Wednesday, February 2, 2011

sino bang dapat mahalin


Napukaw ang aking damdamin kanina habang pinapanuod ko yung palabas na  Mara Clara. Ang istorya ay  umiikot sa dalawang sanggol na sa  ilang mga  kadahilanan  ay napagpalit. Napamahal at  Lumaki sa hindi nila tunay  na mga magulang. Matapos ang  ilang  mga taon, Nagkatagpo ang kanilang mga landas. At hindi naglaon nalaman na rin nila ang katotohanan.  


Sino  nga ba ang mas mamahalin mo?  Yung taong nakasanayan mo ng mahalin sa mahabang panahon o yung taong  nararapat sa pagmamahal mo?

Habang pinapanuod ko ang  Mara Clara, At hinihintay maging 18 sila mara at clara para pwede ng ligawan.  Biglang kumatok sa  aking isipan ang katanungang iyan.  Sa tingin ko, Hanggang sa ngayon marami pa rin sa atin ang hindi kayang sagutin ang tanong na ito. Siguro dahil sa takot na baka makasakit sila. O kaya naman sila ang masaktan.  

Bakit nga ba ganun? Bakit kelangang may masaktan? Bkit kailangang may pumatak pang mga luha? Hindi ba puwedeng  masaya na lang lahat?  Totoo nga bang true love hurts?
Putaragis! Kanina pa ako pinapapak ng lamok dito. At aaminin ko, It hurts lalo na kapag kinakamot ko. Meaning ba nito  nagmamahalan kami? Masarap kayang makipaglips to lips sa lamok? Wala lang naitanong ko lang. Virgin pa siguro yung lamok na napatay ko. Nagdudugo eh. 

 Haha seryoso  na. Game! Sa aking opinion susubukan kong sagutin ang mga katanungang ito. Sino nga bang mas mamahalin? Actually, Para sa akin hindi mo naman kailangan mamili. Pwede mo namang mahalin sila pareho. Magmahal ka lang ng magmahal. Love as many as you can. Sabi nga  ni Lord mahalin rin natin kahit  mga enemies natin. Just to make things clear, Hindi porket sinabing mahal mo ibibigay mo na ang katawan mo. Give love to everyone but your body to only one. Sa ganitong pamamaraan. Wala ng masasaktan,  Wala ng luhang papatak dahil sa hinanakit. And it even answers the question kung totoo bang  true love really hurts .   
Ang sagot,  It was the absence of love that  hurts. Ironically, It was love that can take all the pain away

Happy February everyone ^_^

44 comments:

EngrMoks said...

Naks naman nanonood pala ng Mara Clara...hehehe parang naabutan ko yang eksena na yan kanina sa paglilipat ng channel...

Mahirap yang tanong mo na yn...lalo na sa ganitong ayaw dalawin ng antok!!!!

Kung Hei Fat CHoi!!!

Anonymous said...

wow... dun nalang ako sa mara clara mag comment.. ahhaha... sana naging kaedad nalang nila ako para meant to be.. huhuhu the absence of love really hurt talaga... :(

Neneng Kilabot said...

mahalin mo kung sino talga ang tinitibok ng iyong puso..

pero sa plagay ko..
virgin pa tlga yun lamok..lol

gillboard said...

pamilya naman yun. pwede naman mahalin pareho.

at adik ka pala sa mara clara. hehehe

Leemi said...

Minsan mas nakakakasakit tayo hindi dahil sa hate kundi dahil sa Love natin ung isang tao… ahmm.. basta ganun, hirap iexplain, sa mara clara na lang.. kahit ilang beses nila ulitin ung mara clara, same pa rin ung takbo ng story, alam ko naiyak ako noon kase bitch talaga si clara, ngayon di na ko nanonood ng tv, ang sakit kase sa dibdib na lagi silang iyakan.. mahalan na lang sana :D

Diamond R said...

it was the absence of love that hurst. yan ang katotohanan. we lost everything pag nawala ang love sa puso mo.

ardee sean said...

sasagutin ko sanang pwede naman silang mahalin pareho since yung tanong hindi naman pinapapili kung sino ang dapat mahalin.. pero kung sino yung mas mamahalin, hindi ko rin talaga masusukat... may tape measure ka ba jan?! lol.. wala lng.. dumaan lng at nakikigulo..

glentot said...

