Thursday, December 30, 2010

bago matapos ang taon

Dahil malapit na ang bagong taon. Usong uso nanaman ang Paputok ngayon. Kagaya ni manong na nakatabi ko sa jeep. Grabe. Ang lakas ng putok. Ang tindi ng impact sa ilong ko. Hindi siya bawang kasi amoy sibuyas. Maluha luha nga ako eh. Ang masama nakasando pa,Kaya nga payo ko lang sa mga magpapaputok , maligo muna. Ang pugel.

 Bago matapos ang taon, Gusto ko lang sana magpasalamat sa mga taong naging bahagi ng masayang 2010 ko. Siguro kung hindi dahil sa inyo. Malamang Nageemo pa  rin ako ngayon  kagaya last year. Itong post ko na ito ay inaalay ko sa inyo. Kahit na walang kwenta. Taos naman sa puso ko.

Sige na nga update ko lang kayo sa buhay ko.

Kaya medyo busy ako ngayon kasi  naghanap ako ng mga pwede kong salihan na reality show. Tulad na lang ng survivor teen edition  na gaganapin dito sa Pilipinas. Na tatawaging Survivor Trinoma Teen edition. O kaya naman yung AMAZING FACE ASIA. ehem ehem. no comment. hahahaha. basta ganun. Pero bigo ako. Sawi at umuwing luhaan. walang nageexist na ganyan. Kung meron man over qualified ako. huhu

Meron pang isa. Eto pinagmamalaki ko. Kaya ko na umihi ng no hands. uulitin ko NO HANDS. Muscle control lang pala ang sikreto jan.hahah. Ang problema sumasabay yung butas ng pwet ko. kumoclose-open ang hinayupak eh.

Hanggang dito na lang muna. See you next yr

Magbago man ang taon, Magbago man ang mga tao sa paligid, Magbago man ang mga pangyayari. May dalawang hindi magbabago. Yung una, Yung walang kapantay na pagmamahal sa atin ni Lord. Tapos yung pangalawa , Yung katohanan na kyut DAW ako. bwahahaha

HAppy NEw Year Everyone

  

Friday, December 17, 2010

PEBA ng isang inosente

"ano bang nangyayari sayo?"

" wala kang pakialam!"

"hindi kita maintindihan eh!"

"Kailan mo ba ko inintindi!?"

"Diretsuhin mo nga ako! Dahil hindi ko kayang basahin kung anong nandyan sa utak mo. Kung galit ka sabihin mo sa akin, sabihin mo sa akin kung bakit! Kung nasasaktan kita sampalin mo ako! Sige, gantihan mo ako! Matatanggap ko lahat dahil kaibigan mo ko eh …"

"Yes kaibigan mo ko … kaibigan mo LANG ako … And that’s all I ever was to you Ned – you’re best friend. Takbuhan mo kapag may problema ka … Taga-sunod … Taga-bigay ng advice … Taga-enroll … Taga-gawa ng assignment … Taga-pagpatawa sa iyo kapag nalulungkot ka … Taga-tanggap ng kahit na ano … And I’m so stupid for making the biggest mistake of falling in love with my best friend … Dahil kahit kailan hindi mo naman ako makikita eh … Kahit kailan hindi mo ako kayang mahalin na higit pa sa isang kaibigan "


Yan ang eksena sa pelikula  nina Marvin at jolina  habang pinapanuod ko sila sa bus na sinasakyan ko papuntang PEBA sa may Greenhills.

Actually bago ang lahat, Nahirapan akong maghanap ng susuutin. Sa sobrang hirap muntik na kong pumitas ng dahon ng halaman na kagaya ng personality ko. " MAKAHIYA". shy type kasi ako. hehe. Now you know.

Maaga akong nakarating sa Greenhills. Wala pa rin yung mga makakasabay ko na sina kumagcow, pusangkalye, unnie at hartleschiq. Kaya tumambay muna ako sa mall. Ang daming Seksi! Angpupu!Yung mga legs nila parang may nakakabit na ilaw. Nakakasilaw.  Hindi pa ako kumakain pero busog  na busog na ako. Parang gusto ko ngang tumambay na duon habang buhay. Pero dahil maabait ako at  hindi ako magpapadala sa tukso. Ipinikit ko ang mata ko. at ibinulong sa sarili ang mga katagang .. .

"Oh tukso!  oh tukso layuan mo ako please......... para maghabulan tayo. hehe"


Sa wakas at nakarating narin ako sa teatrino promenade. Dun na kami nagkita kita nila mads, unnie at anton. Syempre picture picture muna. Aanuhin pa ang camera kung hindi naman gagamitin. Tapos na meet ko si johna. Nagusap kami. English. Buti na lang may lagi akong  may baon na english sa sicret pocket ng brief ko. Kaya sa kada usap namin sinasagot ko siya ng  "how about you?" . Naalala ko nga nung sinabi niya.

" were friend at facebook right?"
sinagot ko naman ng " how bout you"?

 hehe. anyway nice meeting you johna. Next time hindi na ko mauubusan. promise.

Pumasok na kami sa loob. Habang hindi pa nagsisimula ang program. Naguusap usap muna kami. Nagulat ako kasi biglang iniabot ni mads ang 500 pesos. gawin ko daw siyang hottest blogger of the year. Tinignan ko siya sa mata at umiling. Binalik ko sa kanya ang inabot na pera. at sinabing

'' Kulang pa ng 7 pesos pamasahe. Dagdagan mo pa please" hehe. (joke)


Sinimulan na ang awarding. Isa -isa tinawag ang mga nagwagi.  Sa kada pangalang nabanggit hindi ko nakalimutan pumalakpak. Isang karangalan ang mabigyan ng pagkakataon na mapanood ang isang grupo ng mga tao na may iisang layunin ang makatulungan sa mga kapamilya nating ofw. Lalo na at isa lang akong simple at hamak na kamukha ni Coco Martin. Mula simula hanggang matapos naging masaya ang programa. Napaka successfull ng event. Sa sandaling oras na nanduon ako. Ang dami kong natutunan.


