Friday, July 22, 2011

Nagkasalubong kami ni ex (girl version)

Para mas lubos maunawaan ang kwento basahin mo muna ito




Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit ganun? Bakit hanggang ngaun hindi pa rin ako matahimik? Ano bang problema ko? Ano bang dapat kong gawin para maging ok na ang lahat? Para makapagpahinga na ako.Pagod na rin kasi ako. Nakakasawa na.




Ilang taon na akong ganito, palakad lakad dito sa tawirang ito. Paulit ulit lang, wala na bang katapusan to? Ganito na lang ba palagi? Akala ko dati kapag patay ka na wala ka nang problema, akala ko lahat ng sakit, lahat ng pagdurusa kasama ko ng maililibing sa hukay, nagkamali pala ako. Hanggang ngayon , kahit multo na ako, minumulto pa rin ako ng mga problemang ginawa ko.



Si ex, ang mahal kong kong ex boyfriend, mahal na mahal ko siya. Hindi ko nga alam kung bakit eh, hindi naman siya gwapo kagaya nung crush kong blogger na si kikilabotz, pero mahal na mahal na mahal ko siya. Marami nga ang nanliligaw sa akin pero si ex lang ang nakapagpalambot sa puso ko.



Pero, bigla niya akong iniwan. Nasaktan talaga ako dun. Kung sa bagay, hindi ko siya masisisi. Sino ba namang boyfriend ang hindi magagalit kapag nakita mo ang girlfriend mo sa isang sex video? Wala naman. Wala naman.



Simula nun, hindi na siya nagpakita pa, pero patuloy pa rin akong humihiling sa itaas, na sana, na sana muli siyang magbalik. Kaya nga kahit anong mangyari, araw araw, gabi gabi , hinihintay ko siya sa aming tagpuan, sa tabi ng tawiran.





Lumipas ang ilang araw, nabalitaan ko, nagpakalayo na pala ang ex ko, pero hindi din nagtagal, nasiraaan ng ulo, nabaliw daw dahil sa depression. Kasalanan ko naman talaga. Hindi ko man lang naipaliwanag sa kanya ang lahat. Ang tunay na nangyari.





Ngayon, patay na ako. Isa na lang akong kaluluwang ligaw na hindi matahimik. Haayy. May pag asa pa kaya na muli kaming magkita? Kung meron man, at kung mabibigyan kami ng pagkakataon ng tadhana. Kung magkakasalubong muli ang magkahiwalay na landas namin. Ngingitian ko siya ng todo todo , yung smile na maganda, para maipakita ko sa kanya kung gaaano ako nagpapasalamat sa pagmamahal na ibinigay niya sa akin. Masayang masaya talaga ako. Mahal na mahal ko ang ex ko. At kapag nangyari yun matatahimik na ako.



Hehe, nakakatuwang isipin na PATAY NA PATAY ako sa kanya at siya naman ay BALIW NA BALIW sa akin.





fiction

17 comments:

hArTLeSsChiq said...

base sana! :)) nagustuhan ko toh kiki...

kumbaga medyo sad yung kay boy version pero ito...wala lang light lang siya.. napangiti me ng sobrang laki abot tenga pa :)

EngrMoks said...

"hindi naman siya gwapo kagaya nung crush kong blogger na si kikilabotz" makapagyabang lang pre! LOL

May okay to kesa sa isa. Mas emo yung boy version.

Diamond R said...

May ganito talaga boy ang girl version.
ang lufet.

ayos ang word verfication
siabbscr

empi said...

Bidang bida ka kiki. Ikaw na! Hehehe!

Pero sana... may pagkakataon pa silang magkausap kahit sa panaginip or somewhere else para matahimik na si babae.

khantotantra said...

baliw na baliw at patay na patay.

ahehehehe.

sana mabigyan ng chance magkausap ang dalawa. possible naman kasi minsan ang baliw nakakakita ng multo

Bino said...

ayos ! from the girl's point of view naman to. galing ah

iya_khin said...

kasing gwapo talaga ni kiki ha! lels! patay at baliw?! hirap ngang pagtagpuin yan!

=supergulaman= said...

weeee... seryo at sad yung story.. pero parang natatawa ako..dahil kaya yun sa mga banat na "PATAY NA PATAY ako sa kanya at siya naman ay BALIW NA BALIW sa akin"? siguro siguro nga...

pero kung anu man...may mga bagay talaga na posible at imposibleng mangyari...katulad nito seryosong kwento pero kahit papano pinagaan mo ang dating..ayuz! ^_^

Jam said...

Ayan na naman yang pa fiction fiction mo huuuuuu! hehehehe! mis u!

Jhiegzh said...

Woaaah, galing2! Bilib na talaga ako sau nurse Marvs. galing magsulat along with Bino and Goyo..Two thumbs up~

iamzennia said...

Ganun ba? Kaya pala hindi matahimik.. ahehehe :)
Isang post na nakakagaan ng kalooban.. like.

Youni said...

nakikisali sa usapan... helloooooo!!! fiction man sya pero kung sakaling totoo at sakin man mangyari sana wag na kaming magkita EVER...

YOW said...

Cute nga. :) Eh di ikaw na ang writer. Pumifiction.

glentot said...

Kaawa-awang girl kay Kikilabotz pa napuruhan LOL

Jewel Clicks said...

Grabe, she's dying talaga to see the guy... galing ng post na ito.

Btw, I am your new follower, hope you will visit my page and follow too :)

jewelclicks.blogspot.com

kayren said...

panalo toh: baliw na baliw at patay na patay! ahaha

Traveliztera said...

nabasa ko ung boy version mo before!
sige, ikaw na panalo hahahha kulet mo!