Friday, October 28, 2011

Tagalog Inspirational Quotes ni Kikilabotz

Natutuwa naman akong balikan yung mga quotes na nagawa ko simula ng nagblog ako, so ito na yng mga compilation nag mga tagalog na inspiring quotes na naimbento ko. o yeahh. Enjoy


Ang taong tanga kung matinik malalim.

ang unang paraan ng pagiging masaya ay ang pag-alam sa mga bagay na makakapagpasaya sayo

Sa buhay ng tao. kung ang papansinin mo lang ay puro kalungkutan, Hindi mo mararamdaman ang sarap ng pagiging masaya, Pero kapag papansinin mo lang ay puro kasiyahan, Hindi mo mararamdaman ang sakit ng pagiging malungkot. I know it was both vital na maramdaman pareho. Pero db?Ano ang mas gusto mo? maging masaya o maging malungkot. Nakadepende yan sa bagay na bnibigyan mo ng attensiyon.

sa kada lungkot na dumating may sayang naghihintay mapansin.

Lahat tayo ay may kanya kanyang laban. Nasa sa atin na kung panu natin haharapin eto. pwede mong ipagpaliban, pwede mong paghandaan,pwede kang umiwas,pwede mong ayusin,pwede mong dahan dahanin pero ang hnd mo pwede gawin eh takasan. dahil hahabulin ka nito khit san ka pa magtago.

kung may problema ka! wag ka malungkot! dapat nga matuwa ka kasi alam mo! mahal ka ng Diyos. gusto lang Nya lumapit ka sa kanya.

(oo na mas magaling na sila mas cute namn tayo,,bleh)

Syempre hnd mo malalaman kung tama ang isang bagay hanggat hinde mo nasubukan at naramdamang nagkamali ka

naramdaman ko rin yang nararamdaman mo. mahirap talagang mapagkamalang artista. malas natin

Ingatan mo ang finger mo, Kasi hindi mo alam kung sino sino pwede mapasaya niyan

And it even answers the question kung totoo bang true love really hurts . Ang sagot, It was the absence of love that hurts. Ironically, It was love that can take all the pain away

manilip araw araw

palayuin mo ang tukso sayo, para habulin mo.hehe

Love. according nga sa kyut na blogger na si kikilabotz. Hindi kayang sirain ng libong libong milyang distansiyang naghihiwalay sa inyo. Ang pagmamahalang nagbubuklod sa isang Pamilya.

Above evrything else, Kung gusto mo nang pagbabago, Simulan mo ito sa sarili mo

Ang regalo ni God ang pinakaperfect sa lahat.Kaya Be proud kung gawin ka niyang regalo para sa ibang tao.

Kung nagkakaroon ka ng mga problema ngayon. Huwag kang mag alala. Cguro yang problemang yan ang makakapagpahinog sayo. Para sa tamang panahon. Hinog ka nang ireregalo ng Diyos para sa ibang tao.

KAHIT NA WALA KAYONG REGALO!!grrrrr basta ang mahalaga importante


tandaan mo ano man ang nakikita mo sa isip mo darating ang araw makikita mo itong hawak hawak mo.. ayun dededededesososososo


tatanungin nyo kung nasan na yung kulangot ko! Andun na sa gulaman na iniinom ng klasmeyt ko. Ang bad kasi eh hindi ako binigyan! buti nga sa kanya!

Una sa lahat dapat huwag kang matakot bumagsak. Kasi ang exam ay parang pag-akyat sa puno. Kung takot kang bumagsak malamang sa alamang hinding hindi mo susubukang umakyat hanggang sa pinakatuktok.

WAG GANUN!! HUWAG MO HANAPIN ANG TAONG MAKAKAINTINDI SAYO ! HANAPIN MO YUNG TAONG IINTINDIHIN MO.

love is blind ur face!!!brrrrrrrrrr! tusukin kaya kita ng ballpen sa mata!? mamahalin mo kaya ako?

Kung sa tingin mo naman walang nagbibigay ng love sayo. huwag na huwag mong kakalimutan si God! love na love ka nun

How badly i want u back. kung pwede lang ibalik ang panahon. Gaya ng dati. hindi pa rin kita malilimutan. khit isang daang milyong beses pa akong pukpukin sa ulo ng malalaking bato. walang bagay makakapagalis sayo dito. sa pusot isip ko.

kung kasalanan ang magmahal edi panghabang buhay pala akong makukulong sa bigat ng kasalanan ko sayo

To create a better world? Kalokohan.. Malaking kalokohan. Ang totoo ,Our world is in its best form na. Ang kelangan lng natin gawin is to appreciate eto and life will get better and better. Ganun kahenyo si God. His word is more powerfull than a nuclear bomb. Alam nya kung anu ang mas best paras atin. Kung nomomroblema k? relax k lng jan! Just do what you need to do and the rest c God n ang bahala . Papabayaan ka ba Niya? Never

huwag mong hintayin ang taong hindi dadating

Nangyayari ang mga ganyang pangyayari dahil may dapat mangyari.Anyare?

ang pinakamaasahan mo eh ang sarili mo. ang pinakamalaks mong backer ay ang Diyos at ang mga qualifications mo.

binigay sau yang problemang yan dahil ikaw lang ang may kayang magsolve nyan.

sa milyong milyong tao sa mundo, Ikaw lang ang napili Ni LORD na mging ikaw. alam kasi NIYA na ikaw lang ang may kakayahan na maging ikaw .

Iisama natin ang Diyos sa lahat ng LAKAD natin. tiyak TATAKBO ang iyong kasiyahan

Ang malaman kung alin ang tama at mali ay hindi sapat, Ang  pagpili na gawin ang tama ay mas nararapat. -kaTAMAran (pampakorni)




Kung sakaling nawawala ka o kayay naliligaw sa daan ng iyong buhay. Dont worry Tumingin ka sa tabi mo. May Nakahawak sau .anjan lagi si Lord sinasamahan ka sa bawat paglakad na ginagawa mo.

tama sila. Sa mga pagkakataong nabigo ka, pumalpak ka, nadapa ka, nadurog ka, wag kang mawalan ng pagasa. Atleast sa susunod na mangyari ulit ang mga pangyayaring maari mong ikabigo, ikapalpak, ikadapa at ikadurog maari mo ng maitama ang una mong naging pagkakamali.

be a better person kasi kelangan nya ng better you

langit lupa impyerno. in in impyerno. saksak puso tulo ang dugo. patay buhay umalis ka n jan sa pwesto mo. viva.



Sana nag enyoy kayo sa mga nakakainspire kong gawang mga kowts. bwaahahahaa. inspiring nga ba talaga?


gusto mo b ng mga JOKE? suportahan at bisitahin bago kong blog na JOKES KO PO! please like and share to support

More tagalog news and quotes at

 James Bang News Site

23 comments:

Anonymous said...

Idol ka talaga. Siyehht, ang dami kong natutunan ngayong gabi lang! :D

mr.nightcrawler said...

Haha. Naalala ko yung huling part. Madalas naming nilalaro yun nung bata pa kami. Saka siyempre, hanep ang saying tungkol sa finger! Napaka inosente ko lang! bwahaha

khantotantra said...

Kung sakaling nawawala ka o kayay naliligaw sa daan ng iyong buhay. Dont worry Tumingin ka sa tabi mo. May Nakahawak sau .anjan lagi si Lord sinasamahan ka sa bawat paglakad na ginagawa mo.- gusto ko to!

pahiram, ma status nga sa pesbuk

Anonymous said...

ito ang the best:

Ingatan mo ang finger mo, Kasi hindi mo alam kung sino sino pwede mapasaya niyan

Bino
http://www.damuhan.com

Kristeta  (kalokang Pinay) said...

Sige na nga! Antok ako nung inumpisahan ko itong basahin, ngayon gising na gising na ako sa kakatawa =)
Pero in fairness, meron namang ibang serious...
Ang tyaga mo ah, hehe =)

Akoni said...

gawin mong libro ito..suplado tips style..hehe

shy said...

TNT... ang dami kong tawa dito....bawat verse.. tatawa ka.. o kaya.. magpapakaserious lang.. tamang mei sapak lang. ehe.. :D

TWO THUMBS UP.. Isama na rin ang ibang finger.. lels!

Pao said...

LOL

"Ingatan mo ang finger mo, Kasi hindi mo alam kung sino sino pwede mapasaya niyan "

Unknown said...

Makabagong Bob Ong.
Ayos ang mga ito ang daming nakakatawa di dahil gusto mong magpatawa kundi nakakatawa sila kasi marerealize mo sa sarili mo na TAMA ka nga!
Astig.
Ipagpatuloy mo pa yang pag gawa ng mga nakakainspire na mga yan. Dahil ibang impact ang nabibigay ng mga yan sa ibang mga Tao.

Anonymous said...

ahahhaa... parang isang buong taong pinaghandaan at pinagisipan ang ga kowts...

tara05angelee said...

super great! hahaha amazing.. halos lahat gusto cu friend.. haha astig..

Sey said...

Yes, ang dami na nga. Suggestion ko, compile mo yan tapos gawa ka ng book. Book of Quotes by Kikilabotz - oh diba. Maraming makakarelate d'yan, basta pag sikat ka na at pusblished na book mo, penge kami ah.

mhaiyam said...

lahat na lng..alam mo na :))
gudluck sa future mu sna matagumpay ang iyong pgsikat..haha :P

SunnyToast said...

Love ko 2: ang unang paraan ng pagiging masaya ay ang pag-alam sa mga bagay na makakapagpasaya sayo"

tama e compile mo then gawin mong book then pamigay dito lahat na follower mo...lol:)

galing!

CHARRY said...

natawa naman ako sa mga banat mo. ;)

rugged breed said...

Some quotes are funny and some are inspiring, you did a wonderful job entertaining the filipinos!

Zero Dramas

Prime Aque said...

Another art of blogging bro! You made it! Ang galing! Di ba, gusto ko tong mga ginagawa mo dito, blogging like this way napapakita mo talaga ang dugong Pinoy! Masaya at inspiring and blog na ito! Kung babasahin mo talaga, hindi naman kalokohan! If I have to read it, minsan natatawa, minsan din naluluha, shame on me! Thumbs up my friend! :)

Anonymous said...

hahaa.. kilabot sa astig..

Anonymous said...

Super Like! Sana marami pang madagdag!

Magandang Araw sa'yo!

allinsurance4life said...

nice to see your blog

Anonymous said...

nice....napadaan lang ako sa blog mo pero no doubt, I enjoyed reading it...

Anonymous said...

..quite good,,medyo bitin nga lang..hOpe to read mOre on my next stOp...:))

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.