Kasalukuyang ipinapalabas ng GMA yung Debate tungkol sa RH bill nang hindi inaasahan na isang babaeng blogger na may kasing laki ng watermelon ang hinaharap (future)ang nag txt sa akin.
“kiki pro kaba or anti about RH bill?”
Hindi ko sinasabi na tama ako. Ang mga mababasa ninyo ay pawang mga opinion ko lamang. Inuulit ko opinyon ko lamang.
Ako si kikilabotz, isang simpleng mamayan. Marami ang nagagalit sa akin, dahil isa akong tukso para sa mga kababaihan. Nakakaadik at kahit kalian man ay hinding hindi pinagsasawaan. Kaya naman, hindi mo maiiaalis sa akin na ipahayag ko ang aking saloobin tungkol sa RH Bill.
Hindi ako against sa RH bill, at lalong hindi rin ako against sa mga tumututol dito. Both sides ay may kanya kanyang opinyon, at aaminin ko pareho silang may mga points. Ibig sabhin pareho silang tama. Kung tutuusin, para sa akin, wala naman sa Rh bill ang problema. Ang totoong problema ay nasa sa atin.
Bakit natin kailangan magtalotalo? This will only lead us to its root word na “talo”. Sa tingin ko hindi natin kailangan pumili ng side na papanigan. Kasi hindi naman nito masosolve yung problem, It will just promote more conflicts. What we need to do ay magkaisa. Be one.
As I said earlier, Pareho silang may point. At alam ko naniniwala ka dito. So the best thing to do is not to compete who is right and who is wrong, but to admit what’s wrong and make it right. (ewan ko kung tama grammar ko hehe).
Kung gusto ng mga pro Rh bill na icontrol ang population, at against naman ang mga Anti dito kasi baka gamitin lang ito for more corruption. Why not amend the bill na magsesecure sa public na hindi ito magagamit for corruption. Another thing is yung sa Church, against sila sa bill, against sila dun sa pagamit ng contraceptives. Diba madami namang way para maipromote yung control ng population without using artificial contraceptives? Halimbawa na lang dito ay yung calendar method at pwede din yung sex education sa mga teen agers na magpapaliwanag sa mga advantages at disadvantages ng family planning. Kung magsasama lang tayo o kahit yung mga congressman ay magkakaisa sa isang magandang layunin. Makakagawa at makakagawa sila ng paraan.
Hindi ko alam kung napaliwanag ko ng maayos. Inaantok na rin kasi ako. Hahahaha. Nakikiuso lang naman ako.Pagpasensiyahan niyo na. Nyahahaha. Pero isa lang ang gusto ko iparating
Kapag sama sama tayo, at magkakaisa..Kaya natin masolusyunan ang problema ng bansa. Godbless us all
ps: para sa babaeng blogger na nagtxt sa kin..peace..joke lang. hehe
24 comments:
basta kung kayang buhayin ang anak, anak lang ng anak, pero walang sisihan. un lang :D
Pro RH bill ako....un lang.
ahm..
basta di naman nila kelangan mgaway..
pinapalake lang nila ang simpleng bagay..hehehe..
Pro din ako but im not also against wid the Anti..apir ^_^
Yun naa! Ikaw na! HAHA. Ako ayoko sumagot, madami magrereact. Haha. Makikioo na lang ako sa mga sinabi mo, dahil naniniwala ako na mahalaga ang opinyon ng isang Kiki sa usapang RH bill. Very involve ang kiki dyan. Haha
Wala akong alam sa RH Bill. Gusto ko munang basahin 'yung buong bill bago pumanig. LOL!
Wow!! Seryosong post. Naghihintay ako ng punchline.. pero wala. Seryoso tlaga. Eytsyuolreydi!
Hmm.. Ako nakikita ko rin naman ang stand ng mga AntiRH. Same with the ProRH. Pero mas naniniwala ako sa stand ng ProRH. Nakagawa nako ng post ukol dito. 'Nuff said. :)
isa lang masasabi ko... PRO AKO...
Mabuhay ang mga kababaihan!!!!!!
RH bill ipasa na!
So the best thing to do is not to compete who is right and who is wrong, but to admit what’s wrong and make it right hahaha may ganun pa! tatandaan ko yang aral na yan.
Ako PRO ako!! not in a sense na paggamit ng contraceptives but because of the reason na incorporated din ang responsible parenthood dun sa bill. Okay lang naman mag-anak, walang pumipigil basta maging responsable at palakihin ng maayos yung mga bata saka kaya ibigay ang needs nila.
sa pro ako...
at sino kaya ang blogger na may malaking future? lels
umeenglishing???ahahaha
dun sa may watermelon na malaki..pinagpala ka...heheeh
kung ako ang tatanungin jan...sangayon ako sa rh bill na yan period
Hindi ko maxadong maintindihan ang RH bill n yan...kung maipapasa ba ano ba ang mangyayari? Tungkol lng b ito sa contraceptives? Eh matagl n nmng available ang mga condoms at pills sa Philippine market ah? Family planning? Matagal n rin pnopromote yan ng DOH. Kung maipasa ang RH bill n yan, pipilitin ba ang bawat pamilyang Pilipino na magkaroon lang ng limited na anak? At kung lumabis ang anak, ano ang gagawin ng gobyerno sa bata, ipa-flush sa toilet bowl dahil labis siya sa pamilya? lols. Kaya kayang kontrolin ng RH bill na yan ang libog ng tao? lols. I think it's a matter of choice...at ang choice na yan ay may kaakibat na responsibilidad.
ano ang rh bill? hehe
we are nurses so we are pro! :)
pro RH bill ako pero gusto ko pa rin mabasa ang laman ng bill na yan bkit kasi may hnd sumasang ayon..
nakakasawa na ang isyu na iyan. nasa sa mga tao yan kung paano ihandle ang pagkakaroon ng marami anak. hehehe
masyado lang silang fertile kaya mabilis magbuntis. hahaha.
Sa umpisa alam ko si Kikilabotz ang nagsusulat pero sa kalagitnaan nalito na ako.
Sersoyo at walang halong kakilabotan
PRO ang mga nars >_<
:P
ito na ang pinaka tma at pinaka safe na opinyon na narinig ko,marvin.
magka-isa, iwasan ang pagtatalo at higit sa lahat, respeto sa desisyon ng kapwa.
bandang huli naman, maging batas man na papaboran ang RH Bill, tayo pa rin, bilang mamamayan ang makikinabang sa tagumpay o kabiguan nun. hindi natin malalaman sa ngayon kundi bukas. tungkol kasi ito sa kinabukasan natin bilang bansa at bilang mamamayan.
Ang dapat kalabanin ng gobyerno ay ang libog. Ang tao kasi kapag dinapuan ng libog ang dami nyang nagagawang mali. Kaya dapat ipagbawal ng gobyerno ang konsepto ng libog sa katawan.
hahahaha oo nga tama si glentot dapat magpasa sila ng batas na magcocontrol sa libog :))))
Pro RH bill and definitely anti meddling of the reliqious groups in political affairs. Isama na ang mga INC, Bro Mike at kung sino sino pang influence peddlers.
rh bill will kill the kilig!!!yun lang ang masasabi ko :D
padaan kuya :D
http://www.ladymyx.info/
pasensya na at ngayon lang..matatagalan bago uli ako bumalik dito..keep blogging.. :) pabor ako sa RH bill..
Post a Comment