Showing posts with label love. Show all posts
Showing posts with label love. Show all posts

Tuesday, June 28, 2011

When is the time to let go

 " Lord kapag hindi siya nagtxt bago mag alas dose ilelet go ko na po siya. tatanggapin ko po kung ano mang signs ang ibigay ninyo"

Ito yung mga panahon na hindi ko na alam ang gagawin ko.  Hindi ko na alam kung saan ako lulugar at  hindi ko na rin  alam kung saan ako pupwesto. Gulong gulo na ang isipan ko, ang tanging solusyong naisip ko eh magdasal at humingi ng sign. Habang hinihintay ko mag alas dose paulit ulit kong hinihiling na sana magtxt siya.




Dumating na ang alas dose, pero wala akong txt na natanggap galing sa kanya. Panahon na siguro para isuko ko siya, Panahon na siguro para isuko ko yung pagmamahal  ko sa kanya. Mas makakabuti siguro kung ilelet go ko na siya.  Siguro mas masaya siya, siguro mas makakabuti para sa amin yun, siguro one day meron mas better  na darating. Siguro tanggapin ko na lang. Bigo ako, at siguro ito yung gusto ni Lord para sa akin

"Kikilabotz, anong nakapagpabago sa isip mo?"

Minsan, kapag wala na tayong makapitan, humihingi tayo ng signs kay Lord. Siguro para kung sakaling pumalpak may palusot tayo. "ay kasi ito yung gusto ni Lord para sa akin eh. kaya tatanggapin ko na lang." And I realized, mali pala yung ganun. Binigyan tayo ni Lord ng sariling  pag-iisip. Para tayo mismo ang pumili ng mga bagay na gagawin natin. God wants us to choose yung totoong bagay na makakapagpasaya sa atin.

You will know the truth, and the truth will set you free.-John 8:32

Ilang ulit ko din tinanong ang sarili ko, Ano nga ba ang makakapagpasaya sa akin? At iisa lang ang nakukuha kong sagot. Si Soulmate.

Nakapag decide na ko,  Ipaglalaban ko si soulmate ko. Kasi mga tulad niya ay  hindi sinusuko, dapat ipinaglalaban. Alam ko mahirap, alam ko maliliit lang ang chance at alam ko rin pwede akong masaktan. Pero ganun yata talaga kapag nagmamahal ka.Kaya nga gagawin ko ang lahat ng makakaya ko basta para sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Para sa soulmate ko. 

hahaha. sorry kung medyo cheesy nanaman ang post ko, pasensiya  na inlove lang talga ako. hehe. Susuportahan mo ba ako? 

When there's something you really want, fight for it. Don't give up no matter how hopeless it seems to be. The best things in life don't come easy.

 

 


Wednesday, February 2, 2011

sino bang dapat mahalin


Napukaw ang aking damdamin kanina habang pinapanuod ko yung palabas na  Mara Clara. Ang istorya ay  umiikot sa dalawang sanggol na sa  ilang mga  kadahilanan  ay napagpalit. Napamahal at  Lumaki sa hindi nila tunay  na mga magulang. Matapos ang  ilang  mga taon, Nagkatagpo ang kanilang mga landas. At hindi naglaon nalaman na rin nila ang katotohanan.  


Sino  nga ba ang mas mamahalin mo?  Yung taong nakasanayan mo ng mahalin sa mahabang panahon o yung taong  nararapat sa pagmamahal mo?

Habang pinapanuod ko ang  Mara Clara, At hinihintay maging 18 sila mara at clara para pwede ng ligawan.  Biglang kumatok sa  aking isipan ang katanungang iyan.  Sa tingin ko, Hanggang sa ngayon marami pa rin sa atin ang hindi kayang sagutin ang tanong na ito. Siguro dahil sa takot na baka makasakit sila. O kaya naman sila ang masaktan.  

Bakit nga ba ganun? Bakit kelangang may masaktan? Bkit kailangang may pumatak pang mga luha? Hindi ba puwedeng  masaya na lang lahat?  Totoo nga bang true love hurts?
Putaragis! Kanina pa ako pinapapak ng lamok dito. At aaminin ko, It hurts lalo na kapag kinakamot ko. Meaning ba nito  nagmamahalan kami? Masarap kayang makipaglips to lips sa lamok? Wala lang naitanong ko lang. Virgin pa siguro yung lamok na napatay ko. Nagdudugo eh. 

 Haha seryoso  na. Game! Sa aking opinion susubukan kong sagutin ang mga katanungang ito. Sino nga bang mas mamahalin? Actually, Para sa akin hindi mo naman kailangan mamili. Pwede mo namang mahalin sila pareho. Magmahal ka lang ng magmahal. Love as many as you can. Sabi nga  ni Lord mahalin rin natin kahit  mga enemies natin. Just to make things clear, Hindi porket sinabing mahal mo ibibigay mo na ang katawan mo. Give love to everyone but your body to only one. Sa ganitong pamamaraan. Wala ng masasaktan,  Wala ng luhang papatak dahil sa hinanakit. And it even answers the question kung totoo bang  true love really hurts .   
Ang sagot,  It was the absence of love that  hurts. Ironically, It was love that can take all the pain away

Happy February everyone ^_^

Wednesday, October 20, 2010

Balikbayan box

Naalala ko. Batang bata pa ako nun. Naglalakad pauwi galing eskwela,  Hindi ko mapigilang hindi ngumiti kapag akoy napapatingin sa nakatatak na star sa aking kamay. Kahit simple lang para sa akin nagnining-ning ito sa ganda. Gayang gaya ko nga yung  star ng clasmate ko na nakaperfect ng quiz. Ok lang kahit peke basta may star. Ayos na. 


