Monday, July 26, 2010

Bagong Pag-asa sa likod ng SONA

Minsan din akong naging istudyante, Ilang ulit na rin ako gumawa ng reaction paper tungkol sa isang bagay na wala naman akong alam tulad ng SONA. Madalas nga inaabot na ako ng umaga sa pag gawa nito. Hindi dahil sa nagsisipag ako kakahanap ng internet site na may mga sulatin na pwedeng icopy paste. But becase nanunuod muna ako ng XXX at hinihintay matulog ang lahat ng tao sa bahay. Bakit ba?

Nais ko lang sana ibahagi , Ang isang simpleng opinyon mula sa inyong lingkod na si kikilabotz. Isang taong simple ngunit marami ang nahuhumali.. oh yeahhh!!

"Pag-asa", Maraming mga Pilipino ang kinalimutan na ang salitang ito. Pero ngayon. Sa bagong mga pinuno at bagong paraan ng pamumuno Muling naitanim sa puso ng mga lahing matatapang ang katagang BAGONG PAG-ASA.

Please. Huwag na ako tanungin tungkol sa salitang yan. Matagal ko na kasing narating yan. Actually isang sakay lang yan galing sa amin. Pitong piso lang pamasahe ko. Sa likod lang yan ng SM north malapit sa Trinoma..Oo!! Nagjojoke ako kaya putragis tumawa ka naman!

Saludo ako sa mga mensaheng nais iparating ng pinunong binoto ng milyong milyong mga pilipino sa kanyang SONA. Nagmungkahi siya ng mga solusyon na maaring gawin sa mga problema ng bansang ipinagtanggol ni Lapu-lapu.

Iminulat niya sa atin ang kalagayan ng ating bansa. Ipinakita niya na ang ating bayan ay malapit na mahulog sa bangin ng pagkakalugmok. At meron pang iilan na nagpapalala ng sitwasyon. Walang kapangyarihan si Pnoy para bigyan ng pakpak ang bansa upang makaiwas sa paglagapak.Good thing is. magaling siyang pinuno. Nagsilbe siyang unang kamay na pwedeng kapitan ng bansang palaban. Pero hindi kaya ng ating Pangulo mag-isa yun. Masyadong mabigat ang problema. Kailangan ng bansang Pilipinas ang bawat kamay ng bawat mamayan nito. Lalaki man o babae, mayaman man o yayaman pa lang. Dahan -dahan , sabay -sabay at buong lakas nating iahon ang Pilipinas. Ang ating Pilipinas.

SAMA SAMA NATING TUPARIN ANG PANGARAP NG BAWAT ISA
  

Saturday, July 24, 2010

Ano bang latest?

Tatlong beses na nag alarm ang cp ko.  Umaga na pala. Badtrip. Tinatamad pa ako bumangon. Tumayo ako at humarap sa salamin.  Tinignan ko at nagpasalamat sa  kyut na regalo sa akin ni Lord.  Wala namang pinagbago. Ganun pa rin. (ahem ahem.)Maliban sa mga hibla ng buhok sa aking ilong  na litaw na litaw na sa kanilang mga yungib .

Napagtripan kong kumuha ng gunting para putulin ang mga nag grogrowee kong buhok sa ilong. Damn! Binasag ko ang sarili kong trip.





 Dahil nagbago ang isip ko. Binunot ko na lang. Nakakahatching pala yun?

Tapos, Sinuri ko ang loob ng aking ilong. Nagsaliksik ako baka kung anong hayop na ang naninirahan sa dalawang kweba ng aking nose. Buti wala naman. Kinapa kong mabuti nagbabakasakaling makakuha ako ng ulam. Jackpot! Meron nga. Medyo kulay green pa, parang gulay lang. Kaya tinikaman ko at ninamnam. Putragis! Hindi masarap! Hindi pala lahat ng kulay green masustansya.

Pumunta ako ng sala. Naupo. Inabot yung remote control. Pinatong ang mga paa sa lamesa at binuksan ang TV. Nanuod ako ng balita. Kulang na daw ng tubig sa Metro Manila.

Naku! napaka simpleng problema pinapalala. Kung magkakaisa lang naman lahat tayo. Madali lang solusyunan ang mga ito.

Ano ba naman yung magrenta ng humigit kumulang isang libong sintunadong tao. Tapos sabay sabay pakantahin  tuwing alas dose ng tanghali sa luneta. Ang kumanta ng nasa tono, barilin!!

o kaya naman gumawa ng batas . Ipagbawal ang maligo kapag hindi naman birthday. Ang lumabag, Bitay!

