Tuesday, August 17, 2010

Si kuya

Marami ang nagsabi na ang kuya ko daw ay  ang upgraded version ko.

Siya ay ang mas matangkad na ako,
mas mabait na ako,
mas masipag na ako,
 mas mapagkakatiwalaan na ako,
 mas macho na ako,
mas habulin na ako,
 mas mayaman na ako,
In short  MAS GWAPO PA RIN AKO.  haha. sa baranggay kayo magreklamo.
bwahahahahaha (tawang demonyo)

Ok balik tayo kay kuya. Siya ang buhay na example ng tall, dark and handsome tapos dagdagan mo pa ng kotse. Kaya nga marami ang nagkakagusto sa kanya. Pero once a gaspar will always be a gaspar. Kaya nga kahit gaano pa siya kagwapo eh loyal pa rin siya sa kanyang minamahal.Yan ang tatak ng Gaspar.oh yeeahh

Naalala ko nga nang minsang magkasakit siya. Tatlong pangalan lang ang kanyang nabanggit. Si mama, Si papa at ang kanyang gf. Para sa kanya ang gf niya na yun ang babaeng gusto niyang pakasalan.

Sobrang sakit ng katotohanan,Dahil  3 buwan bago ang kasalukuyan. Nagkahiwalay sila.

Ramdam ko ang lungkot ng aking kuya.
Alam kung gaano kahirap ang kanyang dinadanas.
Nauunawaan ko kung gaano kasakit kapag nagfflashback yung masasayang memories na alam mong hinde na muulit pa.
walang kasing sakit walang kasing hapdi

To make the story short.

Inuto ko siya para ilibre ako...oh yeeeahh

48 comments:

Jag said...

Ganun lang pala ang sekreto para malibre oh yeahhh...adik! hehehe...

Pong said...

tamang adik lang
once a gaspar is always a kilabotz
parang si kuya nakipagbreak yung long time gf niya at two weeks siyang hindi nakkausap tapos biglang text sa akin ihanap ko na daw siya ng work sa saudi

eheheheh
dapat pala pag-uwi ko gamitin ko yan sa kanya ng mailibre din ako
be blessed sir marvs!

Rah said...

Aww... naovershaddow ka ni kuya! :) hahaha ok lang yan, nasayo naman lahat ng chicks. :)

Jepoy said...

napakabuti mo talagang utol, instead na bigyan mo sya ng mga comforting words at ipakilala sa bagong mag papasaya ng betlogs este puso nya eh, nakuha mo pang mag palibre. Sus!!

khantotantra said...

grab the opportunity ang naganap.

at least na libre ka

kayedee said...

xge n ikw na ang huwarang kaptid! pakilala moko Kay kuya! ehehe

gillboard said...

ang hirap naman magpalibre sa kuya mo, kelangan muna makipaghiwalay... hehehe

pusang kalye said...

diko alam kung para saan tong post na to---kung para ipakita na mabuti kang kapatid at gusto mon g tulungan kuya mo na maka-move on o para ipag-diinan na mas gwapo ka sa kanya. hahaha---peace

Chingoy said...

hahahaha... ngayon ko lang nbapanood ang magik mo... libre sayaw! LOL

wawa kuya ah! bri-neak na, nanlibre pa yahu!

-=K=- said...

Wow Marvs, tall dark and handsome ba si Kuya? Ano ba ang cellphone number nia? Nyahahahahah! Alam mo, sa magkakapatid walang mas labis, walang mas kulang. Pantay pantay lang kayo sa mata ng mga magulang nyo. At sa mga mata ko, mas labis kang maalindog at matikas! Yebah! Hahahaha!

Anonymous said...

daya mo marvs di mo man lang ako pinakilala sa kuya mo ng napunta kayo tsktsktsk lols~~
ikaw na ang guapo siya ang may kotse haha

-unni-

YAKEE RICO said...

hhehehe sinamantala mo ang kahinaan ni kuya hahaha..langya ka, makauto nga din hehehe

bulakbolero.sg said...

oh yeah... lol. kahaba haba ng intro, librehan lang pala mauuwe. nyahaha. piz!

karen anne said...

sana hindi mo sinabing inuto mo. haha. wawa na nga kuya mo palibre ka pa. ikaw manlibre dapat. lol joke :)

Diamond R said...

lucky u

Pao said...

Haha. Lakas!

definella said...

nakz parang dama mo yung lungkot ng kuya mo wah. aheh! tama yan, sige karirin mo ang pang-uuto.ahaha apir!

Jam said...

Oist..pasalubong ko asan ha??????

At pakisabi sa kuya mo pakihintay nya tong inaanakin mo ha...hehehe

Haymishu...

