Monday, September 27, 2010

741

pangkaraniwan lang ang takbo ng aking buhay, Paulit ulit, Nakakapagod. Nakakasawa. Hanggang isang araw, Nag internet ako. Naglibang, Panadaliang tumakas sa nakakapagod na realidad. Sa address bar itinype ko ang http://www.pengengbold.com/. hehe joke lang. http://www.friendster.com/ , Nag log in. Nakita ang tatlong unread messages. Isa galing sa kaibigang naniningil ng utang, Isa galing sa kaibigang nanghihinge ng testimonials at yung isa galing sa babaeng hindi ko kilala

" hi pwede po bang makipagkaibgan? kung ayaw mo ok lng. "

Tinignan ko ang profile niya, At aaminin ko ang ganda ganda ng kanyang letrato. Sa sobrang ganda niya hindi mawawala ang isipin na isa siyang poser. O isang taong gumagamit ng  picture ng iba. Anyway, I dont care. Sa mga panahong iyon all i want is makahanap ng mapaglilibangan, makakausap, makakakulitan, mapagdidivertan ng masalimuot na buhay meron ako sa realidad. And she came perfectly at the right time. Kaya nagreply ako sa message niya ng

" sure, basta maganda! nanginginig pa! "

Kinabukasan, Nagreply siya at nagreply naman ulit ako sa kanya. Nagpatuloy at nasundan pa ang palitan ng mga mensahe. Nagkagaanan ng loob. Nagkakuhaan ng number. Naging mgtxtmate. Tumawag siya. Nagulat ako ang panget ng boses siya . Parang kambeng na nararape ng tatlong kalabaw. But nag eenjoy ako kausap siya.

Pero in real life, Meron akong problema. At that momment I am commited to someone. Yes! May gf ako. 3 months kami. Ang status is not good. Lagi kaming nagkakatampuhan, Nawawalan na ng time sa isat isa. Worse, wala na yung kilig factor. Good thing is, We still says  I LOVE YOU to each other. And i realized na

Sometimes it hurts more , nang masabihan ka ng i love you lalo na kapag alam mong hindi naman ito totoo

And a month later, Nag break kami

After we broke up, sobrang nadepressed ako. Kaya itinuon ko na lang ang sarili ko sa babaeng nakilala ko sa FS. Atleast may time siya, atleast may nakakakulitan ako , Atleast may naglalambing sa akin kahit through phone lang. Napansin ko na lang araw araw na kaming nag uusap. Yung panget niyang boses naging musika na sa aking pandinig.   Kaya nga e  I decided na ayain ko siya na magmeet na kami. Bad thing is. kahit ilang beses ko siya ayain paulit ulit lang ang nakukuha kong sagot. Hindi pwede

At that momment. Naging paranoid ako. Who is she?   Bakit ayaw niyang makipagkita? may tinatago ba siya?  Anong bang problema? eh ano rin bang problema ko? Bakit ganon na lang ako kainteresado sa kanya?  Gusto ko na ba siya? Oh  Inlove na ako sa kanya? Bakit sa kanya? eh ang dami naman jan sa paligid na may gusto sa akin. bkit sa kanya? Bkit sa kanya?

kaya kinunsulta ko si mr google. Nagresearch ako about her . and found out. ang daming kasinungalingan. So i txted her. SInumbat ko sa kanya ang mga natuklasan ko. Without waiting for explanation.  Itinago ko sa aparador ang cp ko. Pinilit kong hindi tignan. After two days na miz ko siya. kinuha ko ang cp ko at may nabasa akong txt message

"im sorry kung nagawa akong magsinungaling sayo, kita tayo ng mrt ngayon. kapag hindi ka pumunta kahit kelan hindi na ako magpaparamdam sayo "

Gulayness, pero late ko na nabasa yung txt niya. Isang araw ng late. Tinxt ko siya pero wala na akong reply na nakuha. Tinawagan ko siya pero hindi na niya sinasagot. Tinignan ko ym niya at friendster pero nakablocked na ko.

---------------------------------------------------------------
to my ex-  alam mo naman kung gaano ka kaspecial sa akin. Yun nga alang naging mahina ako.  Hindi ko na napaglaban ang relatinship na meron tayo.  Dahil sa nangyari napatunayan ko hindi mo ako desreve. na mas deserving mo ay mas better man.Sana patawarin mo na ako. And alam mo? mananatili ka pa ring special para sa akin. forever. and  I thank you for that

to babae sa fs-  Hi, Nang dahil sayo nalaman ko na ang love ay hindi bulag. Na ang tunay na pag ibig ay nakakakita ng mga bagay na hindi nakikita ng mata. At itinuro mo sa akin yun. Hindi man kita kilala. Kung sino ka man talga. Sana 1 day magkita tayo ng personal at maging magkaibigan

to all readers- Alam ko matagal na panahon na itong nangyari. Medyo nahihiya ako sa sarili ko, Na nagawa kong ipagpalit kung anong meron ako sa taong hindi ko naman kilala o nakita. Pakiramdam ko ang weak weak ko ng mga panahon na iyon. but no regrets sa mga pangyayaring ganito. Madami akong natutunan and become more mature.

