Saturday, April 30, 2011

Buhay pa ako

dear readers,
              Kamusta na kayo?Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Kung ako naman ang tatanungin ninyo, huwag kayong mag alala. Buhay na buhay pa ako!
Medyo pagpasensiyahan niyo na lang ako dahil sa mga nakalipas na araw ay hindi ako nakapagsulat. Hinahanap ko kasi ang aking sarili. Naglayas ata! Badtrip! Hindi man lang nagpaalam, edi sana nahatid ko siya.diba? hehe. Pero ang totoo hindi naman talaga ako nawala, medyo updated pa rin naman ako sa inyo. Kasi naglilibot libot pa rin naman  ako gamit yung english kong blog. haha. Ayaw ko lang ipagkalat kasi mali mali yata ang grammar. Pero kung sino man ang makahula nun. May premyo. Pwede kayong pumili its either mabigyan kayo ng karapatang mahawakan ang walang kasing hot  kong Abs o kaya naman ay manirahan sa singit ko. hahaha. joke

Kung ako naman ang tatanungin ninyo? Huwag kayong mag alala. Buhay na buhay pa ako! umuulit? hahah? walang pakialaman! Sulat ko to! Ako bida dito! hahaha. Dun sa petshop magreklamo! Bakit sa petshop?  Walang pakialaman ! Sulat ko to. hahahaha. Ano na ba nangyayari sa akin? napaka corny ko!

Oo nga pala,nung last week nagcelebrate ako ng bday ko. Syempre hindi ko pwede kalimutan yung mga sumuporta sa akin. Yung mga nagpadala ng video greetings. May utang ako sa inyo. Kahit black saturday ang  araw ng aking kaarawan,Nang dahil sa inyo, nagkakulay na parang rainbow. ^_^

(  mautak na jay,  artistahing bino,  artisitic na angelo,  supportive bestfren dyan, seksing bestfren  len, mahiwagang anna ,  mistisang kamilla, seksing madz, hot na hot na si ayie at astig na chikletz) 

maraming salamat na rin sa mga nagpadala ng picture greetings, hehe. kahit pasaway kayo at hindi sumusunod sa instruction. Thank you na rin sa mga nakaalala at bumati sa fb, at maraming maraming salamat din sa mga nakalimutang bumati. hehe. wag mag alala tumatanggap naman ako ng cash eh. hehe. thank you na rin sa mga haters. haha. yehey may haters na ko, sikat na ko.  ulit, Thank you

Balik na tayo sa kwento, dahil nga sa kagustuhan kong maging special ang bday ko. napagtripan kong gawin ang isang bagay na hindi ko pa nagagawa. Ang magluto. hehe. At since favorite ko, Spaghetti ang niluto ko. So gumawa ako ng dalawang klaseng spaghetti,una, para sa mga special na tao para sa akin. Syempre ang mga ingredients first class. Kaya nga kahit malaki ang pagkakahiwa ko sa sibuyas at nadamihan ko ng bawang. Masarap pa rin. Parang ako lang. haha. Tapos yung pangalawa, yung pang give aways. Kinapos ako ng ingredients kaya kinailangan kong maging creative. Wag kayo! pawis ang puhunan ko dun. haha. kasi habang naghahalo ako ng sangkap, sa sobrang init yung pawis ko diretcho tumutulo sa sauce. joke lang.  Pero kung umiral nanaman ang kapilyuhan ko nung mga time na yun. lalagyan ko ng kulangot yun. haha. E mukha namang magandang pangsubstitute sa karne yun. haha. saka hindi naman mahahalata. mukhang pamintag buo naman. hahaha.  hanggang dito na lang. welcome me back ^_^

nagmamahal,
kikilabotz   

Nga pala, bago ko makalimutan. ishashare ko lang sa inyo yung sinabi sa akin ng kaibgan ko...

Ang tanging paraan para  lagi ka  maalala ng mga tao ay, Utangan mo sila.

37 comments:

MOKS™ said...

Tagl nwala ah... Welcome back.

