Wednesday, November 17, 2010

Ang Hirap sagutin

ayoko na ayoko na ayoko na.Hirap na hirap na talaga ako. Marami na ang nakakapansin na wala ng kasense sense ang mga pinopost ko. nasasaktan ako. durog na durog ang puso ko. kaya ngayon mag popost ako ng nakakainspire.

lately may mga  katanungan na bumabagabag sa aking kaisipan.Tatlong katanungan na kasing hirap ng tanong na kung ano ang nauna, itlog o manok. Kaya nagresearch ako. Nagsaliksik. At pinilit alamin ang mga kasagutan.

Tanong number 1,

ano ba talga ang bearbrand? choko na gatas o gatas na choko? Matagal tagal na akong affected sa commercial na ito. Kaya naman para matapos na ang  lahat. Pumunta ako sa kusina. Binuksan ang lata ng bearbrand. itinimpla. Tinikman. At dahil sa gusto ko pang manigurado. tinikman ko muli. Ganon talaga. Iisa lang ang nalalasahan ng aking dila. Kaya kumuha ako ng isang kaperasong papel at isinulat ko dito ang katagang "Gatas na choko" at idinikit sa lata. Nakita ako ng pakialamera kong kapatid at nagtanong na

"papaano magiging gatas na choko yan? eh sustagen laman niyan!?Boplaks?"

Tanong number 2

Ang pangalawang tanong ito ay para sa aming mga kalalakihan. Papaano mo kakamutin ang yagballs mo kapag nangangati ito at nasa harap ka ng maraming tao. Sa mga pagkakataong ganyan dapat maging handa. Dapat lagi kang may armas sa oras na ganito. On my way sa trabaho. nakasakay ako ng jeep. Puno ng pasahero. Sisiksikan. Katabi ko ang isang babaeng maganda ang future kaya medyo nakakomang yung siko ko. haha.joke lang. Nang bigla na lang may naramdaman akong kumagat sa aking pinakakaingatan na betlog. Malamang isang langgam na  nagpapakasasa sa tamis nito. Hindi ako mapakali. Unti unti akong pinagpawisan. Hanggang sa hindi ko na natiis. Kaya kinandong ko na ang dala dala kong back pack. at dahan dahan ko itong kinayod sa aking maselang parte ng katawan.  angggg SARAAaaaaaapp!! oh yeaaahh.  At simula nun. muling bumalik ang tamis ng aking ngiti.

Tanong number 3

Marami ang nagtatanong kung bkit daw pito ang kulay ng rainbow.  Baka daw dahil  pito rin ang araw kada linggo. Sabi naman ng mga sobrang mga matatalino eh dahil daw ito sa white light na  nagmumula sa araw na nahahati ng spectrum. Spectrum na dulot ng hamog ng ulan. Pero matapos ang walang pagod na pananaliksik. nalaman ko rin ang kasagutan

iclick para malaman ang kasagutan


Matapos kong itong post na ito. ako ay muling naliwanagan. Parang isang bata na muling nasikatan ng araw matapos mabasa ng ulan. Pinupulmunya. hahaha

Sana ay nainspire ko kayo sa post kong ito. hehe. pwede pong magmura . hahahaha.

55 comments:

EngrMoks said...

Hahaha naalala ko tuloy yung nasa simbahan ako noong linggo lang, nangyari sa akin yan, ang makagat ng maliit na langgam sa pinakaiingatan kong kayamanan...hirap tol..kasi halata ako...ang bagal pa matapos ng sermon, kaya kumuyakoy na lang ako...

YOW said...

Mahirap nga yang atakihin ng kati sa publikong lugar. Kamutin na lang ng patago at konti konti para maibsan. Haha. Ang seryoso ng post na to and it made me realized my worth. Grabe. nakakaiyak. PAMBIHIRA KAAA! Haha.

Pinoy Adventurista said...

wahahahaha!!! ang kati!!! kaso dito me ofis eh... lolz!

Diamond R said...

nakakatawa naman ang post mong ito kilabotz at yong tatlong nag comment lalo pa akong natuwa. Ok dagdagan ko lang dito sa Middle East or UAE na lang di mo na kailangang tumago pag nangangati ito dahil 90 % ng mga tao dito pakistani kahit sa harapan ng boss mo or kahit na sino kinakamot nila yan ng parang wala lang. Imagine mo na lang ng isang buwan na di yata naligo or naghugas ang mga yan.normal lang sa kanila ang gawaing yan.

