Friday, June 10, 2011

Save lives by sharing yours


Marami man ang hindi maniwala, para sabihin sa inyo ang katotohanan, bukod sa walang magawa sa buhay, ang titulo ng post kong ito ang isa sa mga dahilan kung bakit may nababasang   kayong mga kwentong nakaka ngayon.  Ito kasi ang dahilan kung bakit ako nag blog.

Pero sa paglipas ng panahon, dumarami ang naging mambabasa ng blog kong ito. Minsan  may magttxt na lang  bigla sa akin. “nabasa ko blog mo ah?  May problema ka?” o kaya naman “ Oi inlove ka nanaman,” meron ding  “ nagaadik ka naman, tumira ka nanaman siguro ng katol”. Dahil dito pakiramdam ko  unti unti na akong nawalan ng privacy. Pakiramdam ko hindi ganun kasafe ang blog ko para paglabasan ng lahat ng saloobin ko.  Nagkaroon ako ng pag aalinlangan na baka isang araw may makabasa  ng mga ito, at hindi man sadya ay  masaktan ko sila o kaya mapaluha. Oo masama ang ugali ko pero hindi kaya ng konsensiya ko na maging dahilan kung bakit lumuluha at nasasaktan ang isang tao.  Dahil dito  nagbago ang tingin ko sa blog ko, hindi na ito yung kagaya ng dati na nailalagay ko lahat ng gusto ko, masaya, malungkot o bastos man. Pakiramdam ko tuloy  ang blog ko ay parang isang maliit na box na kung saan pilit kong pinagkakasya ang mga libro librong laman ng isip ko.



Kaya ngayon, ipinapangako  ko na muli kong ibabalik ang dating kikilabotz na kilala ninyo. Sisimulan ko ito sa pagkukuwento ng misteryoso kong buhay pag ibig.

Magmahalan tayo, ito ang pinaka mahalagang utos sa atin ni Lord. Pero bakit ganun? Merong tinatawag na bawal na pag ibig? Kelan pa naging mali ang magmahal? Ika nga ni  3rd party “ hindi lahat ng party masaya” . At aaminin ko, Member ako ng 3rd party club.

Para sa mga hindi nakakaalam, few years ago, yung medyo payat pa ko, Si kikilabotz ay umibig sa isang magandang binibini.  Minahal niya ito ng sobra sobra. Sa sobrang pagmamahal nagawa kong ibigay ang lahat. Maging ang hot na hot na inosenteng katawan ko. Pero kagaya ng ilang love story, hindi naging maganda ang ending. Nilabasan kasi ako agad, ang bilis, parang kakapasok pa lang eh. I mean, lumabas agad siya sa puso ko. Kahit anong pigil ko, pilit siyang kumawala. Iniwan niya akong  nagiisa, sugatan at hindi malaman ag gagawin. Ginawa ko ang lahat ng magagawa ko, kahit ang umiyak sa harap ng camera at ipost sa youtube. Nagawa ko lahat iyon para maayos ang lahat. Pero ganun talaga ang life. Mapaglaro

Pinilit kong mag move on, Nagawa ko ito sa pakikipagdate sa ibat ibang mga babae. Hindi ako naging mabait, kasi marami rin akong nasaktan at meron  din akong napaasa. Dumating na rin sa point na akala ko hindi ko na magagawa pang magmahal ulit ng tunay. Hanggang sa nagkita kami ng aking soulmate, bigla nag iba ang kulay ng mundong ginagalawan ko. Kulay pagibig.


Muling tumibok yung puso ko, Muling dumaloy sa ugat ko ang salitang pagmamahal, Bumalik ang mga ngiti sa mata ko,Inlove na nga ata to, pero may probema. May boyfriend siya at alam kong mahal na mahal niya.
Wala naman akong balak na agawin siya, Ewan ko ba? Isang araw bigla na lng hindi ko na napigilan ang sarili k, Inamin ko na sa kanya na mahal ko siya. Mahal na mahal.  Ang saya saya ko nung nasabi ko iyon, kahit na alam kong mali, hindi ko pinagsisihan.

Lumipas ang ilang mga araw, nagkaroon sila ng pagtatalo ng Bf niya. At ayun na nga nagkahiwalay sila. Masyadong nasaktan ang soulmate ko. Wala akong balak pumapel, pero ayaw ko rin nakikita siyang nalulungkot at nasasaktan , gusto ko lagi siyang masaya, gusto ko rin lagi nakikita mga ngiti niya, pakiramdam ko kasi siya ang pinaka magandang babae kapag nakangiti siya, kaya ayun, Ang feelingerong si kikilabotz na isang extrang hero, dumating at nagsilbing superhero to the rescue

Sa ilang buwan namin magkasama, naging masaya naman ako, as in sobrang saya. Marami kaming napuntahang ibat ibang mga lugar. Mga gagandang mga lugar, pero ang pinaka magandang lugar na napuntahan ko eh sa tabi niya habang tinitignan kong  nakangiti siya. Yung mga buwan na magkasama kami, para sa akin ito yung pinakamasayang buwan ng buhay ko.

