Magdadalawang taon na nang marami akong ginulat sa pagkapasa ko sa NLE (board exam ng nursing). Maniwala kayo o sa hindi maging si erpats ay hindi rin naniniwala na magagawa kong ipasa ang board exam na marami ang bumabagsak. Papaano daw papasa ang isang tulad ko na magbasa lang ang title ng libro nakakatulog na. . Oo nga determinado at focus daw ako pero hindi sa board exam kundi sa panonood ng tv, pagkokompyuter at pagtetext text text text at text. Magsumikap naman daw ako
Muntik na sana ako mahabag ng pagalitan ako ni erpats dun. Makokonsensya na sana ako.Tutulo na sana mga luha ko. Kaya lang may sumabit sa mga sinabi nya eh. muntik na kong sumagot. Sasabihan ko sana si erpats ng " sinungaling sinungaling!! papaano ako magtetext text text at text eh wala nga ako cellphone! grrrrrrrr" Pero dahil may respeto akong anak nanahimik na lang ako at naglaro ng tamogotchi ng kapatid ko.
Hindi naman ako matalinong tao. Actually nga bumagsak ako sa comprehensive exam ng school namin. At muntik muntik na kong hindi gumraduate. Buti na lang nabigyan kami ng make-up exam at sa awa ni Lord nagawa kong maipasa yun.
Eh anung sikreto ko? hmmmm. Pag isipan ko pa kung sasabihin ko.haha. joke lang. Wala naman akong sikreto meron lang mga konting tips na gusto ko ipamahagi
Una sa lahat dapat huwag kang matakot bumagsak. Kasi ang exam ay parang pag-akyat sa puno. Kung takot kang bumagsak malamang sa alamang hinding hindi mo susubukang umakyat hanggang sa pinakatuktok.
Ang pinaka mahalaga dapat huwag na huwag kang makaklimot humingi ng tulong sa Itaas.Naalala ko kapag nagdadasal ako bago ako magboard exam. HIndi ko pinagdasal na sana pumasa ako instead ang dasal ko ay Lord kayo na po bahala sa akin. Kung saan ako mas makakatulong at kung saan ako mas pakinabang ihatid Ninyo po ako dun.
Marami akong pinagdaanan pagsubok . Nandiyan yung na hospital si mama, Tapos away bati kay former gf, tapos tuluyan ng hiwalay kay ex, Bigla pang tatamarin pumasok. Mahoholdup.haaaay grabe yung time na yun. Hindi ako makapaniwala na kinaya ko yun. Tnx God.
Eto pa ang ilan sa mga factor na makaktulong in particular order mula sa pinakaimportante
relaxation, motivation, inspiration,relaxaion, preparation, relaxation, determination
After kong pumasa, At sabihin ang balita sa aking mga magulang. Hindi ako masyado makatulog. Lagi ko naalala. Waaaaaaahhhh ang panget pala ni erpat umiyak..Hindi ako sanay. Pero nakakagaan ng pakiramdam.
after lahat ng pagsubok masasabi kong im a passer.
17 comments:
ang mahalaga, nagdasal ka, nalagpasan mo lahat ng pinagdaanan mo, buhay ka pa rin at, isa ka nang nar.
tagay! haha!
baka talent mo yun, stocked knowledge. hehehe
Congrats parekoy!
Medyo di ka naman nagyayabang nyan,hahaha!
So asan ka na ngayon pre?Wag mong sabihing paabroad ka na rin!hehhe
Ingat
Congrats Kikilaboz na malandi ahahah
magandang milestone yan. feels good. masalimuot nga ang mga nangyari sa yo like yung naholdap pa. tsaka bakit nga ba ako rin inaantok pag nagbabasa ng libro? di kaya ng utak ko sundan ang di ko maintindihan haha
Pang-asar ka choknat ha..Joke! hahaha..may kontes kc c kikilabotz d2 e...
