Friday, December 17, 2010

PEBA ng isang inosente

"ano bang nangyayari sayo?"

" wala kang pakialam!"

"hindi kita maintindihan eh!"

"Kailan mo ba ko inintindi!?"

"Diretsuhin mo nga ako! Dahil hindi ko kayang basahin kung anong nandyan sa utak mo. Kung galit ka sabihin mo sa akin, sabihin mo sa akin kung bakit! Kung nasasaktan kita sampalin mo ako! Sige, gantihan mo ako! Matatanggap ko lahat dahil kaibigan mo ko eh …"

"Yes kaibigan mo ko … kaibigan mo LANG ako … And that’s all I ever was to you Ned – you’re best friend. Takbuhan mo kapag may problema ka … Taga-sunod … Taga-bigay ng advice … Taga-enroll … Taga-gawa ng assignment … Taga-pagpatawa sa iyo kapag nalulungkot ka … Taga-tanggap ng kahit na ano … And I’m so stupid for making the biggest mistake of falling in love with my best friend … Dahil kahit kailan hindi mo naman ako makikita eh … Kahit kailan hindi mo ako kayang mahalin na higit pa sa isang kaibigan "


Yan ang eksena sa pelikula  nina Marvin at jolina  habang pinapanuod ko sila sa bus na sinasakyan ko papuntang PEBA sa may Greenhills.

Actually bago ang lahat, Nahirapan akong maghanap ng susuutin. Sa sobrang hirap muntik na kong pumitas ng dahon ng halaman na kagaya ng personality ko. " MAKAHIYA". shy type kasi ako. hehe. Now you know.

Maaga akong nakarating sa Greenhills. Wala pa rin yung mga makakasabay ko na sina kumagcow, pusangkalye, unnie at hartleschiq. Kaya tumambay muna ako sa mall. Ang daming Seksi! Angpupu!Yung mga legs nila parang may nakakabit na ilaw. Nakakasilaw.  Hindi pa ako kumakain pero busog  na busog na ako. Parang gusto ko ngang tumambay na duon habang buhay. Pero dahil maabait ako at  hindi ako magpapadala sa tukso. Ipinikit ko ang mata ko. at ibinulong sa sarili ang mga katagang .. .

"Oh tukso!  oh tukso layuan mo ako please......... para maghabulan tayo. hehe"


Sa wakas at nakarating narin ako sa teatrino promenade. Dun na kami nagkita kita nila mads, unnie at anton. Syempre picture picture muna. Aanuhin pa ang camera kung hindi naman gagamitin. Tapos na meet ko si johna. Nagusap kami. English. Buti na lang may lagi akong  may baon na english sa sicret pocket ng brief ko. Kaya sa kada usap namin sinasagot ko siya ng  "how about you?" . Naalala ko nga nung sinabi niya.

" were friend at facebook right?"
sinagot ko naman ng " how bout you"?

 hehe. anyway nice meeting you johna. Next time hindi na ko mauubusan. promise.

Pumasok na kami sa loob. Habang hindi pa nagsisimula ang program. Naguusap usap muna kami. Nagulat ako kasi biglang iniabot ni mads ang 500 pesos. gawin ko daw siyang hottest blogger of the year. Tinignan ko siya sa mata at umiling. Binalik ko sa kanya ang inabot na pera. at sinabing

'' Kulang pa ng 7 pesos pamasahe. Dagdagan mo pa please" hehe. (joke)


Sinimulan na ang awarding. Isa -isa tinawag ang mga nagwagi.  Sa kada pangalang nabanggit hindi ko nakalimutan pumalakpak. Isang karangalan ang mabigyan ng pagkakataon na mapanood ang isang grupo ng mga tao na may iisang layunin ang makatulungan sa mga kapamilya nating ofw. Lalo na at isa lang akong simple at hamak na kamukha ni Coco Martin. Mula simula hanggang matapos naging masaya ang programa. Napaka successfull ng event. Sa sandaling oras na nanduon ako. Ang dami kong natutunan.


