Showing posts with label emo. Show all posts
Showing posts with label emo. Show all posts

Tuesday, May 3, 2011

tagalog broken hearted love quotes ni kikilabotz


Problemado ka ba sa pag ibig? ikwento mo na kay Doctor KikiLOVE ang kwentong pag ibig mo
isend ang kwento dito


 Minsan kelangan mo masaktan para malaman mong hindi ka manhid



"Ang saya saya ko kapag magkasama kami, Pero ang sakit tanggapin na mas masaya sila kapag sila ang magkasama."


SABI ng ipis:
Wala naman akong balak saktan siya.
Gusto ko lang naman maging close kmi, Pero bakit tinataboy nya ako.

sabi naman ng insecticide
Insecticide ako, Nilalayo kita sa akin kasi ayoko maging dahilan ng paghihirap mo.
                                                 -from i love you ipis ipis very much story




gusto ko maging isang octopus.Para mas marami akong mayakap ng sabay sabay.
- i love you ipis ipis very much story

Kapag binato ka ng bato
  “umilag ka! Tanga!”
-i love you ipis ipis very much story 

Kaya kong tiisin yung hapdi ng dulot ng mga sugat, kaya ko rin tiisin yung kirot ng hindi pagkain  ng ilang taon, kaya ko rin tiisin ang sakit ng magpa sagasa sa ten wheeler truck..Pero ang hindi ko kinaya..ang makitang unti unting nahihirapan ang pinakamamahal ko. Ang sakit sakit pala..ang sakit sakit..nakakamatay

"Sometimes it hurts more , nang masabihan ka ng i love you lalo na kapag alam mong hindi naman ito totoo"

"Minsan ang puso kailangan munang mabasag para malaman kung sino o ano ba talaga ang nilalaman nito"

Naisip ko! Maari pala natin ikumpara ang buhay natin sa Pagtae.
Na kahit minsan sobrang sakit na,  na kahit minsan na sobrang hirap na, at kahit minsan na nanaiisip mo na na hindi mo na kaya.. hindi pa rin natin nakakalimutang ngumite kapag umiire .

HUWAG MO HANAPIN ANG TAONG MAKAKAINTINDI SAYO ! HANAPIN MO YUNG TAONG IINTINDIHIN MO.

Kung nasira ang sasakyang sinasakyan mo. At wala na itong pag-asang muling umandar pa. Pwede ka namang maglakad para makarating sa kabilang dako na kung saan may taong naghihintay sayo

Sinusubukan ko na nga mag MOVE-ON. Napansin ko Nagmomove nga ako pero pabalik naman sa kanya. DAMN!!

Mahirap hanapin ang mga bagay na wala ka, Pero mas mahirap  hanapin ang mga bagay na meron ka pero winala mo!!

The more ko siyang kinakalimutan the more ko siyang naalala. Sa mga sandaling niloloko ko ang sarili kong hindi ko na siya mahal, Lalo ko lang napapatunayan na mahal na mahal ko siya.Lungkot at sobrang paghihirap ang nararamdaman ko sa tuwing nangungulila ako sa kanya kapag umaga. Tapos sa gabi, takot naman ang nangingibabaw na baka bukas pagkagising ko, Mas mahirap na pangungulila ang mararanasan ko.


"nagbabakasakali na sana muli siyang magbalik. Natigil ang lahat ng napansin ko na ang taong pinaglalaban ko at ang taong kinakalaban ko ay iisa lang"

Kasi ang isang minutong ginugugol mo sa paghahanap ng ikakapintas ng iba, Sinasayang mo ang Animnapung segundong pagkakataon mo para maging masaya. 

