Monday, September 27, 2010

741

pangkaraniwan lang ang takbo ng aking buhay, Paulit ulit, Nakakapagod. Nakakasawa. Hanggang isang araw, Nag internet ako. Naglibang, Panadaliang tumakas sa nakakapagod na realidad. Sa address bar itinype ko ang http://www.pengengbold.com/. hehe joke lang. http://www.friendster.com/ , Nag log in. Nakita ang tatlong unread messages. Isa galing sa kaibigang naniningil ng utang, Isa galing sa kaibigang nanghihinge ng testimonials at yung isa galing sa babaeng hindi ko kilala

" hi pwede po bang makipagkaibgan? kung ayaw mo ok lng. "

Tinignan ko ang profile niya, At aaminin ko ang ganda ganda ng kanyang letrato. Sa sobrang ganda niya hindi mawawala ang isipin na isa siyang poser. O isang taong gumagamit ng  picture ng iba. Anyway, I dont care. Sa mga panahong iyon all i want is makahanap ng mapaglilibangan, makakausap, makakakulitan, mapagdidivertan ng masalimuot na buhay meron ako sa realidad. And she came perfectly at the right time. Kaya nagreply ako sa message niya ng

" sure, basta maganda! nanginginig pa! "

Kinabukasan, Nagreply siya at nagreply naman ulit ako sa kanya. Nagpatuloy at nasundan pa ang palitan ng mga mensahe. Nagkagaanan ng loob. Nagkakuhaan ng number. Naging mgtxtmate. Tumawag siya. Nagulat ako ang panget ng boses siya . Parang kambeng na nararape ng tatlong kalabaw. But nag eenjoy ako kausap siya.

Pero in real life, Meron akong problema. At that momment I am commited to someone. Yes! May gf ako. 3 months kami. Ang status is not good. Lagi kaming nagkakatampuhan, Nawawalan na ng time sa isat isa. Worse, wala na yung kilig factor. Good thing is, We still says  I LOVE YOU to each other. And i realized na

Sometimes it hurts more , nang masabihan ka ng i love you lalo na kapag alam mong hindi naman ito totoo

And a month later, Nag break kami

After we broke up, sobrang nadepressed ako. Kaya itinuon ko na lang ang sarili ko sa babaeng nakilala ko sa FS. Atleast may time siya, atleast may nakakakulitan ako , Atleast may naglalambing sa akin kahit through phone lang. Napansin ko na lang araw araw na kaming nag uusap. Yung panget niyang boses naging musika na sa aking pandinig.   Kaya nga e  I decided na ayain ko siya na magmeet na kami. Bad thing is. kahit ilang beses ko siya ayain paulit ulit lang ang nakukuha kong sagot. Hindi pwede

At that momment. Naging paranoid ako. Who is she?   Bakit ayaw niyang makipagkita? may tinatago ba siya?  Anong bang problema? eh ano rin bang problema ko? Bakit ganon na lang ako kainteresado sa kanya?  Gusto ko na ba siya? Oh  Inlove na ako sa kanya? Bakit sa kanya? eh ang dami naman jan sa paligid na may gusto sa akin. bkit sa kanya? Bkit sa kanya?

kaya kinunsulta ko si mr google. Nagresearch ako about her . and found out. ang daming kasinungalingan. So i txted her. SInumbat ko sa kanya ang mga natuklasan ko. Without waiting for explanation.  Itinago ko sa aparador ang cp ko. Pinilit kong hindi tignan. After two days na miz ko siya. kinuha ko ang cp ko at may nabasa akong txt message

"im sorry kung nagawa akong magsinungaling sayo, kita tayo ng mrt ngayon. kapag hindi ka pumunta kahit kelan hindi na ako magpaparamdam sayo "

Gulayness, pero late ko na nabasa yung txt niya. Isang araw ng late. Tinxt ko siya pero wala na akong reply na nakuha. Tinawagan ko siya pero hindi na niya sinasagot. Tinignan ko ym niya at friendster pero nakablocked na ko.

---------------------------------------------------------------
to my ex-  alam mo naman kung gaano ka kaspecial sa akin. Yun nga alang naging mahina ako.  Hindi ko na napaglaban ang relatinship na meron tayo.  Dahil sa nangyari napatunayan ko hindi mo ako desreve. na mas deserving mo ay mas better man.Sana patawarin mo na ako. And alam mo? mananatili ka pa ring special para sa akin. forever. and  I thank you for that

to babae sa fs-  Hi, Nang dahil sayo nalaman ko na ang love ay hindi bulag. Na ang tunay na pag ibig ay nakakakita ng mga bagay na hindi nakikita ng mata. At itinuro mo sa akin yun. Hindi man kita kilala. Kung sino ka man talga. Sana 1 day magkita tayo ng personal at maging magkaibigan

to all readers- Alam ko matagal na panahon na itong nangyari. Medyo nahihiya ako sa sarili ko, Na nagawa kong ipagpalit kung anong meron ako sa taong hindi ko naman kilala o nakita. Pakiramdam ko ang weak weak ko ng mga panahon na iyon. but no regrets sa mga pangyayaring ganito. Madami akong natutunan and become more mature.

