Hahaha, wala nanaman akong magawa , kaya nag isip ako ng magandang trip. At since itong blog na ito ay personal blog ko. Naisip ko na ilathala dito kung sino si Kikilabotz sa totoong buhay. Ayun. Kaya I invited Few random people na kilala ko sa totoong buhay to describe me sa pagkakakilala nila. hahaha.
Ayun , at ito yung mga nakuha kong sagot nila.
CLOSE FRIEND 1
First impression q, tahimik. May konting hiya siya sa katawan nya nung mga panahon na yun.
Physically he's ok, lab n lab q yung big cheeks nya, tas yung giant nose nya na kayang singhutin ang 50% ng oxygen sa mundo at ang favorite part q eh ung big and healthy tummy nya. ^_^
Yan ang mga asset ni kikilabotz na hindi dapat mawala sa kanya kasi nakapagpapasaya xa ng ibang tao, tulad ko..haha
Sa attitude nya, wla akong masabi kasi super bait nya, mapagbigay at mapagmahal sa ibang tao, ewan q kung bakit sa kin e hindi nya un magawa..wala akong natanggap sa knya kundi puro panlalait at pangda-down sa mga bagay bagay, minsan iniisip ko kung bakit q ba xa naging kaibigan..hahaha
Pero kidding aside, i'm blessed to have this in my life, he's one of a few person whom i can show the real me.
wla naman akong maitago sa kanya, pati lablyf ko alam nya.hehe
So sino siya para sa kin, ito talaga yung tanong nya eh, ang haba lng ng introduction q.haha
Well he is a one lucky guy because we became friends, its been a year and a month. I was one of God's present to him nun bday nya.haha
Seryoso na nga, si kikilabotz po, mahirap mang tanggapin, ay isang hulog ng langit para sa kin, haha, xet nasabi ko din. haha
Hindi man kapani-paniwala, khit sa sarili ko nahirapan akong tanggapin yun.
He's one of a few people who manages to cheer me up whenever i'm down,makita ko lang cheeks nyan ok na ulit aq. Sa dami ng kebigan nya, ewan ko kung papano nya pa nahahati yung oras nya para sa kanila. maliban dun libo libo pa fans nya (abot tenga ngiti mo noh, puring puri kita dito eh).
So yun lang poang mahal kong kaibigan na chickboy, I admire him for he fears God and He blesses so many with his kind heart. chos!
Sana sa kin din maging kind ka paminsan minsan..haha
CLOSE FRIEND 2
Siya ay matangkad.
Malaki ang kanyang butas ng ilong.
Mataba ang kanyang cheeks i mean mapisngee xa. (totoo to no stir) Haha.
Malakas ang kanyang dating, tama..kaya kumapit ka kasi mahangin to eeh. Sobra.
Hahahaha. Dinaig pa niya ang tornado at Hurricane. Hehehe.
Madame po siyang alam gawing kalaokohan pero mas madame siyang ginagawang kabutihan. Nuks.
Hooraaay. hehe
sa pagkakaalam ko ulet ay siya ay may mabuting puso.
Napakabait, mapagbigay, mapagmahal at maaruga sa lahat ng magagandang babae na kanyang nakikilala.
Tama, maganda..sa Maganda lang. Haha. Joke.. ^_^
Above all he have faith in God which makes all his imperfections perfect in the end.
Wala man sa itsura pero ang taong ito ay may paniniwala at takot sa Diyos. Maniwala kayo. Hehe :P
Marami na din po sya na natulungan, isa na ko dun.