Pagdating ko sa bahay maluha luha ako. Siyempre talo eh. Sayang pamasahe. Dapat pala tinanggap ko na yung pera na inaabot ni mads. hahaha. joke. Ang sarap pala  sa pakiramdam. Hindi man ako nanalo, panalo na rin ako sa sobrang saya ng experience no ito. Anyway sumali naman ako para mapakita ko ang suporta ko sa mga kapamilyang OFW. At kinagagalak kong sabihin na nagtagumpay ako. Pero sayang talga yung cellphone. hahaha.

ito nga pala ang list ng mga Nanalo click here
congrats sa lahat ng nanalo.

Siyempre kelangan magpapicture sa nanalo. Look oh? We have something in common ni father. pareho kaming mabait. ^_^ yebaaaaaahh



eto po yung mga pics. Tignan niyo po ang talent ko sa photography





ate unnie bkit ka humarang yung nasa likod mo yung kinukunan ko. wootwoowww.


ate ro anne esmileeee. hehehe.

hahaha . Kahit sa picture lang, Kahit sa picture lang maramdaman ko ang mahiwagang plato. kunyari panalo

may nagiiyakan! pero meron ding nakikisilip. hehe. sali daw siya

Fliptop battle
Midnight driver vs pusangkalye. 


kumagcow. pasensiya naman.  Hindi mo kasi ako tinuruan magfocus sa camera eh. sayang ang wacky mo

now i know kung bakit M(.)(.)D swings






yung ibang picture po pkihintay na lang sa fb. hehe.











          

Saturday, November 27, 2010

ang kwentong ng lalakeng nanalo ng jackpot sa 6/55 lotto

Nagsimula ang kwento sa tapat ng tindahan ng buy one take one na  burger. Marami kaming nakapila at lahat umaasa. Lahat nagbabakasakali.Matagal akong nakatitig sa hawak kong bente pesos. Iniisip ko kung tama bang itaya ko ito sa lotto o ipangbabayad ko na lang sa tricycle na sasakyan ko pauwi.Pero dahil malapit lang naman. Ipinasya ko na maglakad na lang pauwi na ang tanging dala ay ang isang pitaka na ang tanging laman ay isang pirasong papel na  may kumbinasyon ng mga  numero.


Hindi ko na napanood ang resulta. Masyado na kasi akong napagod sa trabaho kaya bagsak ang katawan ko. Kaya siguro maaga akong nakatulog. Kinabukasan sa trabaho. nakita ko si boss nagbabasa ng diyaryo. Xerex. Tumitirik ang mata.Hindi ko alam kung bakit.Tapos umiling siya.Hindi nanaman daw nanalo ang inaalgaan niyang numero sa lotto. Hindi daw siya titigil hanggat hindi siya nanalo. Kaya matapos niyang basahin hiniram ko ang binabasa niya. Try ko lang patirikin ang mata ko. Pero nagnakaw ng attensiyon ko.   Ang headline, May nanalo na daw sa lotto na nagkakahalagang 600 000 000 Php ang jackpot. Tinignan ko ang  kumbinasyon ng numero at parehas na parehas din iyon ng kumbinasyon ng numero na tinayaan ko. Nanlaki ang mga mata ko. Napatalon. "Nanalo ako! panalo ako" ang mga salitang sinisigaw ng utak ko pero hindi maibigkas ng aking mga labi. Baka kasi may makarinig. Baka kasi hindi na ako makauwi ng buhay at pag-intirisan ang winning ticket ko.



Maaga akong umuwi sa bahay. Nagpalusot na lang ako sa boss ko na hindi maganda ang pakiramdam ko at kelangan kong magpahinga.  Pagdating sa bahay wala pa rin akong pinagsabihan. Palihim kong binuksan ang internet at pumunta sa tube8. (wag mo na puntahan yan!!) at nagpalipas muna ng sandali. tapos   hinanap ang website ng PCSO. Inalam kung paano magcclaim ng jackpot.  At kinabukasan nagclaim ng palihim.


Akala ko okay na ang lahat. Hanggang sa lumabas ang balita na taga sa taga amin ang nanalo sa lotto. Kinabahan ako, Natakot. Ayoko na may makaalam na nanalo ako sa lotto.Hindi nagtagal may dumating na na media sa aming bahay. Hindi ko alam kung papaano nila nalaman pero halatang may alam sila. Hinahanap nila ako. Nanghihinge ng statement kung ano ang gagawin ko sa napanalunang salapi. Kumalat ang balita. Parami na ng parami ang mga tao sa labas ng aming bahay. Nangyari na ang kinakatakutan ko. Alam na ng lahat.  hindi lang sa bayan namin kundi sa buong Pilipinas.


Hindi na nawalan ng tao sa harap ng bahay namin, Hindi na rin ako makalabas. Maraming tao. Mas marami pa sa mga pumila nung kasagsagan ng mataas na pa ang  premyo sa lotto. Ma mga maysakit, may mga nasunugan, may mga nagugutom, merong mga ibait ibang  problema. Araw araw, Ibat ibang mga tao pero iisa ang pakay. Ang maambunan ng konting swerte mula sa biyayang napagkaloob sa akin..Naisip ko, Premyo ba talga ito?  o parusa? Kaya para matapos na ang lahat. Humarap na ako sa public. Sinabi ko ang plano kong pagdodonate ng aking napanalunan sa (http://www.blackpencilproject.org/) at (http://isangminutongsmile.blogspot.com/). Magtitira lang ako ng konti para sa akin mga 50 million.  Ramdam ko ang paglakas ng mga bulungan. Nagkislapan ang mga kamera ng mga taga media. Naguluhan ako kaya bumalik sa loob ng bahay.


