Thursday, April 1, 2010

Kanina nakamove on na ako sana ikaw din

"Bukas ha?"
"Para saan pa?"
"Kahit for the last time"
"tama na! Bigyan mo naman ako ng peace of mind"
"I just want to hold ur hand"
"hindi ako pupunta!"
"pls..."
(blagag!!)(busy phone ringing)

Hindi ko alam ang gagawin ko nung mga oras na iyon. Parang nawalan ng kulay ang mundo ko. Wala akong marinig, Wala akong maramdaman kundi ang mabilis at malakas na tibok ng aking puso. Puso ko na walang ibang sinisigaw kundi ang kanyang pangalan


Lahat ng paraan ay sinubukan ko na. Nagbabakasakali na muling magkakaayos pa. Ginawa ko na alahat ng aking magagawa para tuparin ang binitiwang pangako na kahit anong mangyari ay hindi ko siya isusuko, Na kahit anong balakid ang dumating ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya. Habang buhay.

" Kahit buhay ko pa ang kapalit mapasaya ko lang siya masaya na ako"

Lumipas ang ilang mga araw, gabi,linggo at mga buwan na patuloy akong lumalaban. At nagbabakasakali na sana muli siyang magbalik. Natigil ang lahat ng napansin ko na ang taong pinaglalaban ko at ang taong kinakalaban ko ay iisa lang

"I just want her to be happy"







 Kaya kahit masakit,Pikit mata kong pinagpasiyahan na itigil  na at huwag na muli siyang guluhin pa.
"simula noon kinalimutan ko nang maging masaya"

The more ko siyang kinakalimutan the more ko siyang naalala. Sa mga sandaling niloloko ko ang sarili kong hindi ko na siya mahal, Lalo ko lang napapatunayan na mahal na mahal ko siya.Lungkot at sobrang paghihirap ang nararamdaman ko sa tuwing nangungulila ako sa kanya kapag umaga. Tapos sa gabi, takot naman ang nangingibabaw na baka bukas pagkagising ko, Mas mahirap na pangungulila ang mararanasan ko.

"Sana isang araw magising na lang ako na hindi ko na siya mahal"

God, family,friends,books, internet , DOTA, cellphone,blog at maging alak na ayaw na ayaw ko naging kakampi ko nung panahong lugmok ako.Salamat sa tulng nila. Unti unti akong nakabangon. Unti unting muling nasisilayan ang ngiti sa aking mga labi with matching tinga na kulay green pa. san ka pa diba? slowly but surely naging masaya ako.

"Nagpapasalamat ako sa pagiwan niya sa akin dahil napatunayan kong hindi pala ako nagiisa"

Napansin ko na ang mga bagay na binabaliwala ko. Totoo palang mabango si Aling tekla na nagtitindi ng isada sa kanto, Seksi pala talga si inday kapag naglalaba( ayan ayan kaya ka kinukuliti eh).Maganda pala talga si Aling Dionesia lalo na kapag nakasmile at nakatalikod.At ang pinakahuli at pinakatotoo. Kamukha ko pala talga si Enchong Dee.

Muli kong nappreciates ang sarap ng buhay. Muli kong nasilayan kung gaano kaganda ang mundong kinatatayuan ko. Muli kong natutunan papaano maging masaya.

"Minsan ang puso kailangan munang mabasag para malaman kung sino o ano ba talaga ang nilalaman nito"

Napaka dali lang pala maging masaya. Para ka lang nanunuod ng TV. Bakit ka nga ba magtitiyaga sa palabas na hindi mo naman gusto kung pwede mo naman ilipat sa ibang channel.Parang buhay, Bakit mo nga ibabaling ang attensiyon mo sa mga pangyayaring makakapagpalungkot sayo kung pwede mo naman ituon ang sarilimo sa mga bagay na nagpapangiti sayo. Tulad ng shabu.haha joke

"ang unang paraan ng pagiging masaya ay ang pagalam sa mga bagay na makakapagpasaya sayo"

Ang entry ko na ito ay inaalay ko sa mga brocken hearted, Sa mga taong problemado,Sa mga taong hindi maka move on, Sa mga taong kelangan ng inspirasyon At sa mga taong nagtatago dahil may utang sa akin.Sana nakatulong ako sa maikling sulatin kong ito.