"Nagpapasalamat ako sa pagiwan niya sa akin dahil napatunayan kong hindi pala ako nagiisa"



hnd ko alam kung matatawag ba itong brockenhearted kowts  o emo kowts. hahaha. pero sana nag enjoy kayo sa mga compilation ng mga makabagbag damdaming kowts na nabuo sa isipan ko simula ng nagblog ako. enjoy ^_^

MORE HUGOT QUOTES HERE<---------- br="" click="" here="">



   




Sunday, July 18, 2010

unsent letter to my erpat

Pa,
Hindi ko po kaya sabihin sayo to ng harap harapan kaya idadaan ko na lang sa isang maikling sulat. Na hindi ko po  alam kung mababasa mo. Pa, Alam kong isa ka sa pinaka matinong tao na kilala ko. At dahil dun marami ang sumsaludo sayo.Isa kang modelo sa aming mag kakapatid. hindi nag yoyosi, hindi  rin umiinom.Pagdating naman sa babae.Syempre sayo kami nagmana alam na,Loyal at faithfull ang lahi natin diba? diba?  (ubo ubo) Ramdam ko ang pagmamahal mo kay mama. Walang kapantay. Kahit nga may edad na kayo nkikita ko pa rin ang pagiging sweet nyo sa isat isa. Na kahit minsan hindi ko nakita na sinaktan mo si mama, At  dahil dun proud ako sayo na ikaw ang tatay ko.

 Dati ang tanging bisyo mo lang ay utusan ako na bumili ng dyaryo sa kabilang kanto and then babasahin mo sa loob ng CR tapos paglabas mo magagalit ka sa akin. Sasabihin mo panget yung mga article at  maghanap ako ng medyo maganda ganda. Malay ko bang inquirer ang gusto mo kala ko tiktik.

Ngayon nag-iba ka na. Dinagdagan mo na ang bisyo mo. Madalas mo sabihin sa akin na huwag na huwag kong sayangin ang oras ko sa mga bagay na walang kwenta. Na hindi ko ikakaunlad yan. NA itigil ko na pag aadik ko.Pero bkit ganun? Kung kelan naman na medyo nakokontrol ko na sarili ko.  Nung medyo nabawas bawasan ko na.Ikaw naman ang nagpakaadik. Nainggit daw ba? Tapos nabalitaan ko pati si mama niyaya mo na rin sa kaadikan mo.

gusto ko lang sabihin sayo na

Pa,


Please lang..


Kung pwede Itigil mo na yang Pag FAFACEBOOK mo. 3 hours ka na jan eh. Lulong ka na.Sabi mo 30 minutes  ka lang jan. madaya ka!!.madaya ka.!!.Turn ko na...parang awa mo na Ako naman. huhuhuuhuhu. Kapag hindi mo ako pinagfacebook  ngayon. Sige ka ipagkakalat ko na yang primary picture mo ay kuha pa ten years before. o ano? ano?

Friday, January 15, 2010

drawing

Tanghali na nang akoy nagising. Galing sa isang malungkot na kahapon.Galing sa isang mahabang over night duty. Puyat at pagod na pagod. Tumingin ako sa salamin para makita kung mukha nanaman ba akong stress. Then, I saw myself bleeding. Damn! Pumutok pala tagyawat ko. Pinunasan ko eto at naghilamos na.

Naalala ko ang babaeng pinakamamahal ko. Kamakailan lang i was too much inlove in her. Actually hanggang ngayon naman. Pero i never prove sa kanya kung gaano ko sya kamahal.And worst, I almost gave up. Sinabi ko sa kanya na suko na ako. Na sobrang nahihirapan na ako.Na sa mga pagkakataon na gusto ko siya makasama ay wala siya . Lagi na lang hindi pwede. Lagi na lang may kontra. Lagi na lang may pahirap. Lagi na lang may palusot. LAgi na lang may problema. Parang hindi na kapanipaniwala.

Lumayo ako, And i realized na hindi ko pala siya kayang iwan siya. Bad news eh wala na pala  akong babalikan. Nagtago siya at Hindi nagparamdam ng mahigit isang linggo. Tanggap ko na kung sakaling hindi na nya akong tanggapin muli. Alam ko na naging duwag ako, Sinira ko ang pangako kong sasamahan ko siya habang buhay. Na sinuko ko na siya at iniwan. Na ang kapal naman ng mukha ko kung basta ko na lang sya babalikan.

After several days, Muli kaming nagkausap, Sabi niya hindi na daw nya alam kung mapapatawad nya pa daw ako. Sabi ko maghihintay ako. Tapos kinabukasan tumawag ulit ako. Wala daw siya sa mood para pagusapan yung mga yun. haaaaayy. Wala akong magawa! kasalanan ko. Sinaktan ko siya at dapat lang na masaktan din ako. Himala na lang makakapgsalba sa amin. Ginawa ko na lahat. Pero talagang parang ayaw na nya.