Pagdating ko sa may gate, Andun si mama. Nakatayo at nag-aabang sa aking pag uwi.Dali dali akong tumakbo papunta sa kanya at nagmano. Tapos, Tinanong niya ako " anak kamusta ang eskwela?"

Siyempre mayabang ako kaya sinagot ko siya " Ma, Ang galing ko po, Sa aming magkakaklase ako lang po ang nakasagot sa tanong ni teacher. Galit na galit na nga si teacher wala pa rin makasagot."

Napangite si Mama, at sinundan ako ng tanong "Ang galing naman ng anak ko. Ano ba yung tanong ng teacher mo?"

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sinabi ko na ang tanong " Kung sino daw po ang walang assignments."

Matapos nun. Pumasok na kami sa loob ng bahay. Nakakapagtaka kasi maraming tao, Marami ring handa. Lahat nagkakasiyahan. Kaya tinanong ko si mama.

" Ma, sino pong may birthday?"
"wala naman anak" sagot ni mama
"eh ano pong nanyanyari" makulit kong tinanong ulit
"Si Ninang mo, Yung ate ni Papa mo? aalis na pupunta ng amerika" tugon ng aking mama
"pwede po ba akong sumama" aking tinanong
"Hindi pwede anak, Matagal pa siya babalik" sagot ulit ni Mama

"Matagal? Eh bakit po kayo masaya?"

Hindi ko na masyado maalala ang sinagot sa akin ni Mama. Basta ang naalala ko lang. Masarap yung handa naming spaghetti. Wala ng iba


Habang kumakain ako ng spaghetti naisip ko, Kaya siguro pupunta si Ninang sa Amerika kasi single siya ng mga panahong iyon. Mas malalaki daw ang sa mga Amerikano kesa sa mga Pilipino. Mas malalaki magpasahod.

After ilang months, Tinawag ako ni Papa. Bilisan ko daw kumuha ng ballpen at malinis na papel na pang grade4. Susulatan daw namin si Tita ninang.Kaya nagmadali akong iabot kay papa ang dala dalang ballpen at papel na panggrade4.

PAPA: Bilisan mo, hubarin mo na yang tsinelas mo at ilapit mo na dita yang paa mo.
AKO: Hala? bakit po PAA? kelan pa po naging legal magsulat gamit ang paa?
PAPA: basta.

Sabay inilapit ang papel.Ipinatong ang paa ko dito at sinimulan na gumuhit. Ginawang pang-gabay ang paa ko para maipadala ang eksaktong laki nito. Huwaw! Nakakaamoy ako ng isang bagong sapatos.

Ilang mahaba habang hintayan ulit ang naganap. Sa wakas dumating na ang inaabangang balikbayan box. Natural masaya nanaman ang lahat. Tumingin ako sa kaliwa, Si Ate may bagong bag. Huwaw!!. Tumingin ako sa kanan. Si kuya may Gameboy. Huwaw!! Tapos tinignan ko yung para sa akin. Huwaw!! Muntik na akong magmura. Isang tumpok ng medyas. Huwaw na huwaw talaga! Tapos tumingin ako sa likod. Yung isa ko pang kuya. may bagong relo, may bagong baseball cap at isang bagong kontrobersiyal na rubber shoes. Hanggang ngayon pakiramdam ko may anumalyang nangyari.

Lumipas na ang maraming taon. Matanda na ako. Pero kyut pa rin daw. Nakapag-asawa na si Tita. Nakapagpatayo na rin siya ng sarili niyang bahay dito sa Pilipinas.Marami na rin siyang napagtapos ng pagaaral sa aming magpipinsan. Taon taon umuuwi siya dito sa amin para magbakasyon at magpakasaya.At masasabi ko Tagumpay ang journey niya sa ibang bansa

Marami sa atin ang nagsasabing mahirap mangibangbayan at magtrabaho dun. Mapalayo sa pamilya at mapalapit sa tukso. Madalas makakaramdam ka ng pangungulila. Lalo mo mararamdaman ang pagod. Iiyak ka, luluha, masasaktan. At darating sa  point na gugustuhin mo ng sumuko

Ang totoo. Mahirap naman talaga. Wala naman nagsasabing madali. But the good thing is. Marami tayong magagawa para matulungan natin ang ating mga mahal sa buhay na nangibang bayan. Para makalagpas sa pagsubok ng kanilang mga pangarap. Kapamilya natin sila. At iparamdam natin ito.