Siguro ang isang mamang tulad ko, Ay minsan ding nangarap na sana totoo ang fairy tales.


-----------------------------------------------------------------

tatapusin ko ang kwento. after ilang months na paghihintay sa kanyang txt o tawag.  Walang nangyari. At dahil sa kagwapuhan ko. Nawala ang cp ko. At nawala na rin ang number niya sa akin. ang tanging naalala ko ay ang huling 3 numero sa kanyang contact number. 741

48 comments:

EngrMoks said...

Love story na nagsimula sa Friendster... matagal na rin ako hindi nabubuksan ang FS account ko, buhay pa kaya yun...

definella said...

ano yun.. M.U.?

:)

nagkaron din ako ng ganyan 2yrs ago eh.. pero hindi sa fs.. sa uzzap XD

Sendo said...

parang ang tagal tagal na nga ata neto...baka sa FB ka na naman may katagpo hehe...curious lang ako, baka kambing talaga siya ..joke..natawa lang ako sa description mo sa boses niya haha

Anonymous said...

:)

natuwa ako, saka nakarelate. kaso lang hindi ko alam kung ano ang tamang icomment.

buti nalang hindi nalobat ang cp sa loob ng aparador.

Ungaz said...

di kaya chiksilog siya?hahaha!joke...wooohhhooo.kakire ni kiki. hahaha!yaan mo makakatagpo ka din ktapat mo kaya steady ka lang.hehe

den said...

nice one... kikilabotz never failed to amaze me with all his post...

at least lumipas ang ilang minuto ng oras kong walang kwenta sa pag babasa ng isang kalokohang post... nyahahaha...

peace...

^^,

Kaye said...

Ayyyy! Love story. I like it. Teka, ano yung mga kasinungalingan ni babae sa FS?

Anonymous said...

there's always a reason for everything...

but at least u've learned ur lesson..hope so..

'walang perpekto na tao, lahat tayo nagkakamali..but it's always your choice my man!..'

^__^

glentot said...

Puta ka! May naitatago ka palang ganitong romance story ahihihi baka kasi lalaki si Miss Friendster kaya panget ang boses at ayaw makipagmeet! Anong mga kasinungalingan naman ang nareasarch mo tungkol sa kanya at bakit mas alam pa ni Google, close sila?

John Bueno said...

Basta talaga babae ikaw na! Hahahaha

YOW said...

Pakiramdam ko naman bading yung "babae' sa fs. Haha. Kaya hindi pwede. Madami nga poser sa mundo at hindi proud sa anung meron sila kaya gumagamit ng ibang mukha. Tsk tsk. Nung ginoogle mo siguro ang daming ganung account. Haha. Busted!

Ang landiiii ng post. Haha.

Null said...

lumalablayp ka na rin? LOL!

should i throw back your question to me?

"nung nakaraaan si glentot. ngayon ikaw naman? ano ba talga ng yayari sa mundo ng blogosphere"

Nyahahaha

mr.nightcrawler said...

wow.. friendster? so highschool! haha. wag ka malungkot, malay mo? magkita kayo in the future... hehe. siya pala ang destiny mo. hintayin mo ang malupit na picture greeting ko parekoy :P

khantotantra said...

Kamusta naman sa dami ng pangalan na babae bilang tags mo sa post na ito.

minsan, totoo ang fairy tales, yet di lahat ng fairy tales ay happy ending.

gillboard said...

naku, yung mga ayaw magpakita, yan yung mga may lihim na tinatago.

hehehe

anyway, lapit na yung hinihingi mo, hanap pako pichur.

chingoy, the great chef wannabe said...

your honesty to accept your weakness is a trait i have to admire.

mabuhay ka! :P

Axl Powerhouse Network said...

ang lupit kulet..... astigin ung story.... ganyan tlga ang buhay.. atless alam mo nagkamali ka at tinanggap mo yun di ba?
sobra bow ako sayo sa ginawa mong yun :D

Anna said...

uii nagbibinata na naman ang bunso! ano ilalagay ba natin sa dyaryo ito? yihii!

livingstain said...

hindi ka naman weak, ang pakikipaghiwalay sa isang kasintahang nakikita mong wala naman ng patutunguhan kundi isang kasinungalingan ay isang kagaling (totoo kagalingan yun), at lalong ang pagpapatagal ng isang relasyon na binubuo lamang ng hindi talagang nasa ay mas lalong hindi kabutihan.

sa babaeng hindi mo kilala at MRT ang trip na place of all places-nung binigyan mo sya ng time para makipagkita sayo ayaw nya tapos sya pa ang nagdedemand. well hindi talaga kayo bagay malamang kaya hindi na kayo hinayaan palawakin pa ang mga pangyayari.

yun lang nice post.

