Monday, May 3, 2010

mabuti pa ng ipis nakakalipad

Kahit masama ang pakiramdam ko,
Hindi ito naging hadlang para ituloy ko ang  aking plano .
 Gabing gabi,
Hinintay kong makatulog ang lahat bago ako bumangon.
Binuksan ko ang pc.
click dito. click doon.
Lumaki ang aking mata sa nakita.
Humigpit  ang pagkakahawak ko sa aking mouse.
Sa aking mahiwagang mouse.
Manghang mangha ako sa mga pangyayari



Isang istorbong ipis ang lumitaw sa eksena
nagpapapansin
siya daw si tinkerbell at ako daw si peterpan
palipad lipad
proud  na ipinapakita sa akin ang kanyang pakpak
 ( tae kala naman nya maganda)
Parang anghel na paikot ikot sa aking uluhan.
animoy may mensaheng pinaparating
cguro pinapatigil na nya ako sa aking ginagawang milagro
 dumapo sa pader itong si tinkerbell
pinulot ko yung tsinelas ko tapos binato ko  kay tinkerbell
duling ! tanga tanga ang lapit lapit  hindi ko pa nasapul!  borklogs


naisip ko.
mabuti pa ang ipis
Tinitilian ng mga  chix na babae
minsan nga pati  pa  chix na lalake (meron b nun?)
mabuti pa ang ipis
laging may karamay
kapag nagspray ka makikita mo  silang sama-sama
at parang nagrereherse lang ng bagong dance step kung mangisay
mabuti pa ang ipis
nakakalipad
marunong umilag sa maga  binabatong problema sa kanya.

after nun tinamad na ako. Pinatay ang kompyuter at bumalik sa pagkakahiga...Hindi na ako pinatulog dahil sa may naisp akong lovestory. gumawa kaya ako ng isang lovestory tunkol sa isang ipis na nainlove sa isang insecticide..hmmmm

eto ang example:.
SABI ng ipis:
Wala naman akong balak saktan siya.
Gusto ko lang naman maging close kmi, Pero bakit tinataboy nya ako.

sabi naman ng insecticide

Insecticide ako, Nilalayo kita sa akin kasi ayoko maging dahilan ng paghihirap mo.

waaaaaaaaaahhh. mukhang exciting toh...

34 comments:

bulakbolero.sg said...

lol. at martyr pala tong si insecticide?

Anonymous said...

hmm.. my skit k pla marvz? hmmm. eiww ipisss!! kung aq yun tatakbo at magkukulong sa loob ng kumot q! d bale ng hnd mkahinga wag lang mdapuan ng ipis! ahahhha.

nilalayo kitasa akin kasi ayoko maging dahilan ng paghihirap mo" nakss prang gus2 q yang line n yan ah!! pdeeeeee ahihihi..

pgaling ka mahlabz! hamishu!

chingoy, the great chef wannabe said...

meganun... may conversation ang baygon at ipis hahahah...

ano kaya ng susunod dyan???

Jepoy said...

Ang bastos ng first part na udlot, LOL

buti nalang hindi mo tinamaan si Tinkerbell kundi kawawa naman sya.

Muka ngang exciting pero pwede bang happy ending naman para magkaroon naman ako ng hope sa mga imposibleng suntok sa bwan na relasyon hihihi

darklady said...

May sakit ka na at lahat talagang naka isip ka ng love story ah..hehe. Pero ang ganda ng usapan nila ni insecticide ah. Parang sa totoong buhay lang.^_^

DRAKE said...

ako ay isang Ginie! Dahil yan ang gusto ngayon din ay gagawin kita IPIS.........(insert special effects here).

Dyaran...IPES ka na!

Pag ikaw umipila pa na gusto mong maging tao uli, tingnan ko lang!LOLS

Ingat

Jam said...

Yucks! yessss yuck! i hate ipis..soo mucch! kung gusto mo kong mamutla ng bonggang bongga at atakehin sa puso cge pakitaan mo ko ipiss.....ay naku ayaw kong maging ipis ka baka pandirihan kita hahaha! e labs pa nmn kitaa.....

kikilabotz said...

@ bulakbolero- hnd xa martyr..haha. nasali lang xa sa bawal na pagibig


@kayedee- aha! pagbalik mo ng pilipinas magdadala ako ng maraming maraming ipis. wahahaha. patay ka


@chingoy- hahaahaha. abangan

kikilabotz said...

@jepoy- wow!! first time hnd ka na skip reader ngayon ha? ahahaha. uhmm wala pa ako ending eh pero nasa isip ko na ang takbbo ng kwento

@dark lady-parang sa totoong buhay lang b? hahaha. anung gusto mo mging ipis o maging insecticide?

@drake-joke lng un kaw nmn..hahaha.

kikilabotz said...