Kapag nangungulila sila? Be there.Makipag SOP (Singing On Phone) Makipag-usap sa telepono o kaya naman mag internet. Iparamdam mo sa kanila na hindi sila nagiisa.Magkwento ng mga kaganapan sa buhay mo.  Malayo man tayo sa kanila. Nandun  naman ang presensiya natin. Nakaalalay. Sumusuporta.

Kapag nagbigay o nagpadala sila. Be happy. Ngumiti at magpasalamat. regardless of what  or how much it is. Dont make them feel na responsibility ka nila. Be their motivation. Be their inspiration. (nagpapanggap lang ako ng ingleshero. pasensiya naman)

Kapag gusto na niya sumuko. Sabihin mo sa kanya hindi naman siya holdaper. Wag siyang sumuko. At ipaalala mo sa kanya na si God ay laging nariyan. At hinding hindi tayo papabayaan. Na ang problema ay parang amoy lang ng utot. Lumilipas rin.

Love. according nga sa kyut na blogger na si kikilabotz.  Hindi kayang sirain ng libong libong milyang distansiyang naghihiwalay sa inyo. Ang pagmamahalang nagbubuklod sa isang Pamilya.

Saludo ako sa mga matatapang at matatatag na OFW na nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Nang dahil sa inyo, Nang dahil sa mga kagaya ninyo. May isang blogger na nakapagtapos sa kursong narsing.At ngayon ay isa ng profesional. God bless us all

Salamat ninang, salamat tita, salamat sa babaeng tinuturi kong pangalawang mama. haha totoy pa ako dito. oh yeaahh!! 





Wednesday, August 4, 2010

pers lab (kamalayang malaya)

Naalala ko pa. Nung mga panahon na kasing laki palang ako ng tangke ng LPG. Nasa ika unang baitang palang ng Elementarya. Nakilala ko ang aking  kauna-unahang karass. Itago na lang natin siya sa pangalang putubungbung..ay wag! Bibingka na lang para mas masarap pakinggan.

Si bibingka ay isang simpleng babae, Simpleng manamit, Simpleng manalita, Ang tanging hindi simple sa kanya ay ang kanyang ngiti. Dahil ang bilang ng kanyang ngipin ay kulang kulang .Kaya   kapag pinapakita niya ang kanyang matatamis na ngiti, Tanaw na tanaw ko ang kanyang tonsil.Nanginginig pa nga, Parang nagmumumog lang. Ang totoo hindi ko naman talaga dapat siya karass. Lagi ko lang siya nahuhuling nakatingin sa akin nang malagkit. Tapos parang may masamang balak sa musmus kong katawan.Siguro nalilibugan siya sa katawan ko. At dahil parang gusto ko siya pagbigyan. Naging karass ko na siya. At araw araw hinahanap na siya ng malikot kong mata, At gabi gabi hinahanap naman siya ng malikot kong utak.

Minsan, Nagkaroon ng pagpupulong ang lahat ng mga magulang naming mga mag-aaral. Ginamit na rin iyon na pagkakataon ng aking kamag-aral na itatago ko na lang sa pangalang pugelshit para isumbong ako.Aba! Nilagyan ko daw ng bubble gum yung upuan niya at ginawa ko daw basurahan ang bag niya.

Huwag niya kaming linlangin! Para sa kaalaman ng lahat.Sabi ng aking guro, Na itong si pugelshit na ito! Sobrang likot! At may bulate daw sa puwet. At dahil isa akong henyo. Binalak kong hulihin ang makulit na bulate sa puwet ni pugelshit. Naglagay ako ng patibong. Isang Bazooka buble gum na kakatapos ko lang nguyain. Hindi ko naman akalain na hindi pala bulate sa puwet ang mabibitag ko, Ako na nga tong nagmamalasakit siya pa galit?

Saka! saka! yung sinasabi niyang ginawa ko daw basurahan yung bag niya. Malay ko ba? Nakita ko kasi ang larawan sa kanyang  pinagmamalaking bag  ay si oscar ng sesame street. E diba sa basurahan nakatira iyon?

Matapos ako mapagsabihan ng guro kong may kinakampihan. Lumabas na ako at pumunta sa palaruan malapit sa flapole sa tabi ng puno ng aratiris.Andun ko nakita si bibingka. Kalaro ang iba ko pang kamag-aral.Hind ko alam kung anong oras na, Kasi wala akong dalang relo. Pero ang alam ko gabi na. Kasi madilim na. Kaya, Pagkakataon ko na.Alam na

Maya-maya.. May narinig kaming kakaibang ingay. Nakakatakot. Nagtakbuhan  ang lahat sa kanilang ama at ina. Maliban sa akin. Siyempre dapat magpasikat ako kay bibingka. Kunyare hindi ako tinatablan ng takot sa katawan. Tapos nun nakita kong nadapa si bibingka.Aray! una ulo. Dali dali akong tumakbo papunta sa kanya.

ako: bibingka!? hahaha nadapa! kawawa naman

bibinka: hump! hindi tayo bati

ako: ikaw kasi. natakot ka andito naman ako

bibingka: bakit ikaw? hindi ka ba natakot?

ako: Hindi, Mas takot pa nga ako sa mukha ni pugelshit  eh. okey ka lang ba?