Anonymous said...

ok lang yan...may liwanag ang buhay...nyek meralco haha

-ssf-

Pong said...

alam mo sir marvs, may isa-suggest ako
ipakuha mo ang number sequence kay ate salbe yung natitirang numbers at ang probability nito malay mo mag work

bale 741 ang huli
09 ang unahan panigurado ngayon heto nalang numbers na kialangan mong pakuha kay ate salbe gamit ang kanyang technique 09******741
hihihihi

may pic greeting na ako pero hindi na WHLOE BODY PICTURE sa inyong dalawa ni boss jepoy hihihi
ayoko na ng kahihiyan

be blessed sir!

salbehe said...

May ganito ka palang nalalamang shit? Hindi halata. Hahahaha! Kung sino man si Ms Friendster, isang malaking kawalan.

PS. Bolera ako. =)

kayedee said...

seryoso ba eto marvz?
malang hnd! ang engot ko lang! lolz!

pero infernez nkarelate ako sa fs! ahahalolz!

-=K=- said...

Na-sad ako ng slight sa story mo. Na-sad ako sa gf mo na pinagpalit mo sa girl sa friendster and at the same time na-sad rin ako kasi you never got to see that girl sa FS. Hay. Ang love nga naman. Pero buti naman at may narealize ka ng mga bagay bagay out of that experience. Kaya mabuhay ka, Marvs! :) Tayo kelan tayo magkikita sa MRT? Nyahahahaha!

Will send you your pic greeting today. Mwah!

Pao said...

Woah. This is quite new to my ears. Parang hindi si kikilabot ang nagkukwento para parang siya din. hehe. Anggulo. Pero talagang parang gusto mo lagi may kakulitan at kalambingan ah. haha

pusangkalye said...

oi--kelan ba ang blog anniversarry? di ata ako marunong gumawa ng picture message e...hehehe

kikilabotz said...

@mokong- ahehehe. uhm try mo buksan sir bago pa mamatay. ahahaha

@ella- talga? ano naman ang nangyari? dali ikwento mo na. ahahaha

@sendo- ako rin naman natatawa sa boses niya. ahahaha

kikilabotz said...

@rainbow box- oo hindi siya nalowbat. uhmm no need to comment p. atleast anjan kayo at nakikinig sa aking mga kwento ^_^

@tungawski- wahahaha. dami k na nga nkitang katapat. ahehe. cguro hindi nmn siya chiksilog. ahahaha

@den- bwahahahaha.. dota na?

kikilabotz said...

@ kaitee- uhm mga kasinungalingan?, kinalimutan ko na kung ano ano ang mga iyon eh. hehe. ^_^

@anonymous- maraming tnx po sa support . apir!! hehe. hu r u anyway?

@glentot- oo nga at may tinatago rin akong ganito. at ayaw ko na itago. ahehehe

kikilabotz said...

@kumagcow- bwahhahaha. xempre nmn. pakilala mo nga akosa ga friends mo. haha

@yow- bwahahahaha. nung ginoogle ko, madami ako natuklasan na alalo nagpagulo ng isip ko. hehehe. nwei hnd naman ako galit sa kanya.

kikilabotz said...

@ roanne- wahahahahaha. so balikan n ng tanong ito? ganyanan ha? ahahahaha

@mr. nightcrawler- bwahahaha. yan ang gusto ko ... picture greetngs. ahahaha

@khantotantra- madami ba ang pangalan ng babae. bwhahahaha.. uhm sa tingin ko hindi pa nmn d end..hehe

kikilabotz said...

@gillboard- maraming tnx sir gillboard. ahehehe

@chinggoy- maraming salamat sir chinggoy. kaw ang best motivator. hehe

@axl g- maraming tnx ^_^

kikilabotz said...

@anna- wahahahaha. asaran ito.. gusto mo bng asaran tayo ha? ha? ha? bwahahaha


@livingstain- wow sir, sobrang natouch po ako sa mga comment mo. maraming tnx po. it boost may moral. hehehe. maraming maraming salamat sir. sa totoo lang sir nagpapasalamat ako sa dalawang babaeng yan. kasi kung hindi dahil sa kanila hnd ako magiging ganito. i became betterman . saka they will remain special para sa akin. tnx ulit sir ^_^

@anonymous ssf- hahaha. brown out

kikilabotz said...