Leemi said...

mas mahirap naman kung girl yung makagat ng langgam sa ganung taxi ride... ahahhaha

angtagal kong absent dito sa blog mo :)

A-del-Valle said...

sakit sa ulo!! lol!! pareng marvs pa update ako sa link dito ha kasi na change ko na to http://iamemoterongbulol.blogspot.com/

ty parekoy!!

Lady_Myx said...

O.O

chong naman! :P

LOL @q#2. Madami akong nakikitang ganyanin, di na nahiya, sa mall ko pa nakikita, at nasa grocery store pa.


natatawa ako sa mga pinagpopopost mo, pd ba kitang maging crush? :D

:D

kayedee said...

another site marvz??? susme! ikaw na!!!
ooist!!! ikaw ha,,, hulsam k nman nuong naging bestfren kita! anong nangyri sau?? nasaniban k ng anong spiritu? ehehhe

Anonymous said...

Hello, kikilabotz.. natawa ako nang todo dito sa poste mong to.

So yun ba ang final answer? Ang Bear Brand ay "gatas na choco".. Ows? Di nga! (kinontra?) Hehe.. Okay na sana ano? At ease na.. kumbaga, na solved na yung mystery.. And then, umekstra ang kapatid.. Ay nakow? Pak! Haha..

Sa 2nd question, now I understand.. So ganun pala. Yun pala ang isa pang gamit ng backpack.. para matakpan ang ginagawa.. LOL. It really makes sense. Hehe..

And the third? You're perfectly correct. Bakit nga ba pito lang? Simple question, uber simple answer. Hehe..

Nice, Marvin!!! Bravo! *applause

Di ako magmumura kasi I lLove this post.. Naks! PAK!

Ungaz said...
This comment has been removed by the author.
Ungaz said...

Educational....i like et!!!hahaha!!!ang tanong naman ngayon na di ko masagot..ANO NAKAKAIYAK DITO???!!!(FB)Langya kang bata ka!hahahaha...

Renz said...

HAHAHAHAHAHA.
o cge hindi na 8 ang kulay ng raindow dahil sa spectrum na yan. Nice naman sumasayans ka na rin.

At sa tanong number 2, para-paraan lang yan. Pero pramis nakakataranta talaga yung mga ganyang pagkakataon. XD
patawa toh XD

Anonymous said...

weee... ang sagot ko... takpan ang ulo kamutin ang betlogs o diba.. wahehehehe...

khantotantra said...

ang katiiiii :p

nakakaaliw naman ang mga katanungang bumulabog sa isip mo.

Kanya-kanyang strategy ang kamot mode pag kinakailangan. Diskarte ang mahalaga :D

Anonymous said...

hehe, ganda ng post! share ko lang, dito sa lugar ko, keri lang ng mga tao kung kumakati ang yagbols nila: kamuteen wherever you are!

Steph Degamo said...

first time ko dito and super natatawa ako sa post mo. grabeh, naaalala ko tuloy yung teacher namin sa philo na super crush ng classmate ko. habang nagd-discuss, pinasok niya yung 'sang kamay niya sa bulsa and yung other sa may zipper. and since pareho kami ng cm8 ko na nakaupo sa front, kitang kita talaga ang secret ni ser. kaya naman, agad agad, knock out ang pogi points ni ser. hahahaha

-ssf- said...

haha...megapindot pa naman ako wala pa lang kwenta ang sagot...

kaya di mo ko makita kasi SFF ang hinahanap mo hehe

Kuhrach said...

pwede bang magmura?

pakingsheeeet! namiss kita!

apir kapatid!

bulakbolero.sg said...

lol. talagang may ganitong mga katanungan?

namiss ko bigla ang sustagen. uso pa pala yon.

glentot said...

Putangina! Joke hehehehe. Nakaka-inspire nga. Parang na-inspire akong mag-katol. O kaya rugby. Salamat sa napakagandang insight kung paano kumamot ng bayag sa jeep. Akala ko ang isasagot mo eh ginamit mo yung kamay ng katabi mo hauuup hinipuan mo na nga binarubal mo pa hahahahahaha!