Anywei eto lang masasabi ko 100% agree ako sa cnbi na si Lord e andyan lang lagi..kita mo nga sya bestprend ko d2..kung wala whaaaa baka pinagpistahan na ko ng mga kampon ni santi d2...hahaha!Congrats khit late na..
Aaw! Congrats! Ngayon ka lang ba nagtake ng exam? hehehe... tawag dyan likas na...
katalinuhan. :P
Hahaha WTF napaiyak mo ang iyong Pudrax nyahahahah kelan ko kaya mapapaiyak ang Tatay ko...
infairness nanalig ka talaga sa kanya..congrats poh ...atleast ngayon pasado kana , may work...keep it up...idol...
bago aq magcomment my tnung aq??? bakt bakt at bakt aq late ngyun s mga comment nyu??!! bwahhh.
aha!! alm q ng my sala! c choknat!! hahha.. haluu bgong fren n choknat :)
anyweiz, naks nman mahlabz (oh wg kna kumontra! kundi maaalala kong tnwag u meng jam! haha) nkapasa k s exam.. kung hanun congratulation! palakpakan!..(hugzz)
mabibilib n sana aq s pagkasipag u e,, e bkt ang dming relaxation?? heheh.. tska paanu aq hihingi ng tulong s itaas eh single story lng hauz nmin?? (tumwa k!) hahha.
xa til hir! request klng ng request ng song s pad q h! isma u n ung song u skin! hahha.. :)
ganun sana, kahit puro relaxation pasado, sana ako din this upcoming nle. sigurado your erpat is super proud of you!=)
"Marami akong pinagdaanan pagsubok . Nandiyan yung na hospital si mama, Tapos away bati kay former gf, tapos tuluyan ng hiwalay kay ex, Bigla pang tatamarin pumasok. Mahoholdup.haaaay grabe yung time na yun. Hindi ako makapaniwala na kinaya ko yun. Tnx God."
Oo nga paano mo kinaya yun? hindi mo naman hinakot yung kamalasan?hehe
Anyway super laking CONGRATS ang masasabi ko. Sarap nga nun sa pakiramdam na makapasa ka lalo pa't hindi expected ng magulang mo tapos bigla bigla ganon.WOW! na wow talaga. Ang gaan ng feeling! naks parang sa hair lang.hehe
At matapos ang malaking CONGRATS! isang malaking GOOD LUCK naman para sa iyong work..^_^
@ choknat- nauna ka.. ang premyo isang malaking hug!!brrrrrrr..
@ drake- salamat. hehe. pero two yrs before na yun. ahehe.
@ jepoy - salamat jepoy na malandi. ahehe
@ jam- ahahaha. nang away?me. wag k na magalit!! eto na bigyan n rin kita ng hug..ahahaha
@meg- hnd last last yr pa po. dedicate ko lang to sa isa kong kakilala na takot mag board exam
@ glentot- uu. haaaayyy.hnd ko niexpect eh
@joanie- waaahh? nibisita ka ulit dito? salamat. uhmm matagal na po ako nakapasa. hnd nga pinagpawisan eh. wahahaha
@ kayedee- wahahaha. lagi ka na late ah? harhar. cg na nga hindi na ko aangal . haha. mahlabs!!! hehe. hnd mo makalimutan tinwag kitang jam noh? ahaha. salamat sa joke mo!! hindi ako natawa.wahahaha. joke. natawa ako sabi mo kasi tumawa ako eh.
@karen anne- yap! may kwento pa ko ako tungkol kay erpat.hehe
@ darklady- hindi ko nga rin alam kung paano ko napasa yun. hehe. salamat sa congrats.
may contest pala dito. di ko knows. natawa naman daw ako. sori po sori po. haha
fav. na linya: "malamang sa alamang..." ilang ulit ko na tong nabasa s mga post mo... tsktsk...
pati tatay mo nilalait mo grabe ka..LOL
Post a Comment