Bumalik sa eksena ang boyfriend niya, unti unting lumabas ang katotohanan. Nung mga panahon na akala ko masaya  rin siya, nagkamali pala ako.Gabi gabi umiiyak siya at nangungulila. Sa mga panahon akala kong mahal rin niya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Akala ko lang pala iyon, kasi may iba pang laman ang puso niya at hindi ako yun.  Ayaw ko man, unti unti na akong nawawala sa eksena.

“pinipigilan ko ang sarili ko na mahalin kita, kasi ayoko balang araw na masaktan kita”

Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin kapag sinasabi niya iyan sa akin, Ang naiintindihan ko, yung nararamdaman  ng puso ko, parang balat ng letson  na madalas may kumukurot.  Kahit paunti unti kapag nagtagal masakit na rin. 

Hindi naman talaga ako sumusuko na mahalin siya, hanggang ngayon pangalan niya pa rin ang sinisigaw ng  puso ko, ngiti niya pa rin ang hinahanap ng mga mata ko,siya pa rin ang babaeng gusto mahalin ko  Pero anong magagawa ko, extra lang ako. Ang masaklap  kontrabida  ako pagdating sa pagmamahalan nila. 

At ngayong tuluyan na kaming nagkalayo, aaminin ko miss na miss ko na siya at wala akong kahit konting pagsisisi na minahal ko siya. Kasi ng dahil sa kanya nalaman ko, marunong pala magmahal ang isang kikilabotz.




25 comments:

bulakbolero.sg said...

Kiki, bata ka pa. Madami ka pang pwedeng pagdaanan at maranasan. Hindi din perpekto ang buhay ko. Katulad mo nagkarelasyon at umibig din ako sa may karelasyon na. Hindi lang bf, may asawa pa. Panget, hindi ko pinagmamalaki. Pero ganun talaga. Nadadarang tayo. Ang mahalaga, natututo tayo sa pagkakamali naten.

God Bless pre!

Anonymous said...

tamah! bata ka pa nga. Sabi nga nila (at paulit-ulit pa na cliche na tuloy ang dating), wag mo daw hanapin ang pag-ibig. Minsan may mga bagay na hindi natin nakikita kasi iba ang hinahanap natin, iba a ating akala.

haha. in pernes, medyo natamaan ako dun sa unang part sa post. Grabe naman yung text, ume-Fc naman. Okey lang pag sa blog nagko-comment. Kung nahanap ang fb account, i-a-add ko pero pag di na-accept okey pa rin. May kanya-kanya naman tayong buhay.


following this blog na. :D

Bino said...

sabi nga sa kanta, wag hanapin ang pag-ibig, ito'y darating. sa edad mo'ng yan, marami pang darating sa buhay mo na akala mo siya na, hindi pa pala. basta mraramdaman mo na lang bigla na ang tao'ng un ang mamahalin mo habang buhay. medyo may sense ang komento ko ngayon noh? lels

Lhuloy said...

:( kua kiki...nakikiramay pu ako...sana dumating na tlaga sayo ang totoo mung soulmate...yeah mahal mu nga sya pero sana wg mu isara ang puso...magmhal k ng iba...bata ka pa ika nga nila...

aja lang pfu!!
kaya u yan,,, (Oo,)

YOW said...

Uy, kahit emo nagustuhan ko ang lumang style mo kung ganto ka nga noon magblog. Hihi. Gusto kong rumelate, anu ba yan?! Mga babae talaga, ginagamit lang tayo. Haha. Bata ka pa naman Kiki, fresh na fresh na Kiki ka pa kaya kalma lang. At least nagkachance ka pa rin na iparamdam ang elabs mo sa kanya, yun pa lang panalo ka na. Kung di ka niya minahal pabalik, wala na tayo magagawa diyan. Kesa naging panakip butas ka da ba? Syet. Sumeryoso din tuloy me.

Diamond R said...

Mas magandang habang bata ka pa eh maranasan mo na lahat yan para pag dating ng araw hinog na hinog ka na. Ganon lang ang buhay. Wag lang mawawalan ng pagasa gawin ang tama.

