Friday, May 13, 2011

welcome me australia

"Kuya, Gising na! ihanda mo na daw mga papeles, Sabi ni mama pumunta ka daw Australia"

Yan ang naging pang gising sa akin ng aking bunsong kapatid.Nakakatamad man bumangon kasi napakalamig at ang sarap matulog, tumayo na ako. Tinignan ko ang murang cellphone ko. Wow, may nagtxt! may nakakaalala  at nagmamahal pa rin pala sa akin. Tapos ini-open ko yung inbox. haha. Lintek yan! akalain mo yun? may lihim pa lang pagtingin sa akin sina GLOBE at 4438. hehe. rereplyan ko na sana, kaya lang wala pala akong load. Talaga yatang flashlight lang sibi nitong cellphone ko.

Grabe! Ang sungit sungit nang panahon ngayon. kasing sungit ni Justin Bieber nung umalis siya sa Pilipinas. Grabe! May bagyo pala, now I know kung bakit  "bebeng" ang pangalan ng bagyo. Kasi nga ipinangalan kay Justin.. Justin Bebeng. hahaha. teka, bakit parang ang korni ko na nitong mga nakalipas na araw? Gutom lang siguro to. hehe

Pinuntahan ko si mama sa kwarto, tinabihan , hinawakan at kinausap.

"ma, diba nagusap na tayo? Diba sabi ko ayoko muna mag abroad? Dito na lang muna ako. Dito na lang muna ako sa Philippines. (yehey! english). Dito na lang muna ako magbabanat ng buto. Ma, ayoko muna umalis. Pag-umalis ako, paano na kayo? si papa, sino mag aalaga sa inyo? diba hindi pa naman natin kelangan ng malaking sahod? diba? Kung naliliitan kayo sa kinikita ko, edi sige! bukas na bukas din maghahanap ako ng pandagdag kita. Ma, pls. ma, diba nag usap na tayo? bakit ganito? biglaan. Hindi niyo man lang ako kinunsulta? ma, Bakt bigla niyo na lang ako papapuntahing Australia?


Tinignan ko sa mata si mama, Pero hindi siya sumagot. Malamang!hehe. kasi picture lang niya kinakausap ko. Namalengke pa kasi si mama. Kaya nagppractice muna ako ng iddrama ko.  Tapos nakita ko yung kapatid ko. tawa ng tawa. Nakalanghap nanaman siguro ng sariling utot. Mukhang high eh.Sabog. Kaya tinanong ko siya kung bakit. Tapos sabi niya;

"Kuya,hahahah, Hindi naman kasi Australia! Estrella.. Singilin mo daw ng renta ng bahay si aling Estrella. tatlong buwan ng hindi nagbabayad. " 

ok ako na! ako na! Akooooooooooooooo na

39 comments:

Akoni said...

hahahaha...nagshare ata kayo ng kapatid mo sa utot..haha ang high ng post lels lang...haha

khantotantra said...

wahahah. pumapractis lang pala ng emote and drama.

sabi nga ni akoni, baka naghati kayo sa smell ng utot. :p high na high

Xprosaic said...

Sayang naman ng iprinaktis na linya... lels... Tama si akoni... lels talaga! lelelelelelels

Uy salamat at sumaglit ka noon... sayang lang kapos tayo lahat sa oras... hehehehehe

Lhuloy said...

waaajajajajaja..ayos s pagddrama ih noh tpos estrella lang pala...charr!!

ayos dn ung kpatid mu mtipid..utot nlng ang tinitira...jajaja...

Kosa said...

ang kyut!
napatawa nga ako kay Justin Bebang eh. haha.. hindi naman corny pare.. astig nga eh.

sige sige, welcome to australia.. Estrella pala.hehe

Kosa

Diamond R said...

gumulong talaga ako sa tawa sa Estrella.
kilabotz.
pero pareho tayo ng mobile yong my flaslight na natatangal na ng cover sa likod malamang.

Ikaw na ang effortless sa mga ganitong eksena

Miss `Chievous said...

akala ko iwan mo na talaga yung pilipinas. hehehe. pwede ka na maging comedy movie writer.

=supergulaman= said...

ako sa CANADAw ako pupunta... TSAKANADAW ako pupunta dun kung may pamasahe na... ahahaha... :)

Keatondrunk said...

ayun naman pla may pinagkakakitaan ang paupahan, dina kelangan pmuntang australia hehe.

gillboard said...

muntik na akong mainggit. papabili pa naman sana ako ng crocodile jerky.

hay.

MOKS™ said...

akala ko maiinggit na naman ako s aisang blogger na makakapunta sa isang lugar na gusto kong puntahan pero di ko magawa, lintek yan aling estrella lng pala, hahaha!