John Bueno said...

I feel so violated pagkatapos kong basahin ang post na to... LOL

Axl Powerhouse Network said...

"papaano magiging gatas na choko yan? eh sustagen laman niyan!?Boplaks?"<< ayy yun lang... di ka kasi nagbabasa ng label eh heheh...
Ang pangalawang tanong ito ay para sa aming mga kalalakihan. Papaano mo kakamutin ang yagballs mo kapag nangangati ito at nasa harap ka ng maraming tao. << whahaha lol trip yun ha... boyscout na boyscout ang dating hehehe..
Tanong number 3 << whahaha kala ko naman... may malalim na rason.. whaha lol..

MiDniGHt DriVer said...

walangyang sikong komang na yan.. hahaha.. adik! hehehehe

Pen Ginez said...

ahaha.. inspiring.. nakakainspire para mang-upak kung seryosong tao ang kausap.. wiw!! wala naman sigurong ganun nu?:)

Anonymous said...

sobrang nakakainspire ang pagkamot mo ng betlog sa jeep!alam mo ung ginanahan ako magaral sa sobrang pagkainspire!

naiiyak na me...kakatawa..amp.buryong lang!

Dhang said...

pagkabasa ko ng title ng post mong 'to, unang pumasok sa isip ko 'yung commercial ng nescafe.. "ikaw para kanino ka bumabangon?" mahirap din kasing sagutin. hahaha! madami akong pinagpipiliang sagot. hehe.

Dhang said...

at panalo, tawa ako ng tawa sa post mong 'to.. lalo na sa gatas na choko! :)) panira ng moment kapatid mo! haha!

kikilabotz said...

@ moks- hahaha. sayang maliit lang na langgam. sa akin hantik. hahaha

@yow- ako nga rin narealize ko mahalaga pala tayo sa mundo. tang ina. hahahah

@mervs- kamutin mo na kasi. wag n magpigil. hahaha

kikilabotz said...

@diamond r- hehehe. eh ikaw kuya gumaganun k rin? aminin? haha

@leemi- oo nga ang tagal mong absent. hehehe. apir! nakagat k n rin po b ng langgam? haha

@poy- walang problema parekoy

kikilabotz said...

@myx- uhm pagisipan ko po kung pwede. hahahaha

@leah- bwahaha. yan hidi k n una. hahaha. uhm opo pkialamera talga yung kapatid ko n yun eh. sayang kala ko nasagot ko na ang misteryo. hehe. PAkPAKPAK

@tungawski- ang nakakaiyak dito? uhm kasi pagkakoyod ko ng backpack ko. nagsugat. hehehe. nakakiyak talga. haha

kikilabotz said...

@ renz - paano k magkamot? hahaha. haha.

@kikomaxx- tama para hindi ka mkita. hahaha

@khantotantra- hahaha. pano b ang tamng diskarte?

kikilabotz said...

@partofyou- hahaha. huhulaan ko sa middle east k noh? hahaha.

@ester- salamat po. hahahaha. wushuuuu. sinisilipan mo lang ata talga yung sir mo. kunwari ka pa. hahaha . joke. salamat po sa pagvisit

@ssf- wahahahaha. xensa nmn nalito lang po kasi. hahaha

kikilabotz said...

@kuhracha- miss k n rin nmin dito sa blogworld ate kuhracha. ahaha

@bulakbolero- uso pa dito yun. premium para sa iyo bulakbolero. hahah

@glwntot- salamat at nabigyan ko ng inspirasyon ikaw. hahahahaha. muntik ko n gawin yun. hahaha

kikilabotz said...

@john- bwahahaha. sorry nmn. hehe. hinahanap k n ng chiks mo

@axl- salamat sa apgcomment sa tatlong kasagutan. at sana ay nalinawan ka at nalinawagan. hehe

@ronster- bwahahahahaha. talgang siniseryoso ang pagmumura. hahaha.

kikilabotz said...

@ midnight driver- wahahaha. alam ko ganun k din dati. hahahaha. joke.

@pen- napaka dami kaya. hehe. hnd mo lang alam at hindi mo lng napapansin.

