Naalala ko pa. Nung mga panahon na kasing laki palang ako ng tangke ng LPG. Nasa ika unang baitang palang ng Elementarya. Nakilala ko ang aking kauna-unahang karass. Itago na lang natin siya sa pangalang putubungbung..ay wag! Bibingka na lang para mas masarap pakinggan.
Si bibingka ay isang simpleng babae, Simpleng manamit, Simpleng manalita, Ang tanging hindi simple sa kanya ay ang kanyang ngiti. Dahil ang bilang ng kanyang ngipin ay kulang kulang .Kaya kapag pinapakita niya ang kanyang matatamis na ngiti, Tanaw na tanaw ko ang kanyang tonsil.Nanginginig pa nga, Parang nagmumumog lang. Ang totoo hindi ko naman talaga dapat siya karass. Lagi ko lang siya nahuhuling nakatingin sa akin nang malagkit. Tapos parang may masamang balak sa musmus kong katawan.Siguro nalilibugan siya sa katawan ko. At dahil parang gusto ko siya pagbigyan. Naging karass ko na siya. At araw araw hinahanap na siya ng malikot kong mata, At gabi gabi hinahanap naman siya ng malikot kong utak.
Minsan, Nagkaroon ng pagpupulong ang lahat ng mga magulang naming mga mag-aaral. Ginamit na rin iyon na pagkakataon ng aking kamag-aral na itatago ko na lang sa pangalang pugelshit para isumbong ako.Aba! Nilagyan ko daw ng bubble gum yung upuan niya at ginawa ko daw basurahan ang bag niya.
Huwag niya kaming linlangin! Para sa kaalaman ng lahat.Sabi ng aking guro, Na itong si pugelshit na ito! Sobrang likot! At may bulate daw sa puwet. At dahil isa akong henyo. Binalak kong hulihin ang makulit na bulate sa puwet ni pugelshit. Naglagay ako ng patibong. Isang Bazooka buble gum na kakatapos ko lang nguyain. Hindi ko naman akalain na hindi pala bulate sa puwet ang mabibitag ko, Ako na nga tong nagmamalasakit siya pa galit?
Saka! saka! yung sinasabi niyang ginawa ko daw basurahan yung bag niya. Malay ko ba? Nakita ko kasi ang larawan sa kanyang pinagmamalaking bag ay si oscar ng sesame street. E diba sa basurahan nakatira iyon?
Matapos ako mapagsabihan ng guro kong may kinakampihan. Lumabas na ako at pumunta sa palaruan malapit sa flapole sa tabi ng puno ng aratiris.Andun ko nakita si bibingka. Kalaro ang iba ko pang kamag-aral.Hind ko alam kung anong oras na, Kasi wala akong dalang relo. Pero ang alam ko gabi na. Kasi madilim na. Kaya, Pagkakataon ko na.Alam na
Maya-maya.. May narinig kaming kakaibang ingay. Nakakatakot. Nagtakbuhan ang lahat sa kanilang ama at ina. Maliban sa akin. Siyempre dapat magpasikat ako kay bibingka. Kunyare hindi ako tinatablan ng takot sa katawan. Tapos nun nakita kong nadapa si bibingka.Aray! una ulo. Dali dali akong tumakbo papunta sa kanya.
ako: bibingka!? hahaha nadapa! kawawa naman
bibinka: hump! hindi tayo bati
ako: ikaw kasi. natakot ka andito naman ako
bibingka: bakit ikaw? hindi ka ba natakot?
ako: Hindi, Mas takot pa nga ako sa mukha ni pugelshit eh. okey ka lang ba?
(Hinawakan ko ang kanyang kamay. Tapos hinatid ko na siya sa kanyang mama)
Matapos ang walang humpay ng pagchichismisan sa pagpupulong na naganap.
Minabuti na ng lahat ng na umuwi sa kanikanilang mga tahanan.
sa daan pauwi....
