Tuesday, March 2, 2010

free

Knina habang kasama ko ang apat sa  aking mga katrabaho  nagyaya sila na manood ng sine sa Sm. Bago manuod napagdesisyunan muna namin na kumain kasi gutom na mga alaga namin sa tyan! Hindi ninyo natatanong ibat ibang hayop ang laman ng tiyan namin. Merong buwaya, kahit ano kain.  Manok, tuka lang  ng tuka. Meron ding daga, ok na ang tira tira. Basta ang sa  akin zebra. ! basta gusto ko lang zebra! walang pakialaman! peksheeet. hehe

Ayan edi order na. Kanya kanya kming pila at bili. Nung turn ko para sabihin order ko. Biglang nagsalita yung  magandang cashier . Ang sabi ay...

pogi ano order mo?

waaahhh!! walang galang! Hindi na siya nahiya! Hindi ako pogi! hindi ako pogi! cute lang!grrrrrr. Dahil sa inis-tuwa-whatever na naramdaman  ko sinagot ko siya habang nakangiti ako.sabi ko. Pwede ikaw na lang iorder ko?I think ur so special kasi. Ayun ngiti din sya.haha.

After kumain eh umaakyat na kmi sa taas para manood ng sine. Waahhh! nilinlang nila ako. Kala ko pa naman lightning thief ang papanuorin. Badtrip ang binili nilang ticket ay i miss you like crazy pala. asar. wala na ko nagawa kundi ang makinuod na rin. habang nanunuod kmi napansin ko umiiyak mga katabi ko kaliwat kanan. haaayy. Bakit pa manunuod kung iiyak rin pala sila. Hindi ba sila napapagod umiyak? ako kasi pagod na. ayaw ko na.

Ang totoo habang pinapanood ko yung pelikula maraming beses ako tinamaan at nasapul sa mga ibat ibang pangyayari sa bawat eksena. Dami ko natutunan. Dami ko nalaman.Dami ko naintindihan. Madaming mga linya ang tumatak sa isip kong walang laman. Walang  laman kundi sya.

Kaya nga paguwing paguwi ko. Sya agad ang naalala kong itxt. Txt ko sa kanya

may narealize ako. Naisip q na the best thing to show  u how much i love u is to let you go na. Paxensa na at naging unfair  ako. Pinagkait ko sayo na mging masaya ka. Paxensya na at lagi pa rn kitang iniistorbo at hindi na binibigyan ng peace of mind na hinihinge mo. Alam kong magiging sobrang hirap para sa akin pero para sayo. ill set u free na. kung tayo talaga tayo talaga db? masaya na ko na pinaramdam mo sa akin panu mahalin.

basta ganyan yung message ng txt ko sa kanya. hindi ko lang maalala anu exactly yung sinabi ko. kasi habang pinipress ko mga  button sa cellphone ko tumutulo mga luha ko.

sino b pwede mayakap jan!? Group hug?:D

Minsan kelangan mo masaktan para malaman mong hindi ka manhid

27 comments:

Jepoy said...

Malandi ka! LOL

Seriously, tama ka minsan kelangan mong masaktan para malaman mong hindi ka manhid. Pero pag parati kang nasasaktan ma-mamanhid karin so dapat balance lang.

Baket ka mag le-let go kung hindi mo pa naman kaya? It's not like kakasal na sya right? Pwede parin namang frienship diba? Kung yun lang ang kaya nyang i-offer go! pwede narin yun at least bibigyan ka parin nyang kapirasong time at sasaya ka ng beri beri slight. Dami kong sinabi at ang gulo ko. Bunga siguro ito ng cheesy film...

Basta pag mahal mo kahit masakit titiisin mo ang tawag dun martir! pero who cares hindi naman ang tao nasa paligid mo ang mag bibigay ng happiness mo diba? hhihihi

God Bless!

kayedee said...

:( grrrr..(nagttka k y?! alm u nmn un) hahha..

anyweiz nag emo k kna nmn! :)
hoizt pnatamaan u aq s pag iyak hbang nanunuod ah!(e kelngan tlga umiyk pra kunyri ksama s eksena!haha)

related much nmn aq dun mahlabz ;)
"loving u in d meaning of letting go" yan ang slitang naalala kong cnb q pra s knya!
kc filing q mgiging hapi xa pag hnd q n xa kinulit p! :( HUHHU.. ayan pinaiyk u n aq.. (alaala!) :)

xge hugzzzz nlng:)

darklady said...

yun talaga sinabi mo sa kanya? NAKAKA gulat yun. bihira sa mga lalake ang magtext ng ganon.