Diamond R said...

akala ko kkung saan ka na pumunta ang tagal mong nawala kilabotz.

Paatung nga pala.

YOW said...

Ang ganda nung quote. Haha. Tama nga naman.

I welcome you back. Haha. Mas matagal pa din pagkawala ko no? Haha. Kakabalik lang din.

Belated happy birthday. Pasensya na at hindi ko talaga kayang ivideo ang sarili ko. Haha. Picture na lang sana.

Unni said...

tae sa kulangot buti nalang d ko natikman spaghetti mo ~~~~
sino kasi yung mga pasaway na di nagfollow ng instruction??haha
pasaway cla sabihin mo puahahah..pero sympre wag ka din choosy kikilabotz,,,,
ok ikaw na ang sikat~~~woot**
ang dami kong tawa sa sulat mo,,kahit inaantok nko sa kinauupuan ko sympre nawala yun dahil sa sulat mo,,:P

~ JaY RuLEZ ~ said...

ikaw na lang ang kumain ng spageti mong may kulangot hehehe..


welcome back!

Pao said...

Hahaha. Favorite ko yung last linena galing sa kaibigan mo. LOL.

Bino said...

yun!!! nagbalik din! at walang anuman para sa aking puyating vidgreet hehehe

mayen said...

Nagulat ako at nag comment ka sa akin. Akala ko namatay ka na. Buti na lang buhay ka pa. Belated Happy birthday! Buti at naging masaya ka sa birthday mo.

Favorite ko din ang Spag.. Anyway, masaya ako andito ka na ulit. TEka parang alam ko yang English blog mo or kamuka mo lang. hehe.. bakit kasi ayaw pang i-reveal.

o sya welcome back!!

khantotantra said...

Ang tanging paraan para lagi ka maalala ng mga tao ay, Utangan mo sila. >>>> tama, di ka malilimutan pag ganyan.

welcome back at patikim spag :p luto ka ulit

newstartleah said...

Belated Happy birthday, Marvin.. Kahit di ako nakagawa ng pic-greeting.. eh yung fb greeting ko naman eh from the heart. hihi. choz!

Meron talagang dalawang klase ng spaghetti. hehe.. Pang speacil at pang-give aways. haha.. Loko. Ewww sa kulangot. haha.. yuck.

Eniwei, welcome back. Makakabasa na naman kami ng mga priceless at nakakatuwang posts ni Kiki. :)

Kench Alegado said...

Hahaha EPIC ung spaghetti and ung saying ROCK ON!! hehe!

yelai abiel said...

"Ang tanging paraan para lagi ka maalala ng mga tao ay, Utangan mo sila."

ganun pala yun? ROTFL

_a_n_o_n_y_m_o_u_s_ said...

ang corny nga..
dahil ba yan sa inspired o uninspired?
bwahahaha..
peace migs..^_^

talagang tagalog na tagalog tau tsong aah..d ako sanay, prang nasanay aq na english speaking ka..nakakamangha kasi mas lalo kang nagiging kyut..
bwahahahaha..^_^
ang maniwala matabang mascot..hihi

Bem-vindo de volta
välkommen tillbaka
Bienvenue à nouveau
Witamy z powrotem MIGS..

oh namangha ka na nman?
isa lang ibig sabihin nyan..
tantararararan..


inshort WELCOME BACK migs..
ehehehe..^_^

_a_n_o_n_y_m_o_u_s_ said...

P.S.

yung Month mo hindi ba dapat MAY na yan? hihihi..^_^

Godbless..

Matok said...

Dear Kikilabot,

Makilala mo kaya ako? Isa akong dating namatay na muling nabuhay at naglipat lang ng bahay.Pag nahulaan mo kung sino ako may kiss ka sa noo..lol

Nangangamusta lang...

Akoni said...

Nagbabalik si KIKIlabot...hehe..kapag nahulaan ko ang english blog mo, pautang ako...

mommy-razz said...

buti naman buhay ka pa.. hahaha! be-lated happy birthday kikilabot.. hndi ako si madame auring kaya di ko muhulaan English blog mo.. hehe!

maligayang pagbabalik..