Hinawakan ko ang kamay ng mama ko sabay sabing
" mama ikaw ang pers lab ko ha?Dapat lab mo din ako ha? ha?"
Tandang tanda ko pa ang kislap ng ngiti ni mama nung panahon na iyon.
Pagdating sa bahay.Pagkatapos kong hubarin ang aking short .Humiga na ako para matulog
nang biglang,narinig ko ang sigaw ni mama habang siya ay naglalaba
MAAaaaarrviiiiiiiiiinn!!! Ang tanda tanda mo na umiihi ka pa sa short moooo!!!!
(patay malisya lang ako at nagkukunyaring tulog)
Waaaaaaaaaaaahhhh! Hindi lang pala ihi..Natae ka rin pala..paperslab perslab ka pang nalalamang bata ka!!
(patay! kasalanan ko bang maire nung magulat ako?)
===============================================================
salamat po sa pacontest ni ginoong kulisap nag enjoy ako...
G.kulisap
72 comments:
Haha. Shet naman! Nakakatawa. Haha.
Akala ko purong kwentong kalandian ng kabataan. Kwentong tae pala! Haha. Matapang ka pala ah? Bute di naamoy ni bibingka. Haha. Like!
Hehe... Kulit ng twists sa kwento ah. Buti ako hanggang ihi lang sa kama. :]
marvz! ang aga mo nman ipost?!! xctd? ahahah. mya ko na basa ppsok n me s work. hamishu!
anlupit naman ng kwento mo. :D
Atapang-a-tao, hindi atakbo.
hahaha:)) ang kulet, kala ko tungkol talaga sa pers lab, yun pala iba na. haha:)))
Hahaha ang aga-aga nyo naman malibugan sa isa't-isa ayan nagtae ka pa sa kakaimagine sa kanya habang tulog ahahahahaha STRUCTURE!
Huh? Totoo ba talaga 'to? Ang landi at ang salbahe! Grade 1 pa lang yan ha. LOL. paperslab perslab ka pa ha! HAHA
hahahahah hindi ko maimagine na grade 1 student nalilibugan sa kaklase niya? ahahaahah
blog hop lang :D
naghihintay ako ng seryosong shit. wala pala. hahaha. ang kulet mo, kapatid.
ang adik ng poste mo marvz hahhaa..
perslab perslab talga ano haha..
d ba naamoy ni bibingka ang ihi mo with kasamang t$%?lols~~peace
hit na hit ito lurve it~~
Sabi ko n nga ba magtatapos ang kwentong ito sa TAE eh hahaha...
perslab never dies haha un ang tunay na lab sa parents natin hehehe...
ahahahaha.. lang'ya nakakatawa naman tong post na to... naiihi ka pa sa rin ba higaan mo hanggang ngayun marvs?(close tayo?).. nyahahahaha.... first love ko din mama ko...
yosh!!!!
akala ko ipis pacontest na hays nauna pa ang embarrasing moment mo hehe...
Hahahaha. Loko kang bata ka!
hahahahaha! ay lab et!
haha, LOL, anganda ng twist ng storya mo. hayup! =p
grade 1 kna sing laki kp lng ng LPG?supot ka p non malisyozo ka na...hahaha!gnwa mo png CR kama mo...beri gud.
pero hindi ka na naman naihi sa salawal ngaun? =)
Parang medyo lumobo lobo yung atay ko habang binabasa ang labstory nio ni BiBingka! Kiligerz ako! :D
Isa ka palang Don Romantiko! LOL! Ok lang maihi ka, kasi Elementary ka pa naman. Ako nga college naihi pa din eh! Hahahahaha! Pugelshit!
WV: "atoratin" - parang bastos no?
adik!
masyado mo akong pinasaya sa entry mo na ito. ang galeng!
blogenroll! \m/
ang kulet ng kwento, nagenjoy ako sa pagbaba! XD
kaya pala pers lab ang mama niya ahaha
hehehe! ang cute at ang sweet naman! :))
bonggang tawa ko sa description mo kay bibinka! you made my day! :))
ang aga mo palang lumandi.
ako medyo late bloomer, grade 3 na nung lumandi.LOLs
kaya ka ba naihi at natae dahil sa takot? curious lang... hehe parang bitin yata yung story nyo ni bibingka haha
@yow- salamat at natawa ka..
