Wednesday, May 16, 2012

Si kikilabotz sa totoong buhay

Hahaha, wala nanaman akong magawa , kaya nag isip ako ng magandang trip. At since itong blog na ito ay personal blog ko. Naisip ko na ilathala dito kung sino si Kikilabotz sa totoong buhay. Ayun. Kaya I invited Few random people na kilala ko sa totoong buhay to describe me sa pagkakakilala nila. hahaha.

Ayun , at ito yung mga nakuha kong sagot nila.




CLOSE FRIEND 1

First impression q, tahimik. May konting hiya siya sa katawan nya nung mga panahon na yun.

Physically he's ok, lab n lab q yung big cheeks nya, tas yung giant nose nya na kayang singhutin ang 50% ng oxygen sa mundo at ang favorite part q eh ung big and healthy tummy nya. ^_^
Yan ang mga asset ni kikilabotz na hindi dapat mawala sa kanya kasi nakapagpapasaya xa ng ibang tao, tulad ko..haha

Sa attitude nya, wla akong masabi kasi super bait nya, mapagbigay at mapagmahal sa ibang tao, ewan q kung bakit sa kin e hindi nya un magawa..wala akong natanggap sa knya kundi puro panlalait at pangda-down sa mga bagay bagay, minsan iniisip ko kung bakit q ba xa naging kaibigan..hahaha
Pero kidding aside, i'm blessed to have this in my life, he's one of a few person whom i can show the real me.
wla naman akong maitago sa kanya, pati lablyf ko alam nya.hehe

So sino siya para sa kin, ito talaga yung tanong nya eh, ang haba lng ng introduction q.haha
Well he is a one lucky guy because we became friends, its been a year and a month. I was one of God's present to him nun bday nya.haha

Seryoso na nga, si kikilabotz po, mahirap mang tanggapin, ay isang hulog ng langit para sa kin, haha, xet nasabi ko din. haha
Hindi man kapani-paniwala, khit sa sarili ko nahirapan akong tanggapin yun.
He's one of a few people who manages to cheer me up whenever i'm down,makita ko lang cheeks nyan ok na ulit aq. Sa dami ng kebigan nya, ewan ko kung papano nya pa nahahati yung oras nya para sa kanila. maliban dun libo libo pa fans nya (abot tenga ngiti mo noh, puring puri kita dito eh).

So yun lang poang mahal kong kaibigan na chickboy, I admire him for he fears God and He blesses so many with his kind heart. chos!

Sana sa kin din maging kind ka paminsan minsan..haha


CLOSE FRIEND 2

Siya ay matangkad.
Malaki ang kanyang butas ng ilong.
Mataba ang kanyang cheeks i mean mapisngee xa. (totoo to no stir) Haha.
Malakas ang kanyang dating, tama..kaya kumapit ka kasi mahangin to eeh. Sobra.
Hahahaha. Dinaig pa niya ang tornado at Hurricane. Hehehe.
Madame po siyang alam gawing kalaokohan pero mas madame siyang ginagawang kabutihan. Nuks.
Hooraaay. hehe
sa pagkakaalam ko ulet ay siya ay may mabuting puso.
Napakabait, mapagbigay, mapagmahal at maaruga sa lahat ng magagandang babae na kanyang nakikilala.
Tama, maganda..sa Maganda lang. Haha. Joke.. ^_^
Above all he have faith in God which makes all his imperfections perfect in the end.
Wala man sa itsura pero ang taong ito ay may paniniwala at takot sa Diyos. Maniwala kayo. Hehe :P
Marami na din po sya na natulungan, isa na ko dun.
Wala man nga sa itsura pero maniwala ulet kayo. Hahaha :D
Para sa akin ay isang mabuting kaibigan, kapatid, kapamilya, kapuso at higit sa lahat maaasahan sa
lahat ng oras. ^_^



STUDENT NURSE

Sya yung aakalain mo sa una mayabang, snobero & Etc. pero pag nakilala mo siya mapapahanga ka kase yung masunget, mayabang, snobero kabaligtaran pala Makulet siya, kahit hindi mo pa siya kaibigan magiging kaibigan mo kasi ang cool nya. Hindi hadlang sa pagiging kaibigan sakanya yung kung ano ka. Minsan nga lang sobra na kakulitan nya at minsan mayabang siya :)))))) Tungkol naman sa panlabas nyang kaanyuan Hindi siya gwapo, Hindi siya maputi pero mapapatingin ka sakanya kase My dating siya. Yung tipong hindi nakakasawa tignan yung pagmumukha nya Lalo na yung pisngi nya Inshort Cute siya lalo na pag nag'smile