Hindi nagtagal at ginawa ko na nga ang pagdodonate. IBat ibang reaksiyon ang aking natanggap. Merong mga palakpakan galing sa mga taong humanga sa desisyon ko.  Marami ang natuwa. Isa daw akong anghel na nakatawang tao. Lalo akong sumikat. Umani ng maraming papuri,  local at international. Nabansagang bagong bayani ng henerasyon. Nabigyang nagbreak sa showbiz, Niyaya na sumali sa susunod na eleksiyon. Kung hindi endorser ay kandidato. Marami ang umidolo.

Tanggihan ko man, Marami rin ang hindi natuwa. Hindi ko alam kung bakit. Marahil siguro hindi nakaabot ang tulong ko sa kanila. Marami na rin akong natanggap na pagbabanta. Kikidnapin daw ako. Nagtataka ako paano mangyayari yun? matanda na ako dapat adultnapping na okaya naman rated r-napping na. Kaya naman nagpakalayo layo ako. Ginamit ko ang natitirang 50 million Php para makapagsimula ulit. Namuhay ng simple at malayo sa  talim ng kuko ng gulo ng kasikatan.

Dalawang dekada ang lumipas. Muli akong nagbalik. Maraming pagbabago.  Maliban sa dinikit kong kulangot sa pader  nung bata pa ako. Nag-iba lang ng kulay pero matibay pa rin ang pagkakadikit. Maliban dun. Nagbago ng lahat.  Nakita ko ang school na ipinangalan sa akin. Dun siya nakatayo sa street na ipinangalan din sa akin. Malapit dun , napansin ko ang isang pulubi na may hawak na bente . Nakapila at mukhang tataya sa lotto. Tinitigan kong mabuti. Parang pamilyar kasi. Tapos kinausap ko. Napag-alaman kong siya pala yung dating boss ko na mahilig magbsa ng xerex.

Napatulo ang aking luha. May mga taong swerte  at meron din minamalas. Nagkataong ako yung sinuwerte at si boss ang minalas. Kinabukasan bumalik ako, Para magbigay ng konting tulong sa boss ko. At duon sa lotohan ko siya nakita.

Habang hawak hawak ang  lotto ticket at tumutulo ang luha.  napasigaw siya ng

" SA WAKAS NANALO NA RIN AKO"  

Wednesday, November 17, 2010

Ang Hirap sagutin

ayoko na ayoko na ayoko na.Hirap na hirap na talaga ako. Marami na ang nakakapansin na wala ng kasense sense ang mga pinopost ko. nasasaktan ako. durog na durog ang puso ko. kaya ngayon mag popost ako ng nakakainspire.

lately may mga  katanungan na bumabagabag sa aking kaisipan.Tatlong katanungan na kasing hirap ng tanong na kung ano ang nauna, itlog o manok. Kaya nagresearch ako. Nagsaliksik. At pinilit alamin ang mga kasagutan.

Tanong number 1,

ano ba talga ang bearbrand? choko na gatas o gatas na choko? Matagal tagal na akong affected sa commercial na ito. Kaya naman para matapos na ang  lahat. Pumunta ako sa kusina. Binuksan ang lata ng bearbrand. itinimpla. Tinikman. At dahil sa gusto ko pang manigurado. tinikman ko muli. Ganon talaga. Iisa lang ang nalalasahan ng aking dila. Kaya kumuha ako ng isang kaperasong papel at isinulat ko dito ang katagang "Gatas na choko" at idinikit sa lata. Nakita ako ng pakialamera kong kapatid at nagtanong na

"papaano magiging gatas na choko yan? eh sustagen laman niyan!?Boplaks?"

Tanong number 2

Ang pangalawang tanong ito ay para sa aming mga kalalakihan. Papaano mo kakamutin ang yagballs mo kapag nangangati ito at nasa harap ka ng maraming tao. Sa mga pagkakataong ganyan dapat maging handa. Dapat lagi kang may armas sa oras na ganito. On my way sa trabaho. nakasakay ako ng jeep. Puno ng pasahero. Sisiksikan. Katabi ko ang isang babaeng maganda ang future kaya medyo nakakomang yung siko ko. haha.joke lang. Nang bigla na lang may naramdaman akong kumagat sa aking pinakakaingatan na betlog. Malamang isang langgam na  nagpapakasasa sa tamis nito. Hindi ako mapakali. Unti unti akong pinagpawisan. Hanggang sa hindi ko na natiis. Kaya kinandong ko na ang dala dala kong back pack. at dahan dahan ko itong kinayod sa aking maselang parte ng katawan.  angggg SARAAaaaaaapp!! oh yeaaahh.  At simula nun. muling bumalik ang tamis ng aking ngiti.

Tanong number 3

Marami ang nagtatanong kung bkit daw pito ang kulay ng rainbow.  Baka daw dahil  pito rin ang araw kada linggo. Sabi naman ng mga sobrang mga matatalino eh dahil daw ito sa white light na  nagmumula sa araw na nahahati ng spectrum. Spectrum na dulot ng hamog ng ulan. Pero matapos ang walang pagod na pananaliksik. nalaman ko rin ang kasagutan

iclick para malaman ang kasagutan


Matapos kong itong post na ito. ako ay muling naliwanagan. Parang isang bata na muling nasikatan ng araw matapos mabasa ng ulan. Pinupulmunya. hahaha

Sana ay nainspire ko kayo sa post kong ito. hehe. pwede pong magmura . hahahaha.

Sunday, October 31, 2010

sulong nurses

Simula ng ipinanganak ako hanggang sa bago ako pumasok sa kolehiyo. Kahit  minsan hindi pumasok sa isip ko na magiging nurse ako. Isang araw nagulat na lang ako, Pagtingin ko sa salamin nakita ko ang aking sarili. Tama si Mama. Ang kyut kyut ko nga pala talaga. Parang puwet lang ni Scooby Doo na nagcostume ng  kulay puti. At  ayun Isa na pala akong ganap na nurse.