@ taga bundok- ahahahaha.subuukan mo kaya.
@kayedee- oy paano ko mababasa ang posts mo? password protected?
@glentot- sabi ko na nga? struture eh. hahaha
@khantotnra- ahahah. salamat ^_^ batang thailander
@ batangala- anong iba na ka jan? ^_^
pao- wahahahaha, dinagdagan ko lang ng konting pampalinamnam..ayos b?
jiashi- hi, salamat sa pagbisita..^_^
kuhracha- bwahahahaha. oo nahiya nga ako at isinali ko pa itong entry na toh. dagdag lang trabahoni jkul
unnie- wahahahaha. bsta ibulong mo sa akin sino crush m ha? ^_^
@jag-perslab nga. apir..apir apir
@roanne- bwahahaha. eksayted ka pala maxado.. malapit na po. ramdam ko na eh. haha
@salbehe- oh yeah.nakgulo lang. ahahaha
@ kathniakap- salamat po..^_^
@ oli- strcture na rin b? ahaha
@2ngawski- oo supot pa ako nun? hahaha..siya lang ang naglilibog ako hindi. ahahaha
@anna- hnd na po..ahaha. salamat ^_^
@-=k=- bwahahah.a halata namn naiihi ka p ri eh. hahaha..
@ nobenta- blog n roll \m/
@ela- salamat ella ^_^
@gesmund- na toch naman ako. i can make your month din kung gusto m? ^_^
@donato- dalawang taon lang sir hnd mo pa pinalagpas. ahahaha
@ karen- cguro, i have no idea. nyahahahahaha
shaks! sumali! ehehe..
tomo na basa! mwaahugz!
nakakatawa naman..nag pasweet ka pa sa mama mo dahil lang pala may tinatagong jerbak sa shorts!tactic!hehehe
i like your description of yourself. sinlaki ng LPG. at putobongbong to bibingka. Very creative. sana makapag sulat din ako ng mga ganyang style.
nakaka entertain basahin.
@kayedee- hoooyyy mag basa ka. bwahahahaha
@greta- maraming salamat..^_^..oo yan ang tactic ko. oh yeah \m/
@ diamond- sir maraming tnx ^_^
nadale ako.masyado pala akong immature..trese anyos na ako nagkaroon ng first lab haha. dbale tawang tawa naman ako sa post mo kuya. :) padaan. :D
Dahil ang pag-ibig ay inosente, bata at matapang.
para sayo ang kakaiba at bagong bihis na pag-ibig, nagpapalit pero pag-ibig pa rin ang trend.
Thank you po Sir.
ang adik mo tlg! kathang isip lang to ano??? hmmm ikaw tlga.
mmya pa ilalabas ung akin! magbase ka! kundi yari ka! ahaaha. hamishu marvz! paramdam k nga! tsk!
@kayedee- hnd ako makakapagbase kasi may pasok ako mamaya..haha. totoo po yan at hindi kathang isip may konting dagdag bawas lang..oh yeah ^_^
@bhenipot- samat sa pagdaan kyutkyut mo talga..
@ sirjkul- paxensa na po sa aking entry..^_^
cool entry to. hehe! done reading and good luck po satin! :)
Sumali karen? PAKTAY!
nyemas kang bata ka! ang gulo mo! tawa ako ng tawa dito eh. buti na lang at kakawiwi ko lang kundi baka nasabayan ko ang wiwi sa salawal mo. hahah!
pero pamatay. me jebs ka pa palang kasama. hahahahha!
me paperslab perslab ka pa kasing nalalaman e!
walang kinalaman sa post tong comment ko...
