Saturday, August 21, 2010

biyaheng langit

 Muntik muntikan nang hindi matuloy, Tumingin ako sa langit at humingi ng signs kung icacancel  ko ba. And then suddenly bigla na lang ako napadaan sa isang tindahan ng lechon manok .  At nakita ko nga yung sign na hinahanap ko. Nakalagay " BALIWAG" kaya tinuloy na namin


Ayos na ang lahat, Oh yeah na oh yeah na!! Maraming salamat sa aking mabait ngunit brocken hearted na kuya .  Nalibre ako ng isang hindi makakalimutang trip to Davao.

Pambihira! Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko ng mga panahong iyon. Parang sapilitan akong  pinakain ng dalawang platong kanin na ang ulam ay lugaw, Parang umubos at lumaklak ako ng sofdrinks na  pinaghalo -halong coke, royal at sprite dagdagan mo pa ng tamis anghang ketchup. Pugelshit! Weird pero worth a try. hahahahahaha

But to make things uncomplicated, Pinaghalong kaba at kabag ang nararamdaman ko.

Kaba , Dahil bukod sa first time kong makakasakay ng eroplano at sa paniniwalang nangangain daw ng tanga yung airport,
(baka ako lang ang matira at hindi makain. I dont want to be alone. haha)

 Maraming mga pangitain din ang nakapagpatayo ng aking balahibo.. sa puwet. Tulad ng....

1. friday the 13th ang flight ko
2.    7:06 am ako nagising.. Ibig sabihin 66 minutes after 6 am nun. 666? waaahhh!!
3.On the way sa Airport ilang beses na muntik mabangga ang taxi na sinasakyan namin.
4. Hindi pa lumilipad yung airplane umuusok na. Ano bang klaseng aircon yan?
5. Grabe! ang ganda ng stewardess (pakshit! hindi ko alam spelling) Isa siyang Anghel sa kalangitan. Literal. I dont know why pero kahit nasa langit na kami nadedemonyo pa rin pagiisip ko habang nagdedemo siya . parang gusto ko siya kausapin at sabihing

" ang ganda ganda naman ng dedemo..ay este! i mean, ang ganda ganda naman nang nagdedemo.." haha

Kabag, Siguro ganito talga kapag nangbuburaot ka ng pagkain. Sumasakit ang tiyan! Ayan tuloy!! Hindi ako terorista pero  parang gusto ko magpasabog sa eroplano.

Isa na rin sa dahilan kung bkit kami pumunta sa Davao ay para makalanghap ng sariwang hangin. Kaya paglapag na paglapag ng eroplano at matapos magsalita ng boses na parang kay Pinoy BigBrother. Nagmamadali kaming bumuba. ang kuya ko para alamin ang pagkakaiba iba ng hangin sa maynila at hangin sa davao.Ako naman para pakawalan ang masamang hanging  naipon sa aking tiyan.

Sabay namin pinikit ang aming mata, Nag inhale siya habang umuutot ako. Hindi ko naman iniiexpect na  may tutunog. Madalas kasi silent killer ang utot ko. Ayun! Dumilat siya at tumingin sa akin ng masama sabay sabing

" IBA NGA ANG HANGIN DITO! IBANG IBA!"

sorry kuya. lilipas din ang amoy niyan. relax  relax ka lang muna ^_^       


  pics
 


pinaakyat ko pa si kuya niyan para pictureran ako. nang magkasilbe naman. hahaha

Nasan po ng CR?

61 comments:

Trainer Y said...

natawa naman ako sa mga pangitain mo hahaha... kinabagan ka cguro dahil sa sobrang kaba mo ng dahil sa mga pangitain mo.. hahahaha anu ba yun?!

so kumusta naman ang davao? wer did u guys stay? nagpunta ba kayo ng samal island? :D (or ure still in davao?)

khantotantra said...

bait naman ng bro mo. umaga flight mo kaya kita mo ang ganda ng langit.

Anonymous said...

Goodah! Di pa ko nakakapunta ng Davao... :D :D

Pao said...

Lol. Lakas talaga! Nagpasabog ka pa dun sa Davao. hehe.

darklady said...

Nakakita ka ng sign na Baliwag dapat sinama mo na ako.Gusto ko din mamasyal.hehe

Nagbakasyon pala si kikilabotz. E nasan na yung pasalubong? ^_^

Jag said...

hayuf ka kiki! akala tuloy ng kuya mo polluted ang air sa Davao hahaha...

Ba't di 'nyo itinaon sa Kadayawan ang trip 'nyo? Sayang naman...

definella said...

ba't di nyo ako sinama ni kuya? LOL
(feeling close eh nuh ahihi)

Ungaz said...

hanep!naalala ko bigla ung "sa iyong gnda ako'y samba,sa utot mo, ako'y tumba!"hahahaha...pasalubong

D.L. Verzosa said...

funny post!!!