52 comments:

Choknat said...

ayy.. lam ko ang hirap ng pag move on, minsan nasabi ko na rin sa sarili ko ung "sana magising na lang ako na hindi ko na sya mahal", para di na masakit..

pero mahirap pala kung bibiglain, dapat pala paunti unti, dahan dahan lang. hehe

"hindi mo kailangang umubos ng limang minuto sa taong hindi ka mabigyan ng pansin ni isang segundo."-kowt from a friend

cheers!

joyo said...

lahat dumadaan jan, kasi lahat tayo nagmamahal... minsan sa sobrang expectations natin kapag di nangyari nadidisappoint tayo... minsan nagtatanong tayo bakit kailangan makilala natin yung mga taong hindi naman pala para sa atin, iyon ay dahil may gusto si Bro na iparating sa atin... letting go is not easy, hindi yan gaya ng amats na kinabukasan wala na... pero kung aalagaan at aalagaan mo yang sakit na nasa puso mo, bibigat at bibigat yan na pati ang mga taong nakapaligid sayo ay maaapektuhan...

huwag mong hayaan na may isang tao na mag-aalis sayo ng karapatan na maging masaya...

hahaha sorry nagspeech ako ng konte... nakarelate kasi ako! :D

lhalina...(n_n) said...

wow...im proud of you...

hehehe..totoo un,,hindi k makakamove on qng dmu tutulungan ang sarili mo. d masamang mag emote paminsan minsan lalo n pag tlgang masaket, pero maling mali naman n forever knang gnun. Hello?? d lang un ang buhay,,andame dameng anggulo ng buhay, d lng natin napapansin, or should we say d natin pinapansin. "There's tym for everything sabi nga.." my time para umiyak, my tym para mging masaya..
my tym para mabasag ang puso, mu tym din para mabuo ulet un.. basta,hndi s saket natatapos ang mundo,, sabi nga ni santino, my bukas pa...hehehe...wow ang haba ahh...

Kaya natin yan,,,wat we do today will determine our tomorow..(n_n)

Anonymous said...

na-xcite aq nang mkta q s music pad q na 3hrs ago plng ang post u!dhl akla q aq mauuna nagkamali pla aq!! tsk! lge nlng aq nagkkmali(asus emo! cnimulan mo kc e!)hehhe.

nsad nmn aq s post u marvz(prmise) ok k lng b? sna ksma aq s nagppsaya sau! =) dhl aq ksma k s nagppsaya skin,kau nla sis! hnd q msbi sau na tama ang gnwa u na dedmahin xa dhl cnu aq magslita nun kung kht aq e hnd q alm kung mggwa q un pag dmting ang arw n skin mangyri un! (icpin u nlng c ms.interviewer pagnsasad ka!)hahha

paktay pati aq napa emo sayo!! tsk! ikaw kaya sipain at konyatan q jan!! cnbi ng wla ng emo db!!

halabshu mahlabz hamishu pa!
(naglalaro b tau ng taguan at hnd tyo mpang abot s fb??!)hahahah

kayedee said...

nkalimutan kong sabhin na *hugz* (ung mhihpit n mhigpit din na tipong d k na mkahinga at mdedbol n! jowk! hahhha) =)

Kosa said...

..ngiti sa labi.. with matching tinga na kulay green? hahaha.. serious mode sabay hirit ng konting joke... muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko.taena.

siryusli,
tama ka nga parekoy...
(ila-like ko to kung sa FB)

"Minsan ang puso kailangan munang mabasag para malaman kung sino o ano ba talaga ang nilalaman nito"

pwede ko ba itong hiramin at ipangalandakan sa FB? hehe ike-credit ko naman sayo kung salaki..lol

glentot said...