Siguro ang isang mamang tulad ko, Ay minsan ding nangarap na sana totoo ang fairy tales.


-----------------------------------------------------------------

tatapusin ko ang kwento. after ilang months na paghihintay sa kanyang txt o tawag.  Walang nangyari. At dahil sa kagwapuhan ko. Nawala ang cp ko. At nawala na rin ang number niya sa akin. ang tanging naalala ko ay ang huling 3 numero sa kanyang contact number. 741

Friday, September 24, 2010

ang paglalakbay (repost)

feb 4, 2009. 10 am ng sumakay ako ng MRT galing north station papuntang guadalupe station. Eto ang aking pang12 na pagsakay ng MRT. Bkit hanggang ngayon ay hndi ko p rin alam na madami talagang pasaharo sa gnitong oras (RUSH HOUR)?




haaayy. grabe.. Sobrang daming tao.. At para lang makaiwas  sa abala eh dalawang train na ang pinalagpas ko para hindi na ako makipagsiksikan. Sinamang palad nga lang,  Mukhang hindi nauubos ang mga tao.



Ayun! Wala ng keme keme!Sa sobrang pagmamadali ko eh nagBOX-OUT na ako. haha. Ginamit ko ang malapad kong likod at mahahaba kong mga braso.haha. Solve solve kasi malawak pa ang bakanteng seats.

(aba at pwedeng pwedeng humiga!)



D2 tumabi sa akin ang isang mistisang babae na ubod ng seksi at bango.

(Hmmm yummy!!)

 tuwang tuwa ako ng mga panahong iyon Syempre nakashort lang siya. At unti unting dumidikit ang mga malalabanos niyang legs sa aking siko..haha.

( kung may sariling isip lang ang kamay ko malamang ni rape n xa nito.harhar)

naku! mukhang effective ang pabango ni kuya na chocolate flavor ah!? So bad at bababa na siya sa ortigas station! Iniwan niyang nagiisa ang aking walang kamuwang muwang na kamay. hmpp. Nagulat ako kasi sa pagtayo niya ay tumingin ito sa akin at biglang  nagsabing "bye"..tugtugtog!! sabi ng puso kong tumitibok tibok .

(sayang at hindi kita nakausap man lang. paalam mistisang chikas.)



At nakapunta na ako sa aking destinasyon..



nagtxt aq kay pinsan at sabi nya hintayin ko na lang muna siya.



Hihintayin ko na lang ang pinsan ko.. At naupo ako sa isang sulok dun. napakatagal na hintayan ang nangyari. ang bago kong ahit na bigote ay tumubo na sa sobrang tagal. Nabilang ko na rin ang mga dumadaang sasakyan. bali 876,345  at kalahati lahat un.kasama yung tricycle. At wala pa rin si pinsan. naisip ko bakit hinde ko na lang bilangin ang mga taong nakasuot ng blue!? haha. Nasa harap aq ng MMDa station . kaya halos lahat sila ay nkablue



(grrrr.  ang sakit sa ulo)



beep beep..(nagtxt c pinsan ang sabi ay ganito)



d2 p me pier may operation pa kmi. kaw na lang muna.



haaaayy. ang sakit nun db?. pero wla ako mgagawa. nakikiusap lang naman ako. Ayun tuloy pa rin ang plano ko. At xempre ngarag na ngarag na ang  itsura q. (grrrrrr)



yEESSS!! sa wakas at makakauwi n ako. At sasakay na aq sa MRT guadalupe station. hmmm. medyo mas madali ng sumakay dis time hinde na kelangan ng dahas para makapasok. pero nakatayo ako sa pagkakataong iyon. nararamdaman ko na ang unti unting pawis sa aking katawan. buti na lang nagpiso a day protection all da way ako. At confident pa rin.



