Thursday, September 2, 2010

PAGBABAGO

Bugtong bugtong ,  Sa umaga Apat ang paa, sa Tanghali dalawa ang paa, sa Gabi tatlo ang paa.

Simula nang akoy nagkamalay sa ating mundo. Hanggang sa unting unting nadaragdagan ang kandila na hinihipan ko sa aking birthday cake. Natuklasan ko na natural sa buhay ng tao ang pagbabago.Itsura, katayuan,nararamdaman  o kahit ano pa. Lahat yan pwedeng magbago sa isang iglap. 



Sabi nga ng isang super duper extra  kyut to the max  na blogger

"ang pagbabago ay parang pag kaway sa taong hindi mo kilala , You will get different   reactions. Yung iba kakaway din sayo, Yung iba deadma lang , At kung mamalasin ka pa. Yung iba mumurahin at sasabihan  ka pa ng bastos." -kikilabotz

 Naniniwala ako na

Kapag marami kang blessings, Magsaya ka. Ienjoy mo ang bawat sandali. Namnamin mo ang sarap ng tamis.At kung gusto mo magshare ka.  Kasi baka bukas magbago ang lahat. Mawala na yan

at

Kapag marami ka namang problema, Magsaya ka, Huwag kalimutan ienjoy ang bawat sandali, Namnamin mo ang sarap ng pait. At kung gusto mo ishare mo sa mga nakakaintindi sayo. Kasi baka bukas magbago ang lahat . Mawala na yan.

Minsan ang pagbabago ay kailangan ng tamang  aksyon sa tamag panahon.  Kung sawa ka na sa ulam mo na itlog?At gusto mo ng pagbabago.  Huwag mo muna iprito ang itlog. Hayaan mo muna limliman ito  ng inahin hanggang sa mapisa , at maging isang manok.  Saka mo gawing orange chicken. O diba?Bagong bago.




Above evrything else, Kung gusto mo nang pagbabago, Simulan mo ito sa sarili mo

Madaming mga bagay na  ang nagbago na sa akin






before



after



before

after


Hahaha. meron bang nagbago?


                   


kapag may goldilocks ka, Magsaya ka, Huwag kalimutan ienjoy ang bawat sandali, Namnamin mo ang sarap. At kung gusto mo, Ishare mo. Kasi baka bukas wala na yan.


Ang tanging hindi nagbabago ay ang pagmamahal ni Lord para sa ating lahat. Godbless us all. ^_^
    


36 comments:

Marlo said...

edad?

happy birthday! haha

gillboard said...

tao.

birthday mo ba? maligayang bati!

jec mendiola said...

TAO!!!

KUMAGCOW said...

Baka BUHOK hehe

=)

Meg said...

Wew! Goodluck :D

glentot said...

Hindi ka nagbago at mukhang hindi na magbabago, baliw ka na talaga hehehehe parang tumaba ka sa bakasyon mo ah

kayedee said...

sus! bunayaran kba ng goldilocks sa sponsor ha? ahahah!!

oo nga noh! nagbago itsura mo sa new hair mo( bwahhh wala palang hair) ahahah!! at mukha ka ng tao ngyon!! ahhaa!! ang wafu na ng mahlabz ko! pakiss nga!! sussss!! lolz!!!

Traveliztera said...

great job :) good luck dude! :D

juanlazzzy said...

ang pagbabago, maraming tao ang nahihirapan umintindi nyan.

at ang article na to ay makatutulong para sa kanila.

ang pagbabago para sakin, ito ay nangangailangan ng pursigidong puso, determinadong kaisipan at higit sa lahat ang pangangailangan mo ng tulong, bukod sa pamilya at kaibigan, Siya ang makakatulong sayo ng lubusan. Tumawag tayo sa kanya

padaan lang sir! nice blog!

khantotantra said...

entry mo to sa contest ng goldilocks about sa pagbabago :D

nice.

hope you win. :D

gillboard said...

mahaba pa pala yung post, akala ko yung bugtong lang. hehehe

Chingoy said...

bayad ng cake?heheh

Dhang said...

gusto ko 'yang pulburon ng goldilocks! hay... makabili nga mamaya! natakam ako! haha!