Ay animal! Emo! Hindi ka naman ganyan sa personal, o me lagnat ka lang nung nagkita-kita tayo? Hahaha

"ang taong pinaglalaban ko at ang taong kinakalaban ko ay iisa lang"

gusto ko yan tagos na tagos sa brip.

Jepoy said...

*Printing* Yan lalagay ko sa bawat sulok ng bahay namin. Sa banyo sa kwarto sa garahe.

Waaaaaaaaaaaah! Kill me now!

phrench said...

Whoooooooooooaaaaaa.... ang galing.. magaya nga c jepoy.. maprint din.. at i-memorize ko pa ang mga linyang nakakabaliw... lol


"Minsan ang puso kailangan munang mabasag para malaman kung sino o ano ba talaga ang nilalaman nito"

love this part..

minsan sa subrang pagluluksa sa mga bagay na nawala satin, nakalimutan ang mga ibang bagay na mas importante or we tend to neglect them. sana di na humantong na lahat cla mawala sau, family, friends, lalo na si God.

thanks for this post. I was really inspired. "Keep blogging, keep saving lives."

pusangkalye said...

LOVE-----HAPPINESS----BIG words. and minsan, inseparable. Meron lang din akong natutunan these past few months. That when you love, be sure that you do because you have a lot of love for yourself that's why you wanty to share it, kasi nag-uumapaw na. If that is the case, kahit na mawala yung taong mahal mo, okay ka parin because you don't think little of yourself or that you don't feel empty without him or her.

A love that makes you feel devastated when the other person is gone is a devastating form of love.......

darklady said...

wow! talagang papunta ka na sa daan ng pag move on..^_^ good luck!!

KESO said...

kung kmuka mo si enchong kamuka ko si erich hahahaha.


ano ba tong post mo na ito, di ako msyado nakakarelate ah. hahahahhaha.


The more ko siyang kinakalimutan the more ko siyang naalala. -- kaya nga dapat di mo pilit na kinakalimutan, damdamin ang sakit,mas alalahanin mo siya para sa gayon mas madali dw mkmove on. tagay? hehe

Sendo said...

ako naman..kelangan ko ng inspirasyon haha

Rico De Buco said...

hoooo emo..at least nakamoveon ka na masaya yan...

den said...

nose bleed, epistaxis.. yan ang nagyari sakin habang binabasa ko tong post nato... ngaun unti unti ko ng nakikilala c kikilabotz, hindi lng pala xa mahilig sa kiki maron din palaxang emoxon..tsktsk...

piz babz..

chicken feet said...

nakuuuu kikilabotz! it takes time to heal, kaya wag mo na kasing kalikutin ng kalikutin yang sugat na yan para mapadali ang paggaling! smile!

chicken feet said...

hmmm naisip ko... yung last entry ko me connect sa blog mo... haha sounds family e haha

krn said...

i don't think makakatulong ang sulatin mong ito.joke

ang totoo nyan hindi ako makarelate..haha..i didn't have experience with heart aches like this.hehe

gege said...

DUGZZZZZZZZZZZZ!!!

haha!

Lungkot at sobrang paghihirap ang nararamdaman ko sa tuwing nangungulila ako sa kanya kapag umaga. Tapos sa gabi, takot naman ang nangingibabaw na baka bukas pagkagising ko, Mas mahirap na pangungulila ang mararanasan ko.

-saklap nyan...

Kamukha ko pala talga si Enchong Dee.

-kakainis to!banat!

biro lang.

nice! nice!

^ - ^

kikilabotz said...

@choknat- ang gnda ng kowts mo ah? apir! mas masara talga pagdahan dahan. ahaha. (parang bastos un ah?)

@joyo- nakarelate ka? ahahaha. hnd nmn halata eh. ahaha. joke. tnx tnx sa payo. apir

@lhalyn- tama what we do today determine tomorrow. tara tulog na tayo. ahaha. oo nga. kaya natin to. este kinaa na natin db?

kikilabotz said...

@kayedee- tnx kasi naging parte ka nang masasayang parte ng buhay ko. naks. sana lagi ka anjan ha?