Kaya suki tayo sa bahay ni kayedee dahil sa pagiging emo natin.hehehe..


Dami pala talaga aral na makukuha sa palabas na yun, yun din balita ko maganda daw at talagang marami makaka relate..

Meg said...

HAHAHAHA!!! Natawa ako dun sa punchline mo... Hay naku wag mo na lang isipin yun! Makakalimutan mo din ang gusto mong makalimutan hehehe...


Tagay na! :P

kikilabotz said...

@ jepoy- ganda ng message mo pare. hehe. ngayon tama na muna. gusto ko na sya maging masaya. hindi ako malandi!!grrr. maharot lang. ahehe

@kayedee- mahlabs!! ahaha. natatawa ako sa tawag m sa akin. ahehe. whag k n iyak. gusto ko ako na lang iyak. ge hug na po.

@dark lady- siguro nga isa ako sa mga pambihrang lalaki.haaayy kung alam nya lng.uu mgnda. nuod ka.ahehe. libre mo ko. wahahaha

@ meg- natawa ka nanamn? ahehe. aaw ko sya kalimutan eh. hehe. tara tagay na !

Pamela said...

aaayyyyyyy.... wala, wala akong masabi sa panghuli mong linya. :p

i watched the movie din, and unlike some who watched it and then finding themselves crying dahil nakakarelate sila, ako naman eh tawa ng tawa. di naman sa others ako ha, may sumagi kasi sa utak ko na taong bagay sanang panuorin nya yung movie. hahahaha

well, weird lang talaga ako minsan. anyway, like what i always tell myself (and now i am telling you), "we were given free will so we could make a choice. kaya naman, i better choose to be happy kahit na mahirap kesa patuloy na lumuha e wala naman din magagawa yun. masasaktan ka lang lalo (masakit pati sa mata yung iyak ka ng iyak)." :p

choknat said...

awww.. nakakapagod nga minsan na umiyak. pamilyar ka na ba sa amuy ng sarili mong luha? hehe

saka kung pagod na, pahinga na muna. hindi naman masama. :)

kikilabotz said...

@ pamela- talga natawa k? sabagay medyo comedy din nga naman yun. ahehe. ang weird m nga.ahahaha. ako din hnd umiyak eh. pag uwi na sa bahay saka umiyak. ahhhaha. para walang makakita.

@choknat- wahahha. may amoy b ang luha? hehe. di ko naamoy eh may sipon ako. hahaha

tama saka na lang. pahinga muna

Khekz Unno said...

sana may mabait dyan na mag post ng movie sa internet.. or meron snang mgnda ang loob n magdala ng pirated dvd sa dxb.. gusto ko syang panoorin..

ok lng msktan bsta wag nmn plge at wag nmn dhl sa iisang taon lang TORTURE yon!

DRAKE said...

TEKA?? Ang haba ng message ni Jepoy! Blog nya??

Isa lang ang maipapayo ko sa iyo.......... huwag manonood ng mga cheesy films!hahaha

Seriously, palayain mo na sya at palayain mo na ang sarili mo.Naks

ingat

KESO said...

waah. gusto kong mgbigay ng payo ktulad nila pero hndi ko kaya. hndi ako mgaling sa ganyan.sablay din ako sa usaping lablayp kaya nman nakibasa na lng ako sa mga komento nila. nkkrelate ako parekoy. gruuuphuggg!




ps. ang keso keso ng mga linya mo ha. heheheh

kikilabotz said...

@ kheks- oo nga ok lang masaktan. haaayy. uhm lalabas din sa net un after ng showing sa sine maghintay k lng ok?

@Drake- ang haba nga eh pero ang sarap basahin ng mga payo ni pareng jepoy.ahehe
hehe. uu tama na ang mga cheesy na movie. dapat ipabanned mga ganung klaseng pelikula. wahaha.joke

@keso- cheesy b mga linya ko? ahehe. nagmana kasi sayo eh. ahihihi

miss.d4g0nfLy said...

di ko pa napanood si basha at popoy ulit haha.

uyyy, moving on stage na siya ;)

makiki group hug na din weeeeeeeee

gudang said...