Itinaas ko ang aking kamay at humawak ako sa holding bar dun. Solve solve nga yung katabi ko eh. pano ba namn? . sakto sa mukha nya  yung ang amoy GOLDFISH kong kili-kili.(hehe)



Dun ko ko nkita ang tatlong pasaherong bumbay. Nakashades sila at makakapal ang kanilang mga balbas. meron silang bitbit na malalaking itim na bag. At nagmamasid masid sila sa paligid.(mukhang terorista) mukhang bobombahin ang MRT.



naisip q



eto na ba ang happy ending ng buhay q?
tinignan ko ang mga nadadaanang mga billboard at sumusunod ang mga mata nila sa akin.
amoy goldfish ba akong mamatay? hinde ba aq makakahanap ng work?



nagflashback ang nakaraan...



18 yrs na ang nakalipas... eksena sa sala.



PAPA: anak anu bng pangarap mo paglaki mo?
AKO: paglaki ko po , gusto ko po, ang maging waiter
MAMA: bkit naman waiter marvin?
AKO: gusto ko kz kumain ng maraming maraming ispageti.
MAMA n PAPA: buwahahahah, buwahahahah!!

nagtawan cla mama at papa..(anung klaseng tawa yan!?)



bumalik na ang aking ulirat sa kasalukuyan.



ang aking bang mga pangarap ay mananatili na lang mga pangarap? may  pagasa pa bang matupad ko ito kung ang huling sandali ng buhay ko ay d2 s MRT?



hmmmm..



At bigla bigla north station na. yessss!! im alive.. aleluya. aleluya! ang sama sama ko pala!! Mababait naman pala yung mga bumbay na un eh.Pinaghinalaan ko! Siguro ang laman ng bag nila eh mga gamit na ipapautang nila s 5-6. haaayyy. (sorry mga bumbay)



sa aking maikling paglalakbay natuto nanaman ako ng mga kasabihan



1. mahirap sumakay s mrt lalo na pag rush hour



2. huwag mong hintayin ang taong hindi dadating



3. opportunity comes only once



4. dont judge the bumbay by its cover(haha)

-------------------------------------------------------------------------------------

wag kalimutan ang pic greetings ko at fan sign isend sa mrvngspr23@gmailcom. bwahhahahaha

Wednesday, September 22, 2010

falling star

                    Kagabi, Matagal akong nakatingin sa langit. Naghihintay. Baka sakaling makakita ako ng isang bulalakaw.  Isang wishing star na pwede kong bulungan ng aking simpleng hiling. Pero walang bulalakaw na nagpakita. pumasok ako sa kwarto. Malungkot. Bigo




Kung tutuusin. Simple lang naman ang aking hiling. uhmmmm.. kasi.... paano ko ba to sisimulan? teka. uhmm . Ganito kasi yun. Sa darating na october mag iisang taon na po ang aking blog.. Hihinge sana ako ng pabor eh. Isang kyut na picture greetings o kaya naman hindi matatawaran na fan sign..

maari nyo po siya ipadala sa email address na ito

mrvngspr23@gmail.com

hihintayin ko po ang iyon hanggang october 3.maraming salamat.

Maari ka bang maging wishing star ko?

dali na isa lang ha?





 Hindi ba kayo naawa sa batang nasa larawan?


 Kung sagot mo ay hindi. Hindi ka nag iisa. I know kung anong nararamdaman mo. Kasi ako rin  hindi eh. Nung pagkakita ko sa picture na ito, Kinaskas ko mukha ko sa ispalto. Ayaw ko na tumingin sa salamin.

Pero dahil isa kang mabait na kaibgan. aasahan ko yun ha? maraming maraming salamat.







Sunday, September 19, 2010

yaman hunters


Pabalik na sa Manila, Nakaupo malapit sa may  bintana ng eroplano, Pagod at binabalikan ang mga alaala ng mga pangyayari na naganap sa Davao.





Napabalitang ang yamashita treasure daw ay nasa davao. Kaya hindi na kami nagpakatumpik tumpik pa. Sinuot ko ang aking back pack. (wala lang idol ko lang si Dora). at sinimulan na namin ang paghahanap

maraming mga bagay ang aming nagawa sa paghahanap ng nasabing kayamanan




Umakyat sa bahay ni peter pan




tinitignan kung may pulis may pulis sa ilalim ng tulay

 

nagpakawet sa sapa





Tumawid sa napakahabang Zip line



nanuod sa mga taong naglalaro ng apoy



nakipaglaro ng DOta. natalo ako ng bata amPota! babawi ako sa aking pagbabalik


Tumae, ay este..tumae habang nagpapakyut.. habang tinatakpan ang balls na kasing laki ng ostrich egg
(multi tasking)


Nabigo man kaming hanapin ang yamahita treasure . Napansin ko madaming mga kayaman ang Davao at hindi masyadong napapansin


magandang mga tanawin


masasarap na pagkain



oo hndi kayo nagkakamali yan ang favorite ko ang mga Tira tira .haha . joke ubos na kasi  haha. busog

at higit sa lahat




magagandang mga babae.

hulaan niyo kung sino siya. ayiiiiiii

Naalala ko yung sabi ng isang taxi driver

 Sa isang paglalakbay, Hindi importante kung  Bigo man o tagumpay o may kayaman man o wala, Ang pinaka the best ay yung mga masasayang mga memories habang hinahanap natin ito. Yun ang tunay na kayaman. Hindi nabibili

ang sabi ko naman..