@kosa- wahahaha. pang fb b? na add n kita sa blogroll ko matagal na

@ glentot- halatang hindi mo tinatapos ang pagbabasa. animal animal animal. wahah. hnd na ko emo glen. kagaya nga ng sabi mo habang nakasakay tayo sa car ni jepoy. makikita nyo mageemo post ako. ahaha

kikilabotz said...

@ jeps- hindi naman halatang brocken hearted ka.. wahahaha. ipost mo na sa blog mo. wahaha

@phrench- salamat sa appreciation . hehehe. . yap ikaw din keep blogging keep saving lives.

@pusang kalye- naks.. makata ah? tama ka parekoy. love urself first db?

kikilabotz said...

@ darklady- ahaha. matagal na ako nakapunta. sama k? joke.

@keso- uhmm erich ikaw ba yan? kaya crush na crush kita eh. ahihihi. haha. damdamin ang sakit..ayaw. ahahaha

@senski- kala ko zenki, ahaha. salamat sa pagdaan. dami inspirasyon jan pre. dd kita sa blogroll ko. apir

kikilabotz said...

@rico- yap tnx bro.

@eldenvir peralta aka babz- wahahaha. ano ha? wahahahaha.

@chickenfeet- ang sarap kayang kalikutin. ahaha. magaling na. wag magalala pards. apir

kikilabotz said...

@karenanne- paktay tayo jan. ahehe.balang araw mararanasan mo din. wahaha. joke. apir sana mahanap mo n ang para sayo

@gege- biro lang pala ha? ganun ganun? grrrrrr...

Anonymous said...

kapag naman talaga nagmahal ka halos lahat o sabihin na nating lahat ng pride eh nalulon mo na.. lagi mong iniisip yung kapakanan niya..tas ngayon palalayain siya dahil dun siya masaya..eh panu ka?sa totoo lang. ang tunay nakaligayahan ay ang kalagiyahan na nakamit mo gamit ng mga bagay na hindi mo inakalang magbibigay nito...

enjoy life...life is short...be happy..live life to the fullest..^____^

bonistation said...

wow ang ganda ng entry! napadaan lang po at naki basa nadin.. buti nalang napadpad ako dito!

GANyan nga ang spirit!~ AYOS to!! buti at naka move on! putek kung ako naman talaga ang kamukha ni enchong dee eh walang rason para mag mukmok hhaha maghabol sila! weeeii, biro lang...

kung ayaw na ayaw na, wag na ipilit.. maaaring nangyari ang mga yun kasi mas may nakalaan. mas may magandang darating (at sigurado ams seksi) haha

sensya na sa pagdaan ko, nagulo ko yata ang maayos na blog hihi... bawi ka nalang.. dalaw ka sakin! ^^

Bons

Stone-Cold Angel said...

Normal lang sa tao ang masaktan... Lahat ng tao napagdaana ang napagdaanan mo...

Sabi nga ni Bob Ong... "ok lang kun di ka na niya mahal, sa susunod na mga araw di mo na din siya mahal... naunahan ka lang niya... (tama ba yun sinasabi ko)

Salamat sa pagbahagi ng kwento mo...

QUEL said...

"Sana isang araw magising na lang ako na hindi ko na siya mahal"

- ilang bes ko n rin yta yang nsabi sa sarili ko hehehe.. pero gnon tlga isipin mo n lng d lng ikaw ang nhhrapn sa dmi ng tao sa mundo kht mga 10 merong nhhrapn mag move on (^.^)

Ghie said...

Hmmm..ang ganda netong entry na to. Minsan ko ng maranasan ang katulad ng sayo nung di ko pa nakilala ang asawa ko, ung bang okey na ang lhat bigla bigla parang kidlat ayan na naman sya at prang kuryente na babalot sa buong sistem ng katawan mo..minsan tuloy di mo alam kung joke ba o pagsubok lang..Anyway gud move kaibigan (kahit di pa tayo prend but im hoping) napadaan lang po. Ingat

Jam said...