Pagdating ko sa bahay maluha luha ako. Siyempre talo eh. Sayang pamasahe. Dapat pala tinanggap ko na yung pera na inaabot ni mads. hahaha. joke. Ang sarap pala  sa pakiramdam. Hindi man ako nanalo, panalo na rin ako sa sobrang saya ng experience no ito. Anyway sumali naman ako para mapakita ko ang suporta ko sa mga kapamilyang OFW. At kinagagalak kong sabihin na nagtagumpay ako. Pero sayang talga yung cellphone. hahaha.

ito nga pala ang list ng mga Nanalo click here
congrats sa lahat ng nanalo.

Siyempre kelangan magpapicture sa nanalo. Look oh? We have something in common ni father. pareho kaming mabait. ^_^ yebaaaaaahh



eto po yung mga pics. Tignan niyo po ang talent ko sa photography





ate unnie bkit ka humarang yung nasa likod mo yung kinukunan ko. wootwoowww.


ate ro anne esmileeee. hehehe.

hahaha . Kahit sa picture lang, Kahit sa picture lang maramdaman ko ang mahiwagang plato. kunyari panalo

may nagiiyakan! pero meron ding nakikisilip. hehe. sali daw siya

Fliptop battle
Midnight driver vs pusangkalye. 


kumagcow. pasensiya naman.  Hindi mo kasi ako tinuruan magfocus sa camera eh. sayang ang wacky mo

now i know kung bakit M(.)(.)D swings






yung ibang picture po pkihintay na lang sa fb. hehe.











          

38 comments:

khantotantra said...

may fliptop battle pa sa PEBA awards. :D

Dapat tinangggap mo na yung 500, pamasahe din yun.

Jepoy said...

natawa ako sa sinabi mo kay MADZ ahahaha. LOL

Congrats sa lahat ng nanalo, Kayo na!

Xprosaic said...

aw! Saya niyo naman! hayz... i hate my job! lol

Bino said...

talagang nagfocus sa mga girls o! hehehe. di ko kayo masyadong nakausap

EngrMoks said...

hahahah... kahit sa Picture lang nakahawak at mukhang nanalo..saya nyo tol... next year aattend na talaga ako...

gillboard said...

ang saya naman ng blog event ninyo. congrats sa mga nanalo. at nominado. :)

p0kw4ng said...

wow mukhang ang saya saya! nagkita kita na sila! hihihi

congrats sa mga nanalo!!

2ngaw said...

Hehehe bigla naman akong napatawa si hitsura ni unni lolzzz

congrats pa rin parekoy dahil nakasama ka sa mga nominee :)

Anonymous said...

taragis bat mo pinoste yang pic ko hahahha,,,
delete i hate you,,d na kita dadalhn ng pasalubong pagbalik ko ng kamaynilaan sa january bwahahha


-unni-

Ungaz said...

e bat ba ung mood swings ganon?hahahaha!!!kala ko hottest bloggers ang post mo sa mga pics e...di ka man nanalo ngayon, malay mo sa susunod madali mo na..hehehe!

-=K=- said...

Wow andito na si roanne! Ang saya naman ng mga pics nio :) Bad si Midnyt Driver nakalimutan ako itext. Sabe ko pa naman sasama ako sa PEBA. Hehehe! Natawa naman ako sa sabe mo kamuka mo si Coco Martin. Pero alam mo Marvs, mas gwapo ka dun! Yun o! :)

Anonymous said...

ayoko sanang magcomment pero hindi ko mapigilan...

langya ka Marvin, ikaw kaya ang nagprisinta na gawin akong hottest blogger of the year :)) BUSET!!!

at dun sa huling comment mo... NOW YOU KNOW!!! LOL

nice meeting you kikilabotz, sana next time makahiya na ha!hahaha

bulakbolero.sg said...

ayus yung mga larawan. mukhang professional na taga kuha ng stolen shot. lol

Pao said...

Hahaha. Lakas!Ayos lang kung talo. May next time pa! =))

BatangGala said...

simula umpisa hanggang sa matapos akong magbasa, nakangiti ako ng bonggang bongga. nakakatuwa, and parang ang saya ng experience. :D

Anonymous said...

kung nakakamatay lang ang inggit, malamang naaagnas na ko. LOL!

congrats to the winners! sana next year maka-attend na rin akooooo!!! :D

Anonymous said...

naks pumopolo ng islong sleeves na nakatupi oh!panalo ka na sa attire!