Sus! kaya pinatay ko na agad yung TV. Pumunta ako sa computer. Awts! Naunahan na ko ni papa. Wow ang aga aga nagfafacebook agad. Congrats! Guess what? Member na siya ng fan page ni angel locsin. At eto ang mas malupet . Gusto niya  ilike ang fan page na ito

click to view the fan page

Hinintay ko matapos. Pugelshit! ang tagal ! Tumingin ako sa kalendaryo para tignan kung ANONG PETSA NA. Whaaaaattt!? July 24 na pala. Isang linggo na lang. Deadline na ng I love ipis ipis very much drawing contest. MAgpasa na dali

Sunday, July 18, 2010

unsent letter to my erpat

Pa,
Hindi ko po kaya sabihin sayo to ng harap harapan kaya idadaan ko na lang sa isang maikling sulat. Na hindi ko po  alam kung mababasa mo. Pa, Alam kong isa ka sa pinaka matinong tao na kilala ko. At dahil dun marami ang sumsaludo sayo.Isa kang modelo sa aming mag kakapatid. hindi nag yoyosi, hindi  rin umiinom.Pagdating naman sa babae.Syempre sayo kami nagmana alam na,Loyal at faithfull ang lahi natin diba? diba?  (ubo ubo) Ramdam ko ang pagmamahal mo kay mama. Walang kapantay. Kahit nga may edad na kayo nkikita ko pa rin ang pagiging sweet nyo sa isat isa. Na kahit minsan hindi ko nakita na sinaktan mo si mama, At  dahil dun proud ako sayo na ikaw ang tatay ko.

 Dati ang tanging bisyo mo lang ay utusan ako na bumili ng dyaryo sa kabilang kanto and then babasahin mo sa loob ng CR tapos paglabas mo magagalit ka sa akin. Sasabihin mo panget yung mga article at  maghanap ako ng medyo maganda ganda. Malay ko bang inquirer ang gusto mo kala ko tiktik.

Ngayon nag-iba ka na. Dinagdagan mo na ang bisyo mo. Madalas mo sabihin sa akin na huwag na huwag kong sayangin ang oras ko sa mga bagay na walang kwenta. Na hindi ko ikakaunlad yan. NA itigil ko na pag aadik ko.Pero bkit ganun? Kung kelan naman na medyo nakokontrol ko na sarili ko.  Nung medyo nabawas bawasan ko na.Ikaw naman ang nagpakaadik. Nainggit daw ba? Tapos nabalitaan ko pati si mama niyaya mo na rin sa kaadikan mo.

gusto ko lang sabihin sayo na

Pa,


Please lang..


Kung pwede Itigil mo na yang Pag FAFACEBOOK mo. 3 hours ka na jan eh. Lulong ka na.Sabi mo 30 minutes  ka lang jan. madaya ka!!.madaya ka.!!.Turn ko na...parang awa mo na Ako naman. huhuhuuhuhu. Kapag hindi mo ako pinagfacebook  ngayon. Sige ka ipagkakalat ko na yang primary picture mo ay kuha pa ten years before. o ano? ano?

Thursday, July 15, 2010

i love you ipis ipis very much

kung sakaling hindi niyo pa nababasa ang kabanata IV eto yung link




kabanata V
PAGBABAGO




isang taon na ang lumipas matapos yumao ang katawang lupa ni Dalisay mabebe labs, Madami na ang mga pangyayari at pagbabagong naganap. Bagong mga housemates at bagong mga ipis.  Ang ibang mga  repipis may kanya kanya na ring buhay. 

Si Peklat, Nakita na ang kanyang one and only soulmate sa  pagkainsekto ni Doray salagubang. At duon na naninirahan sa kalapit na puno ng mangga. Ang galing nga eh! Ramdam na ramdam ko ang pagmamahalan ng dalawa. Naiinggit nga ako. Biruin mo despite sa pagiging magkaiba ng lahi nila , Pinatunayan nila na ang pagmamahal ay walang pinipiling Sino o ano. Basta ang mahalaga kaya mong ipaglaban at patunayan ang pagmamahal mo, WALANG MAKAPIGIL SA PAGMAMAHALAN NIYO.


Si Singhot naman, nagbagong buhay na rin. Tinigil na niya ang kanyang pagaadik . Believe me!  at nagawa niya! Nagsimula iyon nung minsang natrap siya sa  fly trap. Akala niya daw rugby kaya nagdive siya agad pagkakita niya dito. Ayun isang linggo hindi nakaalis sa pagkakadikit. Buti nga at nabuhay pa ang loko. Matapos nun, sinumpa niya sa sarili niya na hinding hindi na siya titira ng rugby. ..mothballs na lang na  may gulay..oh my gulay!!haaayy...