Diamond R said...

happy birthday na lang ulit. bata ka pa naman marami pang birthday na pweding palamapasin.

Axl Powerhouse Production Inc, said...

loud trip yung last line ha... napatawa mo ko sa wala sa oras hehehe :D

welcome back :D

Renz said...

oooops nakalimut ako. lost din kasi ako this past few days. babati na lang ako. Advance happy birthday next year :) patikim ng spaghetti :)

Xprosaic said...

happy birthday sa iyo dito... buti nakahabol pa ako sa pagbati sa fb...lels

kikilabotz said...

@moks- maraming salamt at nandito p rin kayo

@Diamond R- hahaha ediba mas mayaman ka sa akin? hahaha

@yow- ayos lang. hahahaha. cg na ikaw na ang mas matagal nawala.

kikilabotz said...

@uni- aha! nagtanong ka pa ha? ikaw ikaw ikaw. hahahaha..

@jayrules- hahaha, masama bang magshare? nyahahaha. tnx sa video pala sir

@pao- hahaha. favorite mo? edi bilhin mo sa akin bente. o kaya pakilala mo ko sa mga friend mong chiks..haha

kikilabotz said...

@bino- salamat sa pagwelcome sa akin. hehe. pogi mo nga pre eh..

@mayen- talga? talga? kilala mo? ahahahahaha

@khanto- hahha, sir maraming salamt sa video greetings. hehe. ge lulutuan kita.

kikilabotz said...

@kench- ipec fail! nyahahaha. tnx sa pagbisita

@yelai- yap ganun talga yun. hehe.

@anonymous- bkit anonymous k e magkakilala nmn tayo. ahahaha.. ^_^ and dami mo ng natutunan ah?? paturo.hehe

kikilabotz said...

@matok- kung nagsisimula sa letter A name mo dati..malamng tama ako..

@akoni-hahah mukhang alam mo na ata eh. nyaayykkk

@mommy raz- hahahaha. uhmm hnd mo kelangan manghula. just be aware lang po. hahaha

@diamond r- hahaha, maraming salamat ^_^

kikilabotz said...

axl- hehehe. sayang. dapat umiyak ka rin. hehe

renz- wala wala makakalimutink na bata ka pa. haha. joke

@xprozaic- oo nga pre, buti nakahabol ka. hahaha

_a_n_o_n_y_m_o_u_s_ said...

Ako pa madameng natutunan?
ikaw n madameng alam..
anonymouz aq pra sa iba like what u've said..walang pakialamanan! gusto q yan eeh..hehehe

nga pala dahil pinaalala mo..
nagtatampo na ako..
d mo aq binate..huhuhuhu..
i hate u migs.. :P

empi said...

Natawa ako sa huling linya mo. Lol! Mangungutang na ako para lagi nila ako maalala. Lol!

-ssf- said...

Sorry naman hindi kita nabati, belated happy birthday! Pautang!!! hihi

musingan said...

bumalik na siya.. sana tuloy tuloy na yan....

♥superjaid♥ said...

welcome back po!

tabian said...

good luck sa kumain ng estapaygey mo..hehehe

belated pee burpday! :D

Sey said...

wag ka mag-alala naalala kita kaya wag mo na akong utangan. hehehe, pero tama ang hula ko, na may iba kang blog. alin kaya yun, mahanap nga. sana magtagumpay ako.

Buti naman naging masaya ang birthday mo.

gillboard said...

belated maligayang bati!!! at welcome back!

miss Gee said...

"Ang tanging paraan para lagi ka maalala ng mga tao ay, Utangan mo sila." hhhhmmm my sense. parang ganto lang din yan eh..

"kung ayaw mo makalimutan ka ng boyfriend mo kwartahan mo"

hahahhaha. welcome back kikilabots
welcome back din sa'kin :D

SkippyHeart said...

uy, back to blogging na pala ang cutie na kikilabotz! naks! hehe! ;)

Welcome back, bro! *CHEERS*