SUPER INTERNET FRIEND


pwede yan icompare sa EPINEPHRINE, nagbibigay buhay, nagbibigay saya. Hindi lang sakin, kundi sa lahat ng mga followers nya. Kung problemang puso lang naman, malamang expert na yan! Siya yung tipong mag increase ng heart rate mo at force of contractility nito pag feeling mo pagod ka ng lumaban at gusto mo ng maggive in. as an adrenergic, siya din ang magsserve as bronchodilator mo kapag suffocated ka na sa lahat ng pollution sa buhay mo. Try mo magpaconsult, free lang naman e. Just make sure ready ka sa mga side effects nya. Tremors dahil sa katatawa sa mga jokes at kakulitan nya. Magddilate din ang pupil mo. Sa gwapo ba naman na yan, ewan ko lang kung di talagang lumaki ang mga mata mo pag nakita mo siya!? And last but definitely not the least, you’ll have excessive sweating as he is sooo damn hot!


NEW FRIEND


 sa totoong buhay ay masasabi kong "ideal man", no hidden feelings lol. Isa siya sa mga hinahangaan ko hindi lang sa pagba-blog kundi pati na rin sa totoong buhay. Hinahangaan ko ang pananaw at attitude niya towards everetheng. Cool at punong-puno ng sense of humor. Lahat ng sinasabi niya may relevance kahit minsan ay pabiro at sa malokong istilo idinadaan. Solid ang mga banat, siguradong lahat mapapalike. Sweet, loving and caring yan, hindi man sa 'kin, alam ko na ganun siya sa taong mahal na mahal niya. At first akala mo chickboy. Pero ang totoo at hindi kapanipaniwala eh loyal yan magmahal. Kaya kapag nasaktan ay ganun din kabongga. Na-appreciate niya ang bawat ganda naming mga kababaihan (oo dapat kasama ako). At open siya sayo kung gaano niya naappreciate yung value mo as a person and as a friend. Approachable at mababatid mo na nakikinig siya sa mga sinasabi mo. To the rescue lagi kapag kailangan mo ng tulong niya. Reliable siya sa mga panahong ganyan. Hindi sapat ang text sa kanya para lang malaman kung okay ang kalagayan mo, ume-effort sa tawag para tulungan ka talaga. Sa likod ng makulit at palabirong personality niya ay nagkukubli naman ang kanyang golden heart, oha. Napakalalim ng faith kay Lord, kahit minsan di halata. Siya ang great influence ko kayo ko nadiscover ang The Feast na naging isang malaking blessing sa buhay ko. Dahil sa kanya  nag-iba ang perspective ko sa mga lalaki (yes gumaganun talaga). Kasi hindi naman purkit maloko, mabiro, makulit at iba pang MA- ang mga lalaki ay ganun na ang buong pagkatao nila. Meron silang worth and value na kailangan mong makita not just with your eyes but also with your heart. At for the finale, si Marvin ay gwapo sa totoong buhay. Walang halong biro at pang-uuto 'yan.

College Clasmate

 head turner yan eh.haha.GWAPO db?..gaano ko kakilala tong taong 2 actually di kame close haha.naging ka group ko lang sya sa isang duty during a collage days..mukulit din pala ibang iba pag nasa na class tahimik kasi sya pag nasa classroom (pero di ko sure, di nga kame close) hahaha.dun nlng ako mag pofocus sa physical aspect nya.eto'y balita lang nman..may dalawang babae noon na nag sasabi na girlfriend daw sila ni kikilabotz..haha diko sure sino sakanilang dalawa ang nag sasabi ng totoo! Hahaha.may isa papala, may hidden talent pala si Mr. KIKILABOTZ mag sulat nbasa ko yung mga blog nya sa friendster (uso pa kasi nun friendster) at magaling sya talga mag sulat! Puro pag bubuhat ng bangko ang nasa blog nya! Kung gano daw sya ka cute, at may kumukuha pa daw ata sakanya mag ARTISTA! At naisulat din nya ang mga karanasan nya sa araw2 Haha.pero dahil dun na inspired ako mag sulat.nag sulat ako once at thankful ako siya ang kaunaunahan at huling pumuri ng gawa ko.may talento talga sya sa pagsusulat.akala ko puro mukha lang ang meron siya pero hindi pala complete package na! Haha ganyan pag kakilala ko sanya