(Hinawakan ko ang kanyang kamay. Tapos hinatid ko na siya sa  kanyang mama)

Matapos ang walang humpay ng pagchichismisan sa pagpupulong na naganap.
Minabuti na ng lahat ng na umuwi sa kanikanilang mga tahanan.

sa daan pauwi....
Hinawakan ko ang kamay ng mama ko sabay sabing

 " mama ikaw ang pers lab ko ha?Dapat lab mo din ako ha? ha?"

Tandang tanda ko pa ang kislap ng ngiti ni mama nung panahon na iyon.
Pagdating sa bahay.Pagkatapos kong hubarin ang aking short .Humiga na ako para matulog

 nang biglang,narinig ko ang sigaw ni mama habang siya ay naglalaba

MAAaaaarrviiiiiiiiiinn!!! Ang tanda tanda mo na umiihi ka pa sa short moooo!!!!

(patay malisya lang ako at nagkukunyaring tulog)

Waaaaaaaaaaaahhhh! Hindi lang pala ihi..Natae ka rin pala..paperslab perslab ka pang nalalamang bata ka!!

(patay! kasalanan ko bang maire nung magulat ako?)





===============================================================
salamat po sa pacontest ni  ginoong kulisap nag enjoy ako...
G.kulisap

 

Thursday, June 24, 2010

i love you ipis ipis very much

kung sakaling hindi mo pa nababasa ang part 3 eto po ang link

kabanata III: HAPDI, KIROT SAKIT

kabanata IV
LAMAY

Parang isang malungkot na eksena sa pelikula. Kasabay ng pagtulo ng aking luha ay ang pagpatak ng BULTOKACHI sa aking katawan na nagsisilbing parang ulan habang karga ko ang katawan niya at isinisigaw ang kanyang pangalan...(kung hindi mo alam ang meaning ng bultokachi pkigoogle)


DAAALIIIISAAAAAAAAYYY!!!!!

Isa...dalawa...tatlo..Apat na gabi akong walang tulog. Hindi ako pinapatulog ng mga alaalang masasaya. Lalo na at alam kong hindi na yun mauulit pa.Kahit kailan.

Naalala ko pa. Masaya kmi ni dalisay kapag nilalaro namin ang alaga kong si Manuy. Gustong gusto talaga laruin ni dalisay ang alaga ko. Ewan ko ba.Hinahawak hawak, pinipitik pitik, tinatapik tapik. Kaya galit na galit naman si MANuy. Minsan nga nakipaglaro ng peek a boo si Dalisay sa alaga ko. Gulat na gulat si dalisay. Natawa naman ako

Pero ngayon. Wala na si Dalisay. Kahit anong hawak ko, Pitik ko, Tapik ko kay Manuy ayaw nang magalit. Waaaaaaaahhhhhhh... oh no!!!

Balik tayo kay Dalisay bebe mylabs ko. Wala siyang kamag anak dito sa bahay ni Kuya. Kaya ako na ang umangkin sa kanyang walang buhay na katawan. Kahon ng tobleron ang nagsilbing kanyang kabaong para ihatid siya sa kanyang huling hantungan.

Dahil kaunti na lang ang lahing ipis na nakaligtas sa delubyong nangyari. Konti lang din ang nakapunta sa burol ni Dalisay.

PANOT: mga repipis magkape muna kayo

PEKLAT: wow ang sarap nito

SINGHOT: heavy nakakaadik ang sarap,

KULOT: oo ang sarap nga. San mo ba to nakuha panot?

PANOT: Galing sa KAFFE RAZZO yan..pinadeliver ko pa.

AKO: kaya pala ang sarap

KULOT: mga repipis. Samahan niyo ako. Maghanap tayo ng chix dalhin natin dito

PEKLAT: Baliw ka ba? Nakita mo na ngang nagdadalamhati ang repipis nating si lufet . Puro chix pa rin nasa isip mo

KULOT: C-h-I-C-K-s!! As in Sisiw ! tanga! Ilalagay natin sa kabaong maghahanap tayo ng katarungan.

PANOT: ayan kasi . natanga ka tuloy. Hehe

PEKLAT: hehe. Pero masiyado malaki yung sisiw. Tutukain lang tayo nun at kakaining parang bulatete

PANOT: SISIW lang yun.. (nakita niyang lahat nakatingin sa kanya at walang tumatawa.) Lagi na lng ba ganito ang eksena walang tumatawa sa joke ko!!! Grrrrrrrrrrrr..

LUFET: Ano bang ginawa natin para ganituhin tayo ng mga taong iyon....

Porke ba hindi nila gusto ang itsura natin?

Dahil ba sa naiirita sila sa atin?

Whats wrong with those people?

Papatayin nila tayo kasi ayaw nila sa atin? Kasi sa tingin nila nakakatakot tayo? Kasi sa pagkakaalam nila madumi tayo?

Sila lang ba may karapatan mabuhay sa mundo ?

