Thursday, September 13, 2012

Pag-ibig na Pak na Pak , Kwento ng Anghel na isa ang pakpak (kabanata 1)

 Ang Simula ng Pagiibigan

Ang saya saya sa pakiramdam kapag araw araw nakikita mong masaya ang mahal mo, yun lang kuntento na ako.Yun lang, masaya ko nang naididisplay yung ngiti sa mukha ko. For almost ten years na patuloy na pagdadasal, sa wakas naabot ko na rin ang pinangarap ko. Yung makita ang babaeng mamahalin ko. At yun ay si Reena. 

Kasamahan ko sa trabaho, ahente din ng lupa kagaya ko. Maganda at sobrang puti.Parang cotton candy sa kaputian. Ay teka! mali. Pink pala kulay ng cotton candy.Sorry sorry  hehe. Naalala ko pa nga nung unang beses ko siya nakita.  Jokeskopo!   hanggang ngayon  nga kinikilig pa ko.Sa office, bago pa ako nun  sa trabaho and  at that time and I was looking for someone na pwede ko pagtanungan kung nasan si boss, dun sa table malapit sa bintana, dun ko siya unang nakita. She was siting in front of the computer,busy sa pagtatype. di ko masyado kita yung mukha niya , natatakpan kasi ng mahaba niyang straight na buhok. Lumapit ako, sabi ko

"Miss pwede magtanong?"

Nagulat siya, bigla niyang close yung ginagawa niya and then tumingin siya akin. Tapos biglang sinabing

" How can I help you sir?"  

Lecheng hangin  yun at sumabay pa sa eksena, parang eksena  tuloy sa isang lovestory na pelikula. Nakatingin siya sa akin habang ang mga buhok niya ay  dahan dahang sumayaw dahil sa hangin na nanggaling sa bintana.That was the first time na nakita ko ang mga mata niya. It was looking straight to my eyes habang dinidisplay yung matamis niyang ngiti. Pakiramdam ko nga natrap na ko sa mga titig niya and there is no chance na makaalis pa ko, kung meron man. I will choose to stay. Forever.

Damn it! Yun na yata ang pinaka masarap na  " how can I help you sir" na narinig ko sa buong buhay ko. Priceless!  I cant even say a single word nung mga pagkakataong yun. Kabaligtaran sa nangyayari sa puso ko na paulit ulit ng sinisigaw yung lyrics ng isang sikat na kanta na Thank God I found you.


"Hi, I'm Miko , bago lang ako dito. Pwede mo ba maituro yung  office ni boss?"

" So ikaw pala yun? By the way, I'm Ms. Reena. Your new partner"  Habang  inaabot niya yung kamay niya para makipagshake hands.

Kung sinuswerte ka nga naman. Kapag dumating nga talaga ang blessings sabay sabay. May bagong trabaho ka na , maganda pa partner mo, nahawakan mo pa kamay ng future mo. Oh diba? Heaven on Earth.

"Nga pala miko, busy pa si boss sa meeting niya with the clients. habang naghihintay ka, ifill up
mo muna tong pansamantalang ID mo"

Ouch! Ito yung pinaka ayaw kong part sa lahat. grrrrrrrrrrrrrr

      Miko                      Langot                     Naknamputcha
      ___________________________________________
   First name            Middle name                 Lastname

                                          Age: 22



Ayun, pagkabasa niya, tumawa yung tarantado. Jokeskopo! tawang giraffe pa!




itutuloy


10 comments:

Jewel Clicks said...

awww... ang cuuutteeee at kulit ng post na ito! :D hahahaha :D

Regards to Miko! XD

Jewel Clicks

hana banana said...

wahahaha!!!!!!Naknamputcha!

Bino said...

ipost na kasunod! lol :D

bulakbolero.sg said...

Tunay kwento mo ba to kiki, pinalitan mo lang ang pangalan, trabaho at lugar?

Superjaid said...

wahaha kulit ng name nya. haha tanong ko lang pano yung tawang giraffe?hihi

glentot said...

shutanginang pangalan naman yan kahihiyan. pero pakiramdam ko mas nakakahiya yung full name ni reena...

bagotilyo said...

naisip ko din kung pano yung tawang giraffe :D

atikon said...

ang galing! idol kita sa pagsusulat ng mga kwento. ako'y nagsisimula pa lamang sa larangan ng pagsusulat.

i hope you will include me in your blog list mentor.

Thanks :)

umleo23 said...

astig tung entry na toh... pang comedy romance na pelikula wahahahhaha

Ester Yaje said...

hanep! mukhang true to life to eh. no? no? no? aminin!