Wednesday, April 25, 2012

Banatan sa Damuhan Bengbeng





Inihahandog ng “ Kwentong Nakaka ni Kikilabotz’s production” ang taunan at makabagong paraan ng pakikipagbalagtasan.

Ang tema, PANITIKAN 2012.

Buksan ang PANanaw
Ilabas ang TI wala sa sarili
At simulan na ang KAN tyawan

wooooooooohhhhhhhh

Dahil walang kuryente sa loob ng ating ipinagmamalaking gusali, minabuti namin na dito na lang ganapin ang pinaka mahalagang kaganapan ng ating paligsahan. Dito sa walang kakati- kating mga damo at pinaganda pa ng mga  kumukuti kutitap na mga kulisap.  Sa lugar na tinatawag naming Damuhan bengbeng
At ngayon, taas nuo naming pinagmamalaki at itinatampok ang tagisan ng galing ng dalawang manlalaro para sa kampiyonato .
 Ang dalawang kapitapitagan na may matatalas na isipan at papanalita.

Sa aking kaliwa, Ang sikat na sikat na si Buy Banat
(palakpakan)
Sa aking kanan, si Pepeng Pag-ibig
(palakpakan)
 Ihandaaaaaaaaaa naa annnng mga sariliiiiiii at simulaaaaann naaaa ang Banatan sa Damuhan Bengbeng!!!


Ang mauuna ay si Buy Banat

“  hoy hoy Pepeng pag ibig,
Wag ka muna diyan masyadong maligalig.
Di porket kumain ka ng adobo’t  pinipig
Maganda na mga salita lalabas sa iyong bibig
Pwede ba, huwag ka munang magalit
Baka muka mo mas lalo pang pumangit
Hindi naman kita nilalait
Pero bakit kaya sayo’y walang gustong lumapit
Patingin nga ng mukha mo sa malapit…
Aguy..saksakan nga ng panget
Para kang taeng malagket
Na nakadikit, sa maitimim na puwet!"


Oras na!! pepeng Pag ibig pagkakataon mo na!

“Hola hola hola!
Salamat sa iyong pambobola
Akoy  lumilipad na parang saranggola
Babawian kita, mag tago ka na sa palda ng iyong lola

Hoy hoy hoy!
Babanat  ka pa boy!
Teka muna! Ikaw ba yung nangangamoy?
Dapat sayo sinusunog sa nagbabagang apoy
Hoy boy ,Para hindi ka na makapinsala
Dahil amoy na yan, sobra ng malala
Babango ka pa ba?
Yan, yan ang  kailangan ng himala

Hindi ba talaga uso sayo ang maligo?
Nung nakita kita, napamura ako akala ko maligno
Kaya nga ayaw kita ituro,
Lam mo kung bakit? Baka isumbong mo ko sa mga kaibigan mong nuno  sa punso”

Oras na!   Buy Banat ! pagkakataon mo na ulit!


“ di mo kaya ang galing ko dito sa panitikan
Dahil ang mga banat ko, hinuha ko pa sa silid-aklatan.
Kaya nga wala kang karapatan, lumaban sa aking harapan
Dahil mga banat mo napulot mo lang sa may basurahan
Ako ilang beses na bigyan ng parangal ng ibat ibang kagawaran
Sa galing kong bumanat ako ang nagiisa sa  may unahan”

Pepeng pagibig ikaw naman!

“ magaling ba kamo sa panitikan?
Ikaw!? Baka magaling magnakaw ng panti ni kwan!
Maraming parangal?
Pwede bang umangal
May nalalarawan ka pang kagawaran,
San ang ebidensya, nasan ang larawan?”


Ennnkkk!! 

Ang Resulta....

 Tabla!! Walang nagwagi! Hahahaha.

 
Pabaon na Banat mula sa paborito kong bayani
Masasabi mo bang mas malansa pa ako sa galunggong ang aking amoy, kung mas mahal pa kita kaysa sa sarili kong wika?



ang post na ito ay isang pagsuporta sa munting pakulo ng damuhan.  Makikita ang ibang detalye dito

More hot news and trending visit here


18 comments:

Axl Powerhouse Production Inc. said...

ayos tomng entry mo ha Flip Top Battle!! galing!!
goodluck sa atin!!

~ JaY RuLEZ ~ said...

tnt fliptop...kakaiba naman itong sau..kakatuwa.gudluk kiks!

Superjaid said...

ayos. flip top!yeah!binasa ko to na may tono sa akin isipan haha

Bino said...

salamat sa paglahok :)

Bino said...

pero ung link mo dun sa comment box, ung link ng contest, hindi nito'ng article mo lol

tabian said...

naks!! nangiti ako at natawa sa entry mo kiki boy...parang modified balagtasan/fliptop..ayush!!

miss Gee said...

hahaha iba na talaga ang balagtasan ngaun

Orange Pulps ♥ said...

astig ah. haha. gora sa flip top. :DDD

Arvin U. de la Peña said...

good luck para dito...

antz said...

ayos to..gl sir...

ISTAMBAY said...

para sa aken, huhhhhh.. hirap...

sige sa una si pepe,

sa pangalawa si buy banat,

sa pangatlo eh tabla

kaya OT... OT....


:)

J. Kulisap said...

Napapanahon at makabago. Bagama't palasak, iyong-iyo pa rin ang ideya.

:) Kaw na!

toko bunga online mutiara indah florist said...

http://mutiarabunga.blogspot.com

Dhianz said...

churi i did not read it.. i juz wanted to say hi sa wafung wafung c kikilabotz! *hugz*... npadaan... Godbless!

YOW said...

Wow. Pinagisipan ang mga rap. Hahaha. Umeport. Ang porma! Natuwa ako sa mema-isali mong post. Haha

BONISTATION said...

tabla!!! hehe

Dahn Jacob said...

Nagbasa. Humusga. Haha! Sabi ko na nga ba... Tatak Kiki talaga. Good luck sa entry.

Enan Nazco said...

Ang galing!