Wala man nga sa itsura pero maniwala ulet kayo. Hahaha :D
Para sa akin ay isang mabuting kaibigan, kapatid, kapamilya, kapuso at higit sa lahat maaasahan sa
lahat ng oras. ^_^
STUDENT NURSE
Sya yung aakalain mo sa una mayabang, snobero & Etc. pero pag nakilala mo siya mapapahanga ka kase yung masunget, mayabang, snobero kabaligtaran pala Makulet siya, kahit hindi mo pa siya kaibigan magiging kaibigan mo kasi ang cool nya. Hindi hadlang sa pagiging kaibigan sakanya yung kung ano ka. Minsan nga lang sobra na kakulitan nya at minsan mayabang siya :)))))) Tungkol naman sa panlabas nyang kaanyuan Hindi siya gwapo, Hindi siya maputi pero mapapatingin ka sakanya kase My dating siya. Yung tipong hindi nakakasawa tignan yung pagmumukha nya Lalo na yung pisngi nya Inshort Cute siya lalo na pag nag'smile
SUPER INTERNET FRIEND
pwede yan icompare sa EPINEPHRINE, nagbibigay buhay, nagbibigay saya. Hindi lang sakin, kundi sa lahat ng mga followers nya. Kung problemang puso lang naman, malamang expert na yan! Siya yung tipong mag increase ng heart rate mo at force of contractility nito pag feeling mo pagod ka ng lumaban at gusto mo ng maggive in. as an adrenergic, siya din ang magsserve as bronchodilator mo kapag suffocated ka na sa lahat ng pollution sa buhay mo. Try mo magpaconsult, free lang naman e. Just make sure ready ka sa mga side effects nya. Tremors dahil sa katatawa sa mga jokes at kakulitan nya. Magddilate din ang pupil mo. Sa gwapo ba naman na yan, ewan ko lang kung di talagang lumaki ang mga mata mo pag nakita mo siya!? And last but definitely not the least, you’ll have excessive sweating as he is sooo damn hot!
NEW FRIEND
sa totoong buhay ay masasabi kong "ideal man", no hidden feelings lol. Isa siya sa mga hinahangaan ko hindi lang sa pagba-blog kundi pati na rin sa totoong buhay. Hinahangaan ko ang pananaw at attitude niya towards everetheng. Cool at punong-puno ng sense of humor. Lahat ng sinasabi niya may relevance kahit minsan ay pabiro at sa malokong istilo idinadaan. Solid ang mga banat, siguradong lahat mapapalike. Sweet, loving and caring yan, hindi man sa 'kin, alam ko na ganun siya sa taong mahal na mahal niya. At first akala mo chickboy. Pero ang totoo at hindi kapanipaniwala eh loyal yan magmahal. Kaya kapag nasaktan ay ganun din kabongga. Na-appreciate niya ang bawat ganda naming mga kababaihan (oo dapat kasama ako). At open siya sayo kung gaano niya naappreciate yung value mo as a person and as a friend. Approachable at mababatid mo na nakikinig siya sa mga sinasabi mo. To the rescue lagi kapag kailangan mo ng tulong niya. Reliable siya sa mga panahong ganyan. Hindi sapat ang text sa kanya para lang malaman kung okay ang kalagayan mo, ume-effort sa tawag para tulungan ka talaga. Sa likod ng makulit at palabirong personality niya ay nagkukubli naman ang kanyang golden heart, oha. Napakalalim ng faith kay Lord, kahit minsan di halata. Siya ang great influence ko kayo ko nadiscover ang The Feast na naging isang malaking blessing sa buhay ko. Dahil sa kanya nag-iba ang perspective ko sa mga lalaki (yes gumaganun talaga). Kasi hindi naman purkit maloko, mabiro, makulit at iba pang MA- ang mga lalaki ay ganun na ang buong pagkatao nila. Meron silang worth and value na kailangan mong makita not just with your eyes but also with your heart. At for the finale, si Marvin ay gwapo sa totoong buhay. Walang halong biro at pang-uuto 'yan.