Pero hindi ganun kadali.  Maraming mga kwento, Ibat ibang mga storya, at mga hindi kapanipaniwalang mga pagsubok ang aking napagdaanan. haha kelan ba may naniwala sa kwento ko? bwahahaha.

Mahirap ang naging kalagayan ko ng studiyante pa lang ako. Madalas nga hindi na ako nagbbreak dahil sapat lang ang baon na binibigay ng mama ko. Sapat lang para sa pamasahe sa taxi at pangkompyuter ng open time . Kaya kapag nagugutom ako pumupunta na lang ako sa aleng nagtitinda ng mani. Makita ko lang ang mani ni ate nabubusog na ako. haha


 Dahil isa akong anonymous blogger. Hindi po ako magpapakita ng mga letrato ko ng sobra sobra. 

BABALA ANG MGA SUMUSUNOD AY MAGPAPAKITA NG AKING MGA LARAWAN.

NAKAKASUKA.
Eto ang itsura ko ng studiyante pa lang ako. haha. gwapo pa ako niyan. Kung tatanungin niyo ako kung ano nangyari at bkit nagkaganito ang itsura ko ngayon. hindi ko din alam. pugelshit talaga. haha
                                                     



wala lang sinama ko lang to , parang ang kyut kyut ko kasi dito eh. bwahahaha mukhang may mga hepa ang kasama ko dito.

 


hindi naman halatang  nasa bilyaran kmi?


matapos kong magtapos sa pagaaral at maakapasa sa board exam. akala ko magiging madali na ang lahat. pero nagkamali ako.Umpisa lang pala ito ng bagong yugto ng aking buhay. Wala akong mapasukang trabaho. hindi kasi ako nagaapply. haha. kaya nga pumasok ako ng trainning sa isang hospital.  duon







BAWAL ANG PATXT TXT LANG




siyempre kelangan itxt si soulmate. haha




BAWAL ANG PAKAIN KAIN LANG
minsan sa sobrang busy hindi k na nga makakain



BAWAL ANG PATAMBAY TAMBAY LANG
BAWAL UMUPO SA JEEP
xensa walang maisip eh. hahaha






BAWAL ANG MARUMI ANG SAPATOS

OK fine. sa akin na ang madumi
Sa kabila ng maraming bawal, mas masarap gawin ang bawal kapag Sama sama.

Dahil holloween ngayon, merong ring Syempreng nakakatakot na storya sa hospital ito po ang katibayan

Kapg nasa ward ako at night duty madalas ako nakakaramdam ng kakaiba. 












hindi sinasadyang makunan ng camara ang isang white lady. Tignang mabuti ang larawan sa itaas na may arrow na kulay pula.

eto pang isa



Muling masdan ang babaeng may arrow na pula







Nakakagimbal hindi ba? Huwag kang mag alala. Masama lang talga ang ugali ko.Nagiimbento lang ako ng kwento. Patient lang siya. Nahospital kasi sinisinok.


tama na ang paligoy ligoy. hahaha. kung umabot kayo dito malamang nakaisang baldeng suka na kayo sa mga pics ko. hahahaha. pero eto ang importante


kanina habang nagiikot ako sa mundo ng facebook, may nakita akong isang event.  isa po siyang fun run para sa mga nurse tulad ko. at ito po ang knilang layunin.


http://www.facebook.com/home.php?#!/event.php?eid=104828959570252
http://www.facebook.com/home.php?#!/event.php?eid=104828959570252


STOP MAKING NEW NURSES PAY HOSPITAL FEES!

Join the FIRST and BIGGESTNURSE FUN RUN Para sa Kinabukasan ng mga NARS! December 5, 2010, CCP Complex, Manila

The event aims to:

1. Promote good health and wellness through a fun activity among nurses (students, graduates, licensed nurses)

2. Foster camaraderie and the spirit of helping each other in the quest for good opportunities in the nursing career

3. Raise awareness on the “challenges” facing nurses in the country:

- Not enough jobs for thousands of registered nurses (approximately 300,000 unemployed licensed nurses)

- The volunteering and unpaid on-the-job training for nurses where instead of being paid for work, they instead pay hospitals to gain experience

- Low salaries of nurses.

tatakbo po ako diyo. see yahh. ^_^


Wednesday, October 20, 2010

Balikbayan box

Naalala ko. Batang bata pa ako nun. Naglalakad pauwi galing eskwela,  Hindi ko mapigilang hindi ngumiti kapag akoy napapatingin sa nakatatak na star sa aking kamay. Kahit simple lang para sa akin nagnining-ning ito sa ganda. Gayang gaya ko nga yung  star ng clasmate ko na nakaperfect ng quiz. Ok lang kahit peke basta may star. Ayos na. 


Pagdating ko sa may gate, Andun si mama. Nakatayo at nag-aabang sa aking pag uwi.Dali dali akong tumakbo papunta sa kanya at nagmano. Tapos, Tinanong niya ako " anak kamusta ang eskwela?"

Siyempre mayabang ako kaya sinagot ko siya " Ma, Ang galing ko po, Sa aming magkakaklase ako lang po ang nakasagot sa tanong ni teacher. Galit na galit na nga si teacher wala pa rin makasagot."

Napangite si Mama, at sinundan ako ng tanong "Ang galing naman ng anak ko. Ano ba yung tanong ng teacher mo?"

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sinabi ko na ang tanong " Kung sino daw po ang walang assignments."

Matapos nun. Pumasok na kami sa loob ng bahay. Nakakapagtaka kasi maraming tao, Marami ring handa. Lahat nagkakasiyahan. Kaya tinanong ko si mama.

" Ma, sino pong may birthday?"
"wala naman anak" sagot ni mama
"eh ano pong nanyanyari" makulit kong tinanong ulit
"Si Ninang mo, Yung ate ni Papa mo? aalis na pupunta ng amerika" tugon ng aking mama
"pwede po ba akong sumama" aking tinanong
"Hindi pwede anak, Matagal pa siya babalik" sagot ulit ni Mama

"Matagal? Eh bakit po kayo masaya?"

