Umaga nanaman pala. Grabe naman tong cellphone ko. Ang bilis mag alarm. Kakasnooze ko lang nito ah? Nakakatamad bumangon. Haaaay.. Halos hindi nanaman ako nakatulog. Pang ilang araw na to . Maga nanaman ang mata ko. Hindi na ko natuto. Kamakailan lang sinabi ko na hindi na ko iiyak. Pero eto nanaman ako. Pang teledrama kung lumuha. Ang gulo ko. Tumingin ako sa salamin. Wow! Ang laki ng tigyawat ko sa mukha. Parang nunal lang ni Gloria. Sabi nila kapag may ganito daw may naiinlove daw sayo. Hmmmm . May naaalala naman ako. Nasan na kaya siya? Mis ko na siya. Bakit ba kasi palagi siya pabalik balik sa isip ko. Hahahaha . Ang gulo ko. Tinatanong ko pa. Eh ako naman tong paulit ulit na nag iisip sa kanya.
Ako naman talaga ang may gusto nito. Sabi na nga ng mga kaibigan ko, Wag ko na daw ituloy. Mahirap daw yung papasukin ko. Ewan ko ba. Ang gulo ko. Ako naman ang nagpumilit. Ganun yata talaga kapag mahal mo. Kahit anong paliwanag ng iba, Pipilitin mo pa rin. Ang gulo ko. Pero wala naman ako pinagsisihan. Naging super saya naman ako. Parang lumilipad na nga ako ng napakataas sa sobrang saya. Kaya lang bigla din akong lumagapak sa lupa. Kapag ganun pala wala sa katawan ang tama at sakit. Nasa puso. Naging mabait naman ako. Pero bakit...bakit....Wag na nga lang.
Haayy ang gulo ko. Mag gagabi na pero parang may kulang pa rin sa araw ko. Haayyy. Bakit ba kasi hindi ko nasabi sa kanya yung mga katagang “Hold my hand and never let me go” . Hahaha. Ewan ko ba. Ang gulo ko. Kaya ko naman tiisin lahat ng sakit . Ang hindi ko kayang tiisin. SIYA. Teka nga lang..Ang sakit na ng tiyan ko. Hindi ko na matiis . Cr muna ko.
Im back galing ebak..hehe..Ayos sa rhyme diba? Naisip ko yan habang pumupupu. OwH yeahh!! Hahaha. Puwede na ako maging makata.. Mabilis naman ako makaisip ng mga salitang tugma diba? Pero ganito rin kaya ako kabilis makakamove on? Teka ano nga ba sinabi ko sarili ko dati nung brokenhearted ako para makamoveon ako. Una sa lahat dapat patawarin ko ang sarili ko. Wag kong sisihin ang sarili ko sa mga pangyayaring hindi ko kayang kontrolin at ginusto. Madalas kasi hindi ko namamalayan na nasisi ko na pala ang sarili ko. Ayun nagiging bitter ako. Tapos dapat tanggapin ko na lahat ng nangyari sa buhay ko.Tapos let go. Para maluwag ako makapagsimula ulit. Ayun naging effective naman siya. Ngayon kaya gagana pa yung ganito? Pero bago ang lahat tanungin mo muna sarili mo. Gusto mo na ba talga mag moveon?
Ang gulo ko. Hekhek. Hindi ko na alam ang gusto ko. Hahaha. Ang gulo gulo gulo ko. Hihihi. Pero kahit naman na magulo ako. Meron pa rin naming Isang bagay ang sigurado ako. Mahal na mahal ko siya kahit saang ANGULO ko pa tignan.