MGA TAONG INA NILA!! MGA TAONG INA NILA LAHAT!!

PEKLAT: lufet, kalamayin mo ang iyong loob at magpakatatag ka.. darating talaga sa buhay natin ang mga ganitong pagsubok na magpapaluha sa atin. Luhang magsisilbing ulan para madiligan ang binhi na na nakatanim sa ating puso. Na balang araw magiging matatag na puno. Puno na nagbubunga ng tagumpay at kaligayahan.

PANOT: psssttt..peklat san mo nakuha yan? (pabulong na itinanong)

PEKLAT: wag kang maingay imbento ko lang yan!!ahihihi. tanga naman yan si lufet maniniwala yan. Hihi

Lumapit ako kay dalisay  habang lumuluha
Ang ganda ganda mo talaga. Bagay na bagay talgaga sayo ang pangalan mo. Alam mo?Kapag tumitingin ako sayo, Naiinlove ako.Paulit ulit. Walang katapusan. Pero ganun talaga eh. May pagkakataong kelangan na natin magpaalam sa mahal natin sa buhay.Adik ka! Nasanay ka na atang iniiwan ako. Tapos hahabulin kita. Pero ngayon iba na. Lalayo ka na at babalik sa langit bilang anghel. Huwag ka mag alala ang pagmamahal ko naman sayo abot hanggang langit

 Salamat at natupad mo ang pangako mo na mamahalin mo ako habang buhay. Ngayong patay ka na sana mahal mo pa rin ako.

Tatlong bagay ang itinuro mo sa akin

Una, tinuro mo sa akin kung gaano kaganda ang mundo at kung gaano kasarap mabuhay dito

Pangalawa, nalaman ko na kapag wala ka, Mali ang unang itinuro mo sa akin

Pangatlo, Mali ako, tama ka.



itutuloy...

kabanata V
kabanata VI
kabanta VII
kabanata VIII 
kabanata IX
kabanata X : ang pagtatapos


 




Monday, May 17, 2010

I love you ipis ipis very much

kung sakaling hindi pa ninyo nababasa ang part 1 eto po ang link. basahin muna bago basahin ang kabanata 2
kabanata I: ako ang simula


kabanata II
INUMAN



Malungkot ako. Problemado. Hindi mapakali.Kaya pinasya ko na lumipad lipad sa buong bahay ni kuya.Sakto naman at may nakita akong bote ng redhorse mucho sa may aparador. Bukas na at haos kalahati pa ang laman. Solve solve. Kaya dali dali kong tinawagan ang aking mga kaibigan gamit ang dalawa kong mahahabang antena.


“Mga Repipis!! May nakita akong pagpipiyestahan natin dito! Nomu na Nomu!”

Unang dumating ay si Panot. Ang kaibigan kong mahilig magpatawa , Hindi naman kalbo.Sumunod ay si Kulot ang dakilang manunulot.Tapos si Singhot ang pinaka adik sa tropa.At ang pinakahuling dumating ay si Peklat.Ang ipis na laging sugatan ang puso.

Nakarating na ang lahat. Sinabi ko sa kanila na meron akong problema, Isang napakalaking problema, Dahil nagalit sa akin si Dalisay, Hindi ko naman sinasadyang matawa ng malakas sa harap ni Dalisay habang binabasa ko ang letter niya sa akin. Sino ba naman kasi ang hindi matatawa? Jejemon ang pagkakasulat.Pero hindi pa natapos ang storya dun. Lalo pang lumala nang sinampal niya ako gamit ang pakpak niya. Hindi pa rin ako matigil sa pagtawa. Tapos nun umiyak siya. Nakita kong tumulo ang luha sa mga mata niya.At dali daling lumipad palayo.

“ Matapos nun ,Binalak ko na habulan siya , Pero,Hindi na ako makakilos. Ano bang nagawa ko? Ang tanga tanga ko”

Matapos ko ikwento saa mga kaibgan ko ang mga pangyayari . Tumawa ako ng malakas sabay sabing tara simulan na natin ang inuman. Wooooohhh!!

Sinimulan na namin ang inuman. Iisa isa kaming pumasok sa bote ng redhorse mucho at dun sabay sabay na nagsilanguyan.Muli namin binuhay ang mga katagang Magpakalunod sa alak. At nang medyo lasing na kming lahat .Naging sensitibo na ang aming naging usapan.

PanOT: Mga repipis,Kilala ninyo ba si Pepeng ipis? Yung matandang panget na ipis? Na rape daw. Akalain nyo yun?

PekLat: Yung crush mo? Hahaha. Talaga? Sino naman ang nangrape?kadiri eiiwwww...

PaNot: Si Teteng ipis..wahahahaha.. madilim daw kasi nung mga panahong iyon. Hindi niya daw nakita. Tapos after 1 day namatay si teteng ipis

Singhot: oh? Ano naman ang ikinamatay?

Panot: kahihiyan

(tawanan ang lahat)

KulOt: Mga repipis, Kung nagkataong hindi kayo ipis. Ano kayo at bakit?