Hindi ko na masyado maalala ang sinagot sa akin ni Mama. Basta ang naalala ko lang. Masarap yung handa naming spaghetti. Wala ng iba


Habang kumakain ako ng spaghetti naisip ko, Kaya siguro pupunta si Ninang sa Amerika kasi single siya ng mga panahong iyon. Mas malalaki daw ang sa mga Amerikano kesa sa mga Pilipino. Mas malalaki magpasahod.

After ilang months, Tinawag ako ni Papa. Bilisan ko daw kumuha ng ballpen at malinis na papel na pang grade4. Susulatan daw namin si Tita ninang.Kaya nagmadali akong iabot kay papa ang dala dalang ballpen at papel na panggrade4.

PAPA: Bilisan mo, hubarin mo na yang tsinelas mo at ilapit mo na dita yang paa mo.
AKO: Hala? bakit po PAA? kelan pa po naging legal magsulat gamit ang paa?
PAPA: basta.

Sabay inilapit ang papel.Ipinatong ang paa ko dito at sinimulan na gumuhit. Ginawang pang-gabay ang paa ko para maipadala ang eksaktong laki nito. Huwaw! Nakakaamoy ako ng isang bagong sapatos.

Ilang mahaba habang hintayan ulit ang naganap. Sa wakas dumating na ang inaabangang balikbayan box. Natural masaya nanaman ang lahat. Tumingin ako sa kaliwa, Si Ate may bagong bag. Huwaw!!. Tumingin ako sa kanan. Si kuya may Gameboy. Huwaw!! Tapos tinignan ko yung para sa akin. Huwaw!! Muntik na akong magmura. Isang tumpok ng medyas. Huwaw na huwaw talaga! Tapos tumingin ako sa likod. Yung isa ko pang kuya. may bagong relo, may bagong baseball cap at isang bagong kontrobersiyal na rubber shoes. Hanggang ngayon pakiramdam ko may anumalyang nangyari.

Lumipas na ang maraming taon. Matanda na ako. Pero kyut pa rin daw. Nakapag-asawa na si Tita. Nakapagpatayo na rin siya ng sarili niyang bahay dito sa Pilipinas.Marami na rin siyang napagtapos ng pagaaral sa aming magpipinsan. Taon taon umuuwi siya dito sa amin para magbakasyon at magpakasaya.At masasabi ko Tagumpay ang journey niya sa ibang bansa

Marami sa atin ang nagsasabing mahirap mangibangbayan at magtrabaho dun. Mapalayo sa pamilya at mapalapit sa tukso. Madalas makakaramdam ka ng pangungulila. Lalo mo mararamdaman ang pagod. Iiyak ka, luluha, masasaktan. At darating sa  point na gugustuhin mo ng sumuko

Ang totoo. Mahirap naman talaga. Wala naman nagsasabing madali. But the good thing is. Marami tayong magagawa para matulungan natin ang ating mga mahal sa buhay na nangibang bayan. Para makalagpas sa pagsubok ng kanilang mga pangarap. Kapamilya natin sila. At iparamdam natin ito.

Kapag nangungulila sila? Be there.Makipag SOP (Singing On Phone) Makipag-usap sa telepono o kaya naman mag internet. Iparamdam mo sa kanila na hindi sila nagiisa.Magkwento ng mga kaganapan sa buhay mo.  Malayo man tayo sa kanila. Nandun  naman ang presensiya natin. Nakaalalay. Sumusuporta.

Kapag nagbigay o nagpadala sila. Be happy. Ngumiti at magpasalamat. regardless of what  or how much it is. Dont make them feel na responsibility ka nila. Be their motivation. Be their inspiration. (nagpapanggap lang ako ng ingleshero. pasensiya naman)

Kapag gusto na niya sumuko. Sabihin mo sa kanya hindi naman siya holdaper. Wag siyang sumuko. At ipaalala mo sa kanya na si God ay laging nariyan. At hinding hindi tayo papabayaan. Na ang problema ay parang amoy lang ng utot. Lumilipas rin.

Love. according nga sa kyut na blogger na si kikilabotz.  Hindi kayang sirain ng libong libong milyang distansiyang naghihiwalay sa inyo. Ang pagmamahalang nagbubuklod sa isang Pamilya.

Saludo ako sa mga matatapang at matatatag na OFW na nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Nang dahil sa inyo, Nang dahil sa mga kagaya ninyo. May isang blogger na nakapagtapos sa kursong narsing.At ngayon ay isa ng profesional. God bless us all

Salamat ninang, salamat tita, salamat sa babaeng tinuturi kong pangalawang mama. haha totoy pa ako dito. oh yeaahh!! 





Wednesday, October 13, 2010

nakaka EBback

sa maikling  panahon paghahasik ng lagim dito sa mundo ng blogosphere,Marami akong nasaksihang mga storya. mga nakakatawa,  mga nakakaiyak,  mga nakakainspire,mga  nakakamangha,mga  nakakagutom at mga nakakagulantang. Pero sa likod ng mga ibat ibang storyang ito merong isang tao ang nagtiyatiyagang mamahagi ng kanilang mga kwento.

sa loob ng isang taon ito na po ang mga nakita kong mga idol


sa shaw ang ang usapan, nakarating sa moa, tapos umabot ng tagaytay.. e










tapos nasundan ng kaffe razzo fever





tapos dumiretcho sa paboritong place MOA
                                     


after ilang months mga kaibigan naman sa wordpress  sa bandang cavite



tapos nagpunta ng davao, nakita ang isang hot blogger



tapos nakifiesta at nakipagpictorial sa rizal


syempre hindi pa natapos dun ang lahat nasundan pa yan ng isa pa sa aking lungga (trinoma)







at siyempre meron pa kong isang blogger n nakita isa siyang anonymous kaya wala kmi picture. haha.


at ang totoo nainggit ako sa huling kita kits nila. hihihi

syempre madami pa akong blogger na gusto makita.
yung mga  bestfren ko dito sa blogwrld ,
lalo na yung mga nasa top ten hottest blogger ko at magpapicture at autograph sa kanila. 
ayoko na isa-isahin baka hindi matapos.


masaya ako kasi nasilayan ko at nakakwentuhan mga idol ko.



