Alas 6 ng umaga,Papasok pa lang ako sa trabaho. (OO late na! kaya nga nagmamadali na eh.) Habang pababa ako ng hagdan ng MRT ay may nasalubong akong paakyat na isang babaeng maganda na nakaputing T shirt. Nabasa ko ang quotes sa kanyang damit na nagsasabing " I THINK THEREFORE, I BLOG " . Lumaki ang mga mata ko at natuwa sa aking nakita. Parang gusto kong hubaran yung babae at iuwi ang kanyang suot na damit.Pero mas gusto ko kung pati sya ay maiuuwi ko.haha.joke.
Naalala ko tuloy kung papaano nagsimula ang lahat. Kung papaano ako natutong gumawa ng blog. Kung papaano ako naging ganap na isang blogger. Dahil sa nakita ko nagkaroon ako ng magandang idea kung anung magandang ipost sa blog ko. Kaya habang nasa trabaho ako eh medyo naeexcited na akong makauwi para masimulan ko na ang pagbblog.
Matapos ang dose oras na trabaho. Nagmadali akong makauwi ng bahay.At ng makarating na ako sa aking munting maruming tahanan. Agad agad kong inihagis ang dala dala kong bag sa kama. Nagmamadaling nagpalit ng kasuotan. Kumain.Nagtutbrashsss. At yun na!!. Sinimulan ko nang matulog.
(bkit ba? pagod ako eh)
Makalipas ang ilang araw na pag-eemo. Naisipan ko ng simulan ang pinaghirapan kong isipin na entry.At ngayon andidito ako at tinatype ang mga salitang naiisip ko para ikwento sa inyo kung papaano nagsimula ang lahat. Mahaba toh kaya be patience.
Nagsimula ang lahat nung kakapasa ko lang ng board exam. I was too depressed. Bukod sa walang trabahong mahanap. Kakabreak lang namin ng ex ko. so Humanap ako ng paraan para matawa. Para kalimutan ang mga problema ko sa buhay. Tapos nakita ko madaming mga messages sa inbox sa yahoo mail . puro friendster blog updates. Sinubukan kong basahin. waaaaaaaaaahh!! Badtrip!! english!! english at english! Muntik ko na isumpa ang pagbblog! Asar! Wala na ngang trabaho tagdugo pa ang ilong ko. haaayy
Ewan ko. Pero sinubukan ko na lang bigla. Para siguro makalimutan ko ang mga problema ko. Para siguro may mapagtawanan ako. At ayun nga. Natapos ko ng first ever blog entry ko.
http://kikilabotz.blog.friendster.com/2008/09/hello-world/
at ayun na nga. Nagulat ako sa magandang feedback na natanggap ko. may mga nagcomment. wow! ganito pala dito sa mundo nang blogging. Parang I accomplished something na maganda. Ang sarap ng pakiramdam ko. Nawala sandali ang mga lungkot at hinagpis na naramdaman ko nung mga panahon na yun. Kaya simula nun. edi simula nun. haha. joke. Hndi ko na maiwan ang pakiramdam na yun na minsang tumatanggal sa mga lungkot ko.
SA PAGBBLOG NALAMAN KO KUNG BKIT BILOG ANG BOLA NG BASKETBALL. MALAMANG SA ALAMANG DAHIL KUNG SAKALING HUGIS STAR YAN HINDI YUN MAGKAKASYA SA RING!! wahahaha. corny eh noh! bumabanat pa ng ganun! haha
25 comments:
haha, corny=)but i think gusto ko din ng tshirt na yun.. anyways, kumusta naman ang pigsa mo??
Oo nga tama! nakaka tats kapag may nagbabasa ng entry mo sa blog kaya mas nakakagana gumawa ulit ng panibago. Saka tama din na nakakatanggal ito ng lungkot. ^_^ ingatz na lang po..
dahil sa blogging nailalabas mo mga himutok sa buhey! ayiiiiiii :))
At least ang laking benefit mos a pagboblog diba nakakapag-monologue ka kahit walang kausap o kaya nakakapagmura ka kahit walang kaaway (ganun gingawa ko eh hahaha).
Aba! Aba! mukhang d ko pa nakikita ang laging nangungna sa pag kokoment ang aking ever sistah! hahaha! Wer r u sistah yahooo! Nwei kikilabotz buti na lang d mo naiuwi ung may suot ng t-shirt kung hindi d lang walis ang panghahabol ng nanay mo sayo kundi gulok! hahaha! joke lang..Ingats.. gudlak sa pigsa mo hahaha1
ahaha as usual nakakatawa ag blog mo!
onga naman sana makakita rin ako ng ganung t-shirt. naalalala ko tuloy yung mga moments nung nagsisimula palang ako..
panget na friendster e. fb ka na lang :P anung fb mo?
nakakatuwa bog mow.. nagustuhan ko tuloy yung T-shirt sana hingingi mo baka ibinigay nya..jejeje... keep posting..
gusto ko rin ng shirt na ganun, malamang kung nakita ko un nainggit din ako.
kung star ang shape ng bola, sasabit sa net. hehe
huhuhu.. bakt sobrang late aq s pagcomment?!!!
mjo mhba nga pro dhl malaks k skin binasa q kht tamad aq magbasa ng mhhbang post kya nga maiigsi lng laht ng post q e! hehheh..
preho tau kilabotz nkgwa ng blog dhl s lungkot at pighati dla ng buhay pag ibig, at kelangang my malabasan ng nrramdaman! :)
at bukod s ang sarap ng filing magsulat at nkkbawas ng bigat ng nrrmdman eh nkakaaliw tlga magbasa ng mga blog ng iba at umepal s mga post nla db?lalo n kung related k! hahha
sobrang srap ng filing ng my nagcocomment dhl alm mong my nagbbsa s cnulat u at higit s lht e nagkkaroon k ng bagong frenzzz love it! ;) kya nga labs n labs kta e kc ikw ang unang nagpramdan s blog q~! hehhe
oo nga pla hnd kp nagrerequest ng song s music blog q h! :(
(pero s comment gus2 q mahaba!) hahha :)
so ang may kasalanan nito ay yung babaeng may suot na T-Shirt? Mahanap nga yun!hehhe
Congrats at talagang patuloy ka pa ring nagboblog!Basta sulat lang ng sulat.