Si Panot at Kulot naman medyo hindi na rin naglalabas labas sa kani-kanilang  mga lungga. Mga pugelshit kasi. Mga loko, Akalain mo? Pinagtripan nila yung buntot ng butiki na natagpuan nila. Ang masaklap inuwi pa nila.. Tawa pa nga daw sila ng tawa. First time lang daw nila nakakita ng ganun. Kala nga daw  nila magic Kaya gagamitin dapat nilang sangkap sa pag gawa ng gayuma. Nabalitaan naman ito ng mga echuserong lizards.At simula nun pinagbantaan na sila. babalatan daw sila ng buhay kapag nahuli.


Ang tangi na lang hindi nagbabago, Ay ang pagmamahal ko kay Dalisay,Wagas at  walang kamatayan. Kaya ayun! Ang hirap mag move-on. Minsan nga naiisp ko na tapusin na rin ang aking buhay. Para dun na  lang kmi magsama sa life after death.

siya nga pala, Alam niyo ba? matapos magpaalam ni dalisay dito sa mundong earth at magpunta ng heaven, Kahit kailan hindi na ako nakalipad muli..hanggang sa kausapin ako ni Peklat


"repipis na lufet! alam mo ba kung bkit hindi ka makalipad muli?"
"bakit repipis na peklat? dahil wala na akong silbi?"

"masyado kasing mabigat ang dinadala mong problema, bitawan mo ang iyong problema at makakalipad  ka ulit  ng napakataas"


Kapul!! sapul na sapul ako sa sinabing iyon ni peklat..Tama siya! Kelangan ko na magmove-on.


"anung ibig mong sabihin repipis na peklat? kalimutan ko na lang si dalisay"?

"wala akong sinabing ganyan,  Ang gusto ko kalimutan mo hindi ang pagmamahal mo kay dalisay kundi yung sakit nang pagkawala niya. Alam kong mas matutuwa siya kung magiging masaya ka."


Kapul nanaman,  hindi pa rin ako nakailag sa sinabi n Peklat..


"sabihin mo nga sa akin  repipis na peklat  kung ano ang kailangan kong gawin?"


"tandaan mo lang  kung sino ka!"


"Ako si Lufet, At isa akong ipis. Isinilang ako sa kisame ng maalamat na PBB house, Nabibilang ako sa angkan ng pinakamagagaling na ipis dito sa Bahay ni KUYA dito sa Villa. Matapang, Astig, kinakatakutan at kinaiinggitan ang aming lahi. Kami yung tipong kapag naagrabyado at nagkataong binuhay mo pa, babalikan ka namin at ipapalasap sa iyo ang sakit ng kagat ng aming paghihiganti.




Kami yung lahing inapak-apakan mo na lahat lahat .
Buhay pa. "


tama nga, hindi dapat maging hadlang ang ano mang problema sa kasiyahan ko.



tandaan mo lufet , Minsan may darating  na problema sa buhay natin na parang si bagyong basya. Mas maganda kung hahayaan na lang natin  umaalis ito.Kaysa hayaan nating salantahin ang buhay natin at mgabuhay ng  nakapaligid sa atin.



matapos kong marinig ang mga payo ng repipis ko na si peklat. Ipinikit ko ang aking mga mata at iwinasiwas sa hangin ang aking  matitigas na pakpak. at unti unting umaangat ang aking katawan.. Nilakasan ko pa ang pagkampay hanggang sa tuluyan na akong nakalipad muli. At nagpaikot ikot  at nagliwaliw hanggang sa nakarating ako sa isang aparador na bago lang  sa aking paningin. Pumasok ako at nakita ang isang kakaibang bagay. Nilapitan ko at at pinagmasdan mabuti. Damn!! nakadikit sa kakaibang  latang ito ang larawan ni Dalisay.Hindi ako maaring magkamali! Si dalisay nga yong nasa larawang iyon. Ang mga mata niya, mga antenna niya at ang limang paa niya.Kay Dalisay mabebe labs nga. Tumibok ng napakabilis ang aking puso. Hindi ko maintindihan  ang nararamdaman ko nung mga sandaling iyon. Muli akong  nagpaikot -ikot  sa latang iyon at nakita ang salitang 






"made in china".


nagulat ako ng biglang nagsalita ang lata


" look to left, look to the right,
 look side to side


im  Intsik -ticide 


Monday, July 12, 2010

walang kwenta


3 days ago i checked my formspring account. After i logged in. I saw that message saying "wala kang kwenta"
 (pagpasensiyahan nyu na ang english ko nagpapanggap lang.hehe) ^_^

Kaya sinagot ko naman ng "tnx..matagal ko ng alam yan. hehe ^_^". Kita naman sa picture diba?