PUGELSHIT NOMAN!!!

 













Tuesday, September 14, 2010

i love you ipis ipis very much

para po sa mga hindi pa nakakabasa ng kwentong ipis ito po ang link
kabanata V: PAGBABAGO


KABANATA VI

MAGPAGAMIT 


Hindi ko mapaliwanag ang aking naramdaman nang narinig ko na nagsasalita ang lata. Lumipad ako papalayo, Mabilis na mabilis at hindi humihinto. Bahala na kung saang lugar ako dadalhin ng aking matitigas na pakpak. Pikit mata akong nagpakalipad- lipad. Anak ng putcha pagdilat ng aking mata. Andun ako sa may basurahan. Exactly the same place kung saan namatay si dalisay.

Tumigil ako sa pagwasimas ng aking pakpak. Napasandal sa may basurahan. Tumingala, Pinagmasdan ang pag-ikot ng elisi ng chande..chandelererer? Oo basta yun na yun. Isa, dalawa , tatlo, at mabilis pang nasundan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Kinuskos ko ang aking mata para tumigil sa pagluha. “ Bakit?” tanong ko sa sarili ko.

Bumalik ako sa may aparador, Sumilip, Tinignan ko kung andun pa yung nagsasalitang lata na nagpakilalang intsikticide. Damn. Andun nga. Tumibok nang napakabilis ang aking puso. Gaya ng pagtibok nito ng unang beses ko nakita ang ngiti ni Dalisay. Ang sarap sa pakiramdam. Kaya ko ubusin ang natitirang oras ng buhay ko kakatitig sa kanya.

Araw araw dumadaan na ako sa may aparador, Sumisilip, Tinitignan kung andun si intsikticide. Hanggang naging bisyo ko na pagmasdan ito araw araw. Minsan nakita kong umiiyak ang lata. Wala na akong nagawa, kusang gumalaw ang mga pakpak at paa ko papunta sa kanya at pinunasan ang kanyang mga mata

“Hi, can i help you?’’

“ bkit sino ka ba? huhuhuhuhu”

“ ako nga pala si lufet, nagkita na tayo once pero tinakbuhan kita. ”

“ oo naalala ko yon! Gago ka! Huhuhu”

“ im sorry kasi nung nakita kita may naalala ako eh”

“ no, ok lang. Hikhik”

“ pwede ko bang malaman ang dahilan ng iyong pagiyak?”

“ mahabang kwento”

“ handa naman akong makinig kahit gaano kahaba yan”

“mahaba ba ung ano mo? Yung ano mo? Yung pasensiya mo. ?(tapos nagsmile siya)

“ hahaha.oo naman. Minsan papakita ko sayo si Manuy ko, “

“ so bakit ka nga umiiyak?”

“matagal na kasing walang gumagamit sa akin eh”

“huwaaattt? Pwede ba magvolunteer? Ahahaha. Joke! “

“ no, i mean hanggang ngayon hindi ko pa alam kung ano talga silbe ko, Kung para saan ba talaga ako? Alam mo yun? Ever since nakatambak lang ako dito at walang gumagamit. Ikaw b alam mo na purpose mo sa life ”

“ nung nakita kita , alam ko na kung anong purpose ko.. ang alagaan ka” (pabulong kong sinagot)

“ ano? Hindi ko narinig!”

“ wala!, sabi ko andito lang ako sasamahan kitang alamin purpose mo. Sure kang ayaw mong magpagamit? Haha joke!”

“ uhmmm salamat ha?”

“ hehe. wag na u sad, Andito na me” (maipasok lang ang fan page. bwahahaha)

“ medyo nawala na lungkot ko”

“ so may friendster ka ba?”

“ wala eh , bkit?”

“ gusto kasi kitang maging friends eh, ok lng b? “

“ sure sure.. eh ikaw may facebook ka ba?”

“ meron kaso hnd ko binubuksan eh, bkit?”

“ coz i like you”

(nagtawanan kming dalawa)

Since that day. Naging magclose na kmi ni intsikticide.