@jam- waaaahhh ang sweet nmn ni ate jam. ayiiiee cg n hinde n ko mgiging ipis. sa kitakits natin ha? magdadala ako ng ipis kapag hnd mnyu ko ililibre. ahaha

krn said...

nakakadiri ang ipis. yun lang masasabi ko.. ewww. lol

Null said...

galit din ako sa ipis hehe torture abot nila sakin...

una sa tae, sunod ipis, ano sunod?? hehe puro kadugyutan alam mo kikilabotz... haha

magkapitbahay pala tayo! ampness ka... haha

mjomesa said...

oi delikado na yan tol...

nag-uusap na ang mga peste at baygon.

tsk, tsk, tsk.

Jag said...

may nakaraan ang Ifes at ang insecticide...malamang sa alamang hehehe...

kuhrach said...

hahaha. adik ka kapatid. tumira ka ata kanina ng baygon jan senyo? o baka binabolgam mo un ipis chalk?

glentot said...

Ang emo ng moment ng ipis at insecticide. Dala lang ng init yan kaya ka nakakaisip ng kung ano anong halusinasyon.

Anonymous said...

whahaha! ayos sa storya. daig mo pa si direk louie ocampo sa imahinasyon amp! susubaybayan ko yan..

kikilabotz said...

@karen anne- asyus parang hindi k nurse..ahehehe.


@roanne-anung susunod? wahahaha. abangan.. magkapitbahay? iniipis din kayo? haha

@mjomesa- hnd pa delikado yun

kikilabotz said...

@ jag- malamang sa alamang meron nga. ahaha.

@kuhrach- binobalgam ko nga. panu m nalman? ahahaha

@glentot- partida medyo malamig pa yan. ahahaha

kikilabotz said...

@chikletz- welcome back. at dahil susubaybayan mo gagandahan ko yung storya

Null said...

Visayas ka diba????

Dun lang kami sa pag-asa likod ng sm north walking distance na hehe

KESO said...

pagaling ka! iba pala epekto pag may sakit ka, hehe. peace.

kikilabotz said...

@roanne- uu waaaaaaaaaahhh magkapitbahay nga tayo.. ahehehe.. kaya pala mgnda k kasi kapg taga qc mga gwapo at mggnda eh. ahaha

@ keso- magaling n ko. ahehe. apir

kikilabotz said...

@roanne- uu waaaaaaaaaahhh magkapitbahay nga tayo.. ahehehe.. kaya pala mgnda k kasi kapg taga qc mga gwapo at mggnda eh. ahaha

@ keso- magaling n ko. ahehe. apir

Len said...

hahaha, ok naman pala reason ni insecticide eh.. oo nga naman! tsk, tsk!

saul krisna said...

ahahaha natawa ako sa post mo ah... bout sa love story ni ipis.... magandang idea yun ah... hehehehe

kikilabotz said...

@ len- uhmm bsta gagawa ako ng love story

@saul krisna- mgndang idea nga ba? ahahaha. tnx po

pusangkalye said...

tagal din akong nawala.musta na ? iba na gimik mo ngyn ha...me singing portion na...hehe....

pero impressed ako ha. me talent ka pala sa singing. unfair talaga ang life.lol

kikilabotz said...

@ pusang kalye- naks mabuhay ang bagong kasal. ahahaha. tnx sa pagbisita pusang kalye..

eloiski said...

bat kaya ang daming takot sa ipis.
mas pinalupit flying ipis..

ako? takot nga ba ako dun?
hindi naman!

mas takot ako sa butterfly kasi nakakabulag daw!

hakhak!

Donato said...

ipis: Wala naman akong balak saktan siya. Gusto ko lang naman maging close kmi, Pero bakit tinataboy nya ako.

insecticide: ako, Nilalayo kita sa akin kasi ayoko maging dahilan ng paghihirap mo.

ayos ang mga banat na quotes ah.. Sige gawa ka ng lovestory ng ipis at insecticide… talbugan mo yung "One More Chance” quotes… ahehe

Rico De Buco said...

aus kang magsulat kwela't hindi nakakaantok..pagpatuloy mo pa hehehehe aaabangan ko ung love story ng ipis at insecticide.

apir!

an_indecent_mind said...

ako, takot ako sa ipis lalo yung lumilipad! di ako makakatulog hanggat di ko muna sya napapaslang!!

Lee said...

hayuf, ngayon ako naniniwalang napaka talented mo talaga, magagamit mo yang talent na yan, pagiging creative, biro mo sa dinami dami ng mga hayop at insectong pwedeng maging bida sa storya mo e ipis pa... di lang mga chix ang tumitili sa ipis parekoy, pati ako na gurangix na natitili pa rin sa ipis.