SingHot: Gusto ko maging icecream para maramdaman kong dinidilaan ako.

(tawanan ang lahat)

PekLat: Takte ka singhot! Adik ka talga! Ang laswa mo. Ako gusto ko maging isang octopus.Para mas marami akong mayakap ng sabay sabay.

PanoT: kaya ka iniiwan eh. Kung ako tatanungin nyo .gusto ko maging isang WIG  wahahahahahaha. para maging solusyon ako sa mga problema ng mga panot. Khit hindi ako panot

(walang tumawa. Tahimik ang paligid)

Kulot: Ikaw lufet ? ano gusto mo?

Gusto ko maging paa, kapalit ng naputol na paa ni Dalisay, Para kahit san man siya magpunta. Lagi niya ako kasama. At maging parte ng pagkaipis niya. Pangarap ko kasi marinig mula sa kanya na....

KUMPLETO NA SIYA KASI ANDITO NA AKO”

Kulot: wooohhh!! Ang cheesy!! Naglevel up ka na. Haha. Ako gusto ko maging Napkin . Alam niyo na kaung bakit..

(tawanan ang lahat)

Peklat: Panget yun pare! Pagkatapos ka nila gamitin itatapon ka na nila..

KuloT: oo nga noh? Sige pera na lang! Para Madami nagpapakamatay para sa akin. Hahah

“ Buti na lang may mga kaibigan akong tulad niyo. Salamat mga Repipis “

Peklat: oh lufet!! Magsmile ka naman! Alam mo ba ang pagsmile ay isang asset? It can touch Hearts and even change lives so keep on smilling you might inspire someone with it

(nagtingninan ang lahat kay peklat. Habang dumudugo ang ilong namin)

PanoT: nakanang putcha! May tinatago kang english!

Singhot: Halika pare! Para hindi ka malungkot sama ka sa amin ni Kulot. Mambababae tayo!

Panot: Bakit kayo lang? Paano naman kmi?

Singhot: Saka na lang kayo. Panira kayo ng Diskarte. Baka magtae mga chix na makita namin kapag nakita kayo.

Tapos lumipad na kaming tatlo ni Singhot at kulot sa isang parte ng bahay ni kuya. Hanggang sa makita namin ang isang magandang ipis.

Kulot: para ayun! Diskartihan na natin

Singhot: lufet swerto mo. Kami na didiskarte para sayo. watchenlearn

(pumunta sa magandang ipis)

Singhot: Hi miss, Naniniwala ka ba sa Love at first sight? O gusto mo bang dumaan ako ulit sa harap mo?

Magandang ipis: sorry malabo mata ko

Singhot: sakto! Love is blind..

Kulot: psssst singhot. Adik ka talaga! Luma na yan ! halika panuorin mo diskarte ko!

Singhot: sige sige

Kulot: hi

Magandang ipis:..........

Kulot: Hi im pauleen

Magndang ipis: pauleen?

Kulot: Nung nakita kita naging Pauleen na name ko. Im pauleen inlove with you

Magndang ipis..(napangite)

Kulot: Alam mo PAMPERS ka?

Magndang ipis: pampers?

Kulot: oo , sa lahat lahat ng magagandang ipis na kilala ko, ikaw ang PAMPERS sa puso ko.

Magndang babae: nakakakilig ka naman.

Kulot: meet my friend lufet.

“ mga repapis, Alis na ko. “

Kulot: oh saan ka pupunta?

kay Dalisay, Pupuntahan ko siya. Magsosorry ako. Ayoko na nagdagdagan ang kasalanan ko sa kanya. Salamat sa inyo nalaman ko kung gaano ko siya kamahal.”

Kulot: gaano?

“konti. Konti na lang lagpas langit na”

At dali dali akong lumipad para hanapin sa Dalisay ....

itutuloy


kabanata III
kabanata IV
kabanata V
kabanata VI
kabanta VII
kabanata VIII 
kabanata IX
kabanata X : ang pagtatapos

Thursday, May 6, 2010

I love you ipis ipis very much

kabanata I
AKO ANG SIMULA

Ako si Lufet, At isa akong ipis. Isinilang ako sa kisame ng maalamat na PBB house, Nabibilang ako sa angkan ng pinakamagagaling na ipis dito sa Bahay ni KUYA dito sa Villa. Matapang, Astig, kinakatakutan at kinaiinggitan ang aming lahi. Kami yung tipong kapag naagrabyado at nagkataong binuhay mo pa, babalikan ka namin at ipapalasap sa iyo ang sakit ng kagat ng aming paghihiganti.

Kami daw ay nabibilang sa mga ipis na may dugong bughaw. Tinanong ko si mama kung paano nangyari na dugong bughaw kami. Sabi naman ni mama kasi daw utot ko kulay blue. Siyempre hindi ako naniniwala kasi alam kong joke lang yun.

Kami yung lahing inapak-apakan mo na lahat lahat .Buhay pa. 