Dapat mahalin mo yung taong nakasanayan mo nang mahalin kasi kung yung "taong nararapat mong mahalin", sino makakapagdikta kung sino ang dapat mong mahalin diba kundi ikaw mismo? Pangit magmahal ng pilit. Mahalin mo kung sino gusto mo. Mahalin mo hanggang mamaga ang mga sex organs ninyo sa maghapong pagmamahalan. Wahahaha.

khantotantra said...

mara o clara. text na sa 2366. :D

bakit kailangang mamili. pede naman mahalin both. but it will hurt both sides. tough love lang ang mangyayari :D

Bino said...

quotable quotes: It was the absence of love that hurts. Ironically, It was love that can take all the pain away

naks! :D

Kosa said...

"was the absence of love that hurts. Ironically, It was love that can take all the pain away"

super super LIKE!!!

Ang Babaeng Lakwatsera said...

napaisip ako sa tanong.. hmmm..

pero agree ako kay glentot.. mahalin mo kung sino mas gusto mo..

impeyrness.. daeng nababaliw sa mara clara ngyon.. walang kupas.. astig!!

Xprosaic said...

So meaning kapag mahal ka ng tao kahit virgin pa di niya mararamdaman ang sakit?! kahit duduguin pa siya?! gaya ng lamok diba?! lol...malamang mahal ka ng lamok kasi dinugo siya at di niya mararamdaman ang sakit... deds na eh... lol

2ngaw said...

hahaha, kala ko ako lang ang blogger na lalakeng mahilig sa teleserye, ikaw din pala! lolzz

sa sitwasyon nila mara at clara, sino nga ba ang pwede mong piliin? sabi mo hindi kailangang mamili pwede mo silang mahalin dalawa...ang problema pre, hindi naman papayag si clara na may kahati eh, isipin mo na lang nasa nakikitira lang si mara sa bahay nila ang dami nang kalokohan ni clara para lang mapaalis si mara dun, tapos magiging kahati nya pa ngayon sa parents nya si mara, giyera! lolzz

Vajarl said...

Natawa lang ako na nanunuod ka ng Mara Clara. Haha. Hindi ko alam kung baket. Natawa lang me much. Hihi.

Anonymous said...

hahahaha fan ka?

mahalin na lang parehas ang uliran at malditan...:))

nakailang lamok ka parekoy?:)

kung hei fat choi!!!

Dhang said...

mara clara ka rin parang si teacher mots. haha! pero mas nauna 'tong post mo. :D naguluhan din ako sa kanila. 'yung dalawang ina, gusto hindi na mawalay sa itinuring nilang anak, 'yung dalawang ama naman gusto mabawi na kanya-kanya nilang anak. hehe.

Anna said...

bunso, may laman ang iyong post ah. may dilemma ka ngayon ano?! =)

Axl Powerhouse Network said...

naguluhan ako whahha.. sabi nga nila if u love someone u need to give up kasi doon siya sasaya... ah ewan..
wait inlab ka ba?

Kamila said...

usapang mara clara, lamok at virginity? ano ba toh? hahaha gandang simula ng february...

agree ako kay neneg kilabot..sino ba tinitibok.

Anonymous said...

paran tg mas gusto ko na give your body to everyone but your lov to only one!hahah

parang mas hindi nakakhurt pag ganun..mahirap na eh..

eMPi said...

try mo kaya ilips to lips ang lamok para malaman mo. hehehe!

Happy Puso!

YOW said...

Di mo naman sinagot yung mismong tanung mo. Haha. Di ka namili. Dun na lang sa mahal mo na ng mahabang panahon kasi mahirap ipilit at mahirap pag-aralang mahalin yung dapat mo binibigyan ng love kung ang utak at pagmamahal mo eh nasa isa na.

WV: ZINGLE. And that's me. Haha

Rah said...

hindi porket, ang lamok eh hindi dumugo eh hindi na siya virgin.

kabaliktaran nga eh.

Ang lamok na may dugo, ay ang lamok na nakasipsip ng dugo, sumisipsip siya ng dugo, dahil buntis siya, at kailangan ng mga eggs niya ang protein from the blood.

E mabubuntis ba ang lamok kung virgin pa? hehehehe

kidding.