Pong said...

mgarereklamo niyan ang green peace sa iyo dahil nagpakawala ka ng polusyon sa davao at alam ko bawal ang anumang uri ng pampasabog sa davao di ba? yari ka kay mayor duterte (siya parin ba)?

hanep ka talaga sir marvs.
pasalubong po ha.

be blessed sir!

krn said...

akala ko andito yung picture nyo ni unnie..

Jam said...

Sana kumagat k ng konte sa pakpak ng eroplano pantanggal ng malas hahaha at kapab..bitin nmn kwento neto asan na yung mga EB ek ek nyo ni Sis unnie...ingat playboy..kaw tlga kahit saan yang mta mo puro mgnda ang hinahanap..mwah!haymishu!

Anonymous said...

bwahha kaya pala nagkapolusyon ang davao pagdating mo dito tsk tsk tsk,,,
naku wag na wag mong ibblog ang ating EB bwahaha...tama ng pang fb ang fessss ko lols~
iblog mo yung nag zipline kau ng guwapo mong kuya ahihi~~~

-Unni-:P

Madz said...

pambihira ka, at talagang nag iwan ka pa ng bakas sa Davao..LOL

bait ni kuya :P asan ba pix nian, patingin :))

Renz said...

baka naman ako ang kabagin sa kakatawa niyan :)) NICE> buti ka pa nakalipad na sa langit.. ako bawal pa.. XD

-=K=- said...

Wow Marvs fresh na fresh ka sa picture ah! Parang ako rin ay na-dede-monyo. Haha! Good to know na sinamahan mo brother mo sa pagka heart broken nya. That's such a sweet gesture. At dahil dyan, may kiss ka saken. Mwah! Hahaha!

P.S. Asan pasalubong ko?

Oliver said...

nice naman, padavao davao na lang. pyesta ngaun dyan dba? Kadayawan ba?
at para konektado ang comment ko, ang wordverification ko ay: "shotost"

YOW said...

Natawa ako sa comment ni Ungaz. Haha.

Nakanaman. Dumadavao. Kainggit.
Dapat tinuloy mo yung eksena dun sa nagdedemo (nagdedemo na lang, di ko din alam spelling ng ischuwardess. Haha. Parang habang nasa himpapawid,
inicha ka pababa. Ayos!
Amoy durian na sa davao, hinaluan mo pa.

Kaye said...

DAVAO? Hmmm.. Sarap diyan. :)

MiDniGHt DriVer said...

wow...ayos yan.. ganda sa davao... at ang dami ding maganda :-)

gillboard said...

nag river rafting kayo? saya daw nun.

jec mendiola said...

huwaw. pasalubong nomon kahit hangin na lang ng davao ^^

missbroken said...

wow naman.. sana nandun ako ng mga panahOn na yun sa davao.. nyahahahaha.. welcome to davao DUDE.. ganda dun diba? sana namasyal kau dito sa cdo.. nyahahahha...

Hack To The Max said...

ayown eh...sarap nga jan sa davao.. jan din me ngpunta nung unang nagsuot ako ng sinturong pangkaligtasan na may dedemo girls na magaganda..hahaha.. ganda sa davao...nice...

gesmunds said...

ambait naman talaga ni broken hearted kuya! :) hahaha! well,, ganyan din ako nung first time ko sa plane!

astig naman, davao,, pangarap ko pumunta jan, haayys! musta,, kwento ka pa... :))

Artiemous said...

hahaha! panalo to! :D

Super Balentong said...

relaxing na sana sa pagdama at pag langhap ng malamig at sariwang simoy ng hangin. kaso sinira mo, sundot sa ilong yun

kikilabotz said...

@ yanah- binalik namin pumunta pero ang manong taxi driver sa iba kmi pinunta

@khantotnra- kita ko nga yunng gnda ng langit. kita ko rin yung gnda ng nagdedemo.

@meg- punta ka dali. mgnda dun ^_^

kikilabotz said...

@pao- wahahaha. mas malakas yung amoy ng utot ko. hehe

@ darklady- gusto man kitang isama pero ayaw nmn ng bf mo. ^_^

@ jag- hahahaha. naku naku sayang nga at nagkamali kmi ng pagset ng date hnd kmi umabot

kikilabotz said...

@tungawski- ahahaha. natawa ako dun ah? ^_^ hehe.

@ ella- nxt kita hnd k nmn nagreply. hahaha

@ ailee- salamat. ^_^

kikilabotz said...

@ pong- yap si mayor duterte pa rin po. hahaha. uhm lilipas nmn yung aoy. huhuhu

@karen - wala p nga po eh. hehe. anakng tokwa

@ jam- bestfrn jam, miss yu na. hehehe. hnd ako playboy. kyut lng

kikilabotz said...

unnie- yap ipopost ko din pero bka magalit si kuya pag pati pics niya ilagay ko dito. hehe

@hartleschiq- ahahaha. bkit si kuya pa? ako n lng. hahaha. joke

@renz- bkit bawal?walang bwal bwal sa taong may gusto?