College Friend

I’ve known him since our college days. A good-looking guy (ahem...) with fantastic sense of humor and abundant cleverness (ahem ulit...).He has a great sense of style (daw...) and overflowing sex appeal in girls (agree?!...) Lage nyang pinagmamalaki ang mga celebrity look-alikes niya, like Tyrone Perez, Xian Lim etc. He’s a very adventurous person who loves travelling (sa tingin ko lang). He loves computer games and blogging (tama?!). He’s a very funny person; we spend our time laughing whenever we’re together. Never kang mabobored kasama sya, sobrang dami niyang alam (na kalokohan). Whenever I ask something, he wouldn’t seriously response. And lastly, yung obsession niya sa mga pretty girls (hindi mawawala yun).
But seriously, he‘s a very inspiring person who has a lot to say when it comes to life. Overall he’s been a good person and a good friend to me. Someone who never fails to remember. Someone you can always count on. And I’m thankful knowing such a great person like him. ^_^

BLOGGER FRIEND

aka kikilabotz , ang unang blogger na naka EB,,,isa cyang cutie at matangkad na nilalang,,,tahimik sa personal?minsan haha...pero enferness pwede cyang maging model ng toothpaste dahil sa knyng KILLER AT MAPANUYANG SMILE
mareklamong bata dahil binigyan ko daw cya ng expired duryan kendis haha

BLOGGER BESTFRIEND

Maloko, malisyoso, babaero. Yan ang una kong impression nang minsang napadpad ako sa blog ni Kikilabotz (kabaligtaran ng sinasabi sa url ng blog niya). Pero napatunayan ko na ilan lang (wow tatlo lang naman, kaw na bahala mamili) dun sa nabanggit ang totoo kapag nakilala mo na si kikilabotz. Mabuting kaibigan. Hindi siya magdadalawang isip na samahan ka lalo na kapag nararamdamang niyang kailangan mo ng kasama. Makikinig siya sa’yo, as in eye to eye pa ang style.Tapos mamaya sisingit ng konting kalokohan para mapangiti ka. Positive person. Kapag kausap mo siya, parang lahat may sagot. Parang lahat ng mahirap, madali. Ganun siya. Observant. Patahi-tahimik lang yan, tas yun pala kahit sugat mo sa paa e napapansin na. Kaya minsan nakakaconscious siyang kasama. Ang gusto ko sa kanya, hindi siya kiss and tell na tao. Madalang nga mag-share ng love life yan eh, as in. Pero positive naman yun sa’kin kasi mararamdaman mo yung respeto niya sa karelasyon niya kahit pa minsan nasasaktan na siya. Malandi. Parang siya si Lufet sa sinulat niyang I love you ipis ipis very much. Mahilig din sa mga banat banat. At tulad din ni Lufet alam ko wagas yang magmahal. Gagawin kasi niyan lahat para sa babaeng gusto niya.


FORMER LOVER

in real life, he is my soulmate (walang kokontra dahil aware siya don) he is a really nice guy na mahilig sa spaghetti at magaling magluto ng spaghetti and Im so lucky na natikman ko yon. Its priceless!!! He never fails, he always makes his friends and family happy. Napakalakas kasi ng sense of humor ang taba taba ng utak nya hehe.. May goal sya ang daigin si dora sa pagkalakwatsera hehe. Napaka-adventurous nya sobra He is also a good adviser minsan na nya ko napayuhan at napagsabihan pero hindi padin nababago reaction ng mukha nya mukha padin MABAIT naks!!! all in all I'm so lucky to have met someone like HIM Mabait, Masipag, Maasahan, Funny, Caring & Loving sa kapwa nya thats all

FAMILY MEMBER

ikaw ang pinakamakulit at pinakagwapo kong kuya


sana may napala kayo sa pagbabasa. bwahahahahaha. . kung wala naman kindly visit here MAGUGULAT KA SA MALALAMAN MO


haha pki add sa link nyo, alam  niyo na kumikitang kabuhayan natin. hahaha. salamat guys sa supporta at sa like

6 comments:

kayedee said...

puro bola :-p
ill meet u someday marvz :)

khantotantra said...

natawa ako sa sinabi ni close friends 1 and 2 about sa ilong tapos cheeks. hehehehe :D

jhengpot said...

ehdi ikaw na! haha

hArTLeSsChiq said...

sows eto pala yun, agree ako dun sa mapisngi.. bwahahahaha

pauch said...

kilalang kilala ka ni close friend 1 and 2 noh, tamang tama un description eh.
ikaw na ikaw..hahaha :p

Con said...

Alam ko na ang asset mo dahil paulit ulit nila tong sinasabi.hehehehe
Sana next time, magka meet din tayo. :) gusto ko din ma interview.hahahaha