Tuesday, October 5, 2010

isang taong kainusentihan

Para akong isang musmos, habang sinisinghot singhot ko ang tumutulong uhog sa aking ilong. Lagpas tenga ang ngiti.At hindi maipaliwanag ang tuwang nararamdaman. nang tinikman ko ang uhog. Lasang maalat alat na syrup. Isang taon na ang kwentong nakaka. nagsimula ang lahat ng......

 Nanahimik ang buhay ko, Hanggang one day nanaginip ako.Isang babaeng hubot hubad at sumasayaw. Mapang-akit, Mapanukso. Oh yeah. ayaw ko na magising. Sa hindi malaman na dahilan naalimpungatan ako. Pugelshit naman oh! Kaya natulog akong muli. Muling nanaginip. Pero sa pagkakataong iyon. Iba na.

Binangabag ako ng aking panaginip. Kelangan ko daw magpaligaya ng sandamukal na tao. Sa tamang panahon at sa tamang pagkakataon.Paano ko gagawin yun? Isa lang ang katawan ko. Isa lang ang kaya ko per day. Pinitik pitik ko nga pero ayaw ng tumayo...ng katawan ko. pagod na. pagod na.

imbento lang. bwahahahaha

Isang taon na ang inusentepapalaako.blogspot.com. At maraming salamat sa 169 na followers nito. At sa mga readers na walang sawang nagcocomment kahit madalas nonsense ang mga pinopost ko dito. Maraming maraming salamat. Alam ko naman na hindi ako magaling magsulat at wala rin akong talent magkwento. Buti na lang kyut ako. bwahahaha. joke. kaya nagpapasalamat ako sa pagtitiyaga ninyo. Sana kahit next year. pagtiisan ninyo ako ha? ha? ha?

Maraming salamt nga pala sa mga nagpadala ng mga pic greetings. Sa mga hindi pa nagpadala . wag worry pwede pa naman next yr.  Lahat favorite ko. hehe.
post ko  yung mga pic greetings na tumatak sa isip ko

  ARTISTIC
salamat ate salbe. bwahahahaha.



































BESTFRIEND JAM

 FUNNY
 INTERNATIONAL ?
tnx sir diamond R para sa pic









         DI KO PO BDAY





        k and drake


   SPECIAL
                                                             from my real life special friend


at eto po ang clip na dapat niyong pagpasensiyahan.compilation ng pic greetings.  first time ko lang gumawa ng ganito. hahaha. kaya sorry sorry sorry








maraming maraming salamat sa inyo.
nga pala may bago akong blog. bwahahahahaha.
sana bisitahin nyo rin siya. ^_^

http://www.kwentongeveryday.blogspot.com/

Monday, October 4, 2010

one year blogging




practice lang ^_^


to kayedee bestfren maraming salamat. hehe

Monday, September 27, 2010

741

pangkaraniwan lang ang takbo ng aking buhay, Paulit ulit, Nakakapagod. Nakakasawa. Hanggang isang araw, Nag internet ako. Naglibang, Panadaliang tumakas sa nakakapagod na realidad. Sa address bar itinype ko ang http://www.pengengbold.com/. hehe joke lang. http://www.friendster.com/ , Nag log in. Nakita ang tatlong unread messages. Isa galing sa kaibigang naniningil ng utang, Isa galing sa kaibigang nanghihinge ng testimonials at yung isa galing sa babaeng hindi ko kilala

" hi pwede po bang makipagkaibgan? kung ayaw mo ok lng. "

Tinignan ko ang profile niya, At aaminin ko ang ganda ganda ng kanyang letrato. Sa sobrang ganda niya hindi mawawala ang isipin na isa siyang poser. O isang taong gumagamit ng  picture ng iba. Anyway, I dont care. Sa mga panahong iyon all i want is makahanap ng mapaglilibangan, makakausap, makakakulitan, mapagdidivertan ng masalimuot na buhay meron ako sa realidad. And she came perfectly at the right time. Kaya nagreply ako sa message niya ng

" sure, basta maganda! nanginginig pa! "

Kinabukasan, Nagreply siya at nagreply naman ulit ako sa kanya. Nagpatuloy at nasundan pa ang palitan ng mga mensahe. Nagkagaanan ng loob. Nagkakuhaan ng number. Naging mgtxtmate. Tumawag siya. Nagulat ako ang panget ng boses siya . Parang kambeng na nararape ng tatlong kalabaw. But nag eenjoy ako kausap siya.

Pero in real life, Meron akong problema. At that momment I am commited to someone. Yes! May gf ako. 3 months kami. Ang status is not good. Lagi kaming nagkakatampuhan, Nawawalan na ng time sa isat isa. Worse, wala na yung kilig factor. Good thing is, We still says  I LOVE YOU to each other. And i realized na

Sometimes it hurts more , nang masabihan ka ng i love you lalo na kapag alam mong hindi naman ito totoo

And a month later, Nag break kami

After we broke up, sobrang nadepressed ako. Kaya itinuon ko na lang ang sarili ko sa babaeng nakilala ko sa FS. Atleast may time siya, atleast may nakakakulitan ako , Atleast may naglalambing sa akin kahit through phone lang. Napansin ko na lang araw araw na kaming nag uusap. Yung panget niyang boses naging musika na sa aking pandinig.   Kaya nga e  I decided na ayain ko siya na magmeet na kami. Bad thing is. kahit ilang beses ko siya ayain paulit ulit lang ang nakukuha kong sagot. Hindi pwede