Ingat
@ karen anne- corny b? wahahaha. ganun talga pinaglihi ako sa gabi eh. aung konek? hnd ko alam.haha. ok na po pigsa ko.malaki na sya! grrrr
@darklady- may tama ako? ahehe. salamat sa pagsabing ingat ako. ahehe
@tutubi- uuhm nailabas ko ang ilan per hnd pa lahat. tapos dito sa blogging dami naglilisten na friends eh
@ glentot- oo nga noh? nakakapagmura ako khit walang kaaway. haha. parang murahan ninyo ni pareng jepoy. haha
@missbroken- hehe. late na kasi ako eh. sayang. tnx sa pagbisita
@meg-uhmm hehe. panu k nmn nagsimulang magblog? uhmmm..ahehe. fb na lang b? ahaha. cg pagisipan ko kung ibubunyag ko fb ko. ahehe.
@jam- ahahaha. oo nga late si kayedee ngayun eh.ahaha. buti b hnd ko naiuwi? ahahahaha. sayang nga eh. ganda pa namn nya.ahihih. ok na pigsa ko . inaalagaan ko naman syang mabuti at ngayon malaki na.
@choknat-hahaha. sasabit nga sa net. kainggit nga gusto ko bumili ng ganun. huhhuhuh. san kaya pwede makabili ng ganu. dapat pala tinanong ko sya na exchangelink kmi eh.hehe
@kayedee- haha. ang haba ng comment ah? ahahaha. salamat sa sobrang habang comment.ahehe. waaaaaaaaaahhh!! love na love mo ko? waaaaahhh. ahehehe. kakatuwa naman yun! loveyutu!ahaha. uhmm ganun nga pkiramdam eh.ang sarap sarap db? ahaha. uhmm teka nagiisip pa ako ng kantang nababagay sa akin eh.hehe
@drake- tara hanapin natin. aheheh. tapos hingiin ntin number.haha.salamat sa advice pre
salamat sa rin sa pag daan.. wala me magaw kaya daan ulit..
wow, astig yung nakita mo ha. Pagamit ha, ilalagay ko sa FB ko. Hehe. Sarap talaga mag-blog lalo na kapag may nagbabasa.
Pa-ex-link ha.
wow. gusto ko din nun, mgpagawa na lang tayo ng ganong shirt hehe.
sa fs din ako unang ngblog tpos ngmultiply ako. iba tlga ang hatid ng pgbblog e. nbbwasan yung bigat ng nrrmdaman mo. kaya blog lng blog. yeah!!
pag ako nakakita ng lalakeng may suot na ganun, malamang alamang iuuwi ko siya! lols!
akala ko namn sa pag uwi mu dali dali mung binuksan ang comp. mu at nag blog agad, natulog kapala agad! hehehe ;-)
at dahil sa post mo..talagang wala akong rason para umalis sa pagiging blogger hehe..:D
isang taon na rin ang nakalipas..
padadamihin ko pa ung taon na un..:D
at xempre ikaw din hehe..
@ missbroken- ganun? hahaha. cg daan daan lang. isipin mo lang kalsada ako. haha
@no benta- cg exchangelink
@ keso- pagawa tayo? cg cg. san b alam mong pwede? uu nga eh. lahat pwede mo ikwento d2 sa blog. wlang pumipigil at nagbabawal.
@pinkdiaries- cg magsusuot ako ng ganun!! para iuwi mo ko.wahahahaha.joke. napagod nga ako. pagpahingahin mo namn ako.ahaha
lovely-yehey. one year ka na. at buti nmn at hnd ka na aalis sa pagbblog. yahoonh yehey
parekoy salamat sa ex-link...gingi sana ako ng favor, ito ang gamitin mo na feed:
http://feeds.feedburner.com/NoBenta
para may updates sa posts ko.
SALAMAT!!
HAHAHA! You're really funny. XD Pag-open ko pa lang ng page mo natawa nako sa nakasulat below the banner. XD
Anyway having a blog really helps. Kasi if you can't share some things with the people you personally know well, eh di dito ishare? ^^ mas nakakagaan pa ng loob.. XD
PS.
Buti di mo tinuloy yung balak mo sa girl... Kidnapping yun. XD
cool ang blog mo, Igan. congrats. ako naman naging hobby ko ang mag blog para panlaban sa homesickness at homesexness. napadaan lang. Musta?
shocks haha xD asan ang pigsa?!
wooot! :D
awts gusto ko rin nung shirt ehh'!
nakoo nakoo sana may ganun rin tayo.
saan kaya nabili yun? Ü
masaya talaga mag blog di ba?
lalo na pag may mga nag cocomment haha :DD
ayos!
@ rich- haha. salamat at natawa ka. hehe. oo nga mas nakakagaan nga ng loob pag meron nagbabasa at nakikinig sa hinanakit mo sa buhay
@igan- homesexness!! ahahaha. ok lng nmn igan salamat sa pagdaan
@ kryk- uu lalo na pagmaraming maraming comment
Post a Comment