"waaahhh!! walang galang! Hindi na siya nahiya! Hindi ako pogi! hindi ako pogi! cute lang!"... HAHAHA!

--- nung una kong binabasa yung sentence, for a split second, i thought kaya naiines eh dahil sa gusto mo tawag sayo, maganda ka :)) hindi ka nga pala bading! :D i porgat! :D

ayaaaaan! kasi!!! hahaha xD dami kong alam no. haha xD tama tama, pakawalan na para hindi siya yung nasasaktan, kahit ikaw na lang. xD Seryoso yun! Mas masaya naman kapag ganun xD :D kaya wg k nang malungkot jan! SMILE! :D

kuhracha said...

Hi. You don't know me and I don't know you but I like your post. Fave part ko: "sino b pwede mayakap jan!?"
Natanong ko na rin kasi yan. ;)

kikilabotz said...

@tutubi- cg group hug na!!

@ gudang- :D. salamat gudangski

@ kuratcha- ah ganun? kng magpapakilala k nmn ed i know u na. at pwede nmn din akong magpakilala. ahehe.

kikilabotz said...

@tutubi- cg group hug na!!

@ gudang- :D. salamat gudangski

@ kuratcha- ah ganun? kng magpapakilala k nmn ed i know u na. at pwede nmn din akong magpakilala. ahehe.

etchosera said...

Minsan kelangan mo masaktan para malaman mong hindi ka manhid

>>>korek hahaha. at sa lahat ng msg mo sa kanya, naka relate daw ba naman ako wahahaha.

>>>hindi ako manhid, hindi.... :lol:

missbroken said...

churva.. katawa ka talaga... hmmmm.. ayaw mo love story na movie..kasi ako nagsawa na ata sa mga ganyan.. hahaha... naging emo ka pa bigla.. be happy lang tol.. kaya mo yan... my qoute ako para sayo " Smile! It will make you look better. Pray, it will keep you strong. Love, it will make you enjoy life.".. yan tol.. ok na?

kikilabotz said...

@ ethosera-nakarelate k b? ahaha. uhmm hindi k manhd? malamng lagi ka rin nasasaktan no? haaayyy..

@ miss brocken- salamat pala sa quotes mo. pakopya ha? sana kayanin ko. help nyu ko. pwede b un?

pruelpo said...

kung mahal mo ang isang tao ay dapat lang na ipaglaban mo ang iyong pag-ibig, nguni't kung sa palagay mo mas makakabuti para sa inyong dalawa na tuluyan kayong maghiwalay huwag mong ipagkait dahil iyon din naman ay pagmamahal. maraming mukha ang pag-ibig. naniniwala ako na kaya mo yan...wag mong ipinid ang puso mo para sa iba. napadaan lang igan. God bless.

No Benta said...

Ang tunay na lalaki, marunong umiyak at hindi manhid. Sa totoo lang, emo naman talaga lahat tayo. Ayaw lang magpahalata. Hahaha

missbroken said...

ayun na... napadaan na naman ako dito..
wala lang kasi magawa....
yun lang poh.. alis na ako...

taympers said...

naaliw naman ako sa blog mo. susubukan kong mamasyal ulit dito ha.

Jam said...

Cge na nga lagi na lang akong late..aaminin ko na yan ang award ko nung elementary ako...Newei..prend lika dito hug kita ung walang bitwan ewan ko lang kung hindi mas malakas na iyak ang gawin mo wahahaha..Seryoso na, cguro nga mas mabuti na ung pakawalan mo na ang isang bagay, masakit man pero msarap sa pakiramdam dahil naging bahagi ka ng isang masayang parte ng buhay nya..Ingats kikilabotz kpag kailangan mo ng hug d2 lang kami ni Sistah always ready to rescue u...naks!

Kaitee said...

Aww. *Hug*

Siguro nga naging unfair tayo sa kanila pero sana naisip nila na naging unfair din sila sa atin. Oh well, dadating din ang panahon na maiisip nila na ang laking kawalan natin.

Yan tuloy. Nalungkot na naman ako..

bonistation said...

nag ba back read po ako.. ang gaganda naman ng mga entry mo..

nakakainspire ..

keep it up!


cheers!