LordCM said...

malay mo pre, in the end kayo pa rin! :)

Ang akala ko may kasama na ako sa nagsasabing ang pagkakaroon ng blog ay hindi ibig sabihing malaya kang makakapagsulat, yun kasi ang feeling ko ngayon sa blog ko, di ko masabi lahat dahil may mga mambabasa...wala pa rin pala! lolzz

Madz said...

sana lang mapanood ko na yung sa youtube :))

wala na kong masabi kasi nasabi ko na ata sa'yo lahat eh..hahaha

Anonymous said...

hay naku kiklabotz, ganyan ang buhay.. bata k p naman eh, marami k pang pagdadaanan s life.. natawa ako don s maagang lumabas sa puso mo.. hnd kayo para sa isa't isa kaya gnon..

haha! natawa ako sa last part.. marunong ka nga magmahal..

khantotantra said...

personally kiki, sa tingin ko ang experience mo ay di pa talaga matatawag na 3rd party kasi naging sandalan ka lang nung nagkaproblema yung mahal mo at ang mahal niya.

It hurts talaga na ang mahal mo ay may mahal mong iba pero minsan kailangan lang talagang pakawalan.

isa to sa pinaka-serious mo atang post na nabasa ko.

Jam said...

Meyyyyyyy ganownnnnnnn...hehehe! pinatatawa lang kita....basta maniwala ka pa rin sa kasabihang kapag sayo talaga babalik at babalik yan...parang utot kahit ilang beses mo man palayain yan me babalik pa rin sayo para masinghot mo hahaha! ganyan ang LOVE...kaya BES wag ka ng magpakaemo tataba ka lalo sige ka! Mis U Bes!

musingan said...

ito na naman ang kwentong nakaka...

anyway.. don't look for the love....

"Your story may not have such a happy beginning but that doesn't make you who you are, it is the rest of your story, who you choose to be."

Rico De Buco said...

marami pa jan tol..im sure kayang kaya mo iyan..ikaw pa, kilabotz ka nga di ba hehehe.. be hapee smile!!!


( ^____________^ )

Unknown said...

We can inspire people but touching lives- not their private parts.. LOL

Wag masyado seryoso, bata ka pa.. Mag jajakol kapa ng million millions of times, at mabuntis mo pa ang mga cockroaches.. hahahahahaha..

Anonymous said...

guys maraming salamat sa suporta, hnd po ako nag eemo. actually ang love story namin ang isa sa pinaka masayang love story ng buhay ko. pero xempre kapag mahal mo yung isang tao..kapag alam mong nahihirapan na siya dahil sayo. kapag wala na talagang ibang paraan. kailangan mo na siguro siya pakawalan. sa uulitin. maraming salamat sa inyo ^_^

kikilaabotz

Unknown said...

ang daming emosyon ang naranasan ko sa pagbabasa nito, natawa, medyo nainis at halos maiyak.

Tama na muna na lumayo ka wag pilitin ang hindi pa pwede. Sana soon makahanap ka ng hihigit pa sa pagmamahal na yan at sana yung tao na yun ay mamahalin ka higit pa sa kaya mong ibigay.

God bless kikilabotz...

krn said...

sana naman mabasa ng iyong sinisinta ito kasi its so very sweet and touching!

mahahanap mo rin ang totoong soulmate mo. pustahan!

EMOTERA said...

Mas maganda kung maghihintay ka. Nandyan lang yan kulang nalang ng pana ni kupido or hintayin mo pagdating ni Ted Hannah para sa susunod na bibigyan mo ng pagmamahal.

Minsan kasi nakakapagod din maghanap.

salbehe said...

Sa susunod na magkikita tayo, hindi ko na tatanungin. Alam ko na.

glentot said...

Pukimuuuu Gaspaaaaaaaaar! Puno ng kalandian ang post na ito hehehehe inlab na inlab lang may pinopormahan ka na naman at gusto mong magpa-impress no? hehehehehe kung sino man yan suportahan ka namin.

Roy said...

very good story of yours.

kinikilabutan tuloy ako, hehehe

morning pre.

PABLONG PABLING said...

ang pogi mo kikilabotsss;
pero tama, bata ka pa.
madami pang isda sa karagatan.
-saka ang mga babae pare wag mong sinasaktan kase ang mga yan dapat diyan minamahal

kikilabotz said...

salamat ulit sa pagcocomment..mga kaibigan. hehe.

@glentot-pakyu ka, hahahaha. nagpapakaanonymous ako banggit ka ng banggit. nyahahahaha

Anonymous said...

Akala ko, funny post to.. Seryoso pla. hihi..

Awww... tsk. Okay lang yan. I can relate. Minsan talaga, masarap ang bawal. LOL.

Seryoso. darating at darating din ang tunay mong soulmate, Kiki. Malay mo, andyan na sya sa paligid, hindi mo lang alam. :)

Master Guids said...

Hello. Touching naman at daming nakaka-relate.

Okay, my advice is that hayaan mo siya na bumalik sa BF niya if that's the way to make her happy. Sino namang tao ang gustong makita iyung taong gusto nila na malungkot? As for you, let time do it for you to let her go. Hindi naman necessarily kalimutan pero let the pain heal first.