Muwaah!haymishu! taas dalawang paa ko sa post na to ah..sobrang ganda..prend maganda ang ginawa mo kc kung makikipagkita ka ulit sayang ung mga time na pinilit mong makasurvive w/o her at nakayanan mo nmn db? tma na ung minsang pagkalulong sa drugs este sa kanya kc baka sa pangalawang pagkakataon kahit ikaw mismo di mo na makayanang pulutin ang sarili mo. Di man ako kasama sa mga taong nakapagpasaya sayo at nakatulong para makatayo kang muli but willing to help u in some other ways.. (wag lang sa pag eemo ha!) tapos na ko dun hahaha inuman na lang. Labshu prend.... (alam ko late na nmn koment ko waag mo kong sipain ha!)

kikilabotz said...

@maldito- yap move on tayong lhat. tagay. ahehe

@scarlethati- yap enjoy life to the fullest. basta dapat lagi masaya. tnx napasaya mo ko sa comment mo. apir

@bonistation- ahaha, hindi m nmn nagulo natawa p nga ako eh. yap dalaw ako sa blog mo

kikilabotz said...

@stonecold angel- walang anuman. salamt din sa pagbabasa bro. haha

@kheks unno- uhmm nahirapan nga ako . dati kasi ayaw ko. pero pag ginusto m n rin malalaman mong madali lng pala

@ghie- yap prend na tayo. salamat sa pagdaan khit hindi ako kalsada. ahehe

kikilabotz said...

@jam- eh talgang sisipain kita jan eh. huhuhu. anung sinasabi mong hindi ka nkatulong. nakatulong ka kahit hindi mo nalalaman. malaki kaya ang nging part nyo ni kayedee at ibang mga bloggers dito. apir

Glampinoy said...

Move on. It's the only way to go if life has to be meaningful. Can't afford to be stuck or else the seed on mental illness will grow and blossom.

Sobrang enjoy ako sa post mo.

Napansin ko we are both taurus and we started our blog almost at the same time. Wala lang...

WildCat said...

Cheer up! Buhay pa tayo, kaya marami pang pagkakataon na maging masaya, marami pang magagandang bagay na darating. Sabi nga: habang may buhay, may pag-asa.

at teka ha, para sa post author sa tingin ko ay wala akong utang sayo...heh...

saul krisna said...

anak ng tokwa!!!! sounds family yung pinost mo ah.... familiar pala.... now lang yata ako nag comment dito at na shock ako sa post mo...."gusto ko lang mahawakan ang kamay mo" putik yan!

ganyan na ganayan yung sinabi ko dati sa gf ko nung nagkahiwalay kami pero ayun kami na ulit....


hayyy ramdam na ramdam ko yung sadness sa post mo... nakakarelate ako... ahahahaha

chingoy, the great chef wannabe said...

syempre ngayon ko lang nabasa kasi nga fasting ang pogi sa internet..

eto lang ang masasabi ko...

hayuff talaga ang jepoy at glentot!!!! nayhahahaha

(hanggang dito pala ang pikon hahahaha)

kikilabotz said...

@glam-talga taurus ka? ayaya. advance happy bday pre

@wildcat- uu wala ka ngang utang..apir.salmat sa pagdaan

@saul- uhmm thats good at nagkablikan kayo. ahehe. sadness taos may hahaha? haha. salamt sa comment pre

@chingoy- naisahan tayo ng mga loko.nasayang load ko s txt txt ko

VICTOR said...

Nakarating din sa maalamat mong blog. Hehe.

Parang music video ang post mo, may dialogue on the phone sa umpisa, tapos background music yung mga parts na nakabold. :D

Khateharlii said...

"Nagpapasalamat ako sa pagiwan niya sa akin dahil napatunayan kong hindi pala ako nagiisa"

-di ka namn talaga ngiisa ee di mo lng xe napapansin mga taong nakapaligid xeu kc nakaconcentr8 k saknya


"ang unang paraan ng pagiging masaya ay ang pagalam sa mga bagay na makakapagpasaya sayo"

-di ako agree d2 .. hehehehe selfish itu hahahaha


"Minsan ang puso kailangan munang mabasag para malaman kung sino o ano ba talaga ang nilalaman nito"

_kung BASAG LANG TAGAL NA AKONG BASAg HAHAHA



''Sana isang araw magising na lang ako na hindi ko na siya mahal"
-MISMO!!!sana ako din

Kahit buhay ko pa ang kapalit mapasaya ko lang siya masaya na ako"_oo nga carlow hahaha

Ayie Marcos said...

