Bugtong bugtong , Sa umaga Apat ang paa, sa Tanghali dalawa ang paa, sa Gabi tatlo ang paa.
Simula nang akoy nagkamalay sa ating mundo. Hanggang sa unting unting nadaragdagan ang kandila na hinihipan ko sa aking birthday cake. Natuklasan ko na natural sa buhay ng tao ang pagbabago.Itsura, katayuan,nararamdaman o kahit ano pa. Lahat yan pwedeng magbago sa isang iglap.
Sabi nga ng isang super duper extra kyut to the max na blogger
"ang pagbabago ay parang pag kaway sa taong hindi mo kilala , You will get different reactions. Yung iba kakaway din sayo, Yung iba deadma lang , At kung mamalasin ka pa. Yung iba mumurahin at sasabihan ka pa ng bastos." -kikilabotz
Kapag marami kang blessings, Magsaya ka. Ienjoy mo ang bawat sandali. Namnamin mo ang sarap ng tamis.At kung gusto mo magshare ka. Kasi baka bukas magbago ang lahat. Mawala na yan
at
Kapag marami ka namang problema, Magsaya ka, Huwag kalimutan ienjoy ang bawat sandali, Namnamin mo ang sarap ng pait. At kung gusto mo ishare mo sa mga nakakaintindi sayo. Kasi baka bukas magbago ang lahat . Mawala na yan.
Minsan ang pagbabago ay kailangan ng tamang aksyon sa tamag panahon. Kung sawa ka na sa ulam mo na itlog?At gusto mo ng pagbabago. Huwag mo muna iprito ang itlog. Hayaan mo muna limliman ito ng inahin hanggang sa mapisa , at maging isang manok. Saka mo gawing orange chicken. O diba?Bagong bago.
Above evrything else, Kung gusto mo nang pagbabago, Simulan mo ito sa sarili mo
Madaming mga bagay na ang nagbago na sa akin
before |
after |
before after |
Hahaha. meron bang nagbago?
kapag may goldilocks ka, Magsaya ka, Huwag kalimutan ienjoy ang bawat sandali, Namnamin mo ang sarap. At kung gusto mo, Ishare mo. Kasi baka bukas wala na yan.
Ang tanging hindi nagbabago ay ang pagmamahal ni Lord para sa ating lahat. Godbless us all. ^_^
36 comments:
edad?
happy birthday! haha
tao.
birthday mo ba? maligayang bati!
TAO!!!
Baka BUHOK hehe
=)
Wew! Goodluck :D
Hindi ka nagbago at mukhang hindi na magbabago, baliw ka na talaga hehehehe parang tumaba ka sa bakasyon mo ah
sus! bunayaran kba ng goldilocks sa sponsor ha? ahahah!!
oo nga noh! nagbago itsura mo sa new hair mo( bwahhh wala palang hair) ahahah!! at mukha ka ng tao ngyon!! ahhaa!! ang wafu na ng mahlabz ko! pakiss nga!! sussss!! lolz!!!
great job :) good luck dude! :D
ang pagbabago, maraming tao ang nahihirapan umintindi nyan.
at ang article na to ay makatutulong para sa kanila.
ang pagbabago para sakin, ito ay nangangailangan ng pursigidong puso, determinadong kaisipan at higit sa lahat ang pangangailangan mo ng tulong, bukod sa pamilya at kaibigan, Siya ang makakatulong sayo ng lubusan. Tumawag tayo sa kanya
padaan lang sir! nice blog!
entry mo to sa contest ng goldilocks about sa pagbabago :D
nice.
hope you win. :D
mahaba pa pala yung post, akala ko yung bugtong lang. hehehe
bayad ng cake?heheh
gusto ko 'yang pulburon ng goldilocks! hay... makabili nga mamaya! natakam ako! haha!
wow!ang laki ng pngbago mo...haircut lng nmn naiba!hahaha...tma yn,learn to appreciate evry little thing that makes life worth it..tma b?yaan na!hahaha
wow..wow..wow.. goodluck goodluck sa pagbabago na yan..
gusto ko ng polvoron ng goldilocks.. teka bibili muna ko ahihihi
nuffnang?
Kung si boss jag ay ang endorser ng MOA ikaw naman ay Goldilocks,
igigreet sana kita ng api berdey, akala ko berdey, pero sige Happy Birthday na rin.
How thoughtful, how goldilocks.
ahahaahah
pero tama ka sir dun sa concluding statement mo. Everything keeps changing but the love of the Lord will not, and forever and beyond.
ano na ba pinagsasabi ko...
Be blessed sir!
parekoy magkano ba ibinayad sau ng goldilocks? haha...nice new looks! haha...makapagpakalbo na nga din LOL.
Hahaha. Paid post ba 'to? Puro Goldilocks eh! hehe. Happy Birthday btw. :D
Marvs!!!! Goodluck sa entry mo ha! Pag nanalo ka, idate mo naman ako sa goldilocks! Hehe! Mas bagay sayo kalbo! Kalbo! Kalbo! Ako rin kalbo eh, lol.
WV: Apoyst
Grabe, even the WV thinks you're hot! :)
vinshy...
eto ba ung pagbabago mu?..
ganda na din..kso prang putol..
hahahaha...
prang im craving for more..
naks nman..hehehe..
hope u win..
☻☺☻goodluck...☻☺☻
mukha kang 16 hahahah pero mas matanda ka pala sakin haha
hindi naman nagbago yung dila :)
buhok lang ang nabago..kabaliwan nandon pa din! yung buhok sa baba kaya nabago din??
alam ko na kung anu nagbago.. ikaw na ang bagong endorser ng goldilocks!!! hindi na si kris aquino at si james!!! hehehehe
Good Job. Sana manalo ka. Haha. Ipad nga ba premyo? Dapat sasali ako. Nahiya again.
may pag-asa ka pa bang magbago? haha! goodluck sa Goldilocks contest! :D
natawa ko ng matinde sa mga picture!kitang kita ang pagbabago...
good luck sa tatahaking pagbabago!
Sponsored ba 'to? I like your new hairdo. It suits you better. :)
ayos.. Goldilucks lang pala ito :) pero maganda ang pagkakabuo ng consepto. Panalo na :)
Akala ko kung sinong "super duper extra kyut to the max" na blogger yan. Putaragis. Haha.
Potaragis. Natawa lang ako sa nakadila ka at may mic. Wait, natawa lang ako. Hahahaha. Bohahahahaha.
May ganon?! hahahah! Iba ka.
kaya ka ba nagpagupit, eh dahil dito sa entry mo sa goldilocks? :)
literal na ginagawa ko minsan yung sinabi ng extra kyut na blogger. hahaha. trip lang..lols
halo-halong reaksyon; sa halo-halong uri ng tao..pero masaya---nakakachallenge.
pero di ko lang maintindihan sir, anung connect ng goldilocks? lols bday mo? pakanton ka naman...
ge----kaw na ang maraming changes sa buhay. magpapakalbo na nga rin ako. bhukas na bukas.lol
goodluck! :)
Post a Comment