Showing posts with label gift. Show all posts
Showing posts with label gift. Show all posts

Sunday, April 25, 2010

Sana Hindi pa huli ang lahat

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nung araw na iyon. Isipin na lang natin na may batang inagawan ng lolipop tapos umiiyak habang dahan dahang tumutulo ang sipon papunta sa kanyang bibig.sabaylunok. Parang ganyan nga, Pero hindi ako yung batang inagawan ng lolipop kundi ako yung batang nang agaw ng lolipop. Halos mamatay na sa kakatawa  at sa sobrang tuwa.

Sana T-shirt na lang ako , Para ma-itry mo kung bagay sayo.

 (maraming maraming salamat pala kay khate ng  http://harliiolday.blogspot.com/ sa regalo niyang damit at talbos fresh from baguio. salamat salamat. sobrang saya ko)

Gumising ako ng maaga para magsimba. Kasama ko ang isang kaibgan. Sa Sta CLara kmi nagsimba bandang katipunan yata.

Kaibgan: Nagdala ka ba ng itlog mo?
ako: lagi ko naman tong dala.
Kaibigan: mag aalay ka ba ng itlog?
ako: no no no hinde pwede, Sayang!! dami takam dito eh

(tawanan)

Sa aking paguwi nakita ko ang matagal tagal ko ng hinahanap na bagay. YES!! Sa WAKAS Nakita ko na ang PePe ni KUya..(Kung hindi ninyo po maintindihan eto ang story nun)
click m ko

Kinahapunan isang kaibigan naman ang dumating galing malayong malayong lugar. Para tulungan ako sa isang mission na hindi ko matapos tapos. Wahhhh!! Sinamahan niya ako pumunta kay miss interviewer ng buhay ko na deads na deads ako. ayun at Nalaman ko na rin ang name niya. Bwahahahahahaha. itago na lang natin sa pangalang miss yanyan. Kung hindi nyu ulit maintindihan eto po ang kwento nun

paki click dito

Tapos Hindi ko rin inaasahan na Daan daan pala ang nagmamahal sa akin, Na para sa kanila isa akong special na tao. May pakinabang sa mundo. Kaya sobrang tuwa ko sa mga natanggap kong greetings mula sa kanila.

ang mga sumusunod ay mga piling mensahe sa akin na NAKAKA touch(mga el paborito)

MISHYs message para sa akin:

For the person i admired most,for the person who knows how to make people around him smile and be contented on what they have, For the person who appreciates every little thing that theyve done for him. who knows how to say thank you even if its not needed and most especialy fo r the person knows how to value and love his friends even in their craziest time.

This message is exclusively fo Mr Marvin Gaspar a.k.a GWAPITO whom i consideerr as one of my bestfrend in the whole wide world.hehe

HAPPY BIRTHDAY vinshy! wish u more luck , mmmmore money and ofcourse more gf 2 come! hahahaha.peace muah

KAJAs message para sa akin:

Honestly, hindi ko din alam kung bakit q ito ginagawa,.. hmmm.. siguro I just wanna say THANK YOU..God really has His own way to show and teach us about the beauty and mystery of life… and He has His own way for us to feel that we are really blessed and loved…sending us “angels” that will really touched our lives and make us realize that there is more for us to see… more reason to be happy, more reason to be thankful, and more reason to live.
si God may prineprepare for me..


One month ago, I met a guy na wala lang, nakakwentuhan lang, kumbaga, para malibang, pamatay ng oras sa paghihintay.. Who would ever think, na magkkrus n naman landas namin (thru fb) at magiging friends kami.. =)

Dahil sa isang “crush”, na siguro way na rin ni God, ayun, hinanap nya q s fb (pamatay ang pagkacrush ampf,,haha), gulat na gulat nga q nung nakita q mukha nya, “waaah! Parang kilala ko to ah!”,, hanggang aun, naging close.. =)
Lately, narealize q, he’s an “angel” pala.. (o wag lalaki ulo! Batukan kita jan eh!) He’s a blessing from God, to remind me of things na nawala sakin at nakalimutan ko.. oo, thingS, plural! Hindi lang isa..


I thought I am better.. I thought I’m positive, im strong, emotional nga lang… pero that guy made me realize that I may be good but I can do better than what I think is better… that Im neutral, not positive (dahil may nega syd aq..), im strong, but I can be stronger,.. at emotional, hnd n mababago sakin yun, haha..

Two weeks palang kami magkakilala, pero aaminin ko, he already touched my life in God’s way.. I know it’s God’s way, not his. Pero siya yung blessing na ginamit ni God.

God really has His own way to show and teach me about the beauty and mystery of life… and He has His own way for me to feel that I am really blessed and loved…sending me “badz” (kahit hate nya ung twag ko sa kanya) who’s touching my life and makes me realize that there is more for me to see… more reason to be happy, more reason to be thankful, and more reason to live.

Waaaaaaaaaaaaahhh yung nareceive ko yung mga messages nila sa akin muntik muntik na ko umiiyak.
 