College Clasmate
head turner yan eh.haha.GWAPO db?..gaano ko kakilala tong taong 2 actually di kame close haha.naging ka group ko lang sya sa isang duty during a collage days..mukulit din pala ibang iba pag nasa na class tahimik kasi sya pag nasa classroom (pero di ko sure, di nga kame close) hahaha.dun nlng ako mag pofocus sa physical aspect nya.eto'y balita lang nman..may dalawang babae noon na nag sasabi na girlfriend daw sila ni kikilabotz..haha diko sure sino sakanilang dalawa ang nag sasabi ng totoo! Hahaha.may isa papala, may hidden talent pala si Mr. KIKILABOTZ mag sulat nbasa ko yung mga blog nya sa friendster (uso pa kasi nun friendster) at magaling sya talga mag sulat! Puro pag bubuhat ng bangko ang nasa blog nya! Kung gano daw sya ka cute, at may kumukuha pa daw ata sakanya mag ARTISTA! At naisulat din nya ang mga karanasan nya sa araw2 Haha.pero dahil dun na inspired ako mag sulat.nag sulat ako once at thankful ako siya ang kaunaunahan at huling pumuri ng gawa ko.may talento talga sya sa pagsusulat.akala ko puro mukha lang ang meron siya pero hindi pala complete package na! Haha ganyan pag kakilala ko sanya
College Friend
I’ve known him since our college days. A good-looking guy (ahem...) with fantastic sense of humor and abundant cleverness (ahem ulit...).He has a great sense of style (daw...) and overflowing sex appeal in girls (agree?!...) Lage nyang pinagmamalaki ang mga celebrity look-alikes niya, like Tyrone Perez, Xian Lim etc. He’s a very adventurous person who loves travelling (sa tingin ko lang). He loves computer games and blogging (tama?!). He’s a very funny person; we spend our time laughing whenever we’re together. Never kang mabobored kasama sya, sobrang dami niyang alam (na kalokohan). Whenever I ask something, he wouldn’t seriously response. And lastly, yung obsession niya sa mga pretty girls (hindi mawawala yun).
But seriously, he‘s a very inspiring person who has a lot to say when it comes to life. Overall he’s been a good person and a good friend to me. Someone who never fails to remember. Someone you can always count on. And I’m thankful knowing such a great person like him. ^_^
BLOGGER FRIEND
aka kikilabotz , ang unang blogger na naka EB,,,isa cyang cutie at matangkad na nilalang,,,tahimik sa personal?minsan haha...pero enferness pwede cyang maging model ng toothpaste dahil sa knyng KILLER AT MAPANUYANG SMILE
mareklamong bata dahil binigyan ko daw cya ng expired duryan kendis haha
BLOGGER BESTFRIEND
Maloko, malisyoso, babaero. Yan ang una kong impression nang minsang napadpad ako sa blog ni Kikilabotz (kabaligtaran ng sinasabi sa url ng blog niya). Pero napatunayan ko na ilan lang (wow tatlo lang naman, kaw na bahala mamili) dun sa nabanggit ang totoo kapag nakilala mo na si kikilabotz. Mabuting kaibigan. Hindi siya magdadalawang isip na samahan ka lalo na kapag nararamdamang niyang kailangan mo ng kasama. Makikinig siya sa’yo, as in eye to eye pa ang style.Tapos mamaya sisingit ng konting kalokohan para mapangiti ka. Positive person. Kapag kausap mo siya, parang lahat may sagot. Parang lahat ng mahirap, madali. Ganun siya. Observant. Patahi-tahimik lang yan, tas yun pala kahit sugat mo sa paa e napapansin na. Kaya minsan nakakaconscious siyang kasama. Ang gusto ko sa kanya, hindi siya kiss and tell na tao. Madalang nga mag-share ng love life yan eh, as in. Pero positive naman yun sa’kin kasi mararamdaman mo yung respeto niya sa karelasyon niya kahit pa minsan nasasaktan na siya. Malandi. Parang siya si Lufet sa sinulat niyang I love you ipis ipis very much. Mahilig din sa mga banat banat. At tulad din ni Lufet alam ko wagas yang magmahal. Gagawin kasi niyan lahat para sa babaeng gusto niya.