TAMBAY said...

iba iba kasi ang klase ng pagmamahal. Bilang pamilya, kaibigan, kaaway at bilang babae o lalaki. Madalas may misinterpretasyon kaya nasasaktan.


magandang araw po...

salbehe said...

Virgin na lamok dahil dumugo. WTF!!!

MiDniGHt DriVer said...

hehehe.. pare nakakarelate ako sa post mo..

alam mo kung bakit?

kasi gaya mo, napukaw din ang damdamin ko ng Mara clara kagabi. hehe

Pamela said...

bakit di ako makarelate sa topic mo? mara clara at pag-ibig sa lamok? hahaha.

oo nga pala, buwan na ng mga puso. at kabilang ang puso ko dun sa ayaw man o sa gusto ng kahit na sino. :D

happy puso month! :D

-ssf- said...

"It was the absence of love that hurts. Ironically, It was love that can take all the pain away"

syet, gusto ko yan!!! pahiram nga!!!

iya_khin said...

emo mo! pakurot nga! Ha! buti nalang walang lamok dito,dati dami nilang nagmamahal sa akin lalo na sa likod bahay namin! tayo ka lang ng 1 minute naku kung di ka papakin sa pagmamahal nila na ubod ng sakit.
try mo makipaglips to lips sa kanila,may libre ka ng lips enhancement! lol

krn said...

yung principle na magmahal ng lahat o love as many as you can ay parang tunog chickboy ang dating. hehehe naisip ko lang naman hehe, alam na.

emmanuelmateo said...

avid fan ka pla ng mara clara.aheheh

-=K=- said...

Alam mo Marvs in fairness ha, kahit medyo nakakatawa tong post mo may sense sha :) Hehe. Pero tama ka, we should love as many as we can but we need to set the right expectations with each and every one of them kase baka lahat umasa. Naku yari ka! Hehhehehe! Kasi in the end, although mahal naten silang lahat, we can never love all of them in the same degree. Meron talagang angat sa lahat. :)

Chiui said...

Andami pala talagang nakatutok sa Mara Clara ngayon. Hehe.

In my opinion, though, true love hurts. Mahabang kwento.:3

Rome Dylan said...

True, love begets love.

Just followed your blog KIkilabotz. Cheers!

kuhracha said...

Natawa ako. Ang basa ko nanuod ka ng Maria Clara, akala ko play. Mara Clara pala. Tae. Ang bingi ko. Hahahaha.

Happy February, kapatid. =)

Super Balentong said...

potek. mara clara.

kayedee said...

hnd q pa rin nabasa! ahhaha

hapi puso nlng bestfren!!
mwahugz!

Tsina said...

Hindi ako fan ng Mara Clara, pero kagabi hanggang kanina, pinanood ko online yung episodes this week. Nakakaiyak. Huhu. Kawawa sila lahat. Mahirap nga yung sitwasyon na yun. Hindi dahil siya ang anak mo, kaya mo na siya mahalin agad. Paano na nga ba yung batang tinuring mong anak, minahal at inalagaan for 15yrs? =(

Arvin U. de la Peña said...

fan ka rin pala ng Mara Clara..mabuti at sa abs cbn ka,hehe..

Superjaid said...

Give love to everyone but your body to only one. hahaha parang text lang anyway..ang daming segway di malaman kung seryoso or what ang post hihihi

anyway ulit..bask to the question..till now, kahit legally eh mahirap pa ring pagdesisyonan yung ganyan..mahirap mamili. sobrang hirap.

Mom Daughter Style said...

first time ko sa blog mo. sinubaybayan ko ang mara clara dati. ang daming drama pero maganda.

ako latest follower mo. sana pakibisita/follow din ang bagong blog ko kung ok lang.

http://momdaughterreviews.blogspot.com/

Kristeta  (kalokang Pinay) said...

Wow, valentine post?
Kahit nung una naisip ko na sa tv lang naman mangyayari ito, siguro nga pwede rin itong mangyari sa totoong buhay. Walang masama kung mahalin na lang pareho... Ayan from isang anak naging dalawa pa!

Pong said...

di na pwedeng ligawan si judy ann at gladys hahaha
true love waits

naalala ko yung entry mo sa pakontest ni kuya kulisap hahaha
tungkol sa pag-ibig lols