Sa mga blogger din na naggreet sa akin maraming maraming salamat. Lalong lalo na kayedee at kay jam. bwahahaha. tinxt pa ko kahit nasa magkaibang lupalop kmi ng mundo. wahaha. reply naman ako. ayun! sampong piso each..waaahh durog ako. pero dahil sa kanila muli akong nabuo. :D
 
Saka ko lang napansin na magkalapit lang pala ang kaarawan ko sa kaarawan ng mundong ginagalawan. Happy earth day mga pips(kinang yan!! too late na ko. wahahaha. busy eh)
 
Ang tanging regalo lang namn na hinihingi ni mother earth ay kagaya din ng ating mga Ina. Respect!
 
At the last momment. Bago pa mahuli ang lahat. Nagtxt ang isang taong pinahalagahan ko ng husto. Binati nya ako ng happy bday at nagpasalamat ako. Natuwa talga ako kasi ang tagal tagal na namin walang communication.. Kaya sobrang gndang gift un mula sa taong tinitreasure ko.
 
Maraming maraming salamat sa lahat for making my bday the best. TAGAY NA!!
 
 HINDI NAMAN AKO NANALO SA LOTTO BKIT KAYA ANG HABA NG PILA NAGPAPALIBRE? Hmmmmmm..
 
Hindi naman ako materialistic na tao. I mean kahit KAHIT NA WALA KAYONG REGALO!!grrrrr  basta ang mahalaga importante
 
ika nga ng isa sa mga video ko Give a gift! share ur blessings. bwahahaha. inuulit ko give a gift share ur blessing.

Thursday, April 8, 2010

i am a gift from heaven, we all are

balita sa radio:Pinapayo  po namin ang maaga niyong paglikas
Girl: hindi ako aalis, Hihintayin ko ang tulong ng Diyos!
tanod: Delikado na po dito, lumikas na tayo
Girl: Hindi ako aalis, Hihintayin ko ang tulong ng Diyos!
pulis: umalis na po tayo dito
Girl: Hindi ako aalis, Hihintayin ko ang tulong ng Diyos!
kikilabotz: sumama ka na sa akin. ako ng bahala
Girl: Hindi ako aalis, Hihintayin ko ang tulong ng Diyos!

after 30 mins. namatay ang girl

Girl: Diyos ko bakit hindi ninyo ako tinulungan?
GOD: pinadala ko ang balita sa radio, ang mga tanod, ang mga pulis at si kikilabotz ano pa ba ang gusto mo?

Minsan sa buhay natin, Kapag  nadadaan tayo sa isang  matinding pagsubok, Humihinge tayo ng tulong mula sa Itaas. At hindi natin maitatanggi na umaasa tayo sa isang himala.Dahil dun , Nakakalimutan natin ang isang katotohanan . Katotohanan na bahagi tayo ng miracles ni Lord. Nabubulag tayo.  hindi natin napapansin na ang tulong o regalo ng Diyos ay dumating na

papaano ba natin malalaman kung eto na nga ba ang regalo ni Lord sa atin?

first of all, Ang regalo ay hindi pinaghihirapan para makuha.Hindi mo kelangan ng effort o dahas para maangkin ito. nakalaan ito talaga  para sa pagreregaluhan. Kusa itong dadating sa buhay natin. Ang kelangan lang natin gawin ay buksan ang mga palad natin at gamitin ang pandamang pinagkaloob Niya sa atin.

The best example of this ay ang  ating buhay. Hindi naman tayo nageffort para makuha ito diba?  Pero ewan ko na lang kung ang isasagot mo sa akin ay dati kang sperm at nakipagpatayan ka sa milyong milyong sperm ng tatay mo para makapasok sa egg ng mama mo.Kokotongan kita!!hinayupak ka!!

I mean bigla na lang  ito dumadating  sa atin. at the perfect momment. Just grab it! huwag jan may kiliti ako jan! ahihihi.

Huwag kang malungkot kapag hindi mo nakuha ang isang bagay na gusto mo.Kapag nahihirapan ka ng makamit ito .Yung tipong iniinom mo na ang sarili mong dugo para lang makamtan ito. Siguro hindi ito talaga regalo para sayo. Baka regalo ito para sa ibang tao na pilit mong kinukuha.

Naniniwala ako na   Ako ,Ikaw, Tayo ,at Sila ay gift from above. Regalo tayo ni Lord  para sa isat isa.



Kung nagkakaroon ka ng mga problema ngayon. Huwag kang mag alala. Cguro yang problemang yan ang makakapagpahinog sayo. Para sa tamang panahon. Hinog ka nang ireregalo ng Diyos para sa ibang tao.

Ang regalo ni God ang pinakaperfect sa lahat.Kaya Be proud kung gawin ka niyang regalo para sa ibang tao.









bonus:
_______________________________________________________
                      EKSENA NI KIKILABOTZ AT NUNG GIRL
________________________________________________________

Kikilabotz: ano pang ginagawa mo dito?
Girl: hu u b?u looks so pathetic
Kikilabotz: sumama ka na sa akin, iaalis kita sa delikadong lugar na ito
Girl: ayoko mukha kang manyakis!!
Kikilabotz: miss gusto lang kitang tulungan
Girl: tulungan mo ur face!! nakakakikilabotz
Kikilabotz: sumama ka na sa kin ako ng bahala
Girl: hindi ako aalis, hihintayin ko ang tulong ng Diyos
Kikilabotz: malay mo ako na yun
Girl: duh!! hanap ko tulong hindi rape!
Kikilabotz: pakyu !! (nag walk out)

after 30 mins namatay ang girl