Sino si Bebang? Bebeng yung typhoon parekoy, pakilala kita gusto mo? kaso kakaalis lang nya... LOL

Bino said...

next time, linis tenga muna hahaha. at si justin bieber naman, hehehe ala lang di ako fan eh. yun lang :D

tabian said...

lang ya humagalpak na naman ako sa opis..XD

emote na emote, picture lang pala..kaw na talaga, kaw na!

Sey said...

at wag na wag mong papatulan si Globe ha! playboy/playgirl yan, maraming textmate yan halos sa buong Pilipinas meron.

akala ko naman totoong Australia, Estrella pala. Buti hindi sumagot ang picture ng mama mo sa kalokohan mo.

Hindi ko din maintindihan bakit kasabay ng pagsusungit ng panahon eh biglang nagsungit si Justin Bieber nung Umalis siya....may-patweet-tweet pa siyang "Mahal Kita"...siguro bad mood talaga.

Salamat sa walang-humpay na halakhak na dulot mo sa araw na toh.

The Gasoline Dude said...

LOL! Akala ko naman magkakasama na kayo ni Traveliztera. Hahaha! :)

chingoy, the great chef wannabe said...

this portion is brought to you by Johnson's Baby BUds..

newstartleah said...

Ay. haha.. natawa ako.. dramang-drama ka na tlga dhl pupunta ka ng Australia, eh kena aling Estrella lang naman pala. Toinks! #lels

Hehe.. kung ako rin kapatid mo, im sure matatawa rin ako na parang sabog. hehehe...

Ikaw na nga, marvin! Ikaw na! #lels

krn said...

hey kikilabotz aka MG, just dropped by to say that you've lots of blogs!

rah said...

bwahahaha this made my day.

Pwede itong maging scene para sa isang Korean Movie. Parang ganito yung mga humor ng ala - "MY Sassy girl" :D

joeyvelunta said...

mala-vic sotto na eksena to. sagad sa laftrip hahaha

Bino said...

at nabura ng blogger ang komento ko hehehe. minsan kailangan muna nating maglinis ng tenga para hindi mauwi sa ganto heheheh. magkatunog nga naman.

Jag said...

Abnoy! hahaha! akala ko nmn na-heart to heart talk mo si mamang mo hehehe...Globe ka rin pala hehehe...

ever dreaming of going to Australia? Malaki ang chance mo...Nar-S ka eh :)...apply na! LOL

YOW said...

Hahaha. Akala ko nandun talaga yung Nanay mo. Antok ka pa nga nun. Haha. Ramdam ko.

mayen said...

hey you! I gave you an award. Please check my latest post http://janemayen.blogspot.com/2011/05/you-make-me-smile.html

thanks kikilabotz

Michael said...

Baka iniisip mo si traveliztera, kaya Australia ka ng australia ... Its yu olreydi! :D

glentot said...

Naku sayang akala ko pa naman magkikita na kayo uli ni Traveliztera hehehehe

KikomaxXx said...

ahahahha.... sayang naman... di mo makikita crush mo.. hahaha

bulakbolero.sg said...

out of topic ang comment ko. lol. may english blog ka pala. kanina lang ako nakadalaw.

~ JaY RuLEZ ~ said...

ahahaha ang adik mo talaga enoh?

tulog pa ata diwa mo eh...ahahaha


sya maningil ka na

KESO said...

hahahaha. wala pa ding kakupas kupas ang mga banat mo, benta pa din saken. haha.

lengskie said...

Tinignan ko sa mata si mama, Pero hindi siya sumagot. Malamang!hehe. kasi picture lang niya kinakausap ko.

I died! hahaha Kala ko totoong tao yung tinabihan, hinawakan at kinausap mo.

♣ lily ♣ said...

haha. ansaya naman dito sa blog mo kuya :)

sama ko pag punta kana talaga sa Australia ha... hehe :)

iya_khin said...

ahaahaha! patawa ka! feeling mo lang kasi mag aabroad kana! hahaha! bangenge ka pa kasi ng gumisig di ka nagtanong uli!

kaye said...

bwahahahahha! feelingero ka talaga, marv! ang dami kong tawa. ikaw na!

ev said...

magaling kang writer ha!:)

nice site

EN said...

hahahahahha! ikaw na talaga!!! von voyage sa estrella! :))

(kilala mo ko!! ako ang alter ego ni miss gee,gusto ko din dalawa blog ko para masaya hahahha)

nakaka! :D

duking said...

tadu ka talaga, marvs.

kala ko pa naman, talagang manga-ngang-garoo ka na.

mitch said...

over!!! gling mo mgpatawa tol hahahaha...bkt ndi mo itry mg apply s mga network station pra mgng writer..mabenta ang mga linya mo eh...NICE!! keep up the good work tol...

maelfatalis said...

Hahaha natawa naman ako. Nag-explain ka pa talaga sa mama mo. :p