Tuesday, July 19, 2011

Nagkasalubong kami ni Ex

Matapos ang isang napakainit na tanghali ay ang isang makulimim na hapon, tamang tama para maglakwatsa kasama ang mga tropa. Tamang tama para ubusin ang oras sa aking napakaboring na araw. Tamang tama para magisip sa buhay kong maling mali.

Malas naman! Sa dinami dami ng inaya ko wala man lang sumama. Hay! Bakit ganun? I donk know whats wrong with them. Ganun na ba talaga kasama magpalibre? Buraot  nga ba talaga ako? Siguro Okay na rin  yung ganito.  Mas maganda na rin siguro na mapag-isa para makapaisip na matino, yung walang magulo. Maybe it is time na para mag withdraw naman ako ng sarili kong pera.

Ano ba naman ito? Tatawid ka nga lang may pila pa! Grabe namang PEd Xing to. Hindi ba pwedeng itulok ko na lang yung mga taong tumatawid. Masagasaan na kung sino masasagasaan. Teka... Parang kilala ko yung babaeng patawid na iyon ah?  Ayy Takte!! Si Ex.... teka..teka...san ba ako pwede magtago. Dun ba o dun? waaahh! wala na!  Malapit na siya.Sige na nga haharapin ko na lang. Sa dinami dami ba naman kasi na pwedeng pagkakitaan ulit dito pa..Dito pa sa tawiran.



uhmmmm " ehem ehem hi....".. Ano kaya yun?  nginitian lang niya ako. Ok na rin siguro yun. Matagal tagal na rin pala nung huli kaming nagkita..Siguro 4 or 5 years na. Pero astig. Wala pa rin siya pinagbago. Ang ganda ganda pa rin niya. Ang totoo mas maganda pa nga siya ngayon, mas seksi at mas maputi. Humaba na rin ung buhok niya. Bakit nga ba ako nakipaghiwalay sa kanya? Ang perfect perfect niya. sobrang bait , maganda, seksi, malambing. Lahat na ata ng hinahanap ko nasa kanya  na. Mahal na mahal naman niya ako.. Bakit nga ba? Oo nga pala.

Tama! panahon na siguro! Panahon na para itama yung mga pagkakamali ko sa buhay. Panahon na para magsorry, Panahon na para humingi ng kapatawaran dahil iniwan ko siya nuon. Panahon na para aminin ko sa kanya na siya pa rin ang mahal ko. Panahon na. Yes! excited na ako. Pakiramdam ko nagkaroon muli ng direksiyon ang buhay ko. Woooohhh!Alam ko na! Dadaan ako sa flowershop! bibilhan ko siya ng napakaraming bulaklak. hehe. Sigurado ako magugustuhan niya yun.

Waaaaaaaaaaahhhhh! Ano bang nangyari!? bakit ganun? bakit parang wala akong maalala. Wahhhh! Bakit ko pa kasi sinabi sa tropa ko ang tungkol sa kanya? hindi ko na alam ang gagawin ko. My gulay! Oh my gulay! Hindi ako maaring magkamali. Siguradong sigurado ako sa nakita!!  Wahhhh bakit tumutulo ang luha ko? Naman ang sakit sakit! Anong  klaseng pakiramdam to? Bakit ko pa kasi narinig ang mga katagang.....

" Pare! Nagpapatawa ka ba? Hindi mo ba alam na apat na taong patay na ang ex mo? Namatay siya sa isang aksidente"




fiction

26 comments:

Madz said...

base!

Axl Powerhouse Network said...

anu to real or fiction?

THiNK+ said...
This comment has been removed by the author.
Madz said...

tsk saklap naman neto... reminder lang siguro niya yan na pahalagahan natin yung mga taong nagmamahal sa atin kasi nga baka mamaya katulad niyan maging huli na ang lahat.

EngrMoks said...

Ang moral lesson cguro nito pare, kahit sino mang tao na naging parte ng buhay natin dapat pahalagahan, kaibigan man o kamag-anak, ex man o kaibigan.

Orange Pulps ♥ said...

hmm..pang short story nah to ha :) kala ko true na talaga...

khantotantra said...

tama si moks.

akala ko real story mo kikilabots.

Diamond R said...

nakakagulat ka naman Kilabotz.KInalbotzan ako.
Ano ba ang nakain mo ngayon.

Ungaz said...

Hindi kaya kinukuha ka na niya?tsk tsk...nagpapaalala lang sayo yon.hala sige dumalaw ka na sa puntod niya.:)

gillboard said...

fiction ba 'to? tumitwist ang kwento mo ha.

Anonymous said...

panalo! siguro konsensya na lang nya yun kaya nya nakita ung ex nya.

YOW said...

Fiction naman siguro to no?

Ikaw na ang story teller na din ngayon. Parang mali lang yung way mo pinasok ang ending. Hahaha. Ang yabang? Akala mo critic at writer? Joke lang yun. Hahahaha

Anonymous said...

ay mumu na pala hehehe...

siguro may nagawa si lalaking ndui makalimutan ni babae.kaya nagpakita..lagot kamo!

Arvin U. de la Peña said...

kung hindi namatay ang ex mo malamang masaya ang pagsasama niyo.....

kikilabotz said...

@ mads- base ka jan!!? whh yun b yun
@axl- naks ikaw na best commentator. hahaha

@moks- cguro nga sir mokz. congrats bida ka sa hot seat

kikilabotz said...

@orange pulp- bwhahaha. xempre ^_^

@khanto- hahaha. nagppractice lang gumawa ng kwento ikaw namn

@Diamond r- wala pa nga ko nakakin sir eh. penge ulam

@Ungaz- ungazzzzzzzzzz. hahha. fiction fiction fiction

kikilabotz said...

@gillboard- yap sir fiction siya

@bino- bwahaha, pwede..on the spot lang kasi ginawa ang story. nyahaha

@yow- bwhhaha, nagfefeeling nanaman ako noh? subok subok lang

kikilabotz said...

@jay- hala ikaw kaya yun..haha. true story mo? hahahaha

@arvin- wateverrrrrrr!! hhahah. joke sir fiction siya ..

krn said...

ikaw na magaling magfiction! akala ko totoo na e. :D

kae said...

fiction pala. hehe

p.s. syempre magaganda mga pangasinense e. ahem (x

definella said...

ang sad naman nun.. pwede mo pahabain ang story, tas upload m0 sa wattpad.. galing eh.

Unknown said...

akala ko may bago ka nanamang pag-ibig. naloka naman ako dito. kaya pala lalong naging maganda at seksi kasi nasa langit na. hehe..

Anonymous said...

sinasaniban ang post na ito ng mga ala-ala ng kahapon.. hahaha galing naman mag-imbento...

kikilabotz said...

@karen- ikaw na nagpapadugo ng ilong ko

@ella- bwahahaha, salamat sa papuri totoo b toh?

@mayen- haha fiction lang po siya wag ka maloka, mababwasan ng maganda dito sa blogosphere

@kiko- wow nmn nagbabalik ka! ^_^

Sey said...

akala ko sa dulo magko-comment ako ng I knew the feeling kung paano makita ang mga taong matagal mo ng hindi nakita pero wrong pala ako.

Sana fiction lang to, nakakalungkot kasi. Tapos kung kelan mo narealize yung mali mo, it's too late to say sorry.

Kung fact naman to, siguro there's a message for you.

eMPi said...

OMG! Patay na pala!