Itutuloy....


tnx ate roanne for the pics ^_^

kabanta VII
kabanata VIII 
kabanata IX
kabanata X : ang pagtatapos







Thursday, September 9, 2010

ANIMALANDIA

yahoo!! Matapos ang hindi makakalimutang biyahe ay nakarating na kami sa Davao. Ang first destination namin ay bisitahin ang aming mga kamag-anak.

at eto na ang ilan


meet ostrich ang isa sa may pinakamalaking EGG sa mundo. Sa kanya ko namana ang pagkakaroon ng napakalaking... alam mo na!sa tingin mo? kaninong Egg ang mas mas malaki?haha



ahas





ang tunay na THE MAN . .. kinikiss ng chiks.



kamukhang kamukha niya ang  inaangatan at pinagmamalaki  kong birdy.. i wonder why?

matapos namin sila madalaw at kamustahin isang mensahe ang pumukaw sa aking pansin..







so love me!! may feelings rin ako.nagdaramdam at natutukso rin.


Sunday, September 5, 2010

top ten hottest bloggers (august edition) sa mata ni kikilabotz

pasensiya na at medyo na late ang post ko na ito. Sa totoo lang mahirap talaga ang pakulo kong ito. Pero masaya..

inuulit ko

exempted na dito siyempre  ang dalawang blogger na malapit sa aking puso na sina bestfren dyan at bestfren JAM (papatayin ako ng dalawang yan kapag hindi ko sila sinama eh. haha)


10

jeje
http://studdedbliss.blogspot.com/









9

oshinkawaii
http://oshinkawaii.blogspot.com/







8

bianca
http://biancaloveslife.blogspot.com/






7
len
http://pinkdiaries.org/










6
trina
http://ilovetinnie.blogspot.com/


5


ro anne
http://iheartroanne.blogspot.com/











4
emz
http://frustratedsosyalera.blogspot.com/







3

-=K=-
http://myunpurethoughts.blogspot.com/





2
elli
http://kumukulongmantika.wordpress.com/







at ang hottest blogger for the month of august sa mata ni kikilabotz


from not so sexy to super duper sexy

 ibigay ang maraming sipol para kay






traveliztera
http://traveliztera.blogspot.com/


other 10


Thursday, September 2, 2010

PAGBABAGO

Bugtong bugtong ,  Sa umaga Apat ang paa, sa Tanghali dalawa ang paa, sa Gabi tatlo ang paa.

Simula nang akoy nagkamalay sa ating mundo. Hanggang sa unting unting nadaragdagan ang kandila na hinihipan ko sa aking birthday cake. Natuklasan ko na natural sa buhay ng tao ang pagbabago.Itsura, katayuan,nararamdaman  o kahit ano pa. Lahat yan pwedeng magbago sa isang iglap. 



Sabi nga ng isang super duper extra  kyut to the max  na blogger

"ang pagbabago ay parang pag kaway sa taong hindi mo kilala , You will get different   reactions. Yung iba kakaway din sayo, Yung iba deadma lang , At kung mamalasin ka pa. Yung iba mumurahin at sasabihan  ka pa ng bastos." -kikilabotz

 Naniniwala ako na

Kapag marami kang blessings, Magsaya ka. Ienjoy mo ang bawat sandali. Namnamin mo ang sarap ng tamis.At kung gusto mo magshare ka.  Kasi baka bukas magbago ang lahat. Mawala na yan

at

Kapag marami ka namang problema, Magsaya ka, Huwag kalimutan ienjoy ang bawat sandali, Namnamin mo ang sarap ng pait. At kung gusto mo ishare mo sa mga nakakaintindi sayo. Kasi baka bukas magbago ang lahat . Mawala na yan.

Minsan ang pagbabago ay kailangan ng tamang  aksyon sa tamag panahon.  Kung sawa ka na sa ulam mo na itlog?At gusto mo ng pagbabago.  Huwag mo muna iprito ang itlog. Hayaan mo muna limliman ito  ng inahin hanggang sa mapisa , at maging isang manok.  Saka mo gawing orange chicken. O diba?Bagong bago.




Above evrything else, Kung gusto mo nang pagbabago, Simulan mo ito sa sarili mo

Madaming mga bagay na  ang nagbago na sa akin






before



after



before

after


Hahaha. meron bang nagbago?


                   


kapag may goldilocks ka, Magsaya ka, Huwag kalimutan ienjoy ang bawat sandali, Namnamin mo ang sarap. At kung gusto mo, Ishare mo. Kasi baka bukas wala na yan.


Ang tanging hindi nagbabago ay ang pagmamahal ni Lord para sa ating lahat. Godbless us all. ^_^