Jag said...

kaya pla nung madatnan kita eh parang ok na ok ka na sa kinauupuan mo kasi napapagitnaan ka ng mga mgagandang babae hahaha...nice meeting you Marvz though we didnt talk that much hehehe...

Anonymous said...

ayan next year sasali na ako dito.. wahehehe taas ng pangrap.. hahaha

The Gasoline Dude™ said...

Natawa ako sa 'How about you?'. LOL! Dialogue ko din kasi 'yan kapag wala na akong masabi. Haha. :)

Congrats sa mga nanalo sa PEBA, lalo na kay Roanne. (Siya lang ata kilala ko sa mga nominado.).

Parang ngayon lang ako naligaw dito sa blog mo...

YOW said...

Haha. Hayaan mo na, ang porma kaya nung event. Parang ang sarap pumunta. Pwede ba yun kahit dika sumali? haha. Congrats sa lahat ng winners. Winner kayo!

Kosa said...

ang saya naman nun!

teka parekoy,bakit ikaw lang? asan si glentot at si Jepoy? hehehe..

ahhh yun ba ang dahilan kung bakit sa isang banda ng wento mo eh maluha-luha ka? hehe

Renz said...

Nice naman :]
natawa ako ng sobra sa intro mo :] hehe
sana sa mga susunod makaharap ko din kayo tapos tatalikod ako. joke :]

J. Kulisap said...

Maligayang Pasko Marvz.

Sa iyong pamilya at sa lahat ng mga mahal mo sa buhay.

:)

kayedee said...

shtness!!!!! putris k tlga marvz!! ako n prang tanga kkatawa s mga pix lalo ung ky unnie (sori ter) ahahha, at mas lalo ung sa naklasilip!!!! nyahahahahalolz!!!

glentot said...

Hayup ka pati sila Marvin at Jolina kinasangkapan mo hehehe magandang intro yan ah!

First off, congrats sa mga nanalo na mga kakilala ko, you guys make me proud that I'm part of your circle!

At ikaw naman Gaspar, may future ka sa photography.

Traveliztera said...

highlight : gusto mo lang makakita ng nakakasilaw na legs--kahit sa pictures nagnanakaw ka sa mga walang kamuang-muang na babaeng naglalakad ... haha

chingoy, the great chef wannabe said...

naks... uma-awards night ang kilabotz hehehe
parang oscars lang

Axl Powerhouse Network said...

whaha ang kulit ba,,,, lalo yung mga wacky pics hehehe :D

MiDniGHt DriVer said...

yun oh.. tae na yan, fliptop battle kami ni pusang kalye.. hahaha..

at gaya mo, naranasan ko rin humawak ng plato.. hehe

pusangkalye said...

hahaha--at talagang nagmukha tuloy kaming nag aaway ni midnight driver. ito talaga si marvin kung anu anu pinopost.lol

Pamela said...

pano yan di naman kita ka-fb, di ko makikita? hahaha

by the way, nice meeting you. :)

Superjaid said...

naksmile ako all through out your post kuya your so funny!^^ anyway..buti ka pa nakapunta ng awards night tsk hate school!hehehe

congrats sa mga nanalo..congrats din kuya ang galing mo sa photography!hahaha

Mitchie said...

`hahah . kaadikan mo kuya marvz :)
kulit ng mga pics .. saya nio ah ..
kayo na ! :)

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

hahahaha, may pix pala ako dito. buti na lang nag-check ako ng mga ka-exlinks ko.

tama ang caption natin. mababait. hahaha. pwede kang pumasang mukhang seminarista.

mabuhay ang peba!

len said...

besfren, congrats! kita tayo next PEBA! lol

Tom23 said...

Musta po? Paexchange links po, http://whatsup-raffy.blogspot.com/ naadd na kita sa site ko hehe. Merry Christmas!

salbehe said...

Teka teka, pare pareho pala tayo nila Fads na mabait. Hihi!