FORMER LOVER
in real life, he is my soulmate (walang kokontra dahil aware siya don) he is a really nice guy na mahilig sa spaghetti at magaling magluto ng spaghetti and Im so lucky na natikman ko yon. Its priceless!!! He never fails, he always makes his friends and family happy. Napakalakas kasi ng sense of humor ang taba taba ng utak nya hehe.. May goal sya ang daigin si dora sa pagkalakwatsera hehe. Napaka-adventurous nya sobra He is also a good adviser minsan na nya ko napayuhan at napagsabihan pero hindi padin nababago reaction ng mukha nya mukha padin MABAIT naks!!! all in all I'm so lucky to have met someone like HIM Mabait, Masipag, Maasahan, Funny, Caring & Loving sa kapwa nya thats all
FAMILY MEMBER
ikaw ang pinakamakulit at pinakagwapo kong kuya
sana may napala kayo sa pagbabasa. bwahahahahaha. . kung wala naman kindly visit here MAGUGULAT KA SA MALALAMAN MO
haha pki add sa link nyo, alam niyo na kumikitang kabuhayan natin. hahaha. salamat guys sa supporta at sa like
Showing posts with label kikilabotz. Show all posts
Showing posts with label kikilabotz. Show all posts
Wednesday, May 16, 2012
Sunday, January 15, 2012
Takbo Kontra Diabetis( RunRio Go Natural Run 2012 ) My Result and Experience
Alam mo yung pakiramdam na, paglabas na paglabas mo ng bakuran ng bahay niyo ay biglang may siraulong naghagis sayo ng Goodbye Philippines na paputok? Yung tipong wala ka ng choice kundi pumikit na lang at magdasal. Habang humihingi ng kapatawaran sa mga nagawang kasalanan. O kaya naman ay humingi pa ng isa pang chance para mabuhay at mangangako na hindi mo na ulit sisilipan pa si inday ever, mabuhay ka lang.
Ganun talaga ang buhay, Minsan malakas ang trip. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay bibigyan ka ng time para makapagprepare . May mga times na bibigyan ka niya ng mga challenges na biglaan.
Sa pangalawang pagkakataon, Syempre nga artistahin ako, alam niyo naman. (hahaha). Muli akong naanyayahan sumali sa isang Funrun. Kung hindi ako nagkakamali, ang purpose ng Run for a cause na ito ay ipromote yung pag gamit ng mga natural products para sa ating health. Kung nung nakaraan ay nabigyan ako ng isang buwan para makapagprepare,iba ang sitwasyon ngayon , kasi this time, wala. As in biglaan talaga. Parang yung pakiramdam na kala mo utot lang, pag ire mo , tae pala. Masaklap basa pa. Ganun. haha
“Sa linggo samahan mo ko, tatakbo tayo sa FunRun, nairehistro na kita.” Yan ang sinabi ng mahal na mahal kong kuya. Gago siya. Hinayupak siya. Huhuhu
Badtrip! Kasi pano ba naman , hindi pa nga nag-uumpisa, palpak na kami. Winala ni kuya yung Running Number ko. Masaklap ako pa yung sinisisi. Binigay niya na daw sa akin . Pero I know deep inside my heart , wala siyang binigay. Anu daw?
Parang naging eksena sa pelikula ang pagtatalo namin.
Ako: kuya wala ka namang binigay eh.
Kuya: akala mo lang wala! Pero meron meron meron
Ako: pakyu!
Hahaha joke lang, mabait kaya akong kapatid at hindi sumasagot sa mga nakakatanda. Dito ko lang tinitira sa blog ko. Dito ako gumaganti. Bwahahahaha.
Kung gusto niyo ikwento ko sa inyo ang iba pang mga pangyayari, sabihin niyo muna na ang kyut ko. Hahaha. Pero ayun nga, 10K yung tinakbo namin. Hindi man lang ako pinagpawisan. Ehehe. Pano ba naman 2km pa lang sinakay na ko ng ambulansya. Hahaha. Kidding.
Yun na nga, Unlike sa ibang mga runners, wala akong running number. Kaya mukhang epal lang ako dun. Pero tumakbo pa rin ako. Nung una, Ramdam ko yung saya ng FunRun . Ang dami daming chiks Parang tukso lang na nagsasabi na kikilabotz habulin mo ko. Pakiramdam ko umislow motion yung momment habang dahan dahan tumutulo yung mga pawis ng mga chiks. Grrrr. Kakagigil. Ang saya. Hehe.
Wala namang naging problema sa first three kilometers, pero pagdating na ng pang apat. Unti unti ng bumigat yung mga paa ko. Sumakit yung tagiliran ko tapos hinihingingal na rin ako. Ayan na , nararamdaman ko na yung mga hirap.
Dun ko napatunayan na sa bawat pagsubok sa ating mga buhay, Laging may mga rason para tayo sumuko. But it’s up to you kung susuko ka ba o lalaban pa sa hamon ng life
At that point parang gusto ko na talaga sumuko. Promise.... Pero pagdating ko sa fifth kilometer, When im about to give up, Nakakita ako ng signboard na ang sabi
Remember the reason why you are running.