At that momment. Naging paranoid ako. Who is she?   Bakit ayaw niyang makipagkita? may tinatago ba siya?  Anong bang problema? eh ano rin bang problema ko? Bakit ganon na lang ako kainteresado sa kanya?  Gusto ko na ba siya? Oh  Inlove na ako sa kanya? Bakit sa kanya? eh ang dami naman jan sa paligid na may gusto sa akin. bkit sa kanya? Bkit sa kanya?

kaya kinunsulta ko si mr google. Nagresearch ako about her . and found out. ang daming kasinungalingan. So i txted her. SInumbat ko sa kanya ang mga natuklasan ko. Without waiting for explanation.  Itinago ko sa aparador ang cp ko. Pinilit kong hindi tignan. After two days na miz ko siya. kinuha ko ang cp ko at may nabasa akong txt message

"im sorry kung nagawa akong magsinungaling sayo, kita tayo ng mrt ngayon. kapag hindi ka pumunta kahit kelan hindi na ako magpaparamdam sayo "

Gulayness, pero late ko na nabasa yung txt niya. Isang araw ng late. Tinxt ko siya pero wala na akong reply na nakuha. Tinawagan ko siya pero hindi na niya sinasagot. Tinignan ko ym niya at friendster pero nakablocked na ko.

---------------------------------------------------------------
to my ex-  alam mo naman kung gaano ka kaspecial sa akin. Yun nga alang naging mahina ako.  Hindi ko na napaglaban ang relatinship na meron tayo.  Dahil sa nangyari napatunayan ko hindi mo ako desreve. na mas deserving mo ay mas better man.Sana patawarin mo na ako. And alam mo? mananatili ka pa ring special para sa akin. forever. and  I thank you for that

to babae sa fs-  Hi, Nang dahil sayo nalaman ko na ang love ay hindi bulag. Na ang tunay na pag ibig ay nakakakita ng mga bagay na hindi nakikita ng mata. At itinuro mo sa akin yun. Hindi man kita kilala. Kung sino ka man talga. Sana 1 day magkita tayo ng personal at maging magkaibigan

to all readers- Alam ko matagal na panahon na itong nangyari. Medyo nahihiya ako sa sarili ko, Na nagawa kong ipagpalit kung anong meron ako sa taong hindi ko naman kilala o nakita. Pakiramdam ko ang weak weak ko ng mga panahon na iyon. but no regrets sa mga pangyayaring ganito. Madami akong natutunan and become more mature.

Siguro ang isang mamang tulad ko, Ay minsan ding nangarap na sana totoo ang fairy tales.


-----------------------------------------------------------------

tatapusin ko ang kwento. after ilang months na paghihintay sa kanyang txt o tawag.  Walang nangyari. At dahil sa kagwapuhan ko. Nawala ang cp ko. At nawala na rin ang number niya sa akin. ang tanging naalala ko ay ang huling 3 numero sa kanyang contact number. 741

Friday, September 24, 2010

ang paglalakbay (repost)

feb 4, 2009. 10 am ng sumakay ako ng MRT galing north station papuntang guadalupe station. Eto ang aking pang12 na pagsakay ng MRT. Bkit hanggang ngayon ay hndi ko p rin alam na madami talagang pasaharo sa gnitong oras (RUSH HOUR)?




haaayy. grabe.. Sobrang daming tao.. At para lang makaiwas  sa abala eh dalawang train na ang pinalagpas ko para hindi na ako makipagsiksikan. Sinamang palad nga lang,  Mukhang hindi nauubos ang mga tao.



Ayun! Wala ng keme keme!Sa sobrang pagmamadali ko eh nagBOX-OUT na ako. haha. Ginamit ko ang malapad kong likod at mahahaba kong mga braso.haha. Solve solve kasi malawak pa ang bakanteng seats.

(aba at pwedeng pwedeng humiga!)



D2 tumabi sa akin ang isang mistisang babae na ubod ng seksi at bango.

(Hmmm yummy!!)

 tuwang tuwa ako ng mga panahong iyon Syempre nakashort lang siya. At unti unting dumidikit ang mga malalabanos niyang legs sa aking siko..haha.

( kung may sariling isip lang ang kamay ko malamang ni rape n xa nito.harhar)

naku! mukhang effective ang pabango ni kuya na chocolate flavor ah!? So bad at bababa na siya sa ortigas station! Iniwan niyang nagiisa ang aking walang kamuwang muwang na kamay. hmpp. Nagulat ako kasi sa pagtayo niya ay tumingin ito sa akin at biglang  nagsabing "bye"..tugtugtog!! sabi ng puso kong tumitibok tibok .

(sayang at hindi kita nakausap man lang. paalam mistisang chikas.)



At nakapunta na ako sa aking destinasyon..



nagtxt aq kay pinsan at sabi nya hintayin ko na lang muna siya.



Hihintayin ko na lang ang pinsan ko.. At naupo ako sa isang sulok dun. napakatagal na hintayan ang nangyari. ang bago kong ahit na bigote ay tumubo na sa sobrang tagal. Nabilang ko na rin ang mga dumadaang sasakyan. bali 876,345  at kalahati lahat un.kasama yung tricycle. At wala pa rin si pinsan. naisip ko bakit hinde ko na lang bilangin ang mga taong nakasuot ng blue!? haha. Nasa harap aq ng MMDa station . kaya halos lahat sila ay nkablue



(grrrr.  ang sakit sa ulo)



beep beep..(nagtxt c pinsan ang sabi ay ganito)



d2 p me pier may operation pa kmi. kaw na lang muna.



haaaayy. ang sakit nun db?. pero wla ako mgagawa. nakikiusap lang naman ako. Ayun tuloy pa rin ang plano ko. At xempre ngarag na ngarag na ang  itsura q. (grrrrrr)



yEESSS!! sa wakas at makakauwi n ako. At sasakay na aq sa MRT guadalupe station. hmmm. medyo mas madali ng sumakay dis time hinde na kelangan ng dahas para makapasok. pero nakatayo ako sa pagkakataong iyon. nararamdaman ko na ang unti unting pawis sa aking katawan. buti na lang nagpiso a day protection all da way ako. At confident pa rin.