...ang kulet ng video. hehehe... :]
ang panalo! ang first word na nasabi ko, "gago!" hahahahahahaha sabay tawa.. hahahahahahahahaha ehehehehehehe promise, ang benta ng blog mo!!! ;) i hope you'll win..
hahaha ang kulet tlg kiki..nakikiliti ako habang bnbasa ko...gudlak sating lahat
sige bubulong ko sa iyo krass ko hahahaha,,adik much..hint andun blog nya sa blogroll mo oh hahhaha,,,
bwahahahaha binasag ka ng nanay mo :lol:
nung nakaraang araw may pinasa sa akin sikayedee, yung gunting, piktyur pa lang nautot nko!
tas eto ngayon, nabasa ko..
wahahaha ang adik mo marvs!
@benh- goodluck sa atin. ahahaha
@vajee- gusto ka namin maOP eh. bwahahahaha
@kaye- bwahahahaha. sadya pong magulo ang aking isipan. hahaha
@tagabundok- ahahaha. tnx dude
@tsokolate- bwhahahahaha. masama po magmura may magagalit... ahehehe
@rico- wahahaha. ikaw na ang bagong avatar.hehe
@yunnie- ampupupup. daan mo ang nasa blogroll ko..daan daan sila. huhu
@joyo- oo nga eh. bwahahaha
@tutubi- wahahaha. oo nga nahiya tuloy ako at eto ang aking entry. nyahaha
hahaha, ang kulit, buti na lang ganyan ang entry mo.. apir apir!.. apir apir!
sir marvs ayos ang perslab
ang twist, ang comedy, romance halo-halo na parang wiwi at pupu ahahahah
be blessed sir!
nice one!
Potaragis na karas yan. Hahaha. Parang target shooting na ngipin ang target. :))
Walanjo ka Kiki. Laptref. Oscar the Grouch! Hahahahaha.
At! May kasamang pupu! Kadurduuuur!
ewwwwwww... kadiri.. haha. napaka-brave mo namang bata. ano ba naman yan!? ang cute naman nung linya mo sa nanay mo, parang commercial lang ng nido ah!
NAMARKAHAN KO NA..
ito ay isang kwento at hindi sanaysay.
hahaha..kaya pala sinabing first lab nya mama nya ah..teka ano nga ba itsura mo nung bata ka? post ka naman ng pic.hehehe
@baletong- ahahahaha. paktay nga ang entry ko. haha
@pong- be blessed sir napuntahan ko na rin ang site mo
@vajee- bwahahahaha.. kadurdur b?
@mr night crawler- xempre naman.
@anonymous- salamat..oo nga eh. pasensiya po
@darklady- andun sa profile pic ko. bwahahahahaha. uhm cg ill do my best
sir marvs dumaan ka pala sa bahay ko hindi ka man lang nagpasabi sana napagmeryenda man lang kita eheheeh
salamat po sir.
add kita sa link ko boss.
be blessed po!
bumisita muli upang magbigay ng puntos. gudlak! :D
naks atapang atao ka pala.. hahaha
kaloka.. ganun ka kaliit nung grade 1 ka? teka.. aling tangke ng lpg? ung gasulito ba yun or yung medium o ung kasing laki ng oxygen? hahahaha
dumaan ulit..
Nice kasing laki ng LPG?
pambihirang bata oh! HAHAHA
ang galeng mo magkwento.
panalo.
NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.
NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.
(GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA)
kahapon pa ko binibigo ng blogger na makapag koment.
tatanung ko pa naman kung baka mali lang ako,pero bihira nga yata ang mga uanng pag ibig na nagkakatuluyan.mali nga ba ako?
haha,kahit kulang ang ngipin ayus lang.. :-)
eto yung kakaibang istorya
yung hindi expected ang ending hahaha
hahahaha.. isa pa... bwahahahaha.. alang hiya ka talaga kikilabotz!.. haha... paperslab perlab ka pa ha...toinks!..
pero galing galing ng structure!.. hehe...:)
Post a Comment