Oo nga naman, Matapos ko mabasa yun, Natauhan ako, Parang gusto ko tuloy pumulot ng sobrang laking bato na isasawsaw ko sa tae, tapos ibabato ko sa mukha ng kuya ko. Siya ang dahilan. Siya ang dahilan ng mga paghihirap ko. Hahaha. Di na ka maka move on eh noh?
Naalala ko yung isa sa mga Favorite kong quotes from Bo Sanchez. Yung life is not a sprint, it’s a marathon. Na yung mga taong nagtatagumpay ay yung mga taong hindi sumuko.Yung desperate enough to reach the finish line. Kaya pinagpatuloy ko. Jogging, Takbo sabay lakad pagnapagod na. Slowly but surely, umuusad ako at lumalapit sa finish line.
Sa ikapitong kilometrto, inip ka na noh? Tatlong kilometro na lang ipagpatuloy ang pagbabasa. Hahaha. Nakasabay ko yung isang bata. Siguro mga 10-12 yrs old yun. Sabi “Kuya kaya pa?” Hahaha takte Nakakahiya. Alam mo yung pakiramdam na gusto mo sipain yung bata , para siya yung kulelat hindi ikaw. Patol? Hahahaha. After that, tumakbo na ulit ako hanggang finish line na.
Nung nakarating na ko sa finish line , sinalubong ako ng palakpak ng kuya ko. Parang ang inspiring ng kwento ng pagtakbo ko eh noh? Hahaha. Tapos sabay asar , siya daw 53 minutes. Samantalang ako 1 hour and 22 minutes. Ukinam. Hehehe.
Sa huli, medyo mas bagal lang sa first 10 km run ko, despite all odds. Taas noo kong ipinagmamalaki na I am a finisher . At nag enjoy chiks hunting namin ni kuya after. Oh yeah...Thats the reward. Hahaha
Labels:
fight for diabetis,
fun run,
go natural,
kikilabotz
Monday, October 17, 2011
KiKing gala
Hindi natin pwedeng ipagkaila na tayong mga Pilipino ay mahilig kumuha at magpakuha ng mga letrato. Madalas nga isang angulo lang. Kundi nakatingin sa taas eh nakasideview naman.
Share ko lang bakit madalas yung mga kaibigan ko , ayaw akong pahawakin ng camera para kuhanan sila sa tuwing nagbubulakbol kami.
Dinosaur Fight Scene
| ang astig diba? |
my turn naman
| bwhahaha, friendly punch Wall Climbing |
my turn again
| malinaw naman diba? kita pa rin naman yung kulay Strike A Pose |
my turn again, this time aayusin ko na promise
hahaha, mukhang engot lang
Perfect Shot
This time, aayusin ko na talaga, Just want to present my entry sa pacontest ni bulakbolero , basahin dito. Ang pinakapaborito ko sa lahat. starring my friend. again. hahaha.
![]() |
| Ang buhay ay parang pagkuha ng litrato, minsan ang kailangan mo lang ay perfect timing |
Friday, October 7, 2011
Happy bday TWO you
At ayun na nga, Naging super busy na talga si kikilabotz. Pero syempre pwede ko bang makalimutan ang bday na isang special na kaibigan. At siyempre, lahat ng mga special binibigyan ng time. Kaya nga, hindi ko pwedeng palagpasin ang pagkakataong ito para mag greet sa iyong kaarawan
Happy Happy Happy 2nd Birthday
sa
Kwentong Nakaka ni kikilabotz
4533 comments
more than 100,000 page views
100 followers sa network blogs
310 blog followers
at hundreds of blogger fiends and readers
more blessings to come ^_^
Happy 2nd anniversary sa blog ko na sinmahan ako sa hirap at ginhawa, lungkot at saya. Muli maraming maraming salamat sayo..