Pero sa kabila ng malupet kong pangalan at astig na lahi, Isa pa rin akong mahinang ipis. Tanggap ko naman eh. Wala akong maipagmamalaki. Ay!!! meron pala! Ang alaga kong si "MANuY". Lagi ko siya kasama. Lagi kming naglalaro. Pero siyempre ayaw ko namang ipakita siya kung kani-kanino lang. Sensitive kasi siya. Madaling magalit.

Inlababo ako sa isang kababata. Si dalisay. Siya na ata ang pinakamagndang ipis na nabubuhay. Fresh na fresh siya galing baguio. Tinanong ko siya kung papaano sya napunta sa bahay ni kuya. ang sagot naman niya ay natrap daw siya maleta ng bagong housemate na pumasok sa Bahay ni Kuya. Ayun!

Kasabay nang una naming pagkikita ay pumasok na rin siya sa puso ko at kahit kailan ay hindi na muling lumabas pa..

Ang bango bango talaga ni Dalisay. Parang panis na ispagheti, hmmmmm.. Ang sarap. Kahit saaan ako magpunta naamoy ko pa rin siya. Sumusunod sa galaw ko.


  • Siya ang dahilan kung bakit patuloy pa rin sa pagtibok ang aking puso

  • Siya ang dahilan kung bakit 143 ang favorite number ko

  • Siya ang dahilan kung bakit ako masaya

  • Siya ang dahilan kung bakit laging nakatayo ang alaga kong si MANuY

  • Siya ang dahilan kaya ako ipinanganak sa mundo " para alagaan ko siyat mahalin habang buhay"

  • Siya rin ang dahil kung bakit ko nasagot ang katanungang ..What is the square root of 25. Oo kasi lima lang ang paa niya. Dahilan naputol ito nung naipit yung  paa niya nung natrap siya sa maleta. 
Dahil nga sa sobrang ganda ni Dalisay . Ang dami daming nanligaw sa kanya. Naalala ko pa nga nung sabay sabay kaming nanligaw sa kanya.At isa isa niya kming tinanong kung no ang maipagamalaki namin

ipis1: Nakaligo na ako sa dagat ng basura
ipis2: Hindi ako magnanakaw
ipis3: Ibinalik ko ang kapayapaan sa mindanao, sa akin may ginhawa
ipis4: Meron akong galing at talino
ipis5: Ipinagmamalaki ko na mahal ko ang Diyos at ang bayan
ipis6: Pinaunlad ko ang subic
ipis7: Hindi ako isinali sa survey
tapos si ipis8 ay nanatiling tahimik pero patuloy sa panliligaw

Meron pa palang ilang ipis sa baba pero minabuti nang hindi umakyat
ipis9: Ako ang tunay na bayani
ipis10: akong bahala sa palengke

Tapos tinanong niya ako kung ano naman ang kaya ko ibigay at ipagmalaki.sabi ko.

"ako mismo!  Ako ang simula!  At Handa akong mamatay para sayo"

 Matapos nun. Kinagat kagat ko ang bulok na prutas ng chiko para ukitin ang mga katagang ito


Deads na deads
Ako sa iyo, Pangako
Lagi kitang
Iibigin at
Sayo lang
Aandar ang mundo kong
Y
inayanig mo.

Tapos nagulat na lang ako kasi ngreply siya sa ginawa ko at eto ang nakasulat.

MuKstah n pheow u!?? huWakg u mhakz alahlah.... Iii LOphVes  u dHiin vH3rRy Vh3Rry  mUwtgCht!!!jejeje

haaayy..Putragis yan! jejemon pala siya. Pero kahit ano pa man Mahal na mahal na mahal ko pa rin siya

kabanta II
kabanata III
kabanata IV
kabanata V
kabanata VI
kabanta VII
kabanata VIII 
kabanata IX
kabanata X : ang pagtatapos



Sunday, April 25, 2010

Sana Hindi pa huli ang lahat

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nung araw na iyon. Isipin na lang natin na may batang inagawan ng lolipop tapos umiiyak habang dahan dahang tumutulo ang sipon papunta sa kanyang bibig.sabaylunok. Parang ganyan nga, Pero hindi ako yung batang inagawan ng lolipop kundi ako yung batang nang agaw ng lolipop. Halos mamatay na sa kakatawa  at sa sobrang tuwa.

Sana T-shirt na lang ako , Para ma-itry mo kung bagay sayo.

 (maraming maraming salamat pala kay khate ng  http://harliiolday.blogspot.com/ sa regalo niyang damit at talbos fresh from baguio. salamat salamat. sobrang saya ko)

Gumising ako ng maaga para magsimba. Kasama ko ang isang kaibgan. Sa Sta CLara kmi nagsimba bandang katipunan yata.