@pong- bwahahahaha. sa sobrang tagal n nun sir baka iba na ang gamit niyang number. ahehehe. ^_^ sir baka yung balbon ah? hahahaha. maraming salamt

@ salbe- bwhahahahaha. hnd ba halata? uhmm cguro hindi lg ikaw o si gb, ako rin ay makikisali. ahahahaha. hahah. maraming salamt salbe

@kayedee- ang sama mo. lagi mo na lng ako pnagdududahan. ahehe apir ^_^

kikilabotz said...

@k- bwahahaha. nagtatako nga rin ako bkit sa MRT kmi magkikita un eh. hahahahaha. tayo bsta magsabi k lng kung kelan. ahahaha apir. nga pala mali ang pic greetings mo. hahahaha


@pao- ako yan. sa other side ng pagkatao ko. hehehe

@ pusangkalye- mang gaya ka lng. hehehe. dali na sir. parang awa mo na

gesmunds said...

we make mistakes in life,,
whats important is the the lesson we learned entangled to each mistakes.

Anonymous said...

@ gezmund- tama. ahehehe. maraming salamt sa moral spport
-kikilabotz

Traveliztera said...

dalang-dala ako a hehe!
nabitin ako... akala ko magkakakitaan talaga kayo ni fs girl! ayan tuloy, nawala na rin si phone mo... oo na,marami nang nagkakagusto syo dyan sa tabi2x at napili mo pa rin si fs girl hehe! pero magandang learnings nakuha mo sa lahat ng nangyari syo... ung respect and maturity mo sa approach mo sa inyo ng ex niyo e nakamamangha nga naman. at maganda rin naman natutunan mo kay fs girl--NA WAG NA ITAGO SA APARADOR AT UMARTE KA NALANG KUNWARI NA HINDI MO BINASA PERO NABASA MO NAMAN PALA para wala kang namimiss. hehehehe! joke lang. parang sabog sinabi ko. anyway... sinend ko na po ang aking pic greeting. :)

Super Balentong said...

mga kasinungalingan? hhmmm..

Jam said...

Kaya pla...kya pla..nangawit na pnga ko kakain ng chicharon at mani wala ka p rin sa tagpuan natin kc pala pinakulong mo ang CP mo Bleh buti nga sayo nwala kc inindyan mo ko hahahaha..mis u Bes!!! Oks na ba ang pix grit ko? this tym naunahan ko si sis...

Dhianz said...

*churi* tamad akoh magbasa lately nang blogs.. gusto koh lang dumalaw po... ei teka.. hangwafu moh naman palah.. i saw d video dyan sa page moh... kalerki... no wonder kikilabotz kah.. crush kita.. haha.. echoz lang un.. wehe.. so yeah.. salamat sa pagdalawa parekoy.. i appreciate it.. sori diz koment has nothing to do w/ ur post.. gusto koh lang po makidalaw.. ingatz! Godbless! -di

DRAKE said...

kelan uli deadline nyan??hehhhe

Pre bata ka pa naman kaya ganyan talaga wag mo munang seryosohin ang mga ganyang bagay.

sa ngayon, medyo mabigat pa sa iyo ang lahat sa mga susunod na mga araw, babalikan mo na lang yan at pagtatawanan.

Hehhehe!

ingat

jec mendiola said...

may alaala din ako sa friendster kaso magkakilala kami in real life. wala lang.

haha!

gumaganun ka pa kuya ;D

Mitchie said...

`waah . nkarelate nman ako sa post na toh ..
pero kuya , malay mo ndi kau meant to be kaya ndi sau agad pinabasa ung txt nya n mgkikita kau ..
teka . naintriga nman ako dun sa kasinungalingan nung girl .. heheh ..
parang TO BE CONTINUED tuloy ang post n toh .. :)

caloy said...

feeling ko dahil sayo, mabubuhay uli sa pagkakahukay ang friendster. hahahaha!

Anonymous said...

may nangyari pa lang ganito sayo, tsk! tsk! don't worry dadating din yung time na magiging happy ka. ^_^



-darklady

Anonymous said...

baka nga chixilog un.. tsk tsk tsk...

sayang nalimutan ko gumawa ng fan sign :(

lhalina..(n_n) said...

ayun pala un... ang saklap nman nun.. pero mbuti ndn ung d kayu ngkita ni ms. FS kse d n lalong nadagdagan kasalanan mu s ex mu..(late comment..now q lng nbasa frend e...)