Penge naman testimonial o kaya inspiring messages para sa blog ko, comment it here. hehe. Maraming salamat ng bigtime
Labels:
anniversary,
kikilabotz,
kwentong nakaka badtrip
Wednesday, October 13, 2010
nakaka EBback
sa maikling panahon paghahasik ng lagim dito sa mundo ng blogosphere,Marami akong nasaksihang mga storya. mga nakakatawa, mga nakakaiyak, mga nakakainspire,mga nakakamangha,mga nakakagutom at mga nakakagulantang. Pero sa likod ng mga ibat ibang storyang ito merong isang tao ang nagtiyatiyagang mamahagi ng kanilang mga kwento.
sa loob ng isang taon ito na po ang mga nakita kong mga idol
sa shaw ang ang usapan, nakarating sa moa, tapos umabot ng tagaytay.. e
tapos dumiretcho sa paboritong place MOA
after ilang months mga kaibigan naman sa wordpress sa bandang cavite
tapos nagpunta ng davao, nakita ang isang hot blogger
at siyempre meron pa kong isang blogger n nakita isa siyang anonymous kaya wala kmi picture. haha.
at ang totoo nainggit ako sa huling kita kits nila. hihihi
syempre madami pa akong blogger na gusto makita.
yung mga bestfren ko dito sa blogwrld ,
lalo na yung mga nasa top ten hottest blogger ko at magpapicture at autograph sa kanila.
ayoko na isa-isahin baka hindi matapos.
masaya ako kasi nasilayan ko at nakakwentuhan mga idol ko.
sa loob ng isang taon ito na po ang mga nakita kong mga idol
sa shaw ang ang usapan, nakarating sa moa, tapos umabot ng tagaytay.. e
tapos nasundan ng kaffe razzo fever
tapos dumiretcho sa paboritong place MOA
after ilang months mga kaibigan naman sa wordpress sa bandang cavite
tapos nagpunta ng davao, nakita ang isang hot blogger
tapos nakifiesta at nakipagpictorial sa rizal
syempre hindi pa natapos dun ang lahat nasundan pa yan ng isa pa sa aking lungga (trinoma)
at siyempre meron pa kong isang blogger n nakita isa siyang anonymous kaya wala kmi picture. haha.
at ang totoo nainggit ako sa huling kita kits nila. hihihi
syempre madami pa akong blogger na gusto makita.
yung mga bestfren ko dito sa blogwrld ,
lalo na yung mga nasa top ten hottest blogger ko at magpapicture at autograph sa kanila.
ayoko na isa-isahin baka hindi matapos.
masaya ako kasi nasilayan ko at nakakwentuhan mga idol ko.
Labels:
bloggers,
EB,
gimik,
i blog,
kaffe razzo,
kainan,
kikilabotz,
Trinoma
Saturday, August 21, 2010
biyaheng langit
Muntik muntikan nang hindi matuloy, Tumingin ako sa langit at humingi ng signs kung icacancel ko ba. And then suddenly bigla na lang ako napadaan sa isang tindahan ng lechon manok . At nakita ko nga yung sign na hinahanap ko. Nakalagay " BALIWAG" kaya tinuloy na namin
Ayos na ang lahat, Oh yeah na oh yeah na!! Maraming salamat sa aking mabait ngunit brocken hearted na kuya . Nalibre ako ng isang hindi makakalimutang trip to Davao.
But to make things uncomplicated, Pinaghalong kaba at kabag ang nararamdaman ko.
1. friday the 13th ang flight ko
2. 7:06 am ako nagising.. Ibig sabihin 66 minutes after 6 am nun. 666? waaahhh!!
3.On the way sa Airport ilang beses na muntik mabangga ang taxi na sinasakyan namin.
4. Hindi pa lumilipad yung airplane umuusok na. Ano bang klaseng aircon yan?
5. Grabe! ang ganda ng stewardess (pakshit! hindi ko alam spelling) Isa siyang Anghel sa kalangitan. Literal. I dont know why pero kahit nasa langit na kami nadedemonyo pa rin pagiisip ko habang nagdedemo siya . parang gusto ko siya kausapin at sabihing
" ang ganda ganda naman ng dedemo..ay este! i mean, ang ganda ganda naman nang nagdedemo.." haha
Kabag, Siguro ganito talga kapag nangbuburaot ka ng pagkain. Sumasakit ang tiyan! Ayan tuloy!! Hindi ako terorista pero parang gusto ko magpasabog sa eroplano.