@greta- hahaha. wag k na mag aral. suusss. kayang kaya mo nmn iperfect ang exam. haha.

kikilabotz said...

@ dhang- hahahaha salamat at natawa ka. oo nga eh, kala ko pa naman sikat n ko. hahaha

Anonymous said...

dahil pwede daw magmura...

tangina this.

hehe

Xprosaic said...

partida! di ka pa nagkakatol o nagcough syrup nyan... lol....

Phenylpropanolamine nga! yung maraming marami! lol


wv: sakerr -> wala akong kinalaman sa word verification... lol

Pao said...

At angdaming bumabagabag sa buhay mo ah. haha. Tanong number 2, it varies. hehe

Don Dee said...

Very funny post! :)

daphne said...

Natawa aq sa beerbrand. .Even me, affected aq sa commercial lol ngati talaga hahah ew! joke part of growing up tsong. Dropping by for the first time and I enjoyed here

elpi said...

bwhahahaa nakarelate ako sa pangangati. I remember mmmmmm wala, never mind Galing ng pagkasulat pare, nag enjoy ako:)

Poldo said...

Nawala ang homesick ko nung nabasa ko ang mga inspirational entry mo Marvin..parang gusto ko nang umuwi hahaha..

sa pangangamot betlogans pwedeng magcross legs sabay kuyakoy.. woo sarap ng feeling wahahaha

Dhianz said...

nyahaha... lav d' answer... oo nga naman! geez! lol... graveh tagal kong nde nakadaan ditoh ahh.. adik adikan lang akoh non sa mga entries moh.. anyareh?... nawala kc akoh eh.. anyhoo... i'll try habang medyo nd if may time na maging update sa mga entries hanggang mag-hiatus na nemen... lol.. ingatz... Godbless! -di

p.s. natutunan koh maging pilosopo sa entry nah toh... lol.. eh actually may pagka na palah akoh non pah... =P at least may nainspired ka sa post moh... haha.. =)

p0kw4ng said...

naiyak naman ako sobrang seryus nitong post na ito!!!

at todo click pa ako sa link para lang mauto..ahahaha

Traveliztera said...

napakagandang paraan para umpisahan ang araw: basahin tong entry na toh.

haha.
GRABE LANG.

napaka...inspiring.
dahil dito, naniniwala na ako na ang chicken e iitlugan ka mamaya at tatamaan ka sa ulo. harhar.
hahaha nang-away!? hahahahha
joke lang.
natawa ako sa post na toh. :)) habang pnapatugtog ung themesong ng blog mo sa background hahahaha

Pong said...

tama naman kasi hindi walo los!

Jag said...

Inspiring!!! hahaha...ako pag kamot na kamot na ako ng betlogs ko in public pasimpleng nakapamulsa lang ako hahaha....

Steph Degamo said...

hindi ko alam kung san pwede magcomment regarding sa video sa taas. hahaha. parang si carlo aquino lang pag naka side view at parang naglalaro lang habang nagmamajik hahaha. akala ko kakanta ka friend :)

Oliver said...

langya, haha. may sustagen pa ba?
salamat sa tip kung panong kumamot ng betlogs sa jeep. e pano pag wala kang dalang backpack?
at ano ba ang tama, bagpack or backpack? ahhaa

Bino said...

sa totoo lang, ang bearbrand ay isang gatas na nilagyan ng tsokolate. bakit kamo? dahil unang nakilala naman talaga ang bearbrand bilang gatas. opinyon ko lang hahahaha. added na kita sa blogroll ko tsong. bino here sa damuhan.com

Anonymous said...

salamat sa very inspiring na post.

nga pala, nice meeting you parekoy!

at salamat din sa pag add sa FB.

more hottest bloggers list to come!!!

krn said...

nyahahaahahaha....ang adik lang!!

Joyo said...

ang bearbrand ay milk galing sa dudu ng cow!

anna banana said...

nag-enjoy ako sa blog na to... lalo na dito sa post mo. nadagdagan tuloy ang problema ko, sa halip na iniisip ko lng kung gatas na choco o choco na gatas b ang bearbrand, pati tuloy sustagen iniisip ko na din. hehehe. lav et!