2ngawzki said...

wow!ang laki ng pngbago mo...haircut lng nmn naiba!hahaha...tma yn,learn to appreciate evry little thing that makes life worth it..tma b?yaan na!hahaha

YanaH said...

wow..wow..wow.. goodluck goodluck sa pagbabago na yan..

gusto ko ng polvoron ng goldilocks.. teka bibili muna ko ahihihi

bulakbolero.sg said...

nuffnang?

Pong said...

Kung si boss jag ay ang endorser ng MOA ikaw naman ay Goldilocks,

igigreet sana kita ng api berdey, akala ko berdey, pero sige Happy Birthday na rin.

How thoughtful, how goldilocks.

ahahaahah

pero tama ka sir dun sa concluding statement mo. Everything keeps changing but the love of the Lord will not, and forever and beyond.

ano na ba pinagsasabi ko...

Be blessed sir!

Jag said...

parekoy magkano ba ibinayad sau ng goldilocks? haha...nice new looks! haha...makapagpakalbo na nga din LOL.

Pao said...

Hahaha. Paid post ba 'to? Puro Goldilocks eh! hehe. Happy Birthday btw. :D

-=K=- said...

Marvs!!!! Goodluck sa entry mo ha! Pag nanalo ka, idate mo naman ako sa goldilocks! Hehe! Mas bagay sayo kalbo! Kalbo! Kalbo! Ako rin kalbo eh, lol.

WV: Apoyst

Grabe, even the WV thinks you're hot! :)

Anonymous said...

vinshy...

eto ba ung pagbabago mu?..
ganda na din..kso prang putol..

hahahaha...
prang im craving for more..
naks nman..hehehe..

hope u win..
☻☺☻goodluck...☻☺☻

Traveliztera said...

mukha kang 16 hahahah pero mas matanda ka pala sakin haha

karen anne said...

hindi naman nagbago yung dila :)

p0kw4ng said...

buhok lang ang nabago..kabaliwan nandon pa din! yung buhok sa baba kaya nabago din??

RICO said...

alam ko na kung anu nagbago.. ikaw na ang bagong endorser ng goldilocks!!! hindi na si kris aquino at si james!!! hehehehe

Ako si Yow said...

Good Job. Sana manalo ka. Haha. Ipad nga ba premyo? Dapat sasali ako. Nahiya again.

chikletz said...

may pag-asa ka pa bang magbago? haha! goodluck sa Goldilocks contest! :D

Greta said...

natawa ko ng matinde sa mga picture!kitang kita ang pagbabago...

good luck sa tatahaking pagbabago!

ʎonqʎʇıɔ said...

Sponsored ba 'to? I like your new hairdo. It suits you better. :)

Renz said...

ayos.. Goldilucks lang pala ito :) pero maganda ang pagkakabuo ng consepto. Panalo na :)

Vajarl said...

Akala ko kung sinong "super duper extra kyut to the max" na blogger yan. Putaragis. Haha.

Potaragis. Natawa lang ako sa nakadila ka at may mic. Wait, natawa lang ako. Hahahaha. Bohahahahaha.

Ayie said...

May ganon?! hahahah! Iba ka.

definella said...

kaya ka ba nagpagupit, eh dahil dito sa entry mo sa goldilocks? :)

Kosa said...

literal na ginagawa ko minsan yung sinabi ng extra kyut na blogger. hahaha. trip lang..lols

halo-halong reaksyon; sa halo-halong uri ng tao..pero masaya---nakakachallenge.

pero di ko lang maintindihan sir, anung connect ng goldilocks? lols bday mo? pakanton ka naman...

pusang kalye said...

ge----kaw na ang maraming changes sa buhay. magpapakalbo na nga rin ako. bhukas na bukas.lol

Donna May Guerrero said...

goodluck! :)