Ako na ata ang huling mag ko comment. Move on? ako? never. First love never dies. ehehehe. Relate lang sa move on move on na yan. Hindi totoo yung word na yun.

hhahaha!

Null said...

at bakit ngayon ko lang ito nabasa? haha!

minsan mas maapreciate mo ung mga taong nakapaligid sayo kapag nawala na ung isang tao na nakabara sa mata at puso mo.

"baka kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin"
"kasi baka meron pang darating na mas okay"
"na mas mamahalin tayo"
"yung taong hindi tayo sasaktan at paasahin"
"yung nagiisang taong magtatama ng mali sa mga buhay natin"
"ng lahat ng mali sa buhay mo"

~one more chance~

Anonymous said...

ang pinakamahirap gawin ay ang mag move on o kalimutan ang isang tao lalo na't kung ang kakalimutan ang dahilan kung bakit ka ngumingiti, kung bakit masaya ka at kung bakit tumitibok ang puso mo pero sabi nga nila you have to move on para malaman mo kung ano at sino tlaga ang nakalaan sau, kung sino talaga ang ibibigay ni Lord sau!..Pano mo malalaman, maapreciate ang bukas kung ayaw mong kalimutan o iwan sa kahapon ang mga bagay o tao na naging dahilan ng pagluha ng puso mo....mahirap xa, masakit pero kelangan gawin dahil un ang tama, ung ang dapat at ung ang kelangan...

i love ur post.....niremind ulet kac ako... :D

kikilabotz said...

@victor- anong maalalamat? ahaha. salamat sa pagdalaw

@harlii- o db? npacomment k tuloy ng wala sa oras. apir apir. ahehe
. teka panu nga pala nging selfish un?

@ayie- ahaha. kwento mo dali dali. ahahaha

@roanne- uhmm cguro hindi m lang napansin. ahehehe. waaahhh. ang gnda gnda ng mga kowts mo ate roanne. salamat

@ladyinadvance- salamat for liking it.

Null said...

nye! haha galing yun sa one more chance na movie haha

Khateharlii said...

haha dii ko lng din alam tolsz blit naging selfish un kun ano ano xe tnatype nan mumunting fingers ko hehehehe

Pordoy Palaboy said...

"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang." Mula sa disipilo ni Bob Ong.

miss.dr4g0nfLy said...

layp is byutipol, ika nga nila. mahirap mag move on. lalo na't kalaban mo ay ang sarili mo at yung totoong dinidikta ng puso mo.

pero u'll get there. it's ur choice. one step at a time nga lng.

weeee napadaan ulit ;)

eloiski said...

hindi ko alam kung maeemo ako sa post mo o matatawa eh. may kurot tagos to the bones tapos biglang babanat sa huli. ahay!
sige na sige na kamuka mo na si enchong dee. oh masaya ka na? ahay!

si mahlabz "ate kayedee" na lang kasi! wahahahaha! patay ako nito! :ninja:

Anne said...

Pasok na pasok sa banga ang mga salitang binitawan mo :-)

sobrang tagos hanggang kabilang cubicle ang pagka emo mo :-(

napadaan lng at nakimeryenda :-)

Madz said...

Tsk tsk..umagang umaga ito agad ang nabasa ko. Parang pampagising talaga ah... Awts tagos na tagos...

Same experience..haha Ngayon pinagtatawanan ko na lang ang eksenang iyan sa buhay ko. Salamat talaga sa mga taong nakapaligid sakin. Ngayon, lumalandi na ulet ako...LOL ^_^

Maraming salamat sa pagpapaala ha! Ngay0n natatawa na naman ako