Tuesday, May 11, 2010

walang halong joke

inabot ako ng kulang kulang limang oras para makipagtulakan at makipag amuyan ng kili kili para  makaboto
.
Madami ang uminit ang ulo

Uuwi na sana ako,Pero napansin ko  na mas madami pa rin ang nagtiyagang pumila para makaboto.
Ginagawa ang responsibilidad  nila sa bansa.
Nakita ko sa mga mata nila ang pag asa na balang araw ang pinili nilang kandidato ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan.
At iyon ang naging dahilan kaya nanatili akong nakapila. Sana  kahit sa isang boto ko, Matulungan ko sila.


 kung sino man ang manalo. irespeto  nalang natin, Suportahan na lang natin.

Kung magkakaisa lang ang  sambayanang Pilipino. Malaki ang  chance  nang pag-unlad ng bansa. Ng Ating bansa.

21 comments:

Jam said...

Base! hahaha! aba naboto kn pala dowk! Haymishu tu...

Jepoy said...

nakunsensya naman ako sa post mo! LOL buti pa you naka boto. Tama kung mag kakaisa lang ang sambayanang pilipino hindi magiging number 2 si Estrada sa presidential Election. LOL

kikilabotz said...

@jam- base ko nga congratulation may libre kang hug..ahahaha

@jepoy- wahahahaha.. smalay mo magnumber 1 hnd p nmn tapos lahat eh

saul krisna said...

wow ganda ng last line mo ah... hehehe

tama tama basta pag nagsama sama tayo at nag kaisa tiyak mag tatagumpay tayo.... wlang mahirap pag nag tutulungan diba?

dalawka naman paminsan minsan parekoy

Pordoy Palaboy said...

pumila ako from 7am to 11 am and then in just a matter of 4 minutes. tapos na akong bumoto...tae, pumila ako ng 4 hours, nakipagtulakan at inamoy and sari-saring baho para sa apat na minutong pagbuto..

gillboard said...

kung yung mga natalo nga nagconcede dapat tayo din. suportahan na lang natin kung sino man yung manalo.

gayunpaman, saludo ako sayo. dahil ako hindi bumoto kahit rehistrado...

Ayie Marcos said...

Proud of you. Tama. Sa konting tyaga ang simula ng malaking pagbabago.

bulakbolero.sg said...

\m/

nice... yep. suportahan nalang. kelangan din ng part natin kahit sa simpleng paraan.

Null said...

saludo ako sayo kikilabotz! :)

mr.nightcrawler said...

haha... mas matagal ka palang naghintay parekoy. ako dalawang oras ako naka-pila bago naka-boto. hehe. apir tayo jan :P

glentot said...

Mahirap magkaisa ang mga Pilipino. Sabi nga dun sa MgaEpal.com, pano tayo magiging united eh tayo tayo naglalaitan. Nilalait kapag Bisaya, kinatatakutan kapag Muslim, pinagtatawanan kapag Ita... sana nga may isang leader na makakakapg-isa sa atin lahat.

Unknown said...

bakit ganun andaming mga blogger ang di bumuto?

eniwey, olats man ang binuto ko e suportahan na rin natin si Noy! Sana lang di sya maging tuta sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ingat! :D

FerBert said...

isang masigabong palakpakan para sa pagboto mo :D

Chyng said...

the people has spoken, and I respect their votes.

congrats sa yellow army!

narsmanang said...

late na akong nakaboto. pasara na ang precint, pero dahil province kami, less than 10 mins natapos na ako. hehe. wala lang, nakikidaan po. :)

chingoy, the great chef wannabe said...

ako 2 1/2 hours naghintay, tas nung shading time na, 5 mins lang, oks na ako...

masaya ako at naging matagumpay ang eleksyon. mabuhay ang Pilipinas... :)

choknat said...

sarap nga mag-intay bago makaboto eh, daming nakikitang pipol. hehe

Sendo said...

mabuhay ang pilipinas! sisiguraduhin ko talagang mararansan ko rin ang makipagsapalaran sa mga kili kili sa 2016 !! GO GIBO! haha

Pinoy Adventurista said...

buti nalang ako, 10 mins lang pumila... hehehe!!!

nice site. Hope u could also visit mine...thanks!

http://mymervin.blogspot.com

kikilabotz said...

itaguyod natin lahat ang ating bansa ng sama sama

Random Student said...

good for you. uniting the nation is the priority for the 1st month ng new president dapat. kaya lang as early as now na president-apparent pa lang sya eh nagshoshow na sya ng bad example of not respecting other branches of the government specifically the judiciary.