" Lord kapag hindi siya nagtxt bago mag alas dose ilelet go ko na po siya. tatanggapin ko po kung ano mang signs ang ibigay ninyo"
Ito yung mga panahon na hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar at hindi ko na rin alam kung saan ako pupwesto. Gulong gulo na ang isipan ko, ang tanging solusyong naisip ko eh magdasal at humingi ng sign. Habang hinihintay ko mag alas dose paulit ulit kong hinihiling na sana magtxt siya.
Dumating na ang alas dose, pero wala akong txt na natanggap galing sa kanya. Panahon na siguro para isuko ko siya, Panahon na siguro para isuko ko yung pagmamahal ko sa kanya. Mas makakabuti siguro kung ilelet go ko na siya. Siguro mas masaya siya, siguro mas makakabuti para sa amin yun, siguro one day meron mas better na darating. Siguro tanggapin ko na lang. Bigo ako, at siguro ito yung gusto ni Lord para sa akin
"Kikilabotz, anong nakapagpabago sa isip mo?"
Minsan, kapag wala na tayong makapitan, humihingi tayo ng signs kay Lord. Siguro para kung sakaling pumalpak may palusot tayo. "ay kasi ito yung gusto ni Lord para sa akin eh. kaya tatanggapin ko na lang." And I realized, mali pala yung ganun. Binigyan tayo ni Lord ng sariling pag-iisip. Para tayo mismo ang pumili ng mga bagay na gagawin natin. God wants us to choose yung totoong bagay na makakapagpasaya sa atin.
You will know the truth, and the truth will set you free.-John 8:32
Ilang ulit ko din tinanong ang sarili ko, Ano nga ba ang makakapagpasaya sa akin? At iisa lang ang nakukuha kong sagot. Si Soulmate.
Nakapag decide na ko, Ipaglalaban ko si soulmate ko. Kasi mga tulad niya ay hindi sinusuko, dapat ipinaglalaban. Alam ko mahirap, alam ko maliliit lang ang chance at alam ko rin pwede akong masaktan. Pero ganun yata talaga kapag nagmamahal ka.Kaya nga gagawin ko ang lahat ng makakaya ko basta para sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Para sa soulmate ko.
hahaha. sorry kung medyo cheesy nanaman ang post ko, pasensiya na inlove lang talga ako. hehe. Susuportahan mo ba ako?
19 comments:
in love! masasabi ko lang, ipaglaban ang dapat ay sa iyo, sa pag-ibig hindi dapat sumusuko. naks! ala lang masabi
I remember reading a very importnt life lesson in "The Art of War" which is applicable in what you are gong thru. Sabe ni Sun Tzu (author), a good soldier knows when to fight and when not to. So if you really feel that she's worth the battle then go for it. If it doesn't turn out the way you'd want it to be, just remember that we're just a tweet away. Iinom lang naten ng mindoro sling. Haha!
Ang masasabi ko lang, if she's really youre soulmate then no need to make extra effort kasi kung soulmate mo siya ano man ang mangyari, mag abot man ang langit at lupa, maghalo man ang balat sa tinalupan magiging kayo pa rin.
Tama ka sa sinabi mo na may chance na masaktan ka sa desisyon na gagawin, pero ganun naman talaga love needs to take a lot of risk and with this risks na pinili natin dun tayo makakapag-isip at makakapag desisyon ng mabuti.
Pero follow your heart. Kung ano nasa puso at isipan mo Go!! suportahan taka!
hehe
inlove ka nga!!! ayiiiii!!!! oo naman susuportahan taka! tama ipaglaban mo kung anong magpapasaya sayo at tama din na we are given a decision to choose! korekek! cheesy ka talaga lately pansin ko..sumeseryoso na ang iyong blog ah!
minsan may tinatawag na Lord's time. Maaring hindi siya alas dose, magtext. Maaring ala una. Maaring ang hindi para saatin ngayon, mapapasaatin bukas. There's a season for everything - bible.
very well said, i learned very important lesson to this.
thanks
never lose hope. minsan ang hinihingi nating signs ay di talaga dumarating for a reason. Dahil ang buong experience ng pagiging in-love na mismo ang senyales. you just need to locate it inside your heart.
Hindi mo rin natiis noh. Yung mga advices mo sa akin di mo rin nagawa. Haha! Well, susuportahan kita. :)
ayos inlove ka pa rin. :) ako din hindi humihingi ng sign kay Lord. Lahat ng desisyon ko dapat panindigan ko kasi ako naman ang pimili nun.
may balita pala ako sayo, alam mo ba yung google analytics, makikita dun ang dami ng taong napapadpad sa blog mo at kung anong key word ang ginamit nila sa search engine para mapunta sa blog mo. meron nag search "i love kikilabotz".. hehe natawa nga ako eh. meron kang secret admirer. lol
hindi kita susuportahan, manigas ka. (after few minutes at naging frozen kikilabotz nga - korni lang pagbigyan. haha)
para sa akin, kung san ka masaya, basta wala kang natatakpakang tao sa ginagawa mo. sugod lang.
sa tingin ko pag di mo pinaglaban yan at para sa'yo talaga yan, baka sa bandang huli magsisisi ka pa, dahil wala kang nagawa.
pag pinaglaban mo naman at wala ding nangyari, atleast nagtry ka. no regrets.
mas mabuti ng sumasabak sa gyera ng lumaban at natalo, kesa natalo ng walang ginagawa.
kiki. goodluck and Godbless.
Ikaw lang ang talagang makakapag decide tungkol dito dahil ikaw lang ang nakakaramdam kong gaano mo siya kamahal. Siguro bata pa ang minamahal mo kung kayat di niya pa alam ang pweding mawala sa kanya. Pero kung makakapaghintay ka at ipaglalaban mo siya ano kaya ang gagawin niya pag narealize niya ito.
Ganon pa dahil marunong kang manalangin nasa tamang landas ka ng iyong tinatahak.Just have fun kilabotz.
maki baka, wag matakot! ay mali pang welga pala yown..XD
henyways kung kaya pang ipaglaban go lang ng go,pero kung nasasaktan ka na ng bongga eh tama na siguro..in the right time malalaman mo rin kung enough is really enough.:)
pengeng beer!!!
certified inlove ka nga kikilabotz, kasi naging ganyan din ako , kahit ano pa ang iadvise sayo ngmga taong nakapaligid sayo. ikaw parin ang masusunod... Good luck =)
sige lang, laban lang ng laban! lolzz basta alam mo rin sana ang limitasyon mo, kung kailan ka dapat tumigil...may quote din kasing kung hindi para sayo, hindi mapapasayo :D
sige ipaglaban mo ang soulmate mo..dahil importante siya para sa buhay mo..
follow your heart! iba pag inlove hehe
ang landi ni kuya marvz :)) hahah. landi ng comment mo sa page ko .. =p
anyway, ganyan din ako before eh. humihingi ako ng sign.
pero naisip ko, kung kami . kami talaga.
kung para kami sa isa't isa, kami talaga.
minsan baliwala yang mga sign na yan eh. kasi minsan ung sign na dumadating satin, un ung mga ayaw natin kaya mas naaapektuhan tayo at mali ung mga desisyon na nagagawa ntin.
basta ang alam ko, KUNG MAHAL MO SYA. WAG MONG PAKAWALAN. IPAKITA MO NA KAYA MO SYANG IPAGLABAN. :))
buti nabasa ko toh. ang ganda ng message. akma saken, har, (x
Post a Comment