d ako Naaadik sa Dota haha...ung angry birds naman wla akong alam dun...malaro nga mamaya hehehe...

Arvin U. de la Peña said...

badtrip ako kung pumunta ng internet cafe para mag blog tapos walang bakante..dahil sa mga naglalaro ng dota..daming adik ng game na iyan..