Pamela said...

nainggit naman ako sa trip mo (yung travel ha, hindi yung nakakasulasok na ginawa mo, hahaha).

ako din pala, perstaym kong sasakay ng eroplano sa setyembre. wiihhhh. exciting and scary. :p

kikilabotz said...

@ k- bwahahahaha. bka maddemonyo na rin ako sa kiss mo ha? nakain ko na ang pasalubng eh

@oli- hehehe. konek na konek nga. ^_^

@ yow- hahaha. eh magkasing amoy din nmn yun db? durian at utot. ahaha.

kikilabotz said...

@kaitee- yap masarap nga sa davao . hehe. punta k din ha? lire mo ko..

@MD- yap ang dami ngang magaganda sa davao. sayangat hindi ako nakapaguwi

@gillboard- un lang. kinapos kmi sa budget

kikilabotz said...

@ jeec- cg cg. irerecycle pa sa tiyan ko. ^_^

@missbrocken- sayang nga dapat nagpunta ka dun. sayang nga nkita sana kita

@nafacamot- talaga sir? bka isa lng yung nkita nating nagdedemo na mgnda. haha

kikilabotz said...

@gesmund - mabait si kuya sa mababait na kapatid. hehe. xempre nmn makakpunta k rin sa davao ryt?

@artiemous- panalo din yung post mo sir..

@superbalentong- mukhang nagsisi si kuya at ako ang sinama niya. hehe

kikilabotz said...

@pamela- hindi namn nakakasulasok yun eh. lilipas din nmn un db? ahahaha.. naks makaklipad k na rin oh yeah..^_^

kayedee said...

adik ka! base ka jan! adik ! adik!! ahaha.. hamishu!

kikilabotz said...

@ kayedee- ang daya mo khit sa blog ko hnd m n ko binibisita. hmmp. missyu din

Rico De Buco said...

tol amoy na amoy hanggang dito sa manila utot mo lols haahah ayos ah sana makapunta din ako ng davao hehee

sikoletlover said...

natakot din ako sa usok nung pers taym kong sumakay ng cebupac. parang eksena lang sa isang horror film. tipong pagkawala ng usok nasa ibang dimenshon ka na harhar

Yen said...

Wow, panalo yang expereince mo ha, Ang baet naman ni kuya.

glentot said...

Hahaha tae agad ang ginawa! Pasalubong??????????

shea said...

ahaha... ang lupet mo talaga kikz..

wow close na kayo ni kuya? ang lakas mo mang uto..

ang lupet naman ng pics.. san yung iba?

mr.nightcrawler said...

astig ka naman parekoy. naiingit tuloy ako. kuha ka ng maraming pictures at i-post mo agad. hay naku, pupunta rin ako dyan. promise! hehe. have a safe trip.

taga-bundok said...

LOL @ "ang ganda ng dedemo"
so sa davao pala ang destinasyon... sana tumikim ka na rin ng "durian". :]

Anonymous said...

aw sa sobrang kaba ba yan at hinanap mo agad ang cr!

p0kw4ng said...

ahahahaha naniniwala ka sa mga pamahiin?

ganda ba ng Davao? more pekpektyurs nemen dyen!

Anonymous said...

ibang klase ka ah! nagcompute ka pa talaga ng minuto! haha pero masarap naman magerplane diba? haha. pasalubong!

Anonymous said...

nakaswerte ka na naman sa broken-hearted mong utol. langya! haha! swerte mo! next time sama ako!

Vajarl said...

Kiki, paki explain saken kung ano ang BROCKEN HEARTED. Explain!

Lol.

Kunwaring Writer said...

Gusto ko rin sumakay ng airplane! Naks ... buti ka pa..' May turbulence ba? hehe

darklady said...

hahaha.meganon? papayagan ako nyan! ^_^

C.C. said...

probinsya ko yan! ganda ng mga beach (at girls haha) diyan, sobrang mura pa ng pagkain tsaka beer. :-) haha!

Null said...

bakit ala kang cbox... hays... anyway, congratulations 1st place! :)

Ayie Marcos said...

Haneps ang pose, parang Mr. Universe, nakapamewang--kwento na!

pusangkalye said...

kaladkarin kana talaga. which is a good thing. habang single, samantalahin. and you know what, pagdating sa ganitong bagay, minsan dapat go go go lang. walang nang isep isep, baka magdalawang isip pa dimo alam ang mamimiss mo sa dako pa roon.

Yodi Insigne said...

ok lang yung utot dun, amoy durian naman yung airport dun..LOL
tawa ko ng tawa sa post na to... naalala ko kasi nung first time ko sa plane.. nagtataka ko bat umuusok yung aircon.. Ha ha ha.
ang saya ng blog mo.. napilitan tuloy ako na ilagay ko to sa blogroll ko.. hintayin ko yung post mo about davao..
Ishallreturn!

FerBert said...

Superstitious ka pala.

Hindi pa ako nakakapunta ng Davao kahit anong lugar sa Mindanao. Next target ko yan bago ako lumayas ng Pilipinas. LOL

Anonymous said...

wahahahah... ang badoy mo nman