BatangGala said...

kala ko isang heart touching message para kay kuya, yun pala, nagpalibre lang.hehe:))

gesmunds said...

ok lang sa kanya kahit ilibre ka niya ng ilang beses.. ang kelangan niya kasi ngayon e hindi luho,, kundi kasama na makikinig at magsasabing magiging ok din lahat!
i know,,parang ganyan din ako date. ;)

Pamela said...

ok na sana eh. may biglang palibre pa sa dulo. hahaha. anyway, it's been awhile. bagong itsura na pala tahanan mo. :)

2ngawzki said...

sulitin mo habng single..wlang pgkakagastusang iba!hahaha

TUBI said...

ehem. eh di abilabol ulit si kuya mo? *kindat*

at least anjan ka naman para sa knya.
yown ang importante. =)

gandang gabi marvs!

kikilabotz said...

@jag- oo nga ganun lang. bwhahahah
@pong- be blessed po. ahahaha. ^_^
@rah- wahahahahaha.. sana nga

kikilabotz said...

@jeps- relax lang po pareng jepoy.haha

@khantotnra- oo nga. grab grab lang.hehe

@kayedee- wahahaha. magpakita ka muna sa akin. haha

kikilabotz said...

@gillboard- oo hnd nmn maxado..nyahaha

@ pusangkalye- peace peace ka jan. hmmp. hahahal joke lng sir

@chinggoy- welcome backsir chinggoy

kikilabotz said...

@-=k=- yan ang gusto ko sayo eh..hahaha. cg pa utuin mo rin ako. pakiss nga

@unnie- oo nga eh, medyo mahiyain kasi..haha

@yekee- hahaha. wag bad yun. ako lang dapat

kikilabotz said...

@bulakbolero- sadyang pinahaba ko lang. hahaha.

@ karen- wala nga ako panlibre eh. ako n lng libre mo. hahaha

@diamond r- lucky u too. ahaha. tnx sir

kikilabotz said...

@ella- pagkakataon na hnd dapat palagpasin. ahahaha

@jam- ahahaha. pwede po ba ako na lng maghintay sa inaanak ko? ahaha. joke lng..^_^. excited na ko mkita baby mo..

@batanggala- kala ko nga rin eh. hahaha

kikilabotz said...

@gesmund- at ako rin ganun dati. hehe. ^_^..sabihin mo pag brockenhearted ka ha? papalibre ako..hakhak

@pamela- waaaaaaahhh. oo bago na po ang itsura..hehe. pero ikaw hnd nagbabago mgnda ka p rin. ayiiiii

@tungwski- oo mission accomplished

kikilabotz said...

@ tubi - gndang gabi rin sayo. uu available na siya. ^_^

Ako si Yow said...

At least siya ang nire-reminisce nyo yung gf niya. Kami yung mismong kuya. :( Sumesenti? Amp.
He's just like that. Better version of me. Pero sa pagaguhan, ako panalo. Haha.

jec mendiola said...

aw. nakakalungkot naman :(
naalala ko tuloy yung kuya ko at gelpren nya dati.

alam ko ang pakiramdam, affected ka din. pero ganun tologo koya.

*walang kwentang comment. hihi*

Super Balentong said...

panis ang ganyang style sa akin. haha,

kikilabotz said...

@ yow- paxensiya at kung may naalala ka.. be thankful na lng kasi nabigyan tayo ng panahon makasama siya. ayt?

@jec- ahahahaha. hnd mo kasi nitapos eh. ahaha. ^_^ oo affected din ng konti

@super b- hahaha. ano po ba ang mgndang style master?

glentot said...

Tsk tsk tsk ipakilala mo ang Kuya mo kay YJ para sumaya sya...

AdroidEnteng said...

wahahaha..maganda pa lang istayl yung ganun para malibre...masubukan nga..hehehe

Kaitee said...

Para sa akin, ikaw pa rin..

ang pinakamatangkad
ang pinakamabait
ang pinakamasipag
ang pinagkakatiwalaan
ang pinakamacho
ang pinakahabulin
at higit sa lahat,

ang PINAKAGWAPO.

Kaitee said...

Pahabol sandali:

Palibre naman! WAHAHA!

EMOTERA said...

ayos! adik nga. hehehe...

followed you by the way. :)

http://emoteramuch.blogspot.com

MiDniGHt DriVer said...

Ayos! may nakakuha na kong bagong style!

Very useful ang post mo na 'to. lolz

chikletz said...

gusto kong magmura pero di ko magawa! LOL! kainis bakit ung kuya ko hirap utuin kahit broken hearted?! ampf!! ayoko naaaa!!!

Meg said...

Pambihira naman akala ko kung ano hahahahahahah saya siguro magkaron ng kuya.. ako wala e.. Swerte mo nauto mo cya XD

darklady said...

ay sus kaya naman pala bonggang bongga ang pagpuri sa kuya nya! hehehe. si marvin gaspar talaga!

Kosa said...

basta Gaspar! haha

palibre kuya!

Anna said...

shocks hindi ako magpapakita sa iyo pag-uwi ko, ganun pala style mo. haha

Yna said...

gusto ko rin ng kuya... :D

Ayie said...

Ehem, brother kamusta ka na? (heheheh, biglang naging kapatid?).

Broken hearted ba ika mo---magaling akong mag alaga.

**teka, may humihila ng buhok ko sa ilong

...bilang kaibigan.

--oo nga may asawa na ako, caring lang talaga ako eh.

hahahah!