Kaibgan: Nagdala ka ba ng itlog mo?
ako: lagi ko naman tong dala.
Kaibigan: mag aalay ka ba ng itlog?
ako: no no no hinde pwede, Sayang!! dami takam dito eh

(tawanan)

Sa aking paguwi nakita ko ang matagal tagal ko ng hinahanap na bagay. YES!! Sa WAKAS Nakita ko na ang PePe ni KUya..(Kung hindi ninyo po maintindihan eto ang story nun)
click m ko

Kinahapunan isang kaibigan naman ang dumating galing malayong malayong lugar. Para tulungan ako sa isang mission na hindi ko matapos tapos. Wahhhh!! Sinamahan niya ako pumunta kay miss interviewer ng buhay ko na deads na deads ako. ayun at Nalaman ko na rin ang name niya. Bwahahahahahaha. itago na lang natin sa pangalang miss yanyan. Kung hindi nyu ulit maintindihan eto po ang kwento nun

paki click dito

Tapos Hindi ko rin inaasahan na Daan daan pala ang nagmamahal sa akin, Na para sa kanila isa akong special na tao. May pakinabang sa mundo. Kaya sobrang tuwa ko sa mga natanggap kong greetings mula sa kanila.

ang mga sumusunod ay mga piling mensahe sa akin na NAKAKA touch(mga el paborito)

MISHYs message para sa akin:

For the person i admired most,for the person who knows how to make people around him smile and be contented on what they have, For the person who appreciates every little thing that theyve done for him. who knows how to say thank you even if its not needed and most especialy fo r the person knows how to value and love his friends even in their craziest time.

This message is exclusively fo Mr Marvin Gaspar a.k.a GWAPITO whom i consideerr as one of my bestfrend in the whole wide world.hehe

HAPPY BIRTHDAY vinshy! wish u more luck , mmmmore money and ofcourse more gf 2 come! hahahaha.peace muah

KAJAs message para sa akin:

Honestly, hindi ko din alam kung bakit q ito ginagawa,.. hmmm.. siguro I just wanna say THANK YOU..God really has His own way to show and teach us about the beauty and mystery of life… and He has His own way for us to feel that we are really blessed and loved…sending us “angels” that will really touched our lives and make us realize that there is more for us to see… more reason to be happy, more reason to be thankful, and more reason to live.
si God may prineprepare for me..


One month ago, I met a guy na wala lang, nakakwentuhan lang, kumbaga, para malibang, pamatay ng oras sa paghihintay.. Who would ever think, na magkkrus n naman landas namin (thru fb) at magiging friends kami.. =)

Dahil sa isang “crush”, na siguro way na rin ni God, ayun, hinanap nya q s fb (pamatay ang pagkacrush ampf,,haha), gulat na gulat nga q nung nakita q mukha nya, “waaah! Parang kilala ko to ah!”,, hanggang aun, naging close.. =)
Lately, narealize q, he’s an “angel” pala.. (o wag lalaki ulo! Batukan kita jan eh!) He’s a blessing from God, to remind me of things na nawala sakin at nakalimutan ko.. oo, thingS, plural! Hindi lang isa..


I thought I am better.. I thought I’m positive, im strong, emotional nga lang… pero that guy made me realize that I may be good but I can do better than what I think is better… that Im neutral, not positive (dahil may nega syd aq..), im strong, but I can be stronger,.. at emotional, hnd n mababago sakin yun, haha..

Two weeks palang kami magkakilala, pero aaminin ko, he already touched my life in God’s way.. I know it’s God’s way, not his. Pero siya yung blessing na ginamit ni God.

God really has His own way to show and teach me about the beauty and mystery of life… and He has His own way for me to feel that I am really blessed and loved…sending me “badz” (kahit hate nya ung twag ko sa kanya) who’s touching my life and makes me realize that there is more for me to see… more reason to be happy, more reason to be thankful, and more reason to live.

Waaaaaaaaaaaaahhh yung nareceive ko yung mga messages nila sa akin muntik muntik na ko umiiyak.
 
Sa mga blogger din na naggreet sa akin maraming maraming salamat. Lalong lalo na kayedee at kay jam. bwahahaha. tinxt pa ko kahit nasa magkaibang lupalop kmi ng mundo. wahaha. reply naman ako. ayun! sampong piso each..waaahh durog ako. pero dahil sa kanila muli akong nabuo. :D
 
Saka ko lang napansin na magkalapit lang pala ang kaarawan ko sa kaarawan ng mundong ginagalawan. Happy earth day mga pips(kinang yan!! too late na ko. wahahaha. busy eh)
 
Ang tanging regalo lang namn na hinihingi ni mother earth ay kagaya din ng ating mga Ina. Respect!
 
At the last momment. Bago pa mahuli ang lahat. Nagtxt ang isang taong pinahalagahan ko ng husto. Binati nya ako ng happy bday at nagpasalamat ako. Natuwa talga ako kasi ang tagal tagal na namin walang communication.. Kaya sobrang gndang gift un mula sa taong tinitreasure ko.
 
Maraming maraming salamat sa lahat for making my bday the best. TAGAY NA!!
 
 HINDI NAMAN AKO NANALO SA LOTTO BKIT KAYA ANG HABA NG PILA NAGPAPALIBRE? Hmmmmmm..
 
Hindi naman ako materialistic na tao. I mean kahit KAHIT NA WALA KAYONG REGALO!!grrrrr  basta ang mahalaga importante
 
ika nga ng isa sa mga video ko Give a gift! share ur blessings. bwahahaha. inuulit ko give a gift share ur blessing.