Isa na rin sa dahilan kung bkit kami pumunta sa Davao ay para makalanghap ng sariwang hangin. Kaya paglapag na paglapag ng eroplano at matapos magsalita ng boses na parang kay Pinoy BigBrother. Nagmamadali kaming bumuba. ang kuya ko para alamin ang pagkakaiba iba ng hangin sa maynila at hangin sa davao.Ako naman para pakawalan ang masamang hanging naipon sa aking tiyan.
Sabay namin pinikit ang aming mata, Nag inhale siya habang umuutot ako. Hindi ko naman iniiexpect na may tutunog. Madalas kasi silent killer ang utot ko. Ayun! Dumilat siya at tumingin sa akin ng masama sabay sabing
" IBA NGA ANG HANGIN DITO! IBANG IBA!"
sorry kuya. lilipas din ang amoy niyan. relax relax ka lang muna ^_^
Ayos na ang lahat, Oh yeah na oh yeah na!! Maraming salamat sa aking mabait ngunit brocken hearted na kuya . Nalibre ako ng isang hindi makakalimutang trip to Davao.
Pambihira! Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko ng mga panahong iyon. Parang sapilitan akong pinakain ng dalawang platong kanin na ang ulam ay lugaw, Parang umubos at lumaklak ako ng sofdrinks na pinaghalo -halong coke, royal at sprite dagdagan mo pa ng tamis anghang ketchup. Pugelshit! Weird pero worth a try. hahahahahaha
But to make things uncomplicated, Pinaghalong kaba at kabag ang nararamdaman ko.
Kaba , Dahil bukod sa first time kong makakasakay ng eroplano at sa paniniwalang nangangain daw ng tanga yung airport,
(baka ako lang ang matira at hindi makain. I dont want to be alone. haha)
Maraming mga pangitain din ang nakapagpatayo ng aking balahibo.. sa puwet. Tulad ng....
(baka ako lang ang matira at hindi makain. I dont want to be alone. haha)
Maraming mga pangitain din ang nakapagpatayo ng aking balahibo.. sa puwet. Tulad ng....
1. friday the 13th ang flight ko
2. 7:06 am ako nagising.. Ibig sabihin 66 minutes after 6 am nun. 666? waaahhh!!
3.On the way sa Airport ilang beses na muntik mabangga ang taxi na sinasakyan namin.
4. Hindi pa lumilipad yung airplane umuusok na. Ano bang klaseng aircon yan?
5. Grabe! ang ganda ng stewardess (pakshit! hindi ko alam spelling) Isa siyang Anghel sa kalangitan. Literal. I dont know why pero kahit nasa langit na kami nadedemonyo pa rin pagiisip ko habang nagdedemo siya . parang gusto ko siya kausapin at sabihing
" ang ganda ganda naman ng dedemo..ay este! i mean, ang ganda ganda naman nang nagdedemo.." haha
Kabag, Siguro ganito talga kapag nangbuburaot ka ng pagkain. Sumasakit ang tiyan! Ayan tuloy!! Hindi ako terorista pero parang gusto ko magpasabog sa eroplano.
Isa na rin sa dahilan kung bkit kami pumunta sa Davao ay para makalanghap ng sariwang hangin. Kaya paglapag na paglapag ng eroplano at matapos magsalita ng boses na parang kay Pinoy BigBrother. Nagmamadali kaming bumuba. ang kuya ko para alamin ang pagkakaiba iba ng hangin sa maynila at hangin sa davao.Ako naman para pakawalan ang masamang hanging naipon sa aking tiyan.
Sabay namin pinikit ang aming mata, Nag inhale siya habang umuutot ako. Hindi ko naman iniiexpect na may tutunog. Madalas kasi silent killer ang utot ko. Ayun! Dumilat siya at tumingin sa akin ng masama sabay sabing
" IBA NGA ANG HANGIN DITO! IBANG IBA!"
sorry kuya. lilipas din ang amoy niyan. relax relax ka lang muna ^_^
pics
pinaakyat ko pa si kuya niyan para pictureran ako. nang magkasilbe naman. hahaha
Nasan po ng CR?
Labels:
anghel sa langit,
BigBrother,
biyaheng langit,
davao,
dedemo,
Iba,
kaba,
kabag,
kikilabotz,
lakbay,
terorista,
travel,
up up and away,
utot,
XXX
Subscribe to:
Posts (Atom)