Itinaas ko ang aking kamay at humawak ako sa holding bar dun. Solve solve nga yung katabi ko eh. pano ba namn? . sakto sa mukha nya  yung ang amoy GOLDFISH kong kili-kili.(hehe)



Dun ko ko nkita ang tatlong pasaherong bumbay. Nakashades sila at makakapal ang kanilang mga balbas. meron silang bitbit na malalaking itim na bag. At nagmamasid masid sila sa paligid.(mukhang terorista) mukhang bobombahin ang MRT.



naisip q



eto na ba ang happy ending ng buhay q?
tinignan ko ang mga nadadaanang mga billboard at sumusunod ang mga mata nila sa akin.
amoy goldfish ba akong mamatay? hinde ba aq makakahanap ng work?



nagflashback ang nakaraan...



18 yrs na ang nakalipas... eksena sa sala.



PAPA: anak anu bng pangarap mo paglaki mo?
AKO: paglaki ko po , gusto ko po, ang maging waiter
MAMA: bkit naman waiter marvin?
AKO: gusto ko kz kumain ng maraming maraming ispageti.
MAMA n PAPA: buwahahahah, buwahahahah!!

nagtawan cla mama at papa..(anung klaseng tawa yan!?)



bumalik na ang aking ulirat sa kasalukuyan.



ang aking bang mga pangarap ay mananatili na lang mga pangarap? may  pagasa pa bang matupad ko ito kung ang huling sandali ng buhay ko ay d2 s MRT?



hmmmm..



At bigla bigla north station na. yessss!! im alive.. aleluya. aleluya! ang sama sama ko pala!! Mababait naman pala yung mga bumbay na un eh.Pinaghinalaan ko! Siguro ang laman ng bag nila eh mga gamit na ipapautang nila s 5-6. haaayyy. (sorry mga bumbay)



sa aking maikling paglalakbay natuto nanaman ako ng mga kasabihan



1. mahirap sumakay s mrt lalo na pag rush hour



2. huwag mong hintayin ang taong hindi dadating



3. opportunity comes only once



4. dont judge the bumbay by its cover(haha)

-------------------------------------------------------------------------------------

wag kalimutan ang pic greetings ko at fan sign isend sa mrvngspr23@gmailcom. bwahhahahaha

Wednesday, September 22, 2010

falling star

                    Kagabi, Matagal akong nakatingin sa langit. Naghihintay. Baka sakaling makakita ako ng isang bulalakaw.  Isang wishing star na pwede kong bulungan ng aking simpleng hiling. Pero walang bulalakaw na nagpakita. pumasok ako sa kwarto. Malungkot. Bigo




Kung tutuusin. Simple lang naman ang aking hiling. uhmmmm.. kasi.... paano ko ba to sisimulan? teka. uhmm . Ganito kasi yun. Sa darating na october mag iisang taon na po ang aking blog.. Hihinge sana ako ng pabor eh. Isang kyut na picture greetings o kaya naman hindi matatawaran na fan sign..

maari nyo po siya ipadala sa email address na ito

mrvngspr23@gmail.com

hihintayin ko po ang iyon hanggang october 3.maraming salamat.

Maari ka bang maging wishing star ko?

dali na isa lang ha?





 Hindi ba kayo naawa sa batang nasa larawan?


 Kung sagot mo ay hindi. Hindi ka nag iisa. I know kung anong nararamdaman mo. Kasi ako rin  hindi eh. Nung pagkakita ko sa picture na ito, Kinaskas ko mukha ko sa ispalto. Ayaw ko na tumingin sa salamin.

Pero dahil isa kang mabait na kaibgan. aasahan ko yun ha? maraming maraming salamat.







Sunday, September 19, 2010

yaman hunters


Pabalik na sa Manila, Nakaupo malapit sa may  bintana ng eroplano, Pagod at binabalikan ang mga alaala ng mga pangyayari na naganap sa Davao.





Napabalitang ang yamashita treasure daw ay nasa davao. Kaya hindi na kami nagpakatumpik tumpik pa. Sinuot ko ang aking back pack. (wala lang idol ko lang si Dora). at sinimulan na namin ang paghahanap

maraming mga bagay ang aming nagawa sa paghahanap ng nasabing kayamanan




Umakyat sa bahay ni peter pan




tinitignan kung may pulis may pulis sa ilalim ng tulay

 

nagpakawet sa sapa





Tumawid sa napakahabang Zip line



nanuod sa mga taong naglalaro ng apoy



nakipaglaro ng DOta. natalo ako ng bata amPota! babawi ako sa aking pagbabalik


Tumae, ay este..tumae habang nagpapakyut.. habang tinatakpan ang balls na kasing laki ng ostrich egg
(multi tasking)


Nabigo man kaming hanapin ang yamahita treasure . Napansin ko madaming mga kayaman ang Davao at hindi masyadong napapansin


magandang mga tanawin


masasarap na pagkain



oo hndi kayo nagkakamali yan ang favorite ko ang mga Tira tira .haha . joke ubos na kasi  haha. busog

at higit sa lahat




magagandang mga babae.

hulaan niyo kung sino siya. ayiiiiiii

Naalala ko yung sabi ng isang taxi driver

 Sa isang paglalakbay, Hindi importante kung  Bigo man o tagumpay o may kayaman man o wala, Ang pinaka the best ay yung mga masasayang mga memories habang hinahanap natin ito. Yun ang tunay na kayaman. Hindi nabibili

ang sabi ko naman..

PUGELSHIT NOMAN!!!