Kaya , Paraan ng pagpapasalamat ko, sa masayang pagmamahalan na pinagsaluhan namin. iginuhit ko ang kanyang letrato sa cellphone ko gamit ang ballpen na malapit ng maghingalo.



wala po akong galit sa kanya! Hahaha. HIndi ko rin binaboy yan! Ako nga rin eh napangitan sa ginawa kong yan. kaya inulit ko.



ayan at medyo naayos ko na. medyo magnda na siya dito. Pero kulang pa rin eh. kaya medyo inayos ko pa.


nilagyan ko ng salitang "i love you" hehe.para takpan ang maling gawa ko sa magnda niyang lips.



At eto na po ang aking finishing touch. sa paint ko lang inedit kasi wala akong photoshop eh. huhuhu

Bata pa lang ako mahilig na ako mgdrawing. Favorite ko nga dati idrawing yung mapa ng Pilipinas eh.hehe. Ngayon naman mahilig pa rin naman pero sa kwento na lang.haha

hanggang ngaun umaasa pa rin ako na balang araw magkaayos na kami.


Sunday, December 6, 2009

Sa gitna ng EDSA

Minsan may napansin akong isang paru-paro sa aming base somewhere sa EDSA. Nag-iisa at nakadapo sa sahig ng aming station.Nakasteady lang sya at sa unang tingin parang deads na. Napaisip ako. Anu kaya ang gingawa ng isang musmos na paru-paro dito sa gitna ng EDSA. Pipiktyuran ko nga sana ng maisip ko baka camera shy sya.wag na lang.

Maya-maya. Bigla na lang pumasok sa aking walang laman na isipan. May pagkakatulad pala kami ng batang paru-paro na iyon! Anu nga rin ba ang ginagawa ko dito sa gitna ng EDSA?  Hndi naman ako traffic enforcer! Bakit ako andito? Alam ko may diploma ako ng isang apat na taon na kurso. may lisenya ng PRC bilang isang Nurse.Eh anu ginagawa ko dito? Nakatambay? Nagbibilang ng mga sasakyang dumaan? Magmasid ng mga mgagandang chix na nagmamaneho ng mamahaling sasakyan? Hindi ko alam!!

Ibat iba na rin ang aking nakita duon. ibat ibang sasakyan. mercedez, jaguar, mini cooper, jeep,ambulansya, bus o khit anu-anu pang uri ng sasakyan. Ibat ibang mukha na rin nkita ko dun. May pulitiko, May artista, may mukhang artista, pangkaraniwang tao at syempre hindi din nawawala yung mga mukhang clown na isang tingin mo lang matatawa ka na. Dito ko nalaman ang pagkakaiba ng mga tao. Ang estado ko sa buhay kumpara sa kanila. OO. inaamin ko .Sa liit ng sweldo ko  Minsan Naiinggit  ako sa kanila. Sa yaman nila. Pero hindi toh magsisilbing sagabal sa akin. Sa halip ginawa ko itong motivation para lalo pang magsumikap at magtiyaga.

Nahihirapan ako. Pano ko napagtitiyagaan  ang ganitong klaseng buhay. Ang manatiling nakahinto habang ang paligid ko ay tuloy tuloy sa pagalaw. Nakakahilo, nakakabaliw.

Ewan ko pero kinilabutan ako sa dalawang quotes na nabasa ko habang nakatambay ako duon sa station namin na yun sa EDSA

Great people are just ordinary people but have extra ordinary determination

A hammer can breaks glasses but forges iron.

Siguro si God ay naglalaro din ng chess. At syempre isa ako sa mga pieces nya. At siguro nilagay nya ako dun sa gitna ng EDSA dahil alam nya may Gagawin ako dun.




Gaya din ako nang isang paru-paro.
 May mga pangarap na gusto abutin.
 Ang makalipad gamit ang sariling pakpak.
At tumulong magparami ng mababangong bulaklak.