Tuesday, July 10, 2012

Para sa babaeng Nagpatibok ng aking puso

Para sa babaeng nagpatibok ng aking puso,

                    Matagal tagal din akong naging single. Bakit? Kasi dumating sa point na inakala ko na ang True Love hindi nageexist. Na pag dating sa isang relationship,  Yung the one na mas magaling maglaro ay yung laging nananalo at yung the one na nagseseryoso, BOOM! At the end siya yung laging umuuwing talunan. At minsan, kung mamalasmalasin siya din yung  luhaan.

Until nung una nating pagkikita, no words were spoken. Tinitigan mo lang ako sa mata . Ang epekto? It Changed my life.

Totoo pala na ang puso gawa sa involuntary muscles, Sa ayaw at gusto man natin, titibok ito ng kusa. Good thing, ang tinitibok ng puso ko ay sa babaeng gustong gusto ko. At ikaw yun


Bwahahahahahahahaa. tama na ang ka cheesyhan


Nagsinungaling ako sayo, diba sabi ko matutulog na ko? Ang totoo hindi naman, andito ako ngayon sa harap ng computer. Ginagawan kita ng isang simpleng letter. Wala lang, gusto sana kita isurprise ngayong monthsary natin eh. Haha. Alam mo? Ngayon lang ako nahirapan gumawa ng letter. Iba pala talaga yung pakiramdam kapag super mahal mo yung sinusulatan mo, Yung pakiramdam na nagamit mo na yung mga words na “sobra, grabe at pinaka” pero di pa rin sapat para idiscribe kung gaano kita kamahal, kung gaano ako kasaya at kung gaano ako kaswerte sa lahat.

Isa sa hindi ko malilimutang story, ay yung kwento ng tatlong hari. Si Melchor, Si Baltazar at syempre yung cute at poging poging si Gaspar. It’s all about their journey. Sinundan nila yung pinaka malaking star sa langit. At ayun nga, dun nila natagpuan ang pinaka the best blessings.
Kagaya ko din, Sinundan ko lang yung malaking star at yun na nga natagpuan ko ang pinaka best na regalo natanggap ko sa buhay ko. Hehe. Paulit ulit kong sasabihin, ikaw ang good karma ko.

Di na ko magpapaligoy ligoy babe, Mahal na mahal  na mahal kita at gagawin ko lahat ng best ko para lang mapagrow pa ang relationship natin.

Happy Monthsarry

I Love You

15 comments:

ef said...

i love you so much... thank you for everthing! :))

Bino said...

woooot!!! very thoughtful! ito ang surprise na boom! astig

bagotilyo said...

an sweet sweet eh :)

ardee sean said...

ayiiii... ang swet mo.. happy monthsary senyo.. :P

mommyJunkie said...

Ang sweet naman..*clap clap clap* Madalang ang mga katulad mong nag aabala maging cheesy sa pamamagitan ng pagsusulat?pagtatype?=) Sana magrow pa at ma deepen. *ngayon lang nakadaan ulit=)

Chikletz said...

ampf! ayoko naaa!! mashadong sweet!

LOL!

anyway happy ako for the both of you :)

o sya dami nang langgam. haha!

riChie said...

happy monthsary sa inyo! :)

Superjaid said...

sweet. happy monthsary sa inyo. =D

Sey said...

Naibalik mo ang salitang "KILIG" sa vocabulary ko. hahaha. Happy monthsary sa inyo :)

glentot said...

kikilabotz may taglay ka palang landi! hahaha more power sa inyong relationship congrats!

Arvin U. de la Peña said...

happy monthsary sa inyo..

arnz-leng said...

aray naman aray,..andaming langgam..hahaha.. ngayon lang ulit napadaan..at inlababo ka na ngaun..hongrayyts!.. :)

Anonymous said...

Ummhh...sana nga iba ka sa mga ibang guy jan sa umpisa lang magaling pero at the end kukupas din...

huwana said...

mas masarap talaga pakinggan/basahin yung Filipino kesa sa English.

Anonymous said...

wow..?????????
ganda!