Adik, Baliw, Sira-ulo, Bobo, Autistic, Tanga, Lampa, Bano,Bagtit, Kupal at kung ano ano pa. Lahat yan , Naitawag at Naiduktong na sa aking kyut na pangalan. Kaya ngayon Malamang sa alamang hindi na ako masyadong affected kapag tinatawag ako ng mga ganyang klaseng kataga.. So why waste your time?

Hiling ko lang. Sana huwag tayo maging "faultfinder"

Kasi ang isang minutong ginugugol mo sa paghahanap ng ikakapintas ng iba, Sinasayang mo ang Animnapung segundong pagkakataon mo para maging masaya. 

Kung tutuusin maraming bagay sa mundo ang pwede mong pansinin. Yung  ikakatuwa ng butsi mo. We are all unique kaya marami ang nahihirapan maghanap ng standard ng pagiging perfect. At dahil dun marami tayong nakikitang kapintasan. Pero kung iisipin natin ang isang bagay  na

God created us all, And He created the world perfectly. 

maiintindihan mo

na wala tayong karapatan manutsa o manlait kasi hindi ako ang nilalait mo. Ang gawa ni Lord.


kaya nagpapasalamat akosa mga taong patuloy sa nagbibigay ng papuri sa akin. sa kabila ng pagiging
WALA KONG KWENTA ^_^ ..




   


Saturday, July 10, 2010

nosebleed

ahem ahem ahem
I have a favor to ask for...
remember lufet? Dalisay?MANuy? and the repipis gang?

If yes? This is your chance to shine...bwahahahah..
Just draw the characters of  the story "i love you ipis ipis very much"
you can do whatever you want
show your artistic side
let the world discover your talent (bwahahahaha)

submit your entry to mrvngspr23@gmail.com
contest will run untill july 31, 2010

kabanata 4 at
kabanata 3
kabanata 2 at
kabanata 1





putragis!!!!(sana english na lang ang salitang putragis) 8 hours kong sinulat yan..pugel! magtatagalog na nga lang


ahem ahem ahem(ubo ubo ubo)
mga kapatid, kaibigan,kapuso,kapamilya, kasundutan at mga kablog,
Meron lang po akong  kaunting ipapaki-usap sa inyo, mangyari lang po na ako po ay may naisip na katarantaduhan. At inaanyayahan ko po kayong maging kaisa nito. Maging tarantado po tayong lahat para sa ikakaunlad ng bansa.

Kung kayo po ay marunong magdrawing, mas magnda kung hindi.(nang may mapagtawanan). Nakikiusap po akong iguhit ninyo ang mga bida sa kwentong " i love you ipis ipis much".tulad nila lufet, dalisay, MAnuy, at ang mga repipis..Maari nyo pong gawin ang lahat.paint, photoshop, or drawing kamay ..kayo po ang bahala. Kung saan maipapakita ninyo ang artistic side ninyo. maraming maraming salamat po


huwag kayong mag alala
may premyo pong naghihintay sa pinakamagugustuhan ko


40% artistic
50% impact
10% humor

hanggang july 31 2010 tatakbo ang contest na ito.
pki send na lang po sa aking email..
mrvngspr23@gmail.com
maraming maraming thanks.. ^_^

Tuesday, July 6, 2010

mga katanungan na ma MMmmmmmmm

ang tanong ko  lang naman..

Sino ang mas Matalino?  si google o si kuya Kim?





eto po ay  ang tag ni jag kay len na itinag nmn sa akin ni len.. how awesome..


1.) What is your name: Marvin



2.) A four letter word: Mars



3.) A boy’s name: Mister



4.) A girl’s name: Mrs (walang pakiaamanan)



5.) An occupation: Mantataho



6.) A color: maitim (may angal?)



7.) Something you wear: maluwang na damit



8.) A food: Masarap



9.) Something found in the bathroom: Mamasa masang sabon



10.) A country:  Malaysia



11.) A reason for being late: Masipag....matulog..



12.) Something you shout: May magnanakaw!! help!


13.) A movie title: . melason the movie



14.) Something you drink: malamig na tubig



15.) A musical group:  marvin's group (bubuo ako..wag worry)



16.) An animal: marvin (ok lng mging animal kyut namn)



17.) A street name: maligaya street



18.) A type of car: Mamahalin



19.) An internet site/blogsite:  my blog...bwaheheherss



20.) A song: Minamahal kita  by parokya



21.) A President’s name: madaam pressident



22.) A cartoon character: mickey mouse



23.) Name of School:  Marvin university (magpapatayo ako..bkit???)



24.) A sport: masketball



25.) A Latin word : macto (narinig ko to sa movie na avatar..kala nyo ha?)

wala po muna akong itatag sa tag ni jag..hehehe..