22 comments:
kagagaling ko lang kay raibow box bumasa ng kanyang fiction. at saka pumunta dito. Akala ko nahihilo na ako parang naulit kong basahin ang post ni rose hindi pala si kilabotz na ito.Ang buhay nga naman parang life. sigi punta ka kay rose basahin mo ang "Anong oras na" Ganyan yata ang mga inlove.
ang gulo mo kiki. =P
halos parehas nga tayo ng pinost.
fiction ba talaga yung sayo? =P
hindi naman siguro napapanahon ito noh? mahirap pakawalan ang isang bagay na hindi mo alam kung gusto mo talagang pakawalan. bakit ba kase kumplikado ang buhay pagibig?
sure kang fiction to?
mukang true to life eh....
fiction lang ba talaga ko marvin? (yan para ndi kiki. lol.)
parang may totoong pinaghuhugutan eh :P
the art of letting go, the art of moving on. tsk tsk. nice fiction ah. parang TOTOO hehehehe
parang hindi naman fiction. ginugulo mo lang kami eh. ang gulo mo. hehe..
Kung minsan ganyan talaga mahirap mag move on lalo na kung mahal mo pa. pero kung hindi na nakakabuti sayo okay na mag let go. teka bakit ba ako nagpapayo eh fiction lang to diba? Ang gulo ko. hehe..
parang hindi naman fiction ito. sino kaya yun? hmmmm
hmmmm fiction?? I doubt it. Lol
di rin ako naniniwalang fiction to.. hehehe sorry..
dalawang linya ang nagustuhan ko dito.
"Pero wala naman ako pinagsisihan. Naging super saya naman ako. Parang lumilipad na nga ako ng napakataas sa sobrang saya. Kaya lang bigla din akong lumagapak sa lupa. Kapag ganun pala wala sa katawan ang tama at sakit. Nasa puso. "
at
"Gusto mo na ba talga mag moveon?"
Nagdadalawang-isip ako kung paniniwalaan ko bang fiction ito o hindi. Mukhang hindi e. :D
pare... parang totoo eh.. parang hinid fictional... parang may pinaghugutan.. heheheheh...
Ang gulo mo sa tutuo lang hahaha! Dapat yan ang Title eh ..pa cheezy ka pa dyan! at kelan pa naging ganito (Brockenhearted)ang spelling ng brokenhearted wahahaha! peace na carried away lng akala ko blog ko kya angreklamo ako hahaha! mis Bes! wag ka ng mag emote may fiction ficton ka pang nalalaman..wehhhhhhhhh!
Ang gulo mo.. ang gulo gulo mo.. kahit sang angulo ko tingnan to.. parang totoo.. hehe
wow!! si kiki inlab!!!waaaah!!!! magulo nga pag inlab di ka mapakali di mo alam kung ano gagawin mo! nakakatuliro! waaah!!!!
dahil naka-leave ako ngayon ko lang narinig ang background music mo, wala lang nabanggit ko lang kasi first time.
Fiction? weh di nga? pero yung mga suggestions or sinasabi mo sa sarili mo pag brokenhearted ka tingin ko effective yun ng super. Naalala ko sabi ng isang tao sakin, hay erase-erase.
Sabi ng aking punong tagapayo, hmmm,
kung mahal mo just go on as long as wala kang matatapakan ng ibang tao kasi nahirap ng balikan ng karma, di bale na daw masaktan ngayon, at least there's no way for you to go than up. Na share ko lang. Good luck sa iyong lovelife pare.
Parang buhay na patotoo ito? haha. ANg kire mo Kiki.
fiction? ows? weh?
parang totoo eh..may pinaghuhugotan ata ang post... ah guess ko lang naman yown, pero fiction na kung fiction! weeee!!! :)
`fiction pa ang gusto ! hahah :))
hahaha asus... kunyakunyarian pa raw... hahaha... kasi nama bat di pa aminin.. hehehe
Para syang true... Pero letting go is one of the hardest things, sometimes enough to let the poet in us come out...
Goodluck....
weh? fiction ba talaga itich? di naman eh.. realistic na realistic ang back from ebak.. lol..
hahaha.. wala akong masasabi sa pag move-on move-on na yan.. sabi ng iba mahirap pero alam